LIGHT AND MIRACLES (3)

"Avon, come here."

Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at nakatingin lamang kay Jin. Ayaw kong sundin ito at baka kung anong magawa ko! Nakakahiya talaga minsan ang mga pinaggagagawa ko sa buhay!

Mayamaya lang ay namataan ko itong humugot ng isang malalim na hininga at mabilis na hinila ako papalapit sa kanya.

"Jin!" gulat kong sambit sa pangalan nito at napatingin sa pilang pinanggalingan. Napailing na lamang ako noong makitang nakatingin sa amin ang ibang nakapila kaya naman at masama ko itong binalingan nang tingin. "Bitawan mo nga ako," mahina ngunit mariing kong sambit at binawi ang kamay mula sa kanya.

"Ihahatid na kita," aniya at muling hinawakan ang kamay ko.

Napailing na lamang ako noong marahang hilain na ako ni Jin. Nagsimula na itong maglakad kaya naman ay napahakbang na rin ako.

He's so persistent! Wala talagang makakapigil sa gusto nitong mangyari! Hindi na ako nakaangal pa hanggang sa makarating kami sa sasakyan nito. Napanguso na lamang ako noong walang imik niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan niya kaya naman ay walang angal na rin akong sumakay dito.

Noong nasa driver na si Jin ay mabilis nitong pinaandar ang sasakyan niya. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at napahawak sa suot na seatbelt. Buti na lang talaga ay awtomatikong nagsusuot ako ng seatbelt kapag nasa sasakyan niya! Dahil kung hindi, napasubsob na ako!

Mapailing na lamang ako sa nangyari at napabuntong-hininga! Jin!

Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa tumigil ang sasakyan nito. Mabilis akong napaayos nang pagkakaupo at napakunot na lamang ang noo noong mamataang hindi niya ako inihatid sa bahay.

"Why are we here?" mahinang tanong ko dito at tiningnan ang medyo madilim na parke malapit sa bahay namin.

"We need to clear things first, Avon," aniya at nauna nang bumaba sa sasakyan niya. Hindi ako nakakilos agad hanggang sa pagbuksan niya ako ng pintuan. Napalunok muna ako ng isang beses at dahan-dahan inalis ang seatbelt sa katawan. Tahimik akong bumaba dito at pinagmasdan ang malapad na likuran ni Jin na naglalakad patungo sa isang bench 'di kalayuan sa puwesto namin.

Tahimik akong sumunod dito at naupo sa tabi niya.

Wala sa sarili akong napatingala sa langit at tipid na ngumiti noong makita ang iilang bituing naroon. Ang ganda ng panahon ngayong gabi kaya naman ay talagang kumikinang ang mga bituin sa langit. Ang gandang taglay nito ay nagpapakalma sa nagwawala kong puso ngayon.

I know it. I can feel it. He's looking at me. I can feel his stares on me.

"Avon." Napakurap ako noong tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ako kumibo at nanatili sa pagmamasid sa kalangitan. I don't know what to do. I don't even know what I'm going to say to him! I was caught off guard earlier when I found out that the girl he was with earlier was his sister! "Look at me, Avon."

"Ayaw ko." Tipid na wika ko at muling tumingin sa kawalan. Bahala siya diyan!

"Kanina ka pa nakatingala diyan, Avon. Hindi ka ba nangangawit diyan? At is pa, ayaw mo na bang tingnan ang guwapo kong mukha?"

Napataas ang isang kilay ko dito at umirap sa kawalan. Kahit kailan talaga! Kahit sa anong sitwasyon, isisingit niya talaga ang tungkol sa guwapo at perpekto nitong mukha! Jin!

"Bakit ba kasi nandito tayo?" mahinang tanong ko sa kanya at sa wakas ay binalingan ito. Kita kong bahagyang nagulat ito sa pagbaling ko sa kanya kaya naman ay pinagtaasan ko ito ng isang kilay. Ngunit kagaya nang palaging ginagawa nito, agad siyang nakakabawi sa gulat at pinagpapatuloy ang kakulitan nito.

"Mag-uusap tayo at aayusin natin ito," aniya at nginitian ako.

"Hindi ba puwedeng ipagpabukas na ito, Jin? Masyadong late na at baka hinahanap na ako ni mama," wika ko noong maalala ang kalagayan ng aking ina. Baka kung ano na naman ang ginagawa nito ngayon!

"Then, we'll talk fast, Avon, para naman makauwi ka na," aniya at matamang tiningnan ako. "Lumabas ka sa Magic Shop kanina, hindi ba?" Tanong niya na siyang ikinatigil ko. "Sumunod ka noong lumabas ako sa Magic Shop at nagtungo ka rin sa sinasabi kong restaurant."

Hindi ako kumibo at dinama lamang ang kabog ng dibdib ko. So, all along, he knew I was there? Really?

"Avon..."

"Uuwi na ako," malamig na turan ko at tumayo na mula sa kinauupuan. Mabilis namang hinawakan ni Jin ang kamay ko at hinilang muli ako pabalik sa pagkakaupo.

"Jin!"

"Stop running away, Avon."

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. "Anong running away? I'm not, Jin!"

"Really? So, anong tawag mo sa ginagawa mo? Imbes na pag-usapan natin ang tungkol sa problema mo, ito at gusto mong umuwi at ipagpabukas ang dapat pag-usapan natin ngayon."

"Wala tayong dapat pag-usapan, Jin. Hindi dapat pinag-uusapan ang bagay na iyon!"

"Kung hindi lang dumating ang kapatid ko, nilapitan ko na sana sila," aniya na siyang ikinatigil ko.

Damn! Nakita niya rin sila?

"Jin..."

"I know your father, Avon. Ilang beses ko na rin itong nakita kaya hindi na bago sa akin ang nasaksihan ko kanina."

Natameme ako sa kinauupuan at mabilis na iniwas ang paningin sa kanya. Tahimik kong kinagat ang pang-ibabang labi at tumingin muli sa kawalan.

He really saw them earlier. Ang akala ko'y hindi niya ito mapapansin dahil nga may kausap ito kanina. Kaya nga ay hindi na ako tumuloy dahil alam kong hindi ko masisikmurang manatili sa isang lugar kung nasaan ang aking ama at ang babae nito!

Gustuhin ko mang makasamang kumain si Jin kanina, mas pinili ko ang kapanatagan ng puso at isipan ko. I was already in pain and hurt when he left us for his mistress and I don't want to add another heartache. I can only take a single pain. Wala sa usapan ang paulit-ulit akong masasaktan dahil sa kagaguhang ginawa ng aking ama.

Napapikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ako kumibo, ganoon din si Jin, pero alam kong nakamasid ito sa akin.

"Alam mo kung bakit mas gusto ko ang gabi kaysa sa umaga?" Wala sa sariling tanong ko dito at humugot ng isang malalim na hininga.

"Dahil makakasama mo ako? Sa umaga kasi ay abala ka sa Magic Shop," rinig kong sagot ni Jin na siyang napangisi sa akin. This man is unbelievable! Wala nang pag-asa ang isang ito!

"Wrong," mabilis na sambit ko at binalingan ko ito. Kita ko ang pag-iling nito at bahagyang napahawak sa dibdib niya at umaktong nasaktan sa sinabi ko.

"Dahan-dahan naman sa mga salitang binibitawan mo, Avon," aniya habang hawak-hawak pa rin ang dibdib nito. Napailing na lamang ulit ako at muling napatingin sa kalangitan.

"I really admired the night sky. It calms me," mahinang sambit ko at inangat ang isang kamay. Marahan ko itong iginalaw at isinulat ang pangalan ko roon. "Gusto kong tingnan ang madilim na kalangitan. And just like how I see my life right now, so dark... and cold . I felt dark inside and I just want to stay that way."

"So, anong tawag mo sa akin ngayon, Avon?" rinig kong tanong ni Jin kaya naman ay natigilan ako. "Sa madilim mong mundo, wala ka bang makita kahit isang liwanag man lang diyan?"

A light? I don't know.

Naging madilim ang mundong ginagalawan ko simula noong nagkaproblema ang pamilya ko. At nawasak ito nang tuluyan noong umalis si papa at sumama sa ibang babae.

"Inside your dark world, Avon, wala ba ako doon? Hindi mo ba makita ang liwanag ko?"

Napaawang ang labi ko at marahang binalingan ito.

"Kulang pa rin ba ang mga ginawa ko para magkaroon ng kahit kaunting liwanag ang mundong kinaroroonan mo ngayon, Avon?"

"Jin, ano bang..."

"The day I saw you, I knew that there was something wrong in your gentle eyes. Masyadong nakakalunod ang ekspresyon ng mga mata mo kaya kahit pinagbawalan na ako ni RM na kulitin ka tungkol kay Yshey, ginawa ko pa rin. Alam at ramdam ko ang pagkairita mo sa akin noon pero nagustuhan ko iyon. Slowly, I saw how your eyes changed. The emotions, the intensity of stares you were giving me, lahat ng iyon ay nagbago, Avon. And here I thought that I really gave a little light on you. Mali pala ako."

He saw that on my eyes? This man saw my pain through my eyes?

"You can't keep running away from your father, Avon. Dahil kahit gaano ka man kabilis tumakbo palayo sa kanya, mapapagod at mapapagod ka. At sa huli, ikaw pa rin ang masasaktan. Ikaw na nga itong umiwas, ikaw pa rin ang masasaktan nang husto."

Mabilis akong nag-iwas nang tingin dito at hindi na napigilan pa ang mga luha sa mga mata. Alam ko naman iyon! Alam na alam ko pero mas gusto ko pang masaktan kaysa makaharap itong muli! But, Jin... Damn it!

"Kasalan mo ang lahat ng ito," wala sa sariling sambit ko at inalis ang mga luha sa mga mata. "You keep on giving me hope, Jin! I was fine living inside this darkness. I was fine before you came and keep on asking me about your friend's girlfriend! Bakit ba kasi napunta ka pa sa Magic Shop?"

"Avon, hey," mabilis na sambit nito at hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at marahang inalis ang mga luha ko. "I'm sorry but I want to save you from the darkness. You need to leave that place and follow the light, Avon."

"Wala akong makitang liwanag, Jin!"

"Then, follow me," mabilis na sambit niya na siyang ikinaawang ng labi ko. "I'll be your light, Avon. And if I can, I'll be your miracles, too."

"Jin..."

"You deserves to be free from the pain, Avon. Hindi matatapos ang buhay na mayroon ka dahil sa kasalanan ng taong nasa paligid mo. You need to move for yourself. You need to take a single step forward. And when I say a single step, hindi iyon pagtakbo palayo sa papa mo."

"I don't want to see him, Jin. At alam kong alam mo ang dahilan kung bakit ayaw ko itong makitang muli."

"Maliit lang ang probinsyang ito, Avon. Maliit lang ang mundong ginagalawan ninyo at natitiyak kong kahit ayaw mo man itong makita, magtatagpo pa rin ang mga landas niyo. At sana kung mangyari man iyon, haharapin mo siya. Hindi ka na ulit tatakbo palayo sa kanya."

"Hindi ko alam kong kaya ko siyang harapin, Jin," muli akong naiyak kaya naman ay napayuko na ako. Mabilis naman akong inalo ni Jin at marahang hinaplos ang basa kong mukha.

"You need to be strong, Avon. Para sa mama mo, at para sa sarili mo."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Jin. His words are really convincing but I don't have that courage to face my father. I loved him that it really hurt me when I found out that he was cheating on my mother. At simula noong umalis ito, itinatak ko na sa isipan ko na ayaw ko na itong makita pa. Sa kahit anong pagkakataong ibigay sa akin, kapag nasa paligid ito, ako mismo ang aalis para naman ay hindi na madagdagan pa ang galit ko sa kanya. And to save myself too. Cause I'm drowning from my own pain, my hatred towards the man whom I loved the most, and I don't think I wanted to be saved from this.

But, hearing those words from Jin, may nakita akong kaunting liwanag sa madilim kong mundo. At ang maliit na liwanag nito ay ngayon ay mas lalong lumiliwanag sa paningin ko.

Sa totoo lang, matagal ko na itong nakikita ngunit pinagsasawalang bahala ko lang ang presensya nito. I was busy dealing with my own pain and didn't even care about its existence. And now, hearing those words from the man who kept me busy for the past days, unti-unti kong naiintindihan ang mga ibig nitong sabihin.

Bakit nga ba ako tumatakbo palayo sa taong nagbigay sa akin nang matinding kabiguan? Wala akong ginawang mali kaya naman bakit ako itong umiiwas?

"Avon..."

"I saw you, Jin," mahinang sambit ko at mariing ipinikit ang mga mata ko. "Kahit nakapikit ang mga mata ko, nakikita ko ang liwanag na taglay mo," dagdag ko pa at muling tiningnan ito.

Kita kong ngumiti si Jin at marahang inilapit ang mukha sa akin.

"Kung ganito ako kalapit, nakikita mo pa rin ba ang liwanag na sinasabi mo?"

Napangiti ako dito at tumango.

"Kitang-kita, Jin."

"Ang gwapo ko, no?" natatawang sambit niya at mabilis na niyakap ako. Napatango na lamang ako at gumanti nang yakap dito.

My light. My once in a lifetime miracle. That's him. My Jin.

"Iuwi mo na ako, Jin," mahinang sambit ko dito at humigpit ang pagkakayakap sa kanya.

"Sigurado ka riyan?"

"No," natatawang tugon ko at humiwalay na dito. "Tara na!"

"Yes, yes, Avon. Iuuwi na kita," aniya at naunang tumayo sa akin. "Let's go," yaya niya at inilahad ang kamay nito sa akin.

Mabilis akong tumango dito at tinanggap ang kamay nito. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at hawak-kamay kaming naglakad ni Jin pabalik sa sasakyan nito.

"Pero... hindi mo naman siguro naisip na nagtaksil ako sa'yo, hindi ba?" biglang tanong ni Jin na siyang ikinatawa ko. "Hindi mo alam ang tungkol sa kapatid ko! Tapos makikita mong magkasama at nag-uusap kami! Malay ko ba sa takbo ng isip mo! Baka nga pinagmumura mo na ako dahil akala mo cheater na ako!" sunod-sunod na wika nito na siyang lalong ikinatawa ko.

There's no way na sasabihin ko sa lalaking ito na talagang nagselos ako noong nakita ko sila ng kapatid niya. Over my dead body! Lalong lalaki ang ulo nito kung ipagtatapat ko ang bagay na iyon! Bahala na siyang mag-isip ng kung ano diyan!

***  E N D ***

Next: YOONGI's story!

Thank youuu, lovies! Borahae!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top