SCARS OF THE PAST (2)

Sa pangalawang araw ko sa Magic Shop, mas inagahan ko ang pagpasok. Mahigpit kong itinali ang mahabang buhok at nagsimula na sa trabaho.

"Ma'am Yshey, ito na po iyong huling box," ani ng isang staff sa akin at mabilis na inabot sa akin ang isang folder. Nginitian ko ito at mabilis na nagpasalamat. Muli kong itinuon ang atensiyon sa harapan ng computer at pinagpatuloy ang pagcheck ng mga inventories.

Noong matapos ako sa mga ginagawa, napagdesisyunan kong magpahinga muna at kumain ng tanghalian. Napabaling ako sa orasan at napangiwi na lamang noong makitang mag-aalas dos na pala ng hapon.

"Late lunch, huh," mahinang sambit ko sa sarili at tumayo na. "Trisha," tawag pansin ko sa isang staff na abala rin sa ginagawa niya sa harapan ng computer. "Kakain lang ako. Maiwan muna kita dito."

"Sige po, Ma'am Yshey," sagot nito ng hindi ako binabalingan. Tipid akong tumango dito at nagtungo na sa locker namin. Tahimik kong kinuha ang bag ko at lumabas na sa stock room.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay natigilan na ako. Abala ang lahat ng selling staff dahil sa dami ng customer ng shop. May mga pamilya akong mamataan at namimili ng mga damit. Ang iba naman ay mga laruan. Seriously? Kakasimula pa lang ng September!

Napailing na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong bigla akong natigilan at napabaling sa gawing kanan ko. I heard a familiar voice at hindi ako magkakamali kung sino ang may-ari nito!

"I'm really sorry," aniya at nagkamot sa batok nito. Hilaw itong ngumisi habang humihingi ng tawad sa staff na kausap. "I'll pay for that, too. Isama niyo na ito sa mga laruang pinamili ko."

"Pero sir..."

"It's okay. Kasalanan ko naman. Hindi ko hinawakan ng maayos kaya nabitiwan at nasira ko ito."

"Sige po," mahinang sambit ng staff kay RM. "Hindi ko na lang po ito isasama sa ibang laruan."

"Yes, please. Thank you," aniya at napabaling sa gawi ko. Kita kong natigilan ito noong mamataan ako at mabilis na tumingin sa suot na relos nito. Mayamaya lang ay tinawag muli ito ng staff at inasikaso na ang mga pinamili nito. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin at binigyang pansin na nito ang staff na umaasikaso ng pinamili niya.

I sighed.

I told him not to come here anymore! Hindi talaga nakikinig ang isang ito! Mabilis akong lumabas sa Magic Shop at sa labas na lamang hinintay si RM.

I was busy tapping my right foot when I saw RM
leaving the Magic Shop. Napaarko ang isang kilay ko noong makita ang mga dala nitong paper bag sa magkabilang kamay nito. Really? Para saan ang mga iyan?

"Yshey!" aniya noong makita ako at mabilis na naglakad papalapit sa akin. "Break time?" tanong niya at inayos ang pagkakahawak sa mga paper bag.

"Para saan ang mga iyan?" malamig kong tanong dito. Kita ko itong napangisi at nagkibit-balikat aa akin. I sighed. "At isa pa, sinabihan na kita na huwag pumunta dito, Rio Martin!"

"Chill," aniya at mahinang tumawa. "I'm just here to buy some stuffs."

"At sa shop kung saan pa talaga ako nagtratrabaho?"

"Malapit ito sa site kung saan ako nakaassign ngayon, Yshey," aniya na siyang ikinatigil ko. He was assigned here? Sa probinsyang ito?

"You're unbelievable, RM. Stop this at umuwi ka na!" sambit ko at tinalikuran ito. Walang maloloko ang lalaking ito! Lalo na ako! I knew him since birth at alam na alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak nito!

"I'm telling the truth here, love!"

Natigilan ako sa narinig mula sa kanya.

"Damn," mahinang sambit ni RM sa likuran ko. "Yshey, listen..." I can hear the frustration in his voice but I ignored it. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagtungo sa pinakamalapit na kainan.

Naging matiwasay ang pagkain ko at hindi na nakita ang pagmumukha ni RM. Jesus! I wanted to start a new life here! Kaya nga ako umalis at napunta dito. I leave my life in the city to heal and forget! At kung araw-araw kong makikita si RM, which I am a hundred percent sure na makikita ko ulit ito, anong silbi ng pag-alis ko? Wala!

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at bumalik na rin sa Magic Shop. Muli kong inabala ang sarili ko at tinapos ang mga naiwan kong trabaho.

Sa mga sumunod na araw, hindi na bumalik si RM sa Magic Shop. Bahagya pa akong nagulat dahil dito. Did he left? Did he really left for good? At kung umalis na talaga ito sa lugar na ito, it only means na magiging payapa na naman ang pamumuhay ko dito. I can live peacefully again. Or not.

Sabado ngayon at wala akong pasok. It's my day off. Wala masyadong deliveries sa araw na ito kaya naman ay napagpasyahan kong ito ang kunin ka pahinga sa trabaho.

Maaga pa lang ay nasa isang parke na ako malapit sa inuupahan kong apartment. Nakagawian ko na talagang magpunta dito tuwing umaga para maglakad-lakad at tingnan ang mga batang naglalaro dito. Tipid akong napangiti sa mga naghahabulang mga bata ngunit agad din namang napawi ang ngiti ko noong mamataang tumakbo ang mga ito sa gawing kanang parte ng parke at nagsigawan.

Napaawang ang labi ko sa nakikita ko.

The kids. They're screaming with excitement. And when I saw the man who's making them scream with pure happiness, my heart beats like crazy again.

Rio Martin.

"Relax, kids. Lahat kayo may laruan mula sa akin," natatawang sambit ni RM at binigyan isa-isa ang bata ng mga laruan. Mga laruang mula sa Magic Shop!

I froze.

So, he was buying toys for this? For them?

Hindi ako nakakilos sa kinauupuan ko at pinagmasdan ko lang ang masasayang mukha ng mga batang nakatanggap ng mga laruan mula kay RM.

"Kuya RM, sabi mo po bibigyan mo kami ng regalo bago ka bumalik sa siyudad. Ibig sabihin po ba nito aalis ka na?" Rinig kong tanong ng isang batang babae. Tipid na ngumiti si RM at hinaplos ang buhok ng batang babae.

"Kailangan kong magtrabaho para makabili pa ako ng mas maraming regalo sa inyo," natatawang sagot ni RM sa bata at wala sa sariling napatingin sa gawi ko. Namataan ko pa ang pagkagulat nito noong makita ako. Mayamaya lang ay ngumiti ito sa akin at binalingang muli ang mga bata.

Napakunot ang noo ko noong makita ko ang bulong nito sa batang babaeng kausap nito kanina. Bumaling sa akin ang batang babae at nginitan ako. May inabot si RM dito at mabilis namang tumakbo ang batang babae papunta sa puwesto.

"Para sa'yo po, ate," wika ng bata at inabot sa akin ang kulay pink na stuff toy. Maingat kong tinanggap ito at hindi inalis ang paningin sa laruan. "Magiging maayos din po ang lahat, ate," dagdag pa nito na siyang ikinagulat ko. Muli akong bumaling kay RM at namataan ko itong abala na ngayon sa pakikipaglaro sa mga bata.

I bit my lower lip and look at the beautiful girl infront of me.

"Thank you," I said and smiled at her.

"Ayun! Ngumiti ka rin, ate! Mas bagay po sa'yo ang nakangiti!" aniya at tumakbo na pabalik sa mga kaibigan nito.

Napahawak ako nang mahigpit sa stuff toy na hawak-hawak ko ngayon. Napapikit ako at napaawang ang mga labi.

"You're smile is the most beautiful thing in this world, love."

"Really?"

"Don't ever loss it."

"Yshey..."

Mabilis akong napamulat at namataan si RM sa harapan ko. Binalingan ko ang mga batang kasama nito kanina at nakita kong abala na sila ngayon sa mga laruang ibinigay ni RM.

"You okay?" marahang tanong ni RM at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"I am okay," mahinang sambit ko at humugot ng isang malalim na hininga.

"I'm leaving today," aniya na siyang ikinatigil ko. "My assignment here was done. The team I was supervising was fast learners. Akala ko nga'y aabot ako ng isang buwan dito. It turns out na isang linggo lang pala."

So, he really have an assignment here. Damn, Yshey!

"Babalik na ako sa Manila," aniya at mabilis na hinawakan ang kamay ko. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya at mabilis na binalingan ito. "Come with me."

"RM..."

"I know it's hard for you but please, hindi habang-buhay kang iiwas at tatakbo, Yshey. Mapapagod ka at ayaw kong mangyari sa'yo iyon."

"Matagal na akong pagod sa mga nangyayari, RM. But look at me, I'm trying to start a new life here."

Kita kong napayuko si RM at binitawan ang kamay ko. Napakagat ako ng labi noong maramdaman ang sakit sa puso ko. RM letting go of my hand pains me. He never let go of me before. Pero, mukhang bibitawan na niya ako nang tuluyan ngayon.

"It's been a year now, Yshey. Your wounds..." he took a deep breath first before speaking again. "...it should be a scar now."

Napaawang ang labi ko at nag-iwas nang tingin sa kanya.

A fresh wound or not. A bleeding one or just a scar, still, the pain is killing me. Hindi ito basta na lamang mawawala sa akin. Hindi ito basta na lamang mawawala na parang bula, na para bang walang nangyari. Na para bang hindi ko kasalanan ang lahat ng ito.

"If your parents are still here, tiyak kong hindi sila papayag sa ginagawa mo."

"But, they're not here, RM," nahihirapang sambit ko dito. "They're not here because of me. They're gone because of me."

"For the nth times, Yshey, it was not your fault. Accidents happen, sa kahit anong sitwasyon, and no one can stop it," matamang sambit nito at muling hinawakan ang kamay ko. "Stop punishing yourself, Yshey. Stop thinking about the accident. It wasn't your fault. It was no one's fault."

Napayuko ako at hindi na napigilan pa ang mga luha ko.

Sa isang taong pagluluksa ko, hindi ko alam na may mga luha pa palang ilalabas ang mga mata. I already cried enough before and hearing those words from RM, all the tears I kept for so long suddenly starting to pour out. His words, his voice, it was so calm and it pains me a lot.

Marahan akong hinila ni RM at niyakap nang mahigpit. Napaawang ang labi ko at mas lalo akong naiyak sa uri nang pagkakayakap nito sa akin. I can hear his own heart beat and I can even feel the heat of his body. So warm. So calm. Damn! I missed him!

"Learn to accept everything, Yshey. Learn to forgive yourself and learn how to forget the pain."

Umiling ako dito at gumanti na rin nang yakap sa akin.

"I need this pain, RM," mahinang sambit ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko. "I need to feel this pain. Kailangan kong maramdaman ito para alam kong buhay ako. This pain is my only way to survive."

"No, Yshey," aniya at marahang hinaplos ang buhok. "Love..." he continued and kissed my head. "That's all you need and not the pain from your past. You need to love again yourself, not to feel the pain that slowly changes you. You need to appreciate things again, not sheltering the pain inside your heart. Love. That's what you need right now, Yshey."

Love?

Hindi ko alam kung may natira pa bang pagmamahal sa puso ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang patawarin ang sarili ko. At hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang kapalarang mayroon ako ngayon.

"If you can't find love in your heart, Yshey, let me show it to you. Again. Please, allow me to do it again, love," mahinang sambit nito at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top