ENDLESS DESPAIR

"Good morning! Welcome to Magic Shop!"

Nakangiti kong bati sa mga bagong dating na customer. Gumanti sila ng ngiti sa akin at nagsimula nang maglibot at tumingin sa mga nakadisplay na mga items.

Tahimik kong pinagmasdan ang magkakaibigang tuwang-tuwa sa hawak na mga laruan. Kilala ko ang suot nilang uniform. Mga estudyante ang mga ito ng State University 'di kalayuan dito sa Magic Shop.

"Magugustuhan ito ng kapatid mo, Elena! Bilhin mo na!"

"Kulang pa ang naipon ko allowance ko, Sandra! Babalikan ko na lang iyan," natatawang sambit ng babae at ibinalik ang laruan sa display rack nito. Naglakad muli sila at tiningnan pa ang iba pang laruan.

"Ma'am Selene!" Tawag pansin sa akin ng isa sa mga staff ko. Binalingan ko ito at may itinuro doon sa counter area. Mabilis ko itong tinanguhan at nilapitan na.

Mag-iisang taon na rin akong empleyado dito sa Magic Shop. At first, sales staff lang ako dito at pagkatapos ng anim na buwang pagtratrabaho, napromote ako bilang Branch Manager. Noong una ay halos tanggihan ko ang promotion na ibinibigay sa akin. This is only a temporary job for me. Wala sa plano ko ang magtagal dito sa Magic Shop ngunit noong nagkaproblema ako sa gastusin sa bahay ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. I need this job. I need the money to survive this cruel sht!

Naging abala ako buong maghapon. Bago kasi rin kasi ang Stock Clerk Supervisor namin at kakasimula lang nito ngayong araw. She's still learning. At base na rin sa sariling obserbasyon ko, mabilis itong matututo dito sa Magic Shop. She's attentive and a fast learner. She can surely handle her job smoothly.

"Uhm, excuse me..."

Natigilan ako sa pag-aayos ng ilang display noong may nagsalita sa likuran ko. Umayos ako nang pagkakatayo at hinarap ito.

Natigilan ako noong mamataan ko ang tatlong lalaki. Ang isa ang siyang nagsasalita ngayon sa harapan ko samantalang abala ang dalawa kakamasid sa buong shop.

"Sorry to bother you but, is Yshey's here?" Tanong niya at tipid akong nginitian.

Yshey? Iyong bagong Stock Clerk Supervisor ng Magic Shop?

"She's kinda busy, Sir," sambit ko at binalingan ang pintuan patungo sa stock room namin. "Maraming dumating na deliveries ngayong araw kaya natitiyak kong magiging abala ito ngayon."

"Is that so?" tanong niya at napakamot sa likod ng ulo niya.

Napatango lang ako dito at wala sa sariling napatingin sa lalaking lumapit sa kanya. Tahimik nitong itinuro ang isa pa nilang kasama na ngayon ay kinukulit na si Avon, isa sa stock room staff namin. Napailing na lamang iyong kausap ko at nagpaalam na sa akin.

Nanatili naman ang isa sa kasama nito at matamang tiningnan ako.

Bahagya akong nailang sa uri nang tingin nito sa akin kaya naman ay mabilis ko itong tinalikuran at muling inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga display. Halos hindi ako humihinga habang nasa tabi ko pa rin ang lalaki. Kaya naman noong tawagin na nila ito at niyayang umalis, napaawang ang labi ko at nakahinga na rin nang maayos.

Suga? That was his name? Ano iyon? Sugar na kinulang ng "R" sa dulo? Weird name.

Umayos muli ako sa pagkakatayo at binalingan ang tatlong lalaking palabas na ng Magic Shop. I was silently watching them when the guy named Suga looked towards my direction. I mentally cursed when our eyes meet and immediately make myself busy again with the display rack.

What's wrong with that guy? Bakit ganoon na lang ang tingin nito sa akin?

"Ma'am Selene! Pa-void po!"

Napabuntong-hininga na lamang ako at mabilis bumalik sa counter area at nagpatuloy na sa pagtratrabaho.

Natapos ang araw at lahat kami ay pagod sa pag-aassist ng mga customer. Patapos na rin kami sa pagliligpit ng mga gamit namin noong lumabas si Yshey mula sa stock room. We informed her about the man who was looking for her at dali-dali itong lumabas sa shop.

"Mukhang kakilala naman niya ang mga lalaking iyon," ani ng isang staff naming na sinang-ayunan naman ng iba.

"Mukhang disente naman sila at parang wala namang balak na masamang gawin ang mga ito sa kanya," dagdag pa ng isa na siyang ikinatigil ko.

Wala sa sarili akong napatingin sa pintuan ng Magic Shop at inalala ang nangyari kanina. That man, Suga. The way he looked at me. The way his eyes glued on me; it was like he was telling me something. Or not. Baka imahinasyon ko lamang iyon! Damn it! Ano ba itong iniisip ko? I don't even know that man!

Noong matapos na kami sa lahat nang gawain ay nagpasya na kaming umuwi. Tahimik kaming lumabas sa Magic Shop at isinara na ito. Kanya-kanyang mga paalam sa akin ang mga staff at nagsialisan na ang mga ito. Sinigurado ko munang locked and secured na ang shop bago tuluyang umalis.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa apartment na inuupuhan ko. Walking distance lang ito mula sa Magic Shop. Mabuti nga at nakahanap ako ng bakanteng kuwarto para naman hindi na ako mahirapan pa sa pagpasok sa trabaho. Walang imik akong pumanhik sa pangalawang palapag ng building ng apartment ko at noong buksan ko ang pinto ng silid ay agad akong napangiwi noong makarinig ako nang pagtawa at makaamoy ako ng alak sa buong silid.

"Seriously? Anong ginagawa mo dito, Anthony?" Mariing tanong ko noong mamataan si Anthony na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa at nakatutok ang mga mata sa TV. Bumaling ito sa akin at itinaas ang bote ng beer na hawak nito. Ngumisi siya sa akin at tinungga ang alak na hawak-hawak. "Umuwi ka na nga!" Iritang sambit ko at pumasok sa kuwarto ko. Inilapag ko lang ang bag ko at muling lumabas na rin para paalisin si Anthony.

"Umuwi ka na."

"I'm staying here for tonight," aniya at inilapag ang bote ng alak sa mesa. Napatingin ako dito at napamura na lamang noong makitang nakakalimang bote na ito.

"Akala ko ba naghihirap ka na? Na wala ka ng pera? Bakit sandamakmak na naman itong alak mo?" Iritang tanong ko at namewang sa harapan niya. "You know what, forget it. Tapusin mo na iyang iniinom mo at lumayas ka na!"

"You're too harsh, babe. Hindi ako uuwi at dito ako matutulog," aniya at muling bumaling sa may TV.

"Nakalimutan mo na ba? Ha, Anthony? I already broke up with you! Kaya dapat ay hindi ka na bumalik pa dito!"

"Broke up, my ass. No one's breaking up with me," walang ganang sambit nito at nginisihan ako.

Napaawang ang labi ko at napatampal na lamang sa noo. Damn it! Ang akala ko talaga ay maayos na itong paghihiwalay namin ni Anthony. Naging kampante ako dahil akala ko'y tanggap na nito ang paghihiwalay naming dalawa. Ni hindi ko na pinalitan pa ang passcode ng apartment ko dahil sa sobrang pagtitiwala na hindi na niya ako muling guguluhin pa!

"Anthony, get off your ass now and leave," mariing sambit ko at itinuro ang pintuan ng apartment ko. "Leave and never come back here!"

Inis na bumaling sa akin si Anthony at mabilis na tumayo sa kinauupuan nito. Naalarma ako sa uri nang tingin nito sa akin kaya naman ay napaatras ako. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya ay mabilis niya akong nahawakan at marahas na hinila papalapit sa kanya.

"Anthony! Ano ba? Bitawan mo nga ako!"

"Bakit ba pinipilit mo ang pakikipaghiwalay sa akin, ha, Selene? Ano bang pinagmamalaki mo ngayon?" matamang tanong niya sa akin at mas hinigpitan ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"Bitawan mo ako!" ulit ko at pilit na binabawi ang braso mula sa pagkakahawak nito sa akin.

"Tell me, Selene, may ibang lalaki ka na, hindi ba? Kaya pilit mong kumakawala sa akin? Iyon ba ang dahilan mo, Selene?"

"You're hopeless kaya naman ay nakipaghiwalay ako sa'yo, Anthony!" Sigaw ko dito at buong lakas itong itinulak. Nabitawan ako ni Anthony at napaupong muli sa sofa. "Wala ka nang ginawang tama sa buhay mo! You keep on wasting your life! Hindi habang-buhay ako magtitiis sa'yo, Anthony! I have my own life, too! I have my dreams! At kung wala kang plano sa buhay mo, huwag mo akong idamay!"

"I asked you to give me some more time, Selene! Ginagawa ko naman ang lahat para maayos ko itong lintik na buhay ko!" Giit niya na siyang nagpatawa sa akin.

"Inaayos? Kailan pa? Kailan ka nagsimulang magbago? No, Anthony. You never bothered yourself to improve, to move even a single step to change your fvcking life! Tapos ngayon babaliktarin mo ang sitwasyon natin? Anthony, I broke up with you because I can't handle your shts anymore. You're too much and I can't take it."

"Selene..."

"Leave," ulit ko dito at tinalikuran na ito. Babalik na sana ako sa loob ng kuwarto ko noong mabilis akong hinilang muli ni Anthony at marahas na hinalikan sa labi.

Sa gulat ko ay mabilis ko itong itinulak at nasampal sa pisngi.

I froze.

Damn it!

"Umalis ka na. Please," mahinang sambit ko dito.

"Fine! Kung iyan ang gusto mo," wika ni Anthony at kinuha na ang jacket nito na nakapatong sa ibabang ng mesa. Nasagi pa nito ang ilang bote ng alak na wala nang laman at nahulog ito.

Napapikit na lamang ako noong marinig ang pagkabasag ng mga bote at napailing noong padabog na lumabas ng apartment ko si Anthony.

I sighed.

"Kahit kalian talaga ay sakit ka sa ulo, Anthony!" Naiiritang sambit ko at mabilis na inasikaso ang mga nabasag na mga bote. Naiiling akong kumuha ng dustpan at noong dinampot ko ang isang bubog ay napamura na lamang ako noong nasugatan ako. "Bwesit ka talagang lalaki ka!"

Irita akong tumayo at inilagay sa garbage bag ang mga bubog. Napatingala ako at kinalma ang sarili. Ngunit segundo lang ay nag-init na naman ang dugo ko noong maalala ang mga paratang nito sa akin.

"Ako pa ngayon ang may nahanap na iba? May ibang lalaki? Ako? Ako na walang ibang ginawa kung hindi magtrabaho para may kainin kaming dalawa? Nababaliw na ba talaga siya? E, siya itong palaging may nakabuntot na mga babae!" Inis na sambit ko at dinampot na ang garbage bag. Padabog akong lumabas sa apartment ko at nagsimulang maglakad palabas ng building. Mas mabuting itapon ko na lang muna ito at magpahangin sa labas! Naiirita ako sa apartment ko! Amoy na amoy ko ang pabango ni Anthony at natitiyak kong mas lalong akong maiirita nito!

Anthony and I are childhood sweethearts. Simula pagkabata ay kilala ko na ito at noong maging kami, walang araw na hindi kami nagbabangayan. Noong una ay akala ko ay normal lang ito. We used to argue a lot when we were still friends. We both knew each other well at kung may nakikita akong mali sa ginagawa nito, palagi kong pinupuna. At hanggang sa dumating na sa puntong wala nang pag-asa ito. He was once a top Management Specialist pero noong nabaliw ito sa bisyo niya, alak, barkada, casino at maging babae ay binisyo na rin niya, kaya naman ay napuno na ako at nakipaghiwalay na! At ang loko, ayaw tanggapin ang pakikipaghiwalay ko!

Damn him! Hindi ko itatali ang sarili ko sa kagaya niya! I already gave him his freaking chances pero hindi ito nagbago man lang! Once or twice are enough. Ang taong walang balak magbago, kahit ilang pagkakataon pa ang ibigay mo, sasayangin at sasayangin lang nila ito.

Noong makalabas ako ng building ay mabilis kong inilagay sa malaking trash bin ang garbage bag na dala ko. Naiiling akong naglakad patungo sa kung saan at inabala na lamang ang sarili sa mga nakikita.

Ilang minuto pa lang ang ginugol ko sa paglalakad noong may mamataan akong isang pamilyar na mukha. He was sitting alone outside a café, with a cup of coffee in front of him and a book on his hand. He was silently reading while sipping his coffee.

Suga. That's him!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top