SPECIAL CHAPTER

Concert day.

Abala ang lahat ng staff sa loob ng silid. Panay ang takbo ng iba habang may dala-dalang gamit ng banda. Nanatili akong nakaupo habang hawak-hawak ang set-list nila ngayong gabi. Napangiti na lamang ako noong makita na kakantahin din nila ang mga luma at naunang mga kanta nila bago pa man sila makilala ng mga tao.

"Fifteen minutes!" Rinig kong sigaw ng isa sa stage manager ng BTS at kanya-kanya nang kilos ang pitong miyembro ng banda. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila at noong napabaling sa gawi ko ang lider ng banda, si Rio Martin o mas kilala sa pangalang RM, ngumiti ito sa akin at tinanguhan ako.

Gumanti ako nang ngiti sa kanya at kumilos na rin sa kinauupuan ko. Inayos ko ang suot kong blouse at tahimik na sumunod sa kanila.

Ilang taon na ba ang lumipas simula noong makilala ko ang bandang ito? Ilang taon na ang lumipas simula noong magtagpo ang mga landas namin sa university na pinapasukan namin? Six? Seven years? I already lost count! Hindi man naging madali sa kanila ang pagpasok sa industriya ng musika, ngayon ay hinahangaan na sila ng marami. Ni hindi ko lubos maisip na ganito na kalakas ang impact nila sa mga taong nakikinig sa musikang pinaghirapan nilang buohin noon.

"Franzenne." Napabaling ako sa likuran ko noong marinig ang boses ni Dee, isa sa kaibigan namin at matagal nang manager ng BTS. "Bakit nandito ka pa sa backstage? Magsisimula na sila!"

"Tiningnan ko lang sila, Dee. I just wished them luck," nakangiting sambit ko dito. "Ito na rin naman ang huling punta ko dito sa backstage bago ang performance nila."

Kita kong natigilan si Dee sa tinuran ko kaya naman ay muling ngumiti ako dito.

"I'm sorry. Forget what I've said, Dee. Come on. Let's enjoy their concert," yaya ko dito na siyang tipid na ikinatango nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tahimik na nakasunod si Dee sa akin.

Maingay na sigaw ng mga taga-hanga ng banda ang sumalubong sa akin noong makalabas kami sa pinto ng backstage. Instrumental music pa lang ang pinapatugtog mula sa naglalakihang mga speaker ngunit kung makapagjam na ang mga manunuod ay tila nasa entablado na ang pitong miyembro ng banda. They're singing like there's no tomorrow. They're singing till their hearts content.

Napangiti na lamang ako at tinungo ang upuang nakalaan para sa amin.

Mabilis namang bumaling sa gawi ko ang mga kakilalang nasa kani-kanilang puwesto na at binati ako. Kompleto ang mga mahahalagang tao sa buhay ng banda. Their girlfriends and their families. They're here and just like me, they've been waiting for this day.

Tila kahapon lang ay napakinggan ko ang unang kantang isinulat nila. At ngayon, mukhang ito na ang huling kantang papakinggan ko mula sa mga taong nagbigay sa akin nang pag-asa at pamilya.

"Franzenne? Nakikinig ka ba?"

Napamulat ako ng mga mata at bumaling kay RM noong magsalita ito. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"Don't tell me nakatulog ka?" Natatawang sambit ni Jin at ginulo ang buhok ko. "Hindi lullaby ang kantang iyan, Franzenne. Hindi dapat ganyan ang reaksiyong makukuha namin mula sa'yo!"

"Pinapakinggan ko ito nang maayos, hindi ako tulog, noh." Wika ko at inalis ang kamay ni Jin sa ulo ko. "This song... it's perfect." Komento ko at ngumiti sa kanila. "The beat, the lyrics, it's beautiful. One day, you'll surely be the biggest and brightest star in this industry."

"You think so? Kaya ba nilang gawin iyon?" It was Shine, isa sa tumutulong sa banda sa pagsusulat ng mga kanta.

"Well, they have the looks." Dagdag komento ni Dee sabay tawa at hampas sa katabi nitong si Vaughn. "Girls will surely love them."

"Girls?" Tanong ni Vaughn habang naiiling sa naging komento ni Dee sa kanila.

"Heart and music," sambit ko na siyang ikinatigil nila sa harapan ko. "They connect each others' perfectly." I smiled. Tiningnan ko sila at hindi napigilan ang pag-iyak. I can picture it perfectly inside my head! They will succeed. With the right promotions and company, makikilala rin sila.

"Franzenne..."

"I'm just happy." ani ko at pinahid ang mga luha. "Don't mind me! Kumanta na nga lang kayo doon!" Natatawang utos ko sa kanila at itinuro ang record room kung saan nila inirerecord and ang lahat ng kantang pinag-hihirapan nila.

"This is a trash, Franzenne!"

Nagpintig ang tenga ko noong marinig iyong mula sa ama ko. Nagtaas ako ng isang kilay dito habang pinagmamasdan ang pagkalukot ng papel kung saan nakasulat ang lyrics ng kanta ng BTS.

"You call this a song? Music?" Dagdag pa nito at itinapon sa mukha ko ang hawak-hawak nito. "Forget it. Hindi ko sila hahawakan. Hindi ko hahayaang sirain nila ang kompanyang ito."

"Dad, ano ba ang batayan mo sa musika?" I coldly asked my father as I started to pick all the music sheets he threw to me. "Sinulat nila itong basurang sinasabi mo sa kung anong gustong sabihin ng puso nila. Try to listen to their songs, dad. Their songs are masterpiece!"

"No. You can't change my mind, young lady. Now, leave and tell those boys to stop dreaming. Wala silang mararating."

Napaawang ang labi ko sa narinig mula sa ama. Ikinuyom ko ang mga kamao at matapang na tiningnan ito.

"Fine," ani ko at tinalukaran na ito. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas sa opisina nito, binalingan ko siyang muli. "By the way, I quit, dad. Starting today, I'm not part of your company. At tandaan mo po ito, isang araw, ikaw mismo ang lalapit sa amin, sa kanila. I'm gonna make them big that even a producer like you, a producer that can't appreciate the real music, can't handle."

They started from scratch. They started from nothing and now, look at them. They can sing their own songs till their heart's content. Nothing's change at all. I can still see the love in their eyes. The love that brought them to the top.

Ngayon, hindi lang kami na malalapit sa kanila ang nakakarinig at nakakaramdam ng mga kantang isinulat nila. Buong mundo na ang sumasabay at dumarama sa bawat lirikong isinasambit nila.

"You're in critical condition, Franzenne. The boys will surely understand."

Tahimik akong nakatingin sa bintana ng silid ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Lorreine, my personal nurse, sa akin.

"Franzenne..."

"Today's their first live concert, Lorreine. I do want to miss this day." Maingat na sambit ko at binalingan ito. "This is our dream. We all waited for this day," I sighed as I felt a sting pain on my chest. "I... I'll take my medicines. I'll listen to whatever the doctors will say, just... just let me witness their performance."

"At paano kung atakihin ka? Paano na ang mga pinaghirapan mo?"

"My heart will surely be fine, Lorreine." Ngumiti ako dito at inilagay sa may dibdib ang isang kamay. "This what I want to do and I know that my heart will be happy to hear them before my surgery."

Their music, songs and memories with them were my salvation. I almost lost my life during my surgery, and after my surgery, I was in coma which was very rare for a heart disease patient like me.

I left the country and lost contact with the boys. Hindi ko nasubaybayan ang bawat achievements na natamo nila sa larangan ng musika. Hindi ko sila nakasamang magcelebrate sa unang artist award na nakuha nila. Hindi ko nasabi sa kanila kung paano ako ka-proud sa mga achievements and blessings na natanggap nila. I wasn't there to cheer  and congratulate them.

I was just gone from their journey.

"Heard about the news?" It was Lorreine. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang nagbabantay sa akin. Ilang taon na rin ang lumipas simula noong umalis ako sa bansa para magpagaling. And now that I'm fully recovered, I wanted to see them again. I wanted to write and produce music again with them. I... I wanted to hear them sing, live, again.

"What news?" I asked her while I was busy scrolling down my feeds on my social media account.

"The boys are planning to disband."

I froze. Nabitawan ko ang cellphone ko at binalingan ang kabigan.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito.

"RM and Yshey are getting married. I don't know. Months from now? And the rest of the members are planning to settle down, too."

"Pero..." Hindi ko mabuo ang dapat sasabihin dahil sa pagkabigla.

"I think that's the best thing for them to do. Without a single or even two of their members, they're not the band that the people loves watching."

"But... they can still make music naman kahit may mga asawa na ang mga ito! Why choose to disband the band?" Sa pagkakataong ito ay napatayo na ako sa kinauupuan ko. I can't believe this! Hindi nila maaaring gawin ang bagay na ito!

"Franzenne..."

"Uuwi na tayo sa Pilipinas, Lorreine. Kakausapin ko sila." Sambit ko na siyang ikinagulat naman ni Lorreine.

"Are you for real? Look, naiintindihan ko ang pinupunto mo sa bagay na ito pero huwag mo naman sanang kalimutang may mga sariling buhay ang mga kaibigan mo, Franzenne. They can't just sing and perform for us for the rest of our lives! They need to settle down and have a family of their own. Hindi dapat umikot sa pagbabanda ang mundo nila!"

Natigilan ako sa narinig at binalingan si Lorreine. Tila dinudurog ang puso ko sa mga salitang binitawan nito.

What the hell is wrong with me? Ano itong nagawa ko at nasabi sa mga kaibigan ko? Bakit ko naisip ang bagay na iyon?

"Franzenne..."

"I can't believe this," mahinang sambit ko at napatampal sa noo. "I'm... I'm so disappointed with myself, Lorreine." I said, realizing what I've done. Damn it, Franzenne! That was beyond my expectation! Nagulat lang marahil ako sa balitang magdidisband na ang banda nila.

"Tama ka. May sariling buhay ang mga lalaking iyon," tipid akong ngumiti at napailing na lamang. "Tapos na nilang ibahagi sa lahat ang musikang mahal nila. Tapos na nilang patunayan ang kakayahan nila sa lahat." Tila nanghihina ako sa mga salitang binibitawan. "It's time to choose a path other than music."

"Their music will be forever in our hearts, Franzenne. With or without them singing it live, our lives already changed because of them. Don't forget the reason why you're still fighting until now. It was because of them, remember? It was because you believed in them more than anyone else. You guys did the good job. You fought enough chasing each other's dream. And when it's time to say goodbye, let them go. I know it's hard but you can't keep them forever, Franzenne. Let go, okay?"

Tumango ako dito at tumingala na lamang.

Don't cry, Franzenne! Don't freaking cry! Baka biglang magsibabaan ang mga iyan at tumigil sa pagkanta!

"Before we part now and truly let go. My love, I'm lost in the maze of my heart. You left me cold."

Nagsimula na ang panghuling kanta nila para sa gabing ito. Napangiti ako at nag-unahan na ang mga luha sa mga mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. Itinaas ko ang isang kamay ko at sinabayan ang bawat liriko ng kanta.

"In giving up what we had. And letting go of your hand. I gotta let you know." I cried as I started singing their song. "That I need to let you go. Hard to say goodbye but I can't run, no... I'm ready to let go."

"Hard to say goodbye. But I'm ready to let go..."


"What's your biggest dream?" Out of nowhere, I asked RM, the leader of the band I'm handling right now. "Aside from making good music, of course."

"My dream?" Pabalik na tanong ni RM at inilapag sa mesa ang music sheet na hawak-hawak nito. "I want to be a dad." Nakangiting sagot nito sa akin.

Napaarko ang isang kilay ko sa narinig mula sa kanya. This man wants to be a dad? Itong lalaking puro trabaho ang nasa isip? Seriously?

"Then you should stop focusing on these sheets," singit ni Jin at kinuha kay RM ang music sheet sa kamay niya. "Ako, Franzenne, hindi mo ba tatanungin kung ano ang biggest dream ko?" Nakangiting anito sa akin.

Nagkibit-balikat ako dito at hinayaang magsalita sa harapan ko.

"Alam niyo namang simpleng tao lang ako," simula ni Jin na siyang ikinailing ko. Here we go again. "Kung hindi ako sumali sa banda, paniguradong nasa farm ako na pagmamay-ari ng pamilya ko."

"At ano? Kasabay mong mabubulok ang mga melon at strawberries?" Hirit ni Suga na siyang ikinatawa ng lahat. Agad namang binato ni Jin si Suga ng music sheets kaya naman ay mas lalong lumakas ang tawa nila.

"I just love to perform. That's all." Ani Jimin na siyang ikinangiti ko. Tumango ako dito at inalala ang mga ginawa nito bago ko ito ipinakilala sa banda. He's a total performer. He even joined the university dance club.

"I can be the next best tennis player of the country!" Wika na Jhope na siyang binara ulit ng mga kaibigan nito. Napuno ng tawanan ang record room namin.

"You never played any sports, Hope." Naiiling na komento ni RM.

"A man can dream, right?" Ngumiti si Jhope at pinagpatuloy ang ginagawa nito kanina. Napabaling naman ako kay JK at Vaughn na ngayon ay parehong abala sa kanya-kanyang telepono. Kahit hindi ko na tanungin ang dalawang ito, alam ko na kung ano ang pangarap nila bago pa man sila sumali sa banda. Music. They will always ended up making music. Silang pito, nakatadhanang gumawa ng musika na siyang magbibigay pag-asa at komportabilidad sa mga nakikinig nito.

"How about you, Franzenne? What's your biggest dream?" Tanong ni Suga at binalingan ako.

Ngumiti ako dito at tiningnan ang miyembro ng BTS.

"I just want to be happy. I just want to appreciate all the things around me. I just want you, the BTS, achieve your own dreams." Nginitian ko sila. "To be able to share to other people what I saw in you was also one of my dream. So, basically... you guys are part of my dream."

"That's our Franzenne!" Sigaw ni Jin na siyang ikinatawa ko.

"Okay," ani RM at tumayo mula sa kinauupuan nito. "Para matupad ang mga pangarap natin, kailangan nating magtrabaho na! JK, tapos na ba ang kanta?"

Bumaling si JK sa amin at nagsimulang maglakad papalapit sa puwesto namin. Inabot nito ang music sheet sa akin at mabilis kong binasa ang title ng kantang naroon.

"Magic Shop," basa ko at napangiti na lamang.

Magic Shop.

A place where all our dreams will come true.

A place that will comfort us at our darkest moments.

A song that will give us hope.

A song that will stay forever in our hearts.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top