RESTLESS PAIN (2)

Isang linggo na ang nakalilipas simula noong makalabas na ako sa ospital. Hindi pa ako nakakabalik sa dating trabaho ko pero maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Nakakalakad na ako nang maayos kaya naman ay tinanggihan ko na ang request nila mommy na kunin na personal ko nurse si Nurse Sharlin.

"Aalis ka, Kisha?" Bungad na tanong ni mommy sa akin noong pumasok ito sa silid ko. Maingat kong sinusuklay ang mahabang buhok at binalingan ito.

"Pupunta ako sa salon ngayon, mommy. Masyadong mahaba na itong buhok ko. Mahigit isang buwan lang naman ako sa ospital pero pakiramdam ko ang tagal ko nang hindi napapagupitan ito."

"You want me to join you?" tanong niya sa akin na siyang marahan kong ikinailing.

"I'll be fine, mom. Don't worry, I won't drive. Kasama ko naman si Kuya Henry," wika ko dito at kinuha na ang bag ko na nakapatong sa ibabaw ng kama ko.

"Alright. Mag-iingat ka. Tawagan mo ako kapag nasa salon ka na," aniya at sinamahan ako hanggang sa makalabas kami ng bahay namin. Mabilis namang kumilos si Kuya Henry noong mamataan kami ni mommy at agad na pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

"Drive safely, Henry," paalala ni mommy.

"Yes, Ma'am," magalang na tugon nito.

"Aalis na kami, mommy. See you later," nakangiting paalam ko at niyakap ito. Sumakay na ako sa sasakyan at marahang isinara ni Kuya Henry ang pinto nito.

Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa salon kung saan ako palaging nagpapaayos ng buhok ko. Binati ang mg mga staff at ang simpleng gupit na gusto ko ay hindi ko nasunod.

I wanted to change something for myself, kahit sa itsura ko na lamang.

"Are you sure about this, Ma'am Kisha? Sayang ang buhok mo! Ilang taon mo rin itong inalagaan!" ani ng stylist ko habang hawak-hawak ang mahaba kong buhok. Tumango ako dito at nginitian ito.

"Kulayan mo na rin. A dark brown shade will do."

"Alright! Ako ang bahala sa'yo!" wika pa nito at sinunod ang nais ko.

Tahimik lang ako sa buong proseso nang pagkukulay sa buhok ko. Medyo nag-alangan pa nga ako sa naging desisyon ko noong naputol na nito ang buhok ko. James loves my long hair but I need to remind myself over and over again that James is not here with me anymore. I need to accept that fact and move on.

At sisimulan ko iyon sa sarili ko. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maipakita kong kaya ko, na kaya kong bitawan ang lahat, gagawin ko.

Sana nga lang talaga ay kayanin ko.

About ng tatlong oras ang pagpapaayos ko nang buhok. At noong matapos na ako, matamang kong tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin. Iyong mahaba kong buhok ay hanggang balikat na lang ito. With a dark brown shade, I look different. Ibang Kisha ang nakikita ko sa repleksiyon ng salamin.

"Bagay naman pala sa'yo Ma'am Kisha ang ganyang ayos! Dapat pala ay ginawa na natin ito noo! Bongga!" sambit ng stylist ko at nginitian ako. Tipid akong nagpasalamat dito at nagbayad na.

Mayamaya lang ay nasa loob na muli ako nang sasakyan at nagpasya nang umuwi.

Habang abala ako kakatingin sa mga gusaling nadaraanan namin, natigilan ako noong may nakita akong isang shop at pinukaw nito ang atensiyon. Agaw pansin ang pangalan nito kaya naman ay mabilis kong inutos kay Kuya Henry na maghanap ng parking slot malapit dito.

"May bibilhin ka ba, Ma'am Kisha? Sasama na po ako para hind na kayo magbitbit pa."

"Thanks, Kuya Henry. Sige po at baka may mabili akong gamit para sa kuwarto ko," sambit ko dito at bumaba na sa sasakyan. "Sumunod ka na lang sa loob pagkatapos mong iparada nang maayos ang kotse."

"Opo, Ma'am Kisha."

Nagsimula na akong maglakad patungo doon sa establishment na nakita ko kanina. Noong nasa tapat na ako nito, tiningala ko ang signage nito at matamang binasa.

"Magic Shop," mahinang sambit ko. I've heard this place before. Isa ito sa sikat na shop dito sa amin pero ni minsan ay hindi pa ako nagagawi dito. I was busy with my work and with James before na kahit maglibot dito sa amin ay hindi nagawa. Yes, we travelled a lot pero hindi dito.

Tahimik akong pumasok sa Magic Shop. Pagkatapak ko pa lang sa loob ay agad akong binati ng mga staff na naroon. Ngumiti ako sa kanila at matamang tiningnan ang kabuuan ng shop.

This place is beautiful. Dahil nga ber month na, ang theme na ng shop na ito ay pang-Christmas season na. I can see almost red and green color sa mga displays nito. Marami ring tao sa toy section nila na tiyak kong pangregalo ito sa darating na pasok.

"Miss Kisha?"

Natigilan ako noong may tumawag sa pangalan ko. Mabilis akong bumaling sa gawing kanan ko at natigilan noong makita iyong babaeng kumausap sa akin noon sa ospital. Iyong guardian ni Anthony!

"You're Miss Kisha, right?" tanong pa nito sa akin, tila hindi sigurado kung tama ba ang nilapitang tao.

Right! Pinaputol ko pala ang buhok ko!

"Just Kisha, no need for formality," tipid na sambit ko at bahagyang nginitian ito.

"A-akala ko namalikmata lang ako. You looked different," aniya at tiningnan ang kabuuan ko. "You remember me, right? Selene?"

"Yes, I remember you," ani ko at tinignan ang suot nito. "You work here?"

"Yes," mabilis na sagot niya at nilibot ang paningin sa loob ng Magic Shop. "I'm currently the Branch Manager of this shop."

"This place is nice," sambit ko at muling tiningnan ang kabuuan ng Magic Shop. "I like it."

"Thank you," aniya at muling binalingan ako. "Mind if I tour you around the shop? May mga bagong arrival kami. Baka magustuhan mo."

Tipid akong ngumiti dito at tinanguhan ito. "Yes, please, thank you."

Hindi pa kami nakakaalis ni Selene sa kinatatayuan namin noong may pumasok na panibagong customer ang Magic Shop. Sa pag-aakalang si Kuya Henry ito, mabilis akong bumaling sa pintuan nito.

I froze where I stand.

Imbes na si Kuya Henry ang nakita ko, tatlong lalaki ang pumasok sa Magic Shop. Pamilyar sa akin ang mukha ng dalawa roon at iyong isa ay ngayon ko lang nakita.

"Ano na naman ang ginagawa niyo dito?" Napatingin ako doon sa nagsalita. Isa ito sa staff ng Magic Shop. Namewang ito sa harapan nila at pinagtaasan ng kilay ang mga bagong dating.

"Relax, Avon," nakangiting sambit nong lalaki at nilapitan iyong staff na nagngangalang Avon. "We're just here to visit you and Selene."

"Anong visit? Napag-usapan na natin ang tungkol dito. Working hours pa po ngayon kaya bawal kayo dito," mariing sambit ni Avon at inilingan ang kausap.

"Naabala ba namin kayo?" Napabaling naman ako doon sa isa pang lalaki noong magtanong ito. Nakatingin ito ngayon kay Selene at noong mapatingin ako sa isa pa nilang kasama ay natigilan ako.

Jimin Anderson.

"Maraming customer ngayon, Suga. Bumalik na lang kayo mamaya," ani Selene sa tabi ko at sinabihang bumalik na sa trabaho si Avon. Naiiling namang nagpaalam si Avon sa kausap at tinalikuran na ito.

"Let's go, Kisha?" Napakurap ako noong niyaya na akong muli ni Selene. Nakatingin kasi ako ngayon kay Jimin na takang nakatingin rin sa akin. Nakakunot ang noo nito kanina at noong banggitin ni Selene ang pangalan ko ay biglang nawala ang kunot sa noo nito.

"Kisha? From the hospital?" Mabilis na tanong nito na siyang ikinatigil ko.

"Uy,  sino iyon? Bakit wala kayong nababanggit sa akin tungkol sa kanya?" tanong naman noong isa na kausap ni Avon kanina.

"Shut it, Jin," malamig na turan ni Suga at bahagyang tinanguhan ako. "Babalik na lang ako mamaya. Huwag kang pumunta sa ospital mag-isa, Selene."

"Sige na, umalis na kayo," ani Selene at muling binalingan ako. "Let's go."

Tipid akong tumango dito at tinalikuran na ang mga lalaking kausap nila Selene. Hindi ko na binigyan pansin pa ang mga titig kanina ni Jimin. Pasimple na lang akong umiling at maingat akong humakbang at sinundan si Selene. May mga ipinakita ito sa akin samantalang tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nito tungkol sa mga produkto ng Magic Shop.

Minuto lang lumipas ay nasa Magic Shop na rin si Kuya Henry. Kinuha na nito ang mga pinamili ko at nagpaalam na ako kay Selene.

"Kisha," tawag niya sa akin bago pa man ako makalabas sa Magic Shop. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. I froze and looked at her. "I'm really happy to see you again. Akala ko'y hindi na ako mabibigyan nang pagkakataong makausap kang muli. Seeing you right now makes me want to help you. Gusto kitang tulungan sa kahit anong paraan na kaya ko. Alam ko ang pakiramdam nang mawalan kaya kung kailagan mo nang tulong, sabihin mo lang."

"I'm slowly healing, Selene. Kahit sobrang bagal ang paghilom ng mga sugat ko, ayos lang sa akin. I'll just treasure every minute I have right now until my wounds become scars."

"I just hope Anthony will wake up soon para naman ay makahingi na ito nang tawad sa'yo," aniya na siyang ikinatango ko.

"Your boyfriend will wake up soon, Selene." Mabilis namang umiling sa akin si Selene at sinabing hindi niya boyfriend si Anthony. Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya.

"We broke up before the accident happened."

"Pero... bakit ikaw ang nagbabantay sa kanya sa ospital?" takang tanong ko dito.

"Ako lang ang kakilala nitong malapit sa kanya. Kahit gustuhin ko mang putulin ang koneksiyon ko sa kanya, hindi ko kayang gawin. He needs someone right now."

"And that someone is you?"

"Maybe yes, maybe no. Who knows? I just wanted him to gain his consciousness again. And after that, I'm done with him. Totally."

"You'll be fine," sambit ko na siyang ikinatigil ni Selene. Nginitian ko ito at tuluyan nang nagpaalam dito.

Tahimik kong hinintay sa gilid ng kalsada ang pagparada ni Kuya Henry sa sasakyan namin noong may tumayo sa tabi ko at nagsalita ito.

"You changed your look," aniya na siyang mabilis na ikinabaling ko sa kanya. Noong mamataan ko kung sino ito ay mabilis akong napaayos nang tayo. "It suits you."

"Thank you," tipid na tugon ko dito at tiningnan ang daan kung saan ipinark ni Kuya Henry ang sasakyan kanina. Where is he? Ba't ang tagal naman yata nito?

"Maayos na ba ang lagay mo?" Tanong muli nito na siyang tipid na ikinatango ko.

"Successful naman iyong naging operasyon ko noon kaya hindi ako nag-aalala."

"That's good to hear," aniya at hindi na muling nagsalita sa tabi ko. Pasimple ko itong tiningnan at noong mamataan itong nakatingin lang sa kawalan ay kinunotan ko ito ng noo. 

"May hinihintay ka rin ba?" Wala sa sariling tanong ko dito na siyang ikinabaling niya sa akin. Natigilan ako sa uri nang tingin nito kaya naman ay bahagya kong ikinuyom ang mga kamao ko.

"Oo," tipid na sagot niya at napabaling sa gilid namin noong may dumating na sasakyan. "Hinihintay ko ang sasakyan mo at nang makauwi ka na," dagdag pa niya at siya na ang nagbukas ng pinto para sa akin.

Hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan at nakatingin lang kay Jimin. Ganoon din ang ginawa niya sa akin. Mayamaya lang ay nakita ko itong humugot ng isang malalim na hininga at hinawakan ang kaliwang kamay ko. 

I froze.

They way he's holding my hand warms my heart. He's hand is so gentle and he's holding me like a fragile glass! Masyadong maingat ito na tila kahit anong oras ay masasaktan ako.

Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa harapan nito. Nagpahila na lamang ako sa kanya noong pinapasok na niya ako sa loob ng sasakyan. Noong makaupo na ako sa loob, dahan-dahan niya binitawan ang kamay ko at matamang nginitian ako.

"Kuya, drive safely, please," aniya kay Kuya Henry habang nasa akin ang buong atensiyon. Muli siyang ngumiti at matamang tinanguhan ako. "You still have my calling card, right?"

"Uhm... yes?" Naguguluhang sagot ko dito.

"Good. Call me when you're home," aniya at umatras na palayo sa sasakyan namin.

"What? Bakit naman ako tatawag sa'yo?"

"If you don't call me, ako ang tatawag sa'yo," sambit niya sabay tingin sa suot na relos. "Let's just say, after fifteen minutes? Malapit lang naman ang bahay niyo mula dito kaya sakto lang ang oras na iyon."

"Ayos ka lang ba? You're talking nonsense," naiiling na sambit ko na siyang ikinatawa nito. Natigilan ako at matamang tiningnan ito habang tumatawa. He brushed his hair using his left hand and smile again to me.

"Fine, hindi ako tatawag sa'yo but," aniya at muling lumapit sa akin. "How about a dinner with me?"

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"I'm just kidding, Kisha," dagdag pa nito at nagpaalam na sa akin. Mayamaya lang ay dahan-dahang isinara nito ang pinto ng sasakyan namin.

Hindi ko inalis ang paningin ko kay Jimin kaya naman ay namataan ko ang pagkaway nito sa akin. Nagsimula nang magmaneho si Kuya Henry at pasimple kong binalingan si Jimin na ngayon ay nakatayo pa rin sa gilid ng kalsada. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya hanggang hindi ko na ito nakita.

Napabuntong-hininga ako at umayos na nang pagkakaupo.

Wala sa sarili kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang numero nito na nakasaved na sa contacts ko.

"Dinner?" Napangiwi ako at muling ibinalik ang cellphone sa bag ko. Inilapag ko ang bag ko sa tabi ko ar napabuntong-hininga na lamang ulit.

That's a bad idea, Kisha. Stop it!

Napailing na lamang ako at marahang isinandal sa backrest ang likod. Ipinikit ko ang mga mata at inalis sa isipan ang naging usapan namin ni Jimin.

Minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.

Wala sa sarili akong tumingin sa suot kong relos at natigilan noong makitang sampung minuto lang ang naging biyahe namin mula sa Magic Shop hanggang dito. I sighed then reached my bag. Dahan-dahan akong bumaba sa sasakyan at sinabihan si Kuya Henry na ipapasok na lamang sa mga katulong ang mga pinamili ko.

Tahimik akong pumanhik patungo sa silid ko at noong makapasok na ako roon ay mabilis akong naupo sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at wala sa sariling nagtipa ng text at mabilis itong isenend kay Jimin Anderson.

"I'm home."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top