RESTLESS PAIN (3)
Maingat ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang daang patungo sa exit ng airport. Inayos ko ang pagkakasaklay ng bag ko sa balikat habang hila-hila ang maletang naglalaman ng mga gamit ko.
Noong tuluyang makalabas ako ay agad akong pumara ng taxi at sumakay na roon. Sinabi ko sa driver kung saan ako patungo at tahimik na isinandal ang likuran sa backrest ng upuan.
Minuto lang ay napatingin ako sa cellphone ko noong tumunog ito. Nakangiti kong sinagot ang tawag at binati ang nasa kabilang linya.
"Yes, mommy. Nasa taxi na po ako," imporma ko sa kausap at tumingin sa labas ng sasakyan.
It's been a year since I left this province. At ngayon, pagkatapos ng isang taong paglayo sa lugar kung saan ako nasaktan nang husto, nagbabalik ako. Stronger than before, healed and ready to start a new life.
"Sabi ko namang susunduin ka na namin, Kisha," ani mommy sa kabilang linya. Natawa ako dito.
"Mom, I can handle myself. Ayos lang naman sa aking magtaxi. Just wait for me there, okay?"
Nagpaalam na ako dito at pinatay na ang tawag niya. Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko at itinuon na ang buong atensiyon sa mga gusaling nadaraanan namin.
Ang bilis lang talaga nang panahon. Parang kahapon lang ay umalis ako dito. Parang kahapon lang ay nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ni James at ng aming anak. At parang kahapon lang, binitawan ko ang kamay ni Jimin at hindi na ito muling hinanap pa.
I bitterly smiled.
Jimin Anderson.
I still remember what happened that night. Alam kong mali ang ginawa ko sa kanya kaya naman bago pa lumalim ang relasyon naming dalawa, itinigil ko na.
I remember how I cried that night, too. I cried because I felt guilty for what I've done. I cried because I hurt him. I hurt the man who acknowledged my restless pain caused by my tragic past. The man who was patiently waiting for me to heal from my wounds.
"Kumusta ka na kaya ngayon?" mahinang tanong ko sa sarili at napabuntong-hininga na lamang. Hindi ko alam kung tama bang hanapin ko pa ito pagkatapos ng mga ginawa ko sa kanya noon. Pinaasa ko ito, ginamit at sa huli, iniwan ko rin naman.
He's a good man and I don't think he deserves someone like me.
Noong makarating na ako sa bahay namin, mabilis akong niyakap ni mommy. Bahagya pa akong natawa dahil sa bigla nitong pag-iyak habang yakap-yakap ako.
"I missed you so much, Kisha," muling sambit nito at binitawan na ako. "How are you, anak? Maayos na ba ang lagay mo? The therapy? Is it worked?"
"Hindi po ako uuwi dito kung hindi pa ako magaling, mommy. The therapy really worked on me."
Ngumiti si mommy sa akin at muling niyakap ako.
"I'm so proud of you, Kisha. Nakaya mo ang lahat ng ito nang mag-isa."
"That was all I needed before, mommy. To heal alone. To heal because I wanted to," matamang sambit ko at niyaya itong kumain na. I need to distract her! Baka kung anu-ano pa ang itanong nito sa akin! Alam kong naghanda ito para sa pagbabalik ko ngayong araw. Mas mabuting mabaling sa iba ang atensiyon nito at pansamantalang makalimutan ang tungkol sa nagin therapy ko sa ibang bansa.
Tahimik akong naupo at pinagmasdan ang nakangiting ina. Abala ito sa paghahain ng mga niluto niya at noong maupo ito sa harapan ko, nagsimula na kaming kumain.
Isa ito sa mga bagay na hinahanap-hanap ko noong nasa states ako. Mag-isa lang kasi ako roon. Hindi ko rin nagawang magluto para sa sarili noong nagthetherapy pa ako. Pagkatapos kasi ng mga session ko, pagod na ang katawan ko at talagang pahinga na lang ang nais kong gawin. Ganoon ang naging buhay ko sa loob ng isang taon.
"Mom," tawag pansin ko dito noong matapos kami sa pagkain. "Aalis pala ako mamaya."
Kita kong natigilan ito at matamang tiningnan ako. "Aalis? Magpahinga ka muna, Kisha, at bukas mo na gawin iyang plano mo ngayon. Hindi ka ba pagod sa biyahe?"
Pagod? I don't think so. Sa totoo nga ay mas gusto kong umalis ngayon!
"Sa Magic Shop lang naman ako, mom. I promised Selene na kapag makauwi ako, siya ang unang bibisitahin ko."
Sa loob ng isang taong pamamalagi ko sa ibang bansa, maliban sa mga magulang ko, si Selene ang palaging nakakausap ko. Naging malapit kami sa isa't-isa. She helped me too during my therapy.
"Pero, kakarating mo lang, anak."
"I'll be fine, mom. Hindi ako ang magmamaneho kung iyon ang inaalala mo. Baka makatulog nga ako sa biyahe," natatawang tugon ko dito. "But, I'll be quick. Magpapakita lang ako kay Selene then uuwi na rin para magpahinga."
"Alright," ani mommy at nginitian ako. "Kung iyan ang gusto mo."
"Thanks, mommy," mabilis na wika ko dito at nagpaalam na sa kanya. Pumanhik ako sa pangalawang palapag ng bahay namin at dumeretso na sa silid ko. Pagkapasok ko roon ay mabilis akong nahiga sa kama at ngumiti nang malawak.
How I missed this room!
Ilang minuto akong nanatiling nakahiga at noong matapos ako sa pagmamasid ng puting kisame ng kuwarto ko, bumangon na ako at mabilis na nagbihis ng damit.
Isang simpleng dress lang ang isinuot ko at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok. Isinuot ko ang kuwintas na regalo sa akin ni Jimin noon at nakangiting lumabas sa silid ko.
Nagtungo ako sa garden kung nasaan si mommy at nagpaalam na ako sa kanya. Nagbilin lang ito sa akin na umuwi ako agad para makapagpahinga na ako. Tinanguhan ko lang ito at umalis na sa bahay namin.
Tahimik lang akong nakaupo sa likod ng sasakyan habang nagmamaneho iyong driver namin. Kuya Henry's not available kaya naman ibang driver ang ipinasama sa akin ni mommy. At noong nasa Magic Shop na ako, sinabihan ko iyong driver na umuwi na lamang muna ito at balikan na lamang niya ako mamaya. Mabilis naman itong sumunod at umalis na rin sa harapan ko.
Nakangiti akong humarap sa Magic Shop at tiningnan ang malaking signage nito. Wala masyadong pagbabago ang naganap sa shop. At dahil nga peak season na naman ngayon, ang pamilyar na mga palamuti nito ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa loob.
Tahimik akong naglakad patungo sa counter area kung saan ko namataan si Selene. Abala ito kakatingin sa kung ano at noong tinawag ko ang pangalan nito, mabilis siyang napatingin sa akin. Gulat itong nakatitig sa akin at noong makabawi ito, mabilis niya akong nilapitan at niyakap nang mahigpit.
"Oh my! Kisha!" bulalas nito at humiwalay nang yakap sa akin. "You're here! Oh my God! Nakauwi ka na!"
"It was nice seeing you again, Selene," nakangiting sambit ko at tiningnan ang kabuuan nito. Bahagya pa akong natigilan noong mapansin ang umbok sa tiyan nito. At noong mapagtanto ko kung ano ito ay napahawak ako sa bibig ko. "You're..."
"Yes, Kisha," natatawang sambit nito habang hinahaplos ang tiyan nito. Oh my!
"I'm out of words! You never mentioned about your pregnancy, Selene!" Bulalas ko habang gulat pa ring nakatingin dito.
"You were doing your therapy, Kisha, of course, ayaw kong isabay ang balitang ito sa pagpapagaling mo. Mas mabuting makita mo na lang ang magiging anak ko," nakangising sambit nito.
"Congratulations, Selene! God, I'm so happy for you!"
"Thanks, Kisha!" aniya at binalingan ang mga staff sa may counter area. "Magbrebreak muna ako. One hour. Kayo na lamang muna ang bahala dito."
"Yes, Ma'am Selene," halos sabay-sabay na tugon ng staff sa kanya. Binalingan muli ako ni Selene at niyaya nang lumabas ng Magic Shop.
Hindi na kami lumayo sa Magic Shop. Sa isang restaurant lang kaming dalawa at tanging si Selene lang ang umorder ng pagkain. Juice lang iyong sa akin dahil kakatapos ko lang ding kumain sa bahay.
Panay ang tawa namin ni Selene habang nagkukuwentuhan ng kung ano noong biglang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa. She excused herself then answered her phone.
"Yes, Suga?" aniya noong masagot nito ang tawag.
Suga? Her husband!
"Naka-break na ako. I'm currently having my lunch," sambit pa nito at napatingin sa akin. "No, hindi si Avon ang kasama ko.... I know pero may iba akong kasama," dagdag pa nito at tumawa. "No, si Kisha ang kasama ko."
Natigilan ako noong banggitin nito ang pangalan ko. Napatingin ako kay Selene at namataan ang pagkunot ng noo nito habang kausap pa rin si Suga sa kabilang linya.
"What? No! Don't tell him! Kakarating lang nito!" tila natataranta nitong sabi at napatampal sa noo niya. "Tell Jin to shut up, Suga! Naiirita talaga ako sa boses niya! And tell RM and Hope to keep on singing! Mas gusto kong marinig ang boses nila kaysa kay Jin!"
Gusto kong matawa sa mga naririnig mula kay Selene ngunit noong maalala kong mga kaibigan ni Jimin ang binabanggit nitong mga pangalan, malamang sa malamang ay kasama nila ito ngayon. And knowing his circle of friends, tiyak kong malalaman nitong nakabalik na ako.
"What? Anong we're coming na pinagsasabi mo? Nako, tigilan mo ako, Suga! Pigilan mo iyang kaibigan mo!" Inis na sabi ni Selene at pinatayan na nang tawag ang asawa. Naiiling itong tumingin sa akin at humingi ng despensa sa nagawa. "Hindi ko alam na bumisita ito sa mga kaibigan niya. They're having a band practice right now and when I mentioned your name, nagkagulo sila."
"Nagkagulo? Paanong nagkagulo?" maingat na tanong ko sa kanya.
"Well, ilang oras ang biyahe nila papunta dito. Baka magmadali ang mga iyon dahil sa kagustuhan ni Jimin na makita ka."
Natigilan ako at agad na nag-alala sa magiging biyahe nga nila papunta dito sa probinsya namin.
"Call your husband again, Selene. Ipagpabukas na lang kamo nila ang pagpunta dito. H-hindi naman ako aalis na. I'll stay here for good."
Kita kong ngumiti si Selene sa akin at inabot ang kamay ko.
"I can see that you already forgot your pain, Kisha. And I'm the happiest person for you. Finally, you're free from your pain. I'm sure, kung nasaan man si James at ang anak niyo ngayon, masaya ito dahil hindi ka na nasasaktan sa pagkawala nila. Na naghilom na ang sugat mo. Na sa pangalawang pagkakataon, maaari ka nang sumaya muli."
Mataman akong tumango kay Selene at pinakiramdaman ang sarili.
Kung noon puro sakit ang nararamdaman ko kapag nababanggit ang tungkol kay James at sa anak namin, ngayon, I feel at ease. I consider them my comfort now. I'm totally healed from my tragic past!
Noong matapos kami ni Selene, nagpaalam na ako sa kanya at nagpasyang umuwi na rin. Tinawagan ko ang driver namin at nagpasundo na.
Tahimik akong pumasok sa kuwarto ko at marahang nahiga sa kama. Wala sa sarili akong napahawak sa tiyan ko at napangiti na lamang noong makaramdam ako nang kapayapaan sa sarili ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang makapagpahinga ang katawan ko at nakatulog na rin 'di kalaunan.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Dahil sa pagod, at marahil dahil sa jetlag na rin mula sa mahabang biyahe, hindi ko namalayan ang oras. Pikit-mata kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang oras.
"Eleven in the evening?" mahinang tanong ko sa sarili at noong mamataan ang missed calls sa cellphone ko at mabilis akong napaupo sa kama ko.
53 Missed Calls.
"What the!" bulalas ko at noong tumunog muli ang cellphone ko ay mabilis ko itong sinagot.
"Finally," wika niya at bahagyang natawa. "Are you fully awake now?"
"Yes," halos bulong na sagot ko at kinagat ang pang-ibabang labi. "I'm sorry. I overslept."
"It's okay," aniya at narinig ko ang pagkilos nito sa kabilang linya. "Your mom told me that you were sleeping and I just can't wait to hear your voice again. Na kahit alam kong hindi mo sasagutin ang tawag ko, sinubukan ko pa rin."
"Where are you?" wala sa sariling tanong ko dito.
"Outside your house," mabilis na tugon niya na siyang mabilis na ikinatayo ko mula sa kama. Agad akong nagtungo sa may bintana ng silid ko at noong hawiin ko ang kurtinang naroon ay natigilan ako noong makitang nakasandal si Jimin sa kotse nito. Nasa labas ito at kung wala itong suot na jacket ngayon, tiyak kong nilalamig na ito!
"Kanina ka pa ba diyan?"
"Three hours ago," sagot niya at tumingala sa direksyon ng bintana ko. Kita kong bahagya itong itinaas ang isang kamay at ikinaway sa akin. "I just can't wait for tomorrow kaya bumalik ako dito."
"L-lalabas ako."
"No," mabilis na pigil nito sa akin. "It's already late, Kisha. Huwag ka nang lumabas. I'm good with this. I can hear your voice. I can see you through your window. Kuntento na ako sa ganito."
"Pero... nandito na ako, Jimin. Nakabalik na ako."
"I know," aniya at humugot nang isang malalim na hininga. "Thank you for coming back, Kisha."
"Lalabas ako!" mabilis na sambit ko at hindi na pinakinggan ang pagpigil nito sa akin. Hindi ko na pinatay ang tawag nito hanggang sa makalabas na ako sa bahay namin.
Noong mamataan ako ni Jimin, mabilis siyang umayos nang pagkakatayo at matamang tiningnan lang ako.
"You looked beautiful," aniya at humakbang ng isang beses papalapit sa akin.
"I always looked beautiful," nanginginig na sambit ko dito at hindi na napigilan pa ang sarili. Tinakbo ko na ang distansya naming dalawa at mabilis na niyakap ito.
Ganoon din ang ginawa ni Jimin sa akin. He hugged me tightly while whispering my name.
"Thank you, Kisha," aniya at mas hinigpitan nito ang pagyakap sa akin.
Noong nawala sa akin si James at ang anak namin, hindi ko alam kung saan at kung paano ako magsisimulang muli. I was lost. But when I met Jimin, I thought I can use him to forget the pain from my past. I thought he can heal me but I was wrong. Hindi ko alam na habang ginagamit ko siya para makalimot ako, nasasaktan ko na rin pala ito.
It was a selfish act of me and when I realized what I've done, it was too late. Nasaktan ko na ito. At hindi ko kinaya ang sakit na dinulot ko dito.
I was disappointed with my action, with myself. Kaya naman ay minabuti kong bitawan ko na rin ito. Alam kong wala na akong pag-asa noon kaya naman ay mas mabuting pakawalan ko ito. Na kahit alam kong may pagmamahal na akong naramdaman sa kanya, mas makakabuting iwan ko na rin ito. To save him from the pain, from me.
Ayaw kong magaya ito sa akin.
I can't watch him getting hurt over and over again because of me. Hindi ko kayang gawin iyong sa kanya nang paulit-ulit. Mas lalong madudurog ako.
Kaya naman ay nagpakalayo-layo na ako. I tried to forget, to heal my wounds and to clear up my mind. And now, everything's fine with me. Maayos na ang kalagayan ko ngayon, thanks to my successful therapies. Hindi na ako nasasaktan ngayon at alam kong sigurado na ako sa gustong gawin ko.
I wanted to be happy again. I wanted to be with him again. This time, I won't used him to cover up my wounds. I am healed and no need for saving.
"I missed you," mahinang bulong ko dito at mas isiniksik pa ang sarili sa kanya.
"I missed you, too," aniya at maharang hinaplos ang buhok. "Hindi na kita hahayaang iwan muli ako, Kisha. Kahit saan ka man pumunta, sisiguraduhin kong kasama mo ako."
Tahimik akong tumango dito at dinama na lamang ang mainit na yakap nito.
Hindi naman ako aalis na, Jimin.
I'm staying here, for good and I'm all yours. All yours.
*** E N D ***
Next Story: Taehyung story
THANK YOU SO MUCH, LOVIES! Borahae! 💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top