ENDLESS DESPAIR (2)
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo at nakamasid lang sa tahimik at seryoso na si Suga.
Mayamaya lang ay napapitlag ako noong biglang kumulog at kumidlat. Agad naman akong napatingala sa kalangitan at napangiwi noong makitang wala ni isang bituing kumikislap doon. Looks like it's about to rain! Damn it! Kailangan ko nang makauwi at baka maabutan pa ako ng ulan!
Napabuntong-hininga na lamang ako at muling binalingan si Suga ngunit ganoon na lamang ang gulat ko noong maabutang nakatingin na pala ito sa direksiyon ko.
Sht!
Dali-dali akong tumalikod dito at mabilis na naglakad pabalik sa apartment ko.
Damn! Napansin niya kayang kanina pa akong nakatayo roon at pinagmamasdan siya?
Huwag naman sana! Nakakahiya!
Nagmamadali akong pumasok sa apartment ko at mabilis na isinara ang pinto nito. Napasandal ako dito at napahawak sa dibdib ko.
"Calm down, Selene. Hindi ka niya nakita. Hindi ka niya napansin kanina na nakatunganga sa kanya. Calm down, you dimwit!" alo ko sa sarili at humugot ng isang malalim na hininga.
Noong kumalma na ako, nagtungo ako sa sala at inayos ang mga kalat na iniwan ni Anthony kanina. Namataan ko ang naiwang panyo nito at mabilis na itinapon sa basurahan. Too much stress about him today! Sana nga lang ay hindi na ito bumalik pa dito. I wanted to start a new life without him. Sana kahit iyon man lang ay magawa niya ng tama.
Naging abala ako sa mga sumunod na mga araw. Kakasimula pa lang ng ber month at talagang dinadagsa na ang Magic Shop ng mga customer. Ang ilang narito ay mga regular customer na bultuhan ang mga pinamimili sa amin. Mabuti na lang talaga at kompleto kami ng staff ngayon. Hindi kami masyadong nahihirapan.
Ngunit noong nagpasa ng resignation letter si Yshey pagkalipas ng isang linggong pagiging Stock Clerk Supervisor, biglang dumoble ang trabaho ko. Hindi ko inakalang aalis ito agad ng Magic Shop. She was doing well with her job kaya naman ay talagang nanghihinayang ako sa pag-alis nito.
"Mayaman naman pala talaga iyong si Ma'am Yshey. Kahit hindi na ito magbalat ng buto tulad natin ay makakakain na ito ng tatlong beses sa isang araw." Natigilan ako sa narinig mula sa mga staff. I sighed. Hindi pa rin pala sila tapos sa usaping iyan.
"Kaya nga! Tapos iyong palaging nandito noon na naghihintay sa kanya? Fiance niya pala iyon!"
"Mamaya na kayo magkwentuhan diyan at maraming customer ngayon," puna ko sa kanila at muling binasa ang mga portfolio ng bagong Stock Clerk Supervisor. Agad din namang bumalik sa trabaho ang mga nag-uusap-usap kanina.
"Ma'am Selene," natigilan ako noong may tumawag sa akin. Binalingan ko ito at namataan ko ang tila nahihiya na si Avon. "May gagawin ka ba mamaya?"
Napakunot ang noo ko sa naging tanong nito sa akin. Isinara ko ang binabasang portfolio at hinarap ito nang maayos.
"Wala naman. Bakit?"
"Uhm, a friend of mine ask me a favor po," aniya at bumaling sa labas ng Magic Shop. Lalong kumunot ang noo ko noong mamataan ko si Jin, iyong kaibigan nito na kumakaway sa gawi namin. "He's asking if puwede kang sumama sa amin mamaya."
"Mamaya? Why? Anong mayroon, Avon?" tanong ko sa kanya at binalingan muli ang mga binabasa kanina. I suddenly feel uneasy. Mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.
"It's RM's birthday," mahinang sambit ni Avon. "And he invited us, maging si Ma'am Yshey ay naroon daw. Natanong ko na rin ang ibang staff ng Magic Shop kung puwede sila mamaya."
"Anong oras ba?" Mahinang tanong ko dito at iniligpit na ang mga kalat sa harapan ko. Hinarap ko si Avon at matamang tiningnan ito.
"Pagkatapos natin dito sa Magic Shop. Doon po tayo sa restobar 'di kalayuan dito. They rented the whole place for us," maingat na wika ni Avon na siyang ikinatango ko.
"Alright," tipid kong tugon. Wala naman akong gagawin mamaya. Mas mabuting lumabas na lang muna ako para maiba naman ang nakikita ko. Muli kong binalingan si Jin sa labas ng Magic Shop at biglang natigilan ako.
Ngayon ay hindi lang si Jin ang naroon. Kausap na nito ang isa pang kaibigan niya at may kung anong nakakatawang pinag-uusapan ang dalawa.
"That's Suga," rinig kong sambit ni Avon habang hindi inaalis ang paningin sa dalawa. "Kasama rin po natin siya mamaya."
I know it! Damn! Malamang nandoon ito! Puwede bang hindi na tumuloy mamaya? Oh, crap! Hindi talaga ako komportable sa presensya nito!
"Babalik na po ako sa stock room, Ma'am Selene," paalam ni Avon sa akin at umalis na tabi ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at inisip kong tama ba ang naging pagsang-ayon ko sa pagsama sa kanila mamaya sa resto bar.
Natapos ang araw namin sa Magic Shop at abala na ang lahat sa pagliligpit ng mga gamit nila. Lahat ng staff ay pupunta sa naging imbetasyon ni Jin. Napabaling ako sa kanila noong nagsilabasan na ito sa shop at kinawayan ako.
"Mauna na kami, Ma'am Selene! Uuwi ka muna, hindi ba?" Tanong ni Daisy sa akin. Tahimik ko itong tinanguhan at tuluyan nang isinara ang pinto ng Magic Shop.
"Magbibihis lang ako at susunod na rin sa inyo," wika ko at nagpaalam na rin sa kanila.
Dali-dali akong umuwi at noong nasa kuwarto na ako, mabilis kong tinungo ang kabinet kung nasaan ang mga damit ko. It took me ten minutes before deciding what to wear. Isang simpleng jeans at puting blouse lang naman ang napili ko kaya bakit natagalan ako? Really, Selene?
Napailing na lamang ako sa ginagawa at nagtungo na sa banyo.
Mabilisang pagligo lang ginagawa ko at nagmamadaling magbihis. Kanina pa kasi tumatawag si Avon sa akin at mukhang hinahanap na nila ako. Bahagya ko lang pinatuyo ang mahabang buhok ko at itinali na iyon. Muli kong tiningnan ang kabuuan sa salamin at noong makuntento na ako sa suot, lumabas na ako sa silid ko.
Nasa main door pa lang ako ng building ng apartment ko noong tumunog muli ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. Panigurado kasing si Avon na naman ito.
"Avon, papunta na ako diyan. Give me ten minutes at maglalakad lang ako," mabilis na wika ko ngunit agad din naman akong natigilan sa paglalakad noong may nakita akong pamilyar na bulto ng tao 'di kalayuan sa apartment ko.
Suga.
"Ma'am Selene, nandiyan po si Suga, iyong kaibigan ni Jin. Papunta na siya dito at sinabihan naming isabay ka na."
Napamura ako sa isipan noong marinig iyon kay Avon! Bakit naman nila naisip na isabay ako sa taong ito? Ni hindi ko nga ito kilala!
"Ma'am Selene? Nasa labas lang daw ito ng building niyo!"
"I already saw him, Avon. Thank you," mabilis na sambit ko dito at pinatayan na nang tawag. Naglakad muli ako at nilapitan si Suga na prenteng nakasandal sa sasakyan nito.
"You're Suga, right? Avon called me. Isasabay mo raw ako?" Maingat na tanong ko sa seryosong lalaking nasa harapan ko. Tipid na tumango lang ito sa akin at pinagbuksan na ako ng pintuan sa may passenger seat. Akmang sasakay na ako sa sasakyan nito noong biglang tumunog muli ang telepono ko. Wala sa sarili ko itong sinagot at sinabihan ang nasa kabilang linya na papunta na kami ni Suga.
"So, may ipinalit ka na talaga sa akin, Selene."
Napako ako sa kinatatayuan at hindi na itinuloy ang pagsakay sa sasakyan ni Suga. Mabilis ko itong binalingan at nagtagpo ang mga mata naming dalawa. I swallowed hard and looked around us.
"Akala ko ba ako itong nagloloko sa ating dalawa? Ikaw rin pala, Selene."
Hindi ako nagsalita at hinanap lang si Anthony.
"What's wrong?" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Suga. Napaawang ang labi ko at kinalma ang sarili. Ito ang unang pagkakataong narinig ko ang boses nito! Damn! I've got chills all over my body! "Move, Selene. They're waiting for us."
"Huwag kang sumama sa kanya, Selene."
Damn! Bakit ba kasi hindi tumitigil itong si Anthony.
"Huwag mo na akong tawagan pa," malamig na turan ko at binabaan na ito nang tawag. Humugot ako ng isang malalim na hininga at tuluyan nang sumakay sa sasakyan ni Suga. Noong maisara nito ang pinto ng sasakyan niya ay mabilis naman itong naglakad patungo sa may driver seat at sumakay na rin ito.
Mariin ko namang pinisil ang mga daliri ko noong maamoy ko ang mabangong pabango ni Suga na siyang namamayani ngayon sa sasakyan nito. Hindi ako kumibo sa kinauupuan ko hanggang sa magsimula na ito sa pagmamaneho.
I bit my lower lip and tried to calm my nerves! Sht! What the hell is happening to me?
Minuto lang ay nasa restobar na kami kung saan gaganapin ang birthday celebration ni RM. At kagaya nga ng sinabi ni Avon sa akin kanina, talagang nirentahan nila ang buong lugar para sa okasyon na ito! Dali-dali akong bumaba sa sasakyan ni Suga noong maiparada na niya ito nang maayos at hindi na ito hinintay pa.
Ilang hakbang pa ang layo ko sa main door ng restobar noong biglang may humigit sa akin na siyang ikinagulat ko. Mabilis kong binalingan kung sino ito at napamura na lamang ako sa isipan noong makitang si Anthony ito!
"Let's talk," mariing sambit niya at hinila na ako palayo sa cafe.
"Ano ba, Anthony! Bitawan mo nga ako!"
"Mag-uusap tayo!"
"Puwede tayong mag-usap na hindi ako kinakaladkad sa kung saan! Ano ba!" Sigaw ko dito at natigilan na lamang noong may humawak sa isang kamay ko. Natigilan si Anthony sa paghila sa akin at mabilis na hinarap ako.
Kita ko ang galit sa mga mata ni Anthony kaya naman ay napabaling na rin ako sa taong hawak-hawak ang isang kamay ko.
"Suga!" bulalas ko at napangiwi noong maramdaman ang paghigpit ng hawak ni Anthony sa braso ko. "Nasasaktan na ako, Anthony! Bitawan mo na kasi ako!"
"You heard the lady. Let her go," ani Suga at marahang hinala ako papalapit sa kanya.
"Huwag kang makialam dito!" Bulalas ni Anthony at siya na naman ngayon ang humila sa akin.
Sht! Ang sakit na talaga ng braso ko kakahila niya!
"Fine! Mag-uusap tayo, Anthony!" inis na sambit ko at binalingan si Suga. "Pasensya na sa abala. Let me go, please," mahinahong wika ko dito na siyang ikinapilig ng ulo nito. "Kakausapin ko lang siya."
"Are you sure about this?" Tanong niya habang mataman akong tinitingnan. "You can always turn your back against him if you want to."
I froze. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil nito sa kamay ko kaya naman ay napabuntong-hininga na lamang ako.
"Hindi siya titigil hangga't hindi niya ako makakausap. I don't want to ruin the night. Pumasok ka na roon sa loob at pakisabi sa staff ng Magic Shop na may kakausapin lang ako. Susunod din ako."
"I don't want to," malamig na turan ni Suga na siyang ikinakunot ng noo ko. "Pinasundo ka nila sa akin at isasabay kita hanggang sa loob ng resto."
"Pero..."
"Go and talk to him. Hihintayin kita," dagdag pa nito at binitawan ang kamay ko. Tipid akong tumango dito at binalingan ng muli si Anthony. Marahas kong binawi ang braso ko dito at namewang sa harapan niya.
"Make it fast, Anthony. My friends are waiting for us," wika ko at seryosong tiningnan lang ito.
"I want us to talk privately, Selene," matamang sambit ni Anthony at tiningnan si Suga sa likuran ko. "Without that pest."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Mabilis akong bumaling kay Suga at humingi ng tawad sa sinabi ni Anthony! Nakakahiya! Lintek talaga! Ito na nga ang sumundo sa akin sa apartment tapos ngayon ay nadamay pa sa gulo ng buhay ko!
"You know what, let's talk some other time, Anthony," naiiling na sambit ko dito at humugot nang malalim na hininga. "O kung wala namang magandang lalabas diyan sa bibig mo, huwag mo na akong kausapin pa."
"Selene..."
"Let's go, Suga," yaya ko dito at hinarap na ang tahimik na si Suga. Hindi ito kumibo at pinagmamasdan lang ako. Tipid akong ngumiti dito at nagsimula nang maglakad. Ngunit bago pa ako tuluyang makalayo ay natigilan noong marinig muli ang paratang ni Anthony sa akin.
"Ang buong akala ko ay matino kang babae," rinig kong sambit ni Anthony. "Ilang araw pa lang tayong hiwalay tapos ngayon ay may iba ka na agad!"
Napaawang ang labi ko sa mga salitang binibitawan nito. Ang kapal talaga! Ikinuyom ko ang mga kamao ko at binalingan ito. Akmang magsasalita na sana ako para depensahan ang sarili noong magsalita si Suga habang kaharap pa rin nito si Anthony.
"Kung iyan ang nasa isip mo, tama lang talagang sumama sa akin si Selene kanina," aniya na siyang nagpagulat sa akin. "If you're thinking that she's cheating on you, think again. Hiwalay na kayo hindi ba? Kung makahanap man ito agad ng kapalit mo, wala sa oras o sa tagal nang panahon iyan. If she's done with you, she's really done with you. Accept and respect it. Act like a man, dude."
"As$hole!" sigaw ni Anthony at mabilis na kinuwelyuhan si Suga. Damn it, Anthony! "Sino ka para sabihin iyan sa harapan ko? Ha? Wala kang alam kaya manahimik ka!"
"Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi nito? Ako ang ipinalit ni Selene sa'yo," ani Suga na siyang lalong nagpainit ng ulo ni Anthony.
Akmang susuntukin na sana ni Anthony si Suga noong bilang may humawak sa kamao nito bago pa tumama ito sa mukha niya. Natigilan ako at nakahinga nang maayos noong mamataan si Jin sa tabi ng dalawa.
"Ma'am Selene!" It was Avon. Mabilis itong lumapit sa amin at nagtanong kung anong nangyayari.
Hindi ko magawang sagutin si Avon at nakatingin lamang sa tatlong lalaki.
Marahas na binawi ni Anthony ang kamay mula kay Jin at umatras ito sa dalawa.
"Mahirap kalabanin ang isang ito," natatawang sambit ni Jin habang tinatapik ang balikat ni Suga. "He's silent but deadly, dude. Hindi nakakatuwang magalit ito kaya atras na."
"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Anthony at binalingan ako sa likuran. "We're not done, Selene. Mag-uusap pa rin tayo."
"She's done with you," ani Suga na siyang ikinatawa ni Jin sa tabi nito. "Just accept it. Hindi kabawasan sa pagkalalaki mo ang pagtanggap sa katotohanang ayaw na ng babae sa'yo," dagdag pa niya at binalingan ako. "Right, Selene?"
Hindi ako kumibo dito hanggang sa umalis na si Anthony. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Avon sa tabi ko at nilapitan ang dalawa. Panay tanong at tawa ang ginawa ni Jin sa kaibigan nito hanggang sa bumaling ito sa akin.
"You're in a good hands now, Selene. This man can save and protect you," aniya sabay ngisi sa akin.
What? Anong pinagsasabi nito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top