THE BLOOMING ROSE (3)

Matamis akong ngumiti sa harap ng camera at inilagay ang kanang kamay ko sa ilalim ng baba ko. Panibagong pose ang pinagawa sa akin ng photographer na siyang mabilis kong ginawa.

"Perfect!" sigaw nito at kinuhaan ako ng huling shot ko. "We're done here, people!" dagdag pa nito at nginitian ako. "Good work, Denice!"

"Thanks," tipid na sambit ko at umalis na sa puwesto ko. Mabilis namang lumapit sa akin si Lester at inalalayan ako patungo sa make-up room na nakatalaga para sa akin.

"Ang bigat talaga!" bulalas ko noong mahubad ang costume ko at mabilis na naupo. "Iyan ba talaga ang susuotin ko during coronation night? Baka hindi na ako makahakbang nang maayos dahil sa bigat niyan!"

"Aayusin pa namin ito, Denice. Don't worry," ani Lester at inutusan ang ilang staff na itabi ang costume ko.

"Good! Dahil ayaw kong ipahiya ang sarili ko sa araw ng coronation, Lester. Masasambunutan talaga kita!"

Tumawa lang si Lester sa sinabi ko at tinulungan na akong alisin ang mga clips na nakakabit sa buhok ko. Noong mailugay ko na ang buhok ko, kumuha ako ng facial wipes at tinanggal na ang make-up sa mukha. Maingat ang pagpunas ko sa mukha at noong matapos ako ay nagbihis naman ako ng damit ko.

"Denice!" rinig kong sigaw ni Lester habang nasa banyo ako. "May naghahanap pala sa'yo kanina."

Napakunot ang noo ko at mabilis na tinapos ang pagbibihis. Lumabas ako sa banyo at nilapitan ang mga gamit ko.

"Sino raw?" Tanong ko at inayos na ang loob ng bag ko. I'm done for today. Gusto ko nang magpahinga.

"Hope? Iyon yata ang pangalang binanggit niya kanina," natigilan ako noong marinig iyon mula kay Lester. "Kakasimula pa lang nang shoot noong dumating ito."

Kakasimula pa lang namin? That was two hours ago! Crap! I forgot about him! Sa dami nang ginawa ko ngayong araw, nakalimutan ko ang usapan namin!

"Ang sabi niya'y hihintayin na lang niya tayong matapos."

Tamango ako dito at dali-daling ipinasok na sa bag ang mga personal kong gamit. Binalingan ko si Lester at nagpaalam na dito.

"Sandali nga, Denice," pigil sa akin ni Lester at pinagtaasan ako ng isang kilay. "Bakit ka nagmamadali diyan? Akala ko ba dapat naghihintay sa'yo nang walang reklamo ang mga lalaki mo?"

"Lalaki ko?" Gulat na tanong ko dito at itinuro ang sarili. Mayamaya lang ay natawa ako at mahinang tinampal ang braso nito. "Hope is not one of my boy toy, Lester. He's a friend."

"Kaya ka nagmamadali? To see a friend?"

"Well, for a change," nakangising tugon ko na siyang ikinatili ni Lester. Napangiwi ako sa tinis ng boses nito.

"Oh my G! Don't tell me...." aniya at itinuro ako. "No way, b!tch!" Natatawang dagdag nito kaya naman ay tinalikuran ko na siya. "Huwag kang magpapagabi, Denice! Don't forget may curfew ka!"

Napailing na lang ako at itinaas na lamang ang kamay at kinaway ito kay Lester! Bahala siya diyan!

Dali-dali akong lumabas sa silid kung saan kami nagphotoshoot para sa pageant. Pagkalabas ko ay mabilis na hinanap ng mga mata ko si Hope. And to my dismay, hindi ko ito nakita!

"Akala ko ba hihintayin niya ako," mahinang sambit ko sa sarili at napabuntong-hininga na lamang. Fine! Dalawang oras siyang naghintay kaya marahil ay nabagot ito. Umalis na at nauna na sa Magic Shop!

Nanlulumo akong humakbang na at napagpasiyahang sumunod na lamang dito sa Magic Shop. Bakit kasi napaaga ang pagsundo nito sa akin? Kung sana nagpunta siya dito minuto bago matapos ang schedule ko ngayong araw, edi sana hindi siya naghintay nang matagal! I sighed. Hindi ko talaga minsan makuha ang nasa isip ng lalaking iyon!

Nagsimula na akong maglakad ngunit nakakadalawang hakbang pa lang ako ay mabilis akong natigilan noong may pumigil sa akin at hinawakan ako sa braso ko. Gulat akong napatingin sa pumigil sa akin at natigilan ako noong mamataan ang seryosong mukha ni Hope.

"Pagkatapos mo akong paghintayin ng dalawang oras, iiwan mo ako? That's cruel, Denice," aniya at sumimangot sa harapan ko.

"Akala ko umalis ka na," sambit ko at napatingin sa kamay nitong hawak-hawak ngayon ang braso ko. Mabilis namang tumikhim si Hope at binitawan ako.

"Hindi ba puwedeng magbanyo habang hinihintay ka?" tanong niya at pinagtaasan ako ng isang kilay. Tipid akong ngumiti dito at tinanguhan ito. "Seriously? Ganoon ba ang rule mo sa mga boyfriend mo?"

"Correction. Ex-boyfriend."

"Wow," aniya at nailing ulit.

"Alam mo, ang dami mo na namang sinasabi! Tara na at paniguradong umuusok na ang ilong ni Selene ngayon sa Magic Shop," yaya ko dito at nagsimula nang maglakad.

"Give that to me," ani Hope at kinuha ang bag ko. Gulat akong napatingin sa kanya at napatunganga na lamang noong tuluyang makuha nito ang bag ko. "Ano bang laman ng bag mo? Ba't ang bigat nito?" Tanong niya at naglakad na rin sa tabi ko.

"Personal belongings," tipid na wika ko at hindi inalis sa kanya ang paningin habang tinatahak namin ang daan palabas sa building kung saan naganap ang photoshoot namin.

"Personal belongings? Dinala mo ba lahat ng laman ng closet mo?"

"Ang dami mong reklamo, Hope! Akin na nga iyan!"

"I'm just kidding, Denice. Magaan lang ito!" aniya at mas binilisan ang paglalakad. Lumayo ito sa akin para hindi ko makuha sa kanya ang bag ko! Talaga naman, oh!

I can't believe this man! Akala ko pa naman ay matino itong kausap. Naalala ko tuloy iyong nangyari sa mansiyon noong iniwan kami ng mga nanay namin. Nag-usap lang kami ng kung anu-ano at natigil lamang noong makabalik na sila mommy at Tita Jen mula sa lakad nila. Ni hindi ko na nga nagawa iyong dapat kong gawin sa araw na iyon!

Magaang kausap itong si Hope. May sense rin ang pinagsasabi. At minsan naman, ganito ang ginagawa sa akin!

"Iuwi muna natin itong mga gamit mo sa inyo," ani Hope noong nasa loob na kami ng sasakyan nito. Tiningnan ko ito nang masama kaya naman ay malakas itong tumawa. "Don't look at me like that, sweetheart. Nakakatakot ka."

"Talagang nakakatakot ako, Jarius Hope," sambit ko at mabilis itong hinampas sa braso. "And don't call me sweetheart! Umay ka!" Muling tumawa si Hope at nagsimula na sa pagmamaneho.

"Pero seryoso, iuwi na muna natin ang bag mo. Para naman wala ka nang bitbit mamaya pagkatapos natin sa Magic Shop. Paniguradong magiging abala ka rin dahil sa event ng shop."

Napairap na lamang ako dito at sinabihang bahala na ito sa gusto niyang gawin. He's the one behind the wheel. Siya ang masusunod!

Panay ang daldal sa akin ni Hope hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi na namin ipinasok sa garahe ang kotse niya at bumaba na kami dito. Siya muli ang nagdala ng bag ko at noong nasa main door na kami ay pareho kaming natiglan sa paglalakad. Agad kong inilahad sa kanya ang kamay ko at hiningi ang bag ko.

"Ako na ang papasok sa loob. Sa kotse ka na lang maghintay sa akin," malamig na turan ko dito at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Sigawan nila mommy ang bumungad sa akin noong binuksan ko ang main door. Mabilis ko naman itong isinarang muli para hindi na marinig ni Hope ang nangyayari dito sa loob.

"Jesus, Danny! Hindi ka pa rin ba titigil?" Sigaw muli ni mommy na siyang nagpapitlag sa akin. "Hindi ka ba naaawa sa akin? O, kahit sa anak mo na lang, kay Denice! Stop it before it destroys us!"

"Shut it, will you? Kayo rin naman ang makikinabang dito!" sigaw na sambit pabalik ni daddy kay mommy.

"Ni minsan ba tinanong mo ako? Tinanong mo kami kung gusto namin iyan? Hindi! Dahil ang tingin mo sa sarili mo ay tama lahat nang desisyon mo!"

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Here we go again. Another day, another shouting scene from my parents. Ngunit bago ko pa marating ang hagdan ay napansin na nila ang presensya ko. Mabilis akong tinawag ni mommy at pinalapit sa kanila.

"Come here, Denice," ulit na tawag nito noong hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.

"Kung magbabangayan lang din naman kayo sa harapan ko, mas mabuti nang hindi ako lumapit diyan sa puwesto niyo, mom," walang emosyong sambit ko na siyang ikinagalit lalo ni mommy.

"Anong sabi mo, Denice?"

"Alam kong narinig mo ang sinabi ko, mommy," sambit ko pa at matamang tiningnan silang dalawa. "Aakyat na ako. Iiwan ko lang itong gamit ko sa kuwarto at aalis din pagkatapos. Tutulong ako sa event sa Magic Shop."

"Tutulong? Denice, may mga tauhan tayo para gawin ang trabahong iyan. You don't have to work with them," ani daddy na siyang ikinatigil ko. "I'm working my as$ off para hindi ka na magtrabaho."

"Mas mabuti nang maging abala ako sa Magic Shop kaysa naman marinig ko ang walang katapusang pag-aaway niyo."

"Denice!" Malakas na sigaw ni Daddy sa pangalan ko. Bahagya pa akong napapitlag dahil sa gulat sa pagsigaw niya. "Saan mo ba natututunan ang pagsagot nang ganyan?"

"Dad, can't you see? Malaki na ako at may nang sariling pag-iisip. Alam ko na kung ano ang tama at mali sa paligid ko. And guess what? Ang walang tigil na pag-aaway niyong dalawa ay isa sa maling nakikita ko sa pamamahay na ito." Pabagsak kong binitawan ang bag ko at nagmartsa na palabas ng bahay namin.

Alam kong hindi sila titigil kaya naman ay mas mabuting umalis na lang muna dito. Mas mabuti pang sa Magic Shop na lang muna ako. At least doon, pamilya ang turing sa akin ng mga staff! Hindi kagaya sa bahay na ito!

"Denice!"

"Dad, tama na!" Mariing sambit ko bago pa ako makalabas. Hawak-hawak ko na ngayon ang doorhandle ng pinto at humugot ng isang malalim na hininga. Binalingan ko ang mga magulang ko at matamang tiningnan ang mga ito. "Kung hindi kayo titigil, ako ang aalis dito. Hindi ko kayang makita at marinig ang paulit-ulit at walang katapusang sigawan at sisihan niyong dalawa."

Kita kong natigilan silang dalawa kaya naman ay pinagpatuloy ko ang pagsasalita. Matagal ko nang kinikimkim ito sa sarili ko kaya naman ay sasamtalahin ko na ang pagkakataong ito para masabi sa kanila ang lahat nang sama ng loob na naipon ko sa kanila.

"Abala kayong dalawa sa kanya-kanyang buhay at trabaho niyo ngunit ni minsan ba ay naisipan niyong kumustahin man lang ako? Kung nahihirapan ba ako? Na kung kaya ko pa bang makipagsabayan sa standards na ibinibigay niyo sa akin?"

"You're smart and talented, Denice. Of course, you can do anything you want, darling." Ani ni mommy sa mas malumanay na tinig. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing umiling dito.

"I'm not smart, mom! Hindi ko nakuha ang mga bagay na mayroon ako ngayon dahil lang sa talinong mayroon ako! I worked hard to have all of this! I worked hard but you never saw it! Hindi niyo ito makita dahil ang buong akala niyo wala akong ginagawa!"

"Denice..."

"You're too busy to have everything you want without realizing you're losing me. Anak niyo ako, mom, dad, at hindi kasama sa asset na pinangangalandakan sa negosyo niyo," mariing sambit ko at mabilis na tinalikuran ang mga ito. Agad kong binuksan ang pinto at noong makalabas ako ay natigilan ako noong makitang nasa harapan ng bahay namin si Hope at tahimik na nakaabang sa akin.

"Natagalan ka kaya naman ay lumabas na ako sa sasakyan ko," maingat na sambit nito at bahagyang nginitian ako. Humugot muna ako nang isang malalim na hininga at nginitian pabalik si Hope. Mabilis akong naglakad papalapit dito at niyaya nang umalis.

Noong nasa loob na muli ng sasakyan nito ay tahimik lang kaming dalawa. Nakakabingi ang katahimikang namamayani sa amin ngayon kaya naman ay mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Calm down, Denice. Huwag kang magpapadala sa emosyon mo! You're stronger than this! You're better than this!

Mayamaya lang ay mabilis akong napamulat ng mga mata ko noong tumigil na sa pag-andar ang sasakyan ni Hope. Ang akala ko'y nasa Magic Shop na kami ngunit noong makita kong itinabi niya lang ito sa daan, napabaling ako sa kanya.

Taka ko itong tiningnan at noong bumaling na rin ito sa akin, natigilan ako sa uri ng tingin niya sa akin.

"It's okay, Denice. Ako lang ang nandito. You can cry if you want," mahinang sambit niya na siyang ikinagulat ko. "You can always show me your weakness, Denice."

"A-ano ba ang sinasabi mo, Jarius Hope? B-bakit naman ako iiyak?"

"Sometimes, it's okay not to be okay. Ayos lang na ipakita mo sa ibang tao na nasasaktan ka. Dahil sa totoo lang, nakakapagod din maging malakas," matamang sambit nito at marahang hinawakan ang kamay ko. "You really did a good job, Denice. You're strong, smart and of course, like you always bragged in front of my face, you're beautiful. But having those characteristics doesn't mean you don't have to feel fear, pain and even to feel disappointment to all the things around you. Tao ka lang din naman. May pakiramdam at napapagod din."

"Hope..."

"It's okay to cry. I'm here," dagdag pa nito at marahang hinaplos ang pisngi ko.

"Hindi ako iiyak," mahinang sambit ko at kinagat ang pang-ibabang labi. I don't want him to see like this! Dapat ang makikita lang ng lalaking ito ay iyong biatch side ko lang! Iyong lang at wala ng iba!

"You remember about the story of the rose with a hundred of thorns?" Tanong nito sa akin na siyang ikinatigil ko na naman. "You're like the rose in that story, Denice. Beautiful. So beautiful and it pains me everytime I'm trying to reach you. Because of your thorns. Your thorns keeps on blocking me." Ngumiti ito at marahang hinaplos ang mukha ko. At sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Pagod na ako, Hope," mahinang sambit ko dito. "Pagod na akong ipakita sa lahat na malakas ako, na kaya kong gawin ang lahat. Na kahit labag sa kalooban ko, gagawin ko ito at kakayanin dahil ito ang tingin at inaasahan nilang gagawin ko."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Mabilis akong napayuko at napasubsob sa dibdib ni Jarius Hope. At kagaya ng nais niyang mangyari kanina, umiyak ako. Inilabas ko lahat ng sakit na itanago ko ng ilang taon. I cried till my tears are done.

"In time, you'll learn to show your real self to others, Denice. Hindi lang sa akin, pati na rin sa mga taong tinuturing mong kaibigan at pamilya. Just like a rose, a beautiful rose, you'll bloom and everyone will witness your beauty. Your inner beauty."

"Will they still like me even when I'm weak?" Tanong ko dito at pinahid ang huling butil ng luhang nasa mata.

"Of course. You are Denice. The Queen. They will definitely like you no matter who you are. Pero huwag mo munang isipin ang bagay na iyon. Ang mahalaga ngayon ay makalaya ka. Free yourself, sweetheart. Don't cage yourself too much. Labas-labas din," aniya at nginisihan ako.

"Hope," sambit ko sa pangalan nito na siyang lalong ikinangisi nito. "You're ruining the moment," nakasimangot na sambit ko na siyang ikinatawa nito.

"I know, sweetheart. Pinapatawa lang kita. Alam mo namang gandang-ganda ako sa tawa mo."

"Whatever," naiiling na sambit ko dito at umayos na muli sa pagkakaupo. Kinalma ko na ang sarili ko at inalala lahat nang sinabi ni Hope kanina. Free myself. Free from pain, hatred and fear. Well, I can do it. I'm Denice and surely can do that!

"Let's go?" yaya ni Hope sa akin na siyang mabilis kong ikinatango. Ngumiti ito sa akin at nagsimula nang magmanehong muli. "Oh great! My friends will surely kick me when they see you! Sasabihin ng mga iyon pinaiyak ito!"

"You're the one who told me to cry earlier, so technically, you're the reason why my eyes are swollen."

"My bad," aniya at binalingan ako. Mabilis siyang kumindat sa akin at muling itinuon ang atensiyon sa pagmamaneho. "At least, I can hold you close now even with your deadly thorns," dagdag pa niya na siyang ikinailing ko.

Here we go again. His story about a rose with a hundred of thorns.

Mukhang kailangan ko nang isearch ang kuwentong iyon para naman makarelate ako sa pinagsasabi ng Jarius Hope na ito!


*** E N D ***

Edited!!!!

Next: JIMIN Story! (Sorry at namali ako sa pagkasunod-sunod hahaha)

Thank you so much, lovies! Borahae!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top