SCARS OF THE PAST

Forget and let go.

Ang daling sabihin, sobrang hirap gawin. Lalo na kung ang kakalimutan at pakakawalan mo ay nag-iwan ng isang malaking sugat at nagmarka na ito sa buong pagkatao mo.

"Yshey... nice name. Sino nagbigay ng pangalan sa'yo?"

Tamad kong tiningnan ko ang babaeng nasa harapan ko. She's currently reading my portfolio at ang pinaka-unang tanong niya talaga sa akin ay kung sino ang nagbigay ng pangalan sa akin! Really? Hindi ba dapat ang itatanong niya sa akin ay kung flexible ba ako at kung kakayanin ko ang pressure sa trabaho? Unbelievable!

"My parents," simpleng sagot ko at bahagyang ngumiti dito. I need this job kaya naman ay dapat ayusin ko ang pagsagot sa kanya. Kung hindi pa rin ako matatanggap dito ay talagang wala na akong kakainin sa susunod na mga araw!

Umabot ng halos isang oras ang interview ko sa huling kompanyang pinuntahan ko ngayong araw. And to my surprise, natanggap ako sa trabaho at magrereport agad ako kinabukasan!

"Be here before eight in the morning, Miss Castillo," imporma sa akin ng babae at may ibinigay sa aking handbook. "Nandiyan lahat ng kailangan mong malaman dito sa opisina. Kung normal na buwan lang ito, magkakaroon ka pa sana ng new employee orientation and trainings. At dahil peak season ngayon, kailangan namin ng mas maraming staff dito sa shop."

"Ayos lang po. Babasahin ko na lang po ito para naman ay hindi na ako mangapa pa sa trabaho."

"Alright! See you tomorrow, Miss Castillo!"

"Thank you. See you."

Nagpaalam na ako at umalis na sa shop kung saan ako nag-apply bilang isa sa salesclerk nila.

Noong makalabas na ako ay marahan akong tumingala at tiningnan ang signage nito.

"Magic Shop," basa ko dito. I smiled. Kahit papano'y gumaan ang pakiramdam ko. May trabaho na ulit ako. I can feed myself again. With my own money, with my own hard work.

Hindi ako sanay magtrabaho para sa sarili ko. I was born with silver plate and spoon. I don't work to have some money. I just spend them endlessly. Not until I lost everything and was left behind. Alone.

Pagkarating ko sa inuupahan kong kuwarto, maingat akong naupo sa higaan ko at kinuha ang handbook na ibinigay sa akin ng staff kanina. Binasa at initindi ko ang mga ito hanggang sa abutin ako ng ilang oras kakabasa nito.

Noong matapos na ako ay mabilis akong nahiga at nagpahinga na. Kailangan kong matulog nang maaga ngayon. Kailangang hindi ako malate sa unang araw ko sa bagong trabaho ko.

Napakunot ang noo ko noong makarinig ako ng ingay sa paligid ko. Mabilis kong inilagay ang dalawang kamay sa tenga at mariing pinikit ang mga mata ko.

Five more minutes, please! Inaantok pa ako!

"Yshey!"

Mom?

Wait! That's my mother's voice!

Mabilis akong napamulat ng mga mata at napabalikwas nang bangon sa kinahihigaan ko. Agad kong tiningnan ang kabuuan ng silid ko at noong wala akong ibang makita ay napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. Pabagsak akong nahiga muli at ipinikit ang mga mata.

"Baka nananaginip na naman ako," mahinang sambit ko sa sarili. "My mother can't be here. She's gone."

Ilang minuto akong nanatiling nakapikit hanggang sa maalala kong ngayon pala ang unang araw ko sa bagong trabaho ko. Mabilis akong bumangong muli at nagtungo na sa banyo para maligo.

Noong matapos ako sa lahat ng morning routines ko, pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan ko sa salamin. Wearing a fitted dark jeans and a red shirt, tila nararamdaman ko na ang holiday season. Kakasimula pa lang ng ber months sa Pinas at talagang pakiramdam ko ay pasko na! Mukhang magiging abala ako sa bagong trabaho ko!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Dinampot ko na ang bag ko at umalis na.

Pagkarating ko sa Magic Shop, napangiwi ako noong makita halos lahat ay abala na sa kanya-kanyang gawain. Malalaki ang hakbang na ginawa ko at dumeretso na sa stock room area. May sampung minuto pa bago mag-alas otso ng umaga pero lahat ng staff ay aligaga na sa pag-aayos ng mga paninda ng Magic Shop.

"Yshey!"

Napatingin ako sa babaeng sumalubong sa akin. Nagmamadali itong lumapit sa akin at may ibinigay na folder.

"Hi, I'm Camille. You must be our new stock clerk supervisor. Here," aniya at inilagay sa kamay ko ang folder. "Please, help them," dagdag pa niya at itinuro ang ilang abalang empleyado. "Make sure na tama lahat ng delivers, ah. Thank you."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Mabilis akong iniwan ni Camille at lumabas na sa stock room.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at naglakad na patungo sa mga empleyadong abala sa mga deliveries.

"Hi!" Bati ko sa kanila kaya naman ay napabaling ang mga ito sa gawi ko. Damn, ni hindi pa ako nagpapakilala sa mga ito! Bakit ba kasi hindi ko mas inagahang pumasok? "I'm Yshey. The new SC Supervisor. Anong puwede kong maitulong?" tanong ko sa kanila. Mukha kasing nagawa na nila ang lahat at hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko pa sa kanila.

"Nako, Ma'am Yshey, ayos na po ang mga ito. Bali, ididisplay na po naman ang mga bagong dating na stocks," sagot ng isa at binuhat ang isang kahong naglalaman ng mga damit.

"Ako na po ang magchecheck sa iba pang deliveries, Ma'am," sambit naman ng isa at inilahad ang kamay sa akin. Napatingin ako sa hawak-hawak na folder at napabaling muli sa empleyadong nasa harapan. Napahigpit ang hawak ko sa folder at nginitian ito.

"Let me help you," wika ko na siyang ikinagulat nito. "Nasaan ba ang ibang deliveries?"

"Uhmm... dito po," sagot niya at itinuro ang iilang malaking boxes sa gawing kanan namin.

Napatango ako dito at binalingan ang iba pang staff.

"Okay, let's work hard today!" Nakangiting sambit ko at nagtungo na sa mga box na ichecheck namin.

Naging abala kaming lahat sa stock room. Damit, laruan at iba pang gamit sa bahay ang ichineck namin ngayong araw. Sa dami nito, ni hindi ko namalayan ang oras. Ni hindi kami nakakain nang tanghalian dahil walang tigil ang pagdating ng mga deliveries!

Alas-singko na noong matapos namin lahat ng stocks sa stockroom. Napaupo ako sa upuang nakalaan sa akin at mabilis na napatingin sa computer na nasa harapan ko.

"Oh my! Nakalimutan kong i-log ang mga ito sa files ng deliveries!" bulalas ko at mabilis na binuksan ang computer ko. Sa dami nang ginawa ko ngayong araw, itong importanteng bagay pa talaga ang nakalimutan ko. The daily stocks inventory!

Great, Yshey!

Mabilis kong itinype ang mga dapat kung ilagay sa inventory namin. Halos hindi ako kumurap sa ginagawa ko. Mayamaya lang ay narinig ko ang mga boses ng mga stock clerks na nagsisiuwian na. Hindi ko na lang sila binigyan pansin pa at pinagpatuloy ang ginagawa.

Halos isang oras ang ginugol ko sa paglolog ng mga inventories. Noong matapos ako, mabilis kong hinilot ang sintido ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko. Tahimik akong lumabas sa stoco room at napangiti noong mamataan ko ang ilang staff na abala pa rin sa ginagawa nila. Good thing may mga empleyado pang nasa Magic Shop. Nilapitan ko sila at nagpaalam na rin.

"Nga pala, Yshey," sambit ng Branch Manager sa akin noong akmang tatalikuran ko na sila. "May kanina pang nag-aantay sa'yo sa labas ng shop. Pinapapasok namin kanina para naman makaupo siya pero tumanggi ito. Sa labas na lang daw ito maghihintay sa'yo."

Napakunot ang noo ko.

"Sino raw po?" takang tanong ko sa kanya. Wala akong pinagsabihan kahit sinong kakilala kung saan ako nagtratrabaho ngayon kaya naman imposibleng nandito ang isa sa kanila!

"Kaibigan mo raw," sagot ng BM at nagpatuloy na sa ginagawa niya. Muli akong nagpaalam sa kanila at mabilis na lumabas sa Magic Shop.

Mabilis kong hinanap ang taong tinutukoy nilang kanina pa naghihintay sa akin. At noong mamataan ko kung sino ito, napakunot ang noo ko.

"Rio Martin?" mahinang bulalas ko sa pangalan nito at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko.

Mabilis na umalis sa pagkakasandal sa pader si RM at mabilis na nilapitan ako. Seryosong nakatingin ito sa akin hanggang sa tuluyang nakalapit na ito sa puwesto.

"Hi," simpleng bati niya at pinagmasdan ako. "I'm happy to see you well, Yshey."

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko dito at napabaling sa Magic Shop. "Paano mo ako nahanap?"

"I have my ways, Yshey."

Muli akong napatingin kay RM at napabuntong hininga na lamang.

"Come on, huwag tayo mag-usap dito," sambit ko at nauna nang maglakad.

Sa lahat nang makakakita at makakahanap sa akin, si RM pa talaga! I can't believe this!

Hindi ko na lang ito kinibo hanggang sa makarating kami sa isang cafe shop malapit sa pinagtratrabahuam ko. Naupo ako sa pinakadulong parte ng shop samantalang si RM na ang umorder ng inumin para sa aming dalawa. Tahimik ko itong pinagmamasdan hanggang sa makaupo ito sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"What do you want?" I coldly asked him. Hindi ko alam kung anong pakay nito sa akin. Kung bakit niya ako hinanap at kung bakit nasa harapan ko ito ngayon!

"I'm worried, Yshey. And... and I missed you."

Natigilan ako sa narinig mula sa kanya.

"You don't need to do this, Yshey. No one's blaming you. In fact, lahat sila ay nag-aalala sa'yo."

"Liar," akusa ko dito at nag-iwas nang tingin sa kanya. "They hate me," mapaklang sambit ko at napangiwi. "But, that's okay. I hate myself too. The feeling is mutual."

"Yshey!" mababang-boses na suway sa akin ni RM. "You can't do that! Stop hating yourself! Hindi mo ginusto ang nangyari!"

"Hindi? Paanong hindi?" Bumaling muli ako kay RM. "No, RM, ako ang may gustong umalis noong gabing iyon! I wanted to leave even when the weather was fvcked up!"

"That was an accident, Yshey!"

"Hindi mangyayari ang acidenteng iyon kung hindi ako nagpumilit na umalis!"

"God, Yshey, hanggang kailan mo ipagpipilitan ang bagay na ito? No one's blaming you, so, please, stop this!"

"I can't," napayuko ako dahil sa frustration. "Kasalanan ko ito kaya dapat lang ay pagbayaran ko," dagdag ko pa at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

"I'm leaving."

"Yshey..."

"Please, huwag ka nang babalik pa sa Magic Shop. And, if you can, stay away from me, RM."

"I can't do that."

"For me, gawin mo," matamang sambit ko at nagsimula nang maglakad palabas ng cafe shop.

Hindi ko naramdaman ang pagsunod ni RM kaya naman ay napabuntong-hininga ako. Good thing he listened. I don't want to argue with him again. I don't want to see the pain in his eyes again. I have enough. We have enough.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top