RESTLESS PAIN

Maingat akong tumayo sa kamang kinahihigaan ko at naglakad patungo sa banyo. Dahan-dahan ang bawat hakbang hanggang sa makapasok ako roon.

Tahimik akong kumilos at noong natapos ako, natigilan ako noong tumapat ako sa may salamin. Slowly, I raised my right hand and touched my reflection. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nailing na lamang noong makita ang pagbabago sa sarili ko.

I sighed.

The reflection in front of me doesn't even look like the old Kisha. She's different and I don't even know her at all!

"Kisha!"

Natigilan ako noong marinig ang boses ni mommy. She's here already? Ang bilis naman niyang makarating dito.

"I'm here," sambit ko at mabilis na kinalma ang sarili. Humugot ako ng isang malalim na hininga at humakbang palabas ng banyo.

"Are you okay? May masakit ba sa injuries mo?" Nag-aalalang tanong ni mommy noong makita akong lumabas sa banyo at inalalayan akong makabalik sa kama ko. "Stay here. Tatawag ako ng nurse."

Mabilis akong umiling dito at marahang nginitian ito.

"I'm fine, mom. Nagbanyo lang po ako."

"Anak, dapat hinintay mo ako. Alam mo namang hindi pa magaling ang mga sugat mo," maingat na sambit nito at tinulungan akong mahigang muli. "Huwag ka munang makikilos, Kisha. Delikado pa rin ang lagay mo. Baka mabinat ka pa!"

"Mom, I'm fine now. Hindi ba ang sabi ng doktor ay makakalabas na ako? Kaya ko na po."

"Still, kailangan pa rin nating mag-ingat!"

Ngumiti na lamang ako kay mommy at umayos nang pagkakahiga. Naupo naman ito sa bakanteng upuan sa tabi ko at marahan niyang hinaplos ang buhok.

"We need to be extra careful, Kisha. Naging malala ang aksidenteng nangyari sa'yo kaya naman ay kahit anong mangyari, kailangan maging maayos ang kalagayan mo, anak," mahinang sambit nito at hinaplos naman ngayon ang pisngi ko. "Magpapagaling ka. Para sa amin, para kay James at para sa buhay na nawala sa'yo."

James.

Hindi ko alam na ang pangalan ng taong pinakamamahal ko, ngayon ay nagbibigay sa akin nang matinding sakit. Kung dati ay puro pagmamahal, ngayon ay puro sakit na ang laman ng puso kapag naririnig ito.

Sakit at pangungulila. Ito ang natira sa akin.

"Kisha, anak, stop crying." Natigilan ako noong marinig iyon mula kay mommy. Crying? Ako? "Calm down, please."

Simula noong magising ako mula sa ilang araw na walang malay, at nalamang hindi nakaligtas sa aksidente ang fiance ko na si James, tila gumuho na ang mundo ko. Idagdag pa rito na namatay rin ang dinadala kong bata, pakiramdam ko ay wala nang natira sa akin.

They left me. Alone. And I don't even know the reason why I'm here, alive!

"Goodmorning, Miss Kisha!" Magiliw na bati sa akin ng nurse na nagbabantay sa akin. Araw-araw itong pumunta sa akin para tingnan ang lagay. Nginitan niya ako at tinanong kung maayos ba ang naging pagtulog ko.

"Ayos naman," tipid na sagot ko at muling tiningnan ang puting kisame. "Napanaginipan ko na naman sila."

"Miss Kisha," mahinang sambit ni Nurse Sharlin at nanatiling nakatayo sa gilid ng kama ko. "Alam kong hindi madali ang lahat ng ito para sa'yo, pero kailangan mong maging malakas. You're here, alive. Kailangan mong mabuhay para sa mga taong nagmamahal sa'yo."

"But I'm dying," wika ko at binalingan ito sa tabi. "Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay pa ako. Dapat isinama na nila ako. Dapat namatay na rin ako."

"Miss Kisha! Huwag mong sabihin iyan! Jusko naman!" agad akong inalo nito at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "You're still alive because of him. He sacrificed himself for you. For you to survive. Huwag mong sayangin ang naging sakrispisyo niya."

Hindi ako kumibo at muling tumingin sa puting kisame. Kinalma ko ang sarili ko at mariing ipinikit ang mga mata.

"Gusto mo bang lumabas kahit ilang minuto lang sa silid na ito, Miss Kisha?" Mabilis akong natigilan noong marinig iyon mula kay Nurse Sharlin. "May garden ang hospital na ito. Maganda roon, Miss Kisha. Para naman maiba ang nakikita mo. Mag-iisang buwan ka na rin dito sa loob."

"Can I really go out of this room?" mahinang tanong ko at iminulat ang mga mata. Muli kong binalingan ang nurse at namataan ang mabilis na pagtango nito sa akin.

"Oo naman! Wait lang at ihahanda ko ang wheelchair para sa'yo," aniya at lumabas na sa silid ko. Napabuntong hininga na lamang ako at dahan-dahang naupo mula sa pagkakahiga.

Minuto lang ay bumalik na ito at kagaya nang inaasahan ko, may tulak-tulak na itong wheelchair. Dinaluhan niya ako at inalalayang makaupo nang maayos sa wheelchair.

"Ilagay mo ito sa may hita mo, Miss Kisha," aniya at may iniabot sa aking maliit na blanket. "Malamig ngayon sa labas at baka lamigin ka."

"Thank you," sambit ko at sinunod ang nais nito.

Noong makalabas kami ng silid ko, dahan-dahang itinulak ni Nurse Sharlin ang wheelchair na pinaglalagyan ko. Tahimik kong pinagmamasdan ang daang tinatahak namin ngayon. Sumakay pa kami sa elevator at noong marating namin ang ground floor ng ospital, mabilis naming tinahak ang daan patungo sa garden na tinutukoy nito.

Sa lilim kami ng isang malaking puno natigil ni Nurse Sharlin. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga kapwa pasiyente ng ospital na naglalakad-lakad sa loob ng hardin.

"May gusto ka bang ininom, Miss Kisha? Water?" tanong ni Nurse Sharlin na siyang ikinatango ko.

"Tubig na lang, please," mahinang tugon ko na siyang mabilis na ginawa naman ni Nurse Sharlin. Nagpaalam ito sa akin at nagsimula nang maglakad patungo sa kung saan.

Pinagpatuloy ko ang pagmamasid sa paligid at natigilan lamang noong may narinig akong pag-uusap 'di kalayuan sa puwesto ko. Napabaling ako dito at namataan ako ang dalawang lalaki na nakaupo sa mahabang bench.

Pasimple akong bumaling pabalik sa pinagmamasdan ko kanina at pilit na hindi binigyan pansin ang pinag-uusapan nila.

"How is she?" Rinig kong tanong noong isa.

Oh, I'm sorry, gentlemen! Ayaw kong makinig sa pinag-uusapan ninyo pero wala akong choice dito! Wala akong sapat na lakas para igalaw ang kamay ko at paandarin itong wheelchair ko.

"Selene is fine. At hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Anthony."

Anthony?

"That dude will be shock when he gain his conciousness. Malas niya at namatay iyong lalaking nakabanggaan niya."

Napaawang ang labi ko at mabilis na napabaling muli sa dalawang lalaki. Nakita kong tumayo iyong isang lalaki at napatingala.

"Gusto kong matapos na ang paghihirap ni Selene. She's been with Anthony since he got that car accident. Wala na nga silang relasyon pero hanggang ngayon ay pinahihirapan pa rin niya ito."

"You really love her," naiiling na sambit nong isang lalaki at napabaling sa gawi ko.

Mabilis akong natigilan at nag-iwas nang tingin dito noong nagtama ang paningin naming dalawa. Napalunok ako at kinalma ang sarili.

Anthony. Right! I remember that name! Iyon ang pangalang binanggit sa akin ni mommy noon! Iyong nagmamaneho sa kotseng nakabanggaan namin ni James!

"You know what, go and check Selene. Baka hindi pa kumakain iyon," rinig kong sambit nong isang lalaki na siyang sinang-ayunan naman ng isa.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at kinagat na lamang ang pang-ibabang labi ko. Segundo lang ay may naramdaman akong presensya sa gilid ko at noong inakala kong si Nurse Sharlin ito, mabilis ko itong binalingan.

I froze.

Imbes na si Nurse Sharlin ang nakita ko, iyong lalaking may kausap kanina ang nabungaran ko.

"M-may kailangan ka?"

"Sorry to bother you, but are you okay? Napansin ko ang pamumutla mo," aniya habang pinagmasdan ako nang mabuti.

"I'm fine," mabilis na sambit ko at napabuntong-hininga na lamang noong mamataan sa likuran nito ang papalapit na si Nurse Sharlin.

"Miss Kisha!" anito at tuluyan nang nakalapit muli sa akin. "Here's your water."

"Thank you," wika ko at tinanggap ang bottled water na dala nito. Muli kong binalingan ang lalaking hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa gilid ko. Walang emosyon ko itong tiningnan at noong bahagya itong ngumiti sa akin ay tila gumaan ang pakiramdam ko. There's something in his smile. Nakakagaan tingnan ito.

"Now, I can go. Akala ko ay walang nagbabantay sa'yo kaya naman ay nilapitan na kita," aniya at binalingan si Nurse Sharlin. "Don't leave her again. Hindi maganda ang lagay nito. She's too pale. She needs more rest."

"Doktor ka ba?" hindi ko napigilan ang sarili ko at natanong ko ito.

Tipid na ngumiti muli ang lalaki sa akin at bahagyang pinagtaasan ito ng kilay noong tumango ito. Pinagmasdan ko ang kabuuan ito at napakunot na lamang ang noo noong makita hindi naman ito naka-doctor's gown. At isa pa, he's too young to be a doctor!

"Hindi ako doktor sa ospital na ito. Taga-Manila ako," aniya na siyang ikinatango ko ng isang beses. I see. Kaya naman pala. "I'm just here to visit a friend's friend. Here," aniya at may inabot sa akin. "That's my calling card."

Wala sa sariling kinuha ko sa kanya ang calling card at binasa ang pangalang naroon.

Jimin Anderson.

"I'm a General Surgeon. If you need something, just ask me."

"Thank you pero hindi ko kailangan ito," mahinang sambit ko at ibinalik sa kanya ang calling card. "Lalabas na rin ako dito."

"Oh, that's good news but, just keep it. Just in case, you know..." nakangiting sambit ni Jimin Anderson at nagpaalam na sa amin ni Nurse Sharlin. Tahimik kong pinagmasdang naglalakad ito palayo sa amin at noong nawala na ito sa paningin ko, mabilis kong binalingan si Nurse Sharlin.

"Do I really looked... pale?" mahinang tanong ko dito na siyang ikinailing nito.

"Kung ikukumpara noong mga nakaraang araw, mas okay na ang kulay ng balat mo ngayon, Miss Kisha. You need to rest and eat a little bit more para bumalik na rin ang dating timbang mo."

Yeah right. I loss a lot of weight, too.

I sighed.

Muli akong napabaling doon sa bench kung saan ko narinig ang pag-uusap ni Jimin Anderson at nong isang lalaki. Marahan kong ikinuyom ang mga kamay noong maalala ang nabanggit nilang pangala.

"Nurse Sharlin, hanggang ngayon ay wala pa ring malay iyong lalaking nakabanggaan namin, hindi ba?" Ramdam kong natigilan ito sa naging tanong ko kaya naman ay binalingan kong muli ito. "I heard them talking earlier. Mukhang kilala ng doktor na iyon kanina ang lalaki sa kabilang kotse. Is he in critical condition right now?"

"He is," mabilis na sambit ni Nurse Sharlin sa akin. "Ayaw nang ipaalam ng mga magualng mo ang tungkol sa pasiyenteng iyon, Miss Kisha. Para wala ka na ring alalahanin pa, kalimutan mo na lang ang tungkol dito. Mas makakabuti ito sa'yo."

Kalimutan? Hindi ko kaya yatang kalimutan ang nangyari sa amin,

That night. That very night that ended my future. The accident. James protecting me till his last breath. Our child...

"Pumasok na tayo sa loob, Miss Kisha." Napakurap ako noong marinig muli ang boses ni Nurse Sharlin. Tipid na tumango na lamang ako dito at hinayaan na itong itulak muli ang wheelchair na kinalalagyan ko.

Nasa may hallway pa lang kami pabalik sa silid ko noong napakunot ang noo ko. Sa labas ng silid ko ay naroon si mommy at may tatlong iba pang taong naroon. Nakatalikod ang mga ito at noong mamataan ako ni mommy, kinausap nito ang tatlo at noong bumaling sila sa gawi ko, natigilan ako.

Ang dalawang lalaki ay iyong nakarinig ko kanina sa may garden, isa na roon iyong doktor na si Jimin Anderson. Bumaling rin sa akin ang babaeng naroon at napakunot na lamang ulit ang noo ko sa uri nang tingin sa akin.

"Kisha, darling, kanina ka pa namin kayo hinihintay," mabilis akong dinaluhan ni mommy at sinabihang ipasok na ako sa silid ko. Walang imik akong bumalik sa higaan ko habang inaalalayan ni Nurse Sharlin. At noong naging komportable na ako sa puwesto ko, pinapasok ni mommy sa silid ang tatlong kausap nito kanina.

Napatingin ako kay Jimin Anderson at tipid itong ngumiti sa akin.

"Ang sabi ko ay hindi ko na kailangan ang tulong mo, doktor," malamig na turan ko dito na siyang ikinagulat nila.

"Kilala mo siya, anak?" Takang tanong ni mommy sa akin.

"I met him earlier. Sa garden," tipid na sagot ko dito.

"Jimin," mahinang tawag nong isang lalaking kasama nila.

"I just saw and talk a little bit to her. That's all. Hindi ko alam na siya pala iyong kikitain natin ngayon," depensa nito at nagkamot sa batok niya.

"What's going on here, mom?" Matamang tanong ko kay mommy habang hindi inaalis ang paningin kay Jimin. Mayamaya lang ay napatingin ako sa babaeng kasama nila at lumapit sa kama ko.

"Hi, I'm Selene," pakilala nito na siyang ikinatigil ko. Selene? Siya iyong pinag-uusapan nila Jimin kanina sa garden! "Ako ang guardian ni Anthony." Dagdag pa niya na siyang ikinatigil ko. Mabilis akong bumaling kay mommy at namataan ang marahang pagtango nito sa akin. "He's still in coma right now and I know, it's too late for me to do this. Isang buwan na ang nakalipas at ngayon lang ako nagkaroon nang sapat na lakas ng loob para harapin at kausapin ka."

"And what do you what from me?"

"I just want to say sorry for what happened. Alam kong hindi dapat ako iyong gumagawa nito pero hindi kayang gawin iyon ngayon ni Anthony kaya naman ako na ang haharap sa'yo. I'm sorry for losing your fiance. Because of the recklessness of Anthony, you lose someone in your life."

"He's not just someone," matamang sambit ko na siyang ikinayuko ni Selene.

"I know and I'm sorry."

Hindi ako kumibo at walang emosyong lang nakatingin dito.

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang paghawak ni mommy sa kamay ko kaya naman ay muling napatingin ako dito.

"Kisha," mahinang sambit nito sa pangalan ko at tinanguhan ako. Muli kong tiningnan si Selene na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin sa harapan ko. I sighed. Binalingan ko ang dalawang kasama nito at matamang nakatingin lang din sa akin.

"It's not your fault," sambit ko na siyang ikinaangat nang tingin sa akin ni Selene. "And that was an accident. Kahit anong ingat ang gawin natin, mangyayari at mangyayari ang dapat mangyari."

"Pero alam kong nagpabaya si Anthony. Kung hindi lang sana..."

"Selene," tawag nong isa pang lalaki at mabilis na nilapitan ito. "Stop it already. You're making it more difficult for the both of you." Aniya at mabilis na hinawakan ito sa kamay. Mayamaya lang ay binalingan niya ako at matamang tiningnan. "If you want to file a case against that man, just give him time. Wala pang kasiguraduhan ang paggising nito."

"No," mabilis na wika ni mommy na siyang ikinatigil ko. "We were already done with the investigation. Hindi na kami magsasampa ng kaso. We just wanted our daughter to be okay again. That's all. Kung ikakagaan ng kalooban nito ang paghingi ng tawad sa kanya, then we're willing to wait for that apology from him."

"Mom..."

"She will be fine," sambit ni Jimin Anderson na siyang ikinatigil kong muli. "Your daughter may look like a fragile glass right now but I can see that she's a great and strong woman. She can get through all of this."

"Thank you," wika ni mommy habang hindi inaalis ang tingin kay Jimin. Ngumiti lang ito sa akin at niyaya na ang mga kasamang umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top