ENDLESS DESPAIR (3)

Tahimik lang ako habang abala ang lahat sa pakikipag-usap kay Yshey.

Kahit isang linggo lang ito sa Magic Shop, alam kong napalapit din ito sa ibang staff, lalo na sa mga stock clerks. Pinagmasdan ko lang sila at tipid na napangiti noong napatingin sa gawi ko si RM. Kita kong tinanguhan niya ako at may ibinulong sa katabi nito, si Suga.

Hindi ko inalis ang paningin sa dalawa hanggang sa tumayo si Suga at naiiling pa. Mabilis ko namang inabala ang sarili sa hawak na baso at natigilan na lamang noong naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"They won't stop pestering me until I approach you and ask you if you're okay," mahinang sambit ni Suga at inayos ang pagkakaupo sa tabi ko. "Ayos ka lang ba?"

Hindi muna ako sumagot sa naging tanong nito at ininom ang alak sa baso ko. Maingat kong inilapag sa mesa ang walang lamang baso at binalingan ito.

Bahagya pa akong natigilan noong mapansin ang maliit na distansyang pumapagitan sa aming dalawa. At noong makabawi ako, tipid ko itong nginitian at isinandal ang likuran sa backrest ng upuan.

"I'll be okay," sagot ko at nag-iwas na nang tingin dito.

"So, you're not okay," aniya at bumuntong-hininga. "I don't want to meddle with your issue with the guy earlier but if he keeps on bothering you, you can call me."

"You've done enough tonight, Suga. Thank you but I can handle Anthony. He was just being paranoid. Ang akala nito ay talagang nagcheat din ako sa relasyon naming dalawa."

"So, he really did cheated on you?"

Natigilan ako at napabaling muli sa kanya. Seriously? Akala ko ba ayaw nitong makialam sa issue ko kay Anthony? Napailing na lamang ako at inabala ang sarili sa pakikipag-usap kay Suga.

"He did," tipid kong turan dito habang hindi inaalis ang paningin sa seryosong mukha niya. "Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ako sa kanya. I can tolerate a single mistake from him, or maybe two, but he was just too much. Hindi ko kinaya ang lahat nang ginagawa niya," dagdag ko pa at muling uminom ng alak.

"Stop drinking," aniya at mabilis na inagaw ang baso sa akin. "Tama lang naman ang ginawa mo. Breaking up with him was the best decision."

"You think so?"

"If a man can't stay loyal to his girl, then, he's an as$. No one deserves to be with someone like him," aniya at siya na mismo ang umubos sa natitirang alak sa baso ko.

I froze. Damn, girl! That's my glass!

Masyado akong nalunod sa pakikipag-usap kay Suga at hindi ko na namalayan pa ang oras. Napapitlag na lamang ako noong marinig na nagpapaalam na ang ibang staff sa amin. 

"May pasok pa bukas sa Magic Shop," natatawang sambit nila at tiningnan ako habang nakangisi. "We'll stay if sasabihin ni Ma'am Selene na close tayo bukas."

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling natawa na lamang. Kinuha ko na rin ang bag ko at tumayo na rin mula sa pagkakaupo.

"Walang aabsent bukas," natatawang sambit ko at nagpaalam na rin sa kanila.

"Hala, Ma'am Selene, kami na lang muna ang uuwi. May isang oras pa bago maexpire ang reservation nila sa resto!" Halatang lasing na wika ni Mia na sinang-ayunan naman ng iba.

Mabilis ko silang inilingan at binalingan na sila RM at nagpaalam na rin.

"Suga, ihatid mo na si Selene," ani Jin na ikinatigil ko. Kinunotan ko ito ng noo at napangiwi na lamang noong mabilis itong kumindat sa akin.

"No need," tanggi ko at binalingan si Suga. "Walking distance lang ang apartment ko dito. Maglalakad na lang ako."

"Si Suga ang sumundo sa'yo kaya siya ang maghahatid," nakangising sambit pang muli ni Jin na siyang ikinatawa nila.

"Oo nga naman, Ma'am Selene," pakikisabay ni Avon sa kanila at pinilit pa akong magpahatid na kay Suga.

"Let's go, Selene," napaawang ang labi ko noong sumang-ayon na rin si Suga at tumayo na sa kinauupuan nito. "Ihahatid na kita para makapagpahinga ka na rin."

Tahimik na tumango na lamang ako sa kanya at sinamaan nang tingin ang mga kasama noong halos magtulakan ang mga ito. Naunang lumabas si Suga kaya naman ay kanya-kanyang tukso ang nakuha ko sa kanila. Napailing na lamang ako at muling sinabihan sila na walang liliban sa kanila bukas sa trabaho.

Noong makalabas na ako sa restobar ay mabilis kong nilapitan ang nakaparadang sasakyan ni Suga. Maingat kong binuksan ang pinto sa may passenger seat at tahimik na naupo roon. Mabilis namang pinaandar nito ang sasakyan niya at nagsimula nang magmaneho patungo sa apartment ko.

Minuto lang ay nasa tapat na kami ng building ng apartment ko. Pinatay na ni Suga ang makina ng sasakyan nito at inunlocked na rin ang pinto. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ko siya hinarap.

"Thank you so much," matamang sambit ko at tahimik na tumango lang ito sa akin. "Thank you rin kanina, iyong kay Anthony, at pasensya na rin at nadamay ka pa."

"It's okay. Walang kaso iyon sa akin," aniya at mataman akong tiningnan. "Just make sure na mag-iingat ka sa kanya. If something's bad happen, call me," dagdag pa nito na siyang tipid na ikinangiti ko.

"Tatawagan kita? I don't even have your contact number," naiiling na sambit ko dito.

Mabilis namang kinuha ni Suga ang cellphone nito sa may dashboard at may pinindot doon. Mayamaya lang ay natigilan ako noong tumunog ang cellphone ko. Taka ko itong kinuha sa bag ko at napaawang na lamang ang labi ko noong may tumatawag na unregistered number doon.

"That's my number. Save it."

"Saan mo nakuha ang personal number ko?" Gulat na tanong ko dito.

"I have my ways, Selene," aniya at mabilis na bumaba sa sasakyan niya. Pinagmasdan ko lang itong naglakad hanggang sa buksan na nito ang pinto sa may passenger seat. "Go and rest, Selene. You have work tomorrow."

Tahimik akong tumango dito at bumaba na sa sasakyan nito. Muli akong nagpasalamat sa kanya at pumasok na sa building ng apartment ko. Hindi ko na ito muling nilingon pa at dere-deretso na akong naglakad hanggang sa makapasok na ako sa kwarto ko.

Tipid akong ngumiti noong nahiga na ako sa kama at sa unang pagkakataon, simula noong magkanda-leche'leche ang buhay ko, nakatulog ako nang mahimbing.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, ha, Selene? You're too young for this!" Bulalas ng kaibigan ko habang tinitingnan ang bagahe ko. "Aalis ka talaga?"

"Yes, Ruby Ann. Hindi ko na rin matiis ang nangyayari sa pamamahay na ito. At isa pa, nandoon naman si Anthony. He can help me with my finances for the meantime. Basta makaalis na ako dito, ayos na ako."

"Pero, Selene... Paano na mommy mo? Iiwan mo rin ito sa bahay na ito!"

"Hindi ako kagaya niya, Yann. Hindi ako magtitiis sa isang bagay na nagpapahirap sa akin. It was her choice to stay with my father. Na kahit nasasaktan na ito, pinipili niya pa ring manatili sa tabi niya," I sighed then walked towards my desk. Dinampot ko ang hawak na picture frame at hinaplos ito. "I have my limitations, too. Hindi ko ikukulong ang sarili ko sa isang bahay na wala nang buhay, wala nang ilaw at wala nang pagmamahal."

"Oh, Selene," mabilis na lumapit sa akin si Yann at niyakap ako. "You'll be fine, Selene. You're strong and independent. Malalagpasan mo rin ito."

"I hope so," I sighed then hugged my friend, too.

Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagtulog noong marinig ang tunog ng cellphone ko. Pikit-mata kong kinuha ito at napadaing na lamang noong makitang alas dos pa lang ito nang madaling-araw. Muli kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang maingay na telepono ko.

Muli akong nakaidlip ngunit minuto lang ay muling tumawag na naman ito kaya naman ay asar kong sinagot ang tawag nito.

"What the hell, Anthony?" inis na bungad ko dito. "Puwede ba? Kahit ngayon lang, please, patahimikin mo ako!"

"Hello, Ma'am? Sorry po sa istorbo..."

Natigilan ako noong makarinig ng ibang boses sa kabilang linya.

"Hello po? Ma'am? Nandiyan pa po ba kayo?"

"Yes," maingat na sambit ko. "Sino ito?"

"Ma'am, this is Fatima from Provincial Hospital. Nasa emergency room po kasi ang may-ari ng cellphone na ito at iyong number niyo lang po ang nasa contacts niya."

Bigla akong nanlamig sa mga naririnig. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at napahawak sa sintido.

"What happened to him? Bakit nasa ER siya?" Kinakabahang tanong ko sa kausap.

"Car accident po."

Damn it! Dali-dali akong tumayo sa kama at kumuha ng jacket. Hindi na ako nag-abala pang magbihis at dinampot na ang bag na dala ko kanina noong nagrestobar kami. Mabilis akong lumabas sa apartment ko at sinabi sa kausap na papunta na ako sa hospital.

Noong makarating ako sa hospital, agad akong nagtungo sa may ER. Hinanap ko ang nurse na nakausap at ibinigay niya sa akin ang gamit ni Anthony.

"Hindi pa po tapos ang operation niya. Nasa kritikal ang lagay ng pasiyente lalo na't maraming dugo ang nawala po sa kanya."

Damn it, Anthony! Ano bang ginawa mo?

"Maiwan ko na po kayo," paalam ng nurse sa akin. Tumango na lamang ako dito at mahigpit na hinawakan ang gamit na inabot sa akin kanina. Napatingin ako sa ER at napaupo na lamang sa sahig dahil sa panghihina.

Bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa akin? Bakit walang katapusan ang problemang dumarating? Damn it!

Oo, galit ako kay Anthony, sa lahat nang ginawa nito sa akin, galit na galit ako pero ni minsan ay hindi ko ito pinag-isipan nang masama. I never wanted him to be in here! In this kind of situation! I just wanted him to learn from his mistakes and live a life without me!

Pero, bakit may ganito? Bakit kailangang may ganito pa?

"Hindi mo na naman ginamit ang utak mo, Anthony. Akala ko ba matalino ka? Akala ko ba malakas ka? Bakit..." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Isinubsob ko ang ulo ko sa tuhod ko at doon na umiyak.

I just wanted to be happy. I just wanted to be free from the pain. I wanted to feel love and be loved again.

Bakit ba ang hirap-hirap makuha ang bagay na iyon? 

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak habang nakaupo sa malamig na sahig ng hospital. Tulala akong nakatingin sa pinto ng ER hanggang sa may lumabas na doktor roon. Mabilis akong napatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig at nilapitan ito.

"How's the patient, doc?" Agarang tanong ko dito at tiningnang muli ang pinto ng ER.

"His condition is stable now. Successful din ang operation niya kaya huwag ka nang mag-alala pa," sambit ng doktor na siyang ikinatango ko. "Sa ngayon, under observation pa rin ang pasiyente. Hindi natin alam kung anong magiging epekto sa kanya nang natamong injuries sa ulo kaya naman ay kailangan mabantayan ito nang mabuti. Excuse me at may aasikasuhin pa akong ibang pasiyente," matamang sambit ng doktor at iniwan na akong nakatunganga sa labas ng emergency room.

Napahawak ako sa bibig ko at muling umiyak roon. Pilit kong kinakalma ang sarili ko at napasandal sa pader. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing ipinikit ang mga mata.

"God, Anthony! Masasampal talaga kita kapag umayos na ang lagay mo!"

Hindi na ako nakapasok pa sa trabaho. Tinawagan ko na lamang ang Assistant Manager ng Magic Shop at sinabihang may emergency ako at hindi makakapasok ng ilang araw. I need to take care of Anthony. Parehong nasa malayo ang pamilya naming dalawa at ako lang ang maaasahan nito sa ganitong sitwasyon.

I sighed.

Pangatlong-araw ko na dito sa hospital at hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Anthony. Nailipat na rin ito mula sa ICU at ngayon ay nasa isang kuwarto na ito.

Maingat akong naupo sa upuang nasa tabi ng kama nito at pinagmasdan ang namumutlang mukha nito.

"Kung hindi ka lang sana naging gago, sana ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo," mahinang sambit ko at inayos ang kumot nito sa katawan. "Alam na alam mo kung ano ang bagay na magpapawasak sa akin pero ginawa mo pa rin. Gago ka talaga," dagdag ko pa habang umiiling.

"Alam kong hindi mo ito naririnig pero sasabihin ko pa rin. Ngayon ay mukhang nakahanap na ako ng taong hindi magsasawa sa drama ko sa bahay," mahinang sambit ko at napatingin sa cellphone ko kung saan tumatawag ngayon si Suga. He's been calling me for three days now at ni isa sa tawag nito ay hindi ko sinagot.

I sighed again and smiled bitterly.

"I wanted to talk to him," sambit ko pa at marahang inalis ang luha sa pisngi. "But, I can't do that! Hindi ko gagawin iyon dahil alam kong kailangan mo ako ngayon, Anthony. Ang sakit lang. Ang sakit-sakit kasi hindi ko puwedeng gawin iyon kahit na gusto kong makausap ito. Kahit saglit lang. I wanted to hear his voice at baka sakaling kumalma ako kahit papaano. But... I can't just choose my happiness when I know you're suffering in this place. Hindi ko kayang gawin iyon sa'yo."

Napatingala ako at pilit na pinipigilan ang mga luha ko. Ganito ang alam kong pagmamahal. Hindi selfish. Hindi puno nang poot. Na kahit alam kong nagkasala ka sa akin, papatawarin pa rin kita. This is how I love and I've learned love in a hard way. Hindi ko iyon naramdaman sa pamilya ko kaya naman bumabawi ako sa sarili ko. Na kung magmamahal ako, dapat iyong tama. Na dapat iyong hindi basta-bastang pagmamahal lang.

"He's a good man, Anthony. Kahit ilang araw ko lang itong kilala, kahit ilang oras ko lang itong nakausap nang matino, I can feel the goodness in him. I can feel him through his silent stares, his silent smile and even those small details about him, I can tell you that he's unique and beautiful person." Napaawang ang labi ko noong maalala ang huling pag-uusap namin ni Suga. He wanted me to call him when something happened but I never did. Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang sitwasyong mayroon ako ngayon.

"So, please, gumising ka na. I need to know you're safe first, Anthony."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumayo na mula sa kinauupuan ko. Maingat akong umatras palayo sa kama nito at tahimik na lumabas sa silid niya. Pagkasara ko sa pinto ay mabilis akong sumandal dito. Humugot ako ng isang malalim na hininga at noong humarap ako sa may hallway, natigilan ako.

Kusang-umawang ang mga labi ko at hindi inalis ang paningin sa taong nakatayo 'di kalayuan sa puwesto ko. Namataan kong inilagay nito sa tenga ang cellphone niya at segundo lang ay tumunog ang cellphone na nasa kamay ko.

Maingat kong inangat ang telepono ko at napatakip na lamang ako sa bibig ko noong makitang tumatawag ito. Muli ko itong binalingan at namataan ang pagtango nito sa akin. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at sinagot ang tawag nito.

"H-hello..."

"Are you okay?" Ito agad ang tanong niya sa akin noong sagutin ko ang tawag niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at marahang umiling dito. "Puwede bang lumapit sa'yo?" Tanong niya at humakbang ng isang beses. Nataranta naman agad ako.

"Please, no," mahinang wika ko na siyang ikinatigil niya sa paghakbang. "Stay there, please."

"Selene..."

"I'm fine, Suga."

"You don't look fine at all." Malamig na turan nito. "I told you that if something happen, call me. Bakit hindi mo ginawa?"

"A-ayaw kong makaabala pa sa'yo, Suga."

"Hindi ka nakakaabala sa akin, Selene. In fact, I was waiting for you call."

"Suga..."

"Is he fine? Is he alive?"

Napaawang ang labi ko sa mga tanong nito. Mabilis akong tumango dito na siyang ikinailing niya.

"Lucky bastard."

"Suga!"

"I'm just kidding," aniya at humugot nang hininga. "My friends and I will be leaving tomorrow," aniya na siyang ikinakabog ng dibdib ko. "I'm just here to say my goodbye."

"Babalik pa ba kayo?" Wala sa sariling tanong ko dito.

"Depende. Gusto mo ba?" He asked me too.

"Magic Shop will always open for you," nanginginig na sambit ko at kinagat ang labi. Pilit kong nilalabanan ngayon ang pag-iyak ngunit hindi ko nagawa nang maayos. Isang hikbi ang kumawala sa labi ko na siyang ikinagulat ni Suga. Muli itong humakbang nang isang beses at noong hindi ko ito pinigilan, mabilis itong lumapit sa akin.

"You really don't look fine at all," aniya at hinila ako papalapit sa kanya. Mabilis niya akong niyakap at pinatahan sa pag-iyak.

"I'm sorry," mahinang sambit ko habang umiiyak pa rin. "I didn't meant to ignore your calls. It's just... he needs me. Hindi kaya nang konsensya kong iwan at pabayaan na lamang ito."

"It's fine, Selene. You're doing the right thing. Stop crying, please," alo nito sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at gumanti na rin ako nang yakap sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak habang yakap-yakap ni Suga. Basta noong kumalma na ako, humiwalay ito sa akin at matamang tiningnan ako sa mga mata ko.

"Even with swollen eyes, you're still beautiful, Selene," mahinang sambit nito na siyang mabilis na ikinailing ko. Marahan namang tumawa si Suga at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinirmi nito ulo ko at nginitian ako.

"I'll be waiting for you, Selene," aniya at hinaplos ang pisngi ko. "Just call me, okay?"

"Suga..."

"When you're done with everything, come to me, please. Hihintayin kita kahit gaano pa ito katagal. Even with your endless pain, your endless despair, I'll be patiently waiting for you, Selene."

Ngumiti ako dito at mabilis na tumango. Muli niya akong hinala papalapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.

"Thank you, Suga. Thank you," mahinang sambit ko at dinama ang mahigpit na yakap nito.


*** E N D ****

NEXT: HOSEOK STORY

BORAHAE, LOVIES!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top