COMFORTING TEARS (3)
Three years ago.
"Seryoso ba kayo sa bagay na ito?" Napatingin ako kay Yshey noong magtanong ito at naupo sa tabi ni RM. "A band? Like someone will sing and the rest will play some instruments?"
"If that's your definition of a band, then yes, Yshey. Iyon ang gusto naming gawin," sagot ni Suga at may inilapag na papel sa ibabaw ng mesa. Tahimik kong kinuha ito at napangisi noong makitang mga listahan ito ng pangalan ng bandang nais nilang buohin.
"Kaninong ideya ba ito?" Tanong ko sa kanila at pinagpatuloy ang pagbabasa sa mga pangalang naroon.
"It was actually my idea," natigilan ako noong marinig iyon mula kay Vaughn. Hindi ko ito binigyan pansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa. "We all love making, performing and playing music. Might as well seryosohin na namin ito."
"Hindi ba ito abala sa pag-aaral niyo?" tanong ko at inilapag ng muli ang mga papel sa mesa. "Matrabaho ang pagbabanda."
"Well, kung ikaw ang Band Manager namin, wala siguro kaming problema," ani Hope na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Ako? Band Manager? No, thanks. Abala na ako sa musical club ng university. Ayaw ko nang dagdagan pa ang stress at trabaho ko," wika ko at napabaling sa kapatid ko. Nagkibit-balikat ako dito at nagpaalam na sa kanila.
Lumipas ang isang linggo ay wala akong narinig muli tungkol sa plano ng kapatid ko at ng mga kaibigan nito. A band? Seryoso ba talaga sila? That's a lot of work to do! Kung walang agency at magaling na manager ang hahawak sa kanila, hindi sila mapapansin ng madla. Masiyadong malakas ang kumpetisyon sa larangan ng musika dito sa Pilipinas. Maraming magagaling na mga artist at kung ang isang kagaya ko ang gusto nilang humawak sa banda nila, nagsasayang lang sila ng talento nila.
"Dee, nasa labas si Vaughn. Hinahanap ka," wika ni Gheera na siyang ikinakunot ng noo ko. Binitawan ko ang music sheet na hawak-hawak at walang imik na tumayo mula sa kinatatayuan. Mabilis akong naglakad patungo sa pinto ng music room at lumabas na roon.
Nakayuko na V ang bumungad sa akin. Abala ito sa cellphone niya at pangiti-ngiti pa. Typical playboy vibe talaga ang isang ito!
Seriously, Daniela Marie? Bakit mo nga nagustuhan ang isang ito?
Napairap na lamang ako at mabilis na lumapit dito. At noong nasa tapat na niya ako, mabilis na umayos nang pagkakatayo si V at ibinulsa ang hawak-hawak na telepono.
"Dee!" Aniya at nginitian ako.
"May kailangan ka?" I coldly asked him.
"Napag-isipan mo na ba iyong tungkol sa banda?"
Banda? I see. Hindi pa rin pala sila tapos tungkol sa usapang ito.
"Wala akong dapat pag-isipan, V. Hindi ko kayo ihahandle," sambit ko dito at mabilis na tinalikuran ito. Agad naman akong natigil sa paghakbang noong pigilan ako ni V. Napabaling ako sa kanya at pinagtaasan ko ito ng isang kilay.
"Ikaw lang ang nasa isip naming puwedeng humawak sa banda, Dee. Please, pagbigyan mo na kami."
"Bakit ako? Puwede naman si Yshey."
"Si Yshey? Walang alam si Yshey sa ganito, Dee. You're the expert here! We need you." Sambit ni V at marahang binitawan ang braso ko. "Give us a chance. Kung walang pumansin sa amin, o ayaw nila sa musikang ginagawa namin, we can disband and just forget about the band."
"V..."
"Please, Dee," pakiusap nito habang matamang nakatingin sa akin.
Oh great, Daniela Marie! Huwag kang magpapadala sa mga mata ng lalaking iyan! Damn!
"Fine," wala sa sariling sagot ko dito na siyang ikinamura ko na lamang sa isipan. "Just one gig, V. After that, I'm out."
"Out agad? Hindi pa tayo nagsisimula," nakangising wika nito at marahang ginulo ang buhok ko. "May praktis kami mamaya. Sa bahay. Susunduin kita pagkatapos ng klase mo." Dagdag pa nito at nagpaalam na sa akin.
Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni Vaughn. I can't believe this! Magaling ka talaga, Daniela Marie!
Ang plano kong manatili hanggang sa unang gig lang nila ay nasundan ng isa pang gig, at ng isa pa. Hanggang sa hindi ko namalayang tumagal na sila ng taon sa pagbabanda. The locals are loving them. Seven band members. Lahat sila ay kumakanta at gumagamit ng mga instrumento. And their songs, well, isa ako sa song writer nila kaya wala akong mapuna dito. Cause the truth is, lahat ng kantang ginawa ko ay talagang swak na swak sa kanila!
They're good and I'm happy with their current achievements.
"I l-like you," halos hindi ko maderetso ang sinasabi dahil sa hilong nararamdaman. Damn alcohol! Napasobra yata ako nang ininom ngayong gabi.
"You're drunk, Dee. Let's go. Ihahatid na kita," maingat na inalalayan ako ni V hanggang sa makarating kami sa parking lot ng club na pinuntahan namin.
"H-hindi ako lasing!" Natatawang sambit ko dito at inalis ang kamay nitong nakaalalay sa akin. Umatras ako ngunit bigla akong nawalan ng balanse kaya naman ay napasigaw ako.
"Dee!" tawag sa akin ni Vaughn at mabilis na hinigit ako papalapit sa kanya. "Huwag ka ngang maglilikot, Dee! Mas lalo kang mahihilo sa ginagawa mo." Aniya at mariing hinawakan ako sa likuran.
Napayuko ako at napasubsob na lamang sa dibdib nito. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at humugot ng isang malalim na hininga.
"Hindi ka ba naniniwala sa akin? I said I like you." Mahinang sambit ko dito.
"Dee..."
"Alam kong may gusto ka kay Yshey pero V, she's RM's fiancee. Soon, ikakasal na ito sa kaibigan mo."
"Ano bang pinagsasabi mo, Dee? Anong may gusto ako kay Yshey?" Tila naguguluhang tanong ni V at marahang inilayo ako sa kanya. Nanatili akong nakayuko at hindi tumingin dito kahit na nakikiusap itong tingnan ko siya. "Daniela Marie, look at me."
"Alam mo, mukhang tama ka nga," wala sa sariling sambit ko at sa wakas ay tiningnan na ito nang deretso sa mga mata. "Mukhang lasing nga ako. Hindi ko na alam iyong pinagsasabi ko. Just forget..."
Bago ko pa matapos ang dapat na sasabihin ko ay lumapat na ang labi ni V sa labi ko. Natigilan ako at napapikit na lamang noong mas inilapit pa nito ang katawan ko sa kanya.
"You may looked drunk right now but I believe in you and your words, Dee. You said you like me at panghahawakan ko ito," aniya at muling hinalikan ako.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa relasyon namin ni V. Pareho kaming masaya kahit na kaming dalawa lang ang nakakaalam sa relasyon namin. I asked him to keep this a secret, na kahit sa kaibigan niya at sa kapatid ko ay inilihim namin ito.
But, what happened next? Yshey had a car accident. Her parents die and she undergo a surgery. Naging magulo sa akin ang mga sumunod na nangyari. Halos hindi ko na makausap si V dahil abala na ito sa pagbabanda. At noong mawala si Yshey, mas lalong nagulo ang dating tahimik kong mundo.
Yshey is my friend. Nag-alala ako noong maaksidente ito ngunit dahil sa kung anong koneksiyong mayroon sila ng taong mahal ko, ni hindi ko ito nagawang dalawin sa ospital. I left her and never bothered to see her.
At ang relasyon namin ni Vaughn? Nakipaghiwalay na ako sa kanya. Napagod na ako. Pagod na pagod.
"Dee." Maingat na sambit ni V sa pangalan ko at nagsimula nang maglakad papalapit sa kamang kinauupuan ko. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya at noong nasa harapan ko na ito ay mabilis itong lumuhod na siyang ikinagulat ko.
"V!" Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo at pilit itong pinapatayo. "Ano ba! Tumayo ka!"
"I'm sorry," anito na siyang ikinatigil ko. Hinawakan ni V ang kamay ko at iniyuko ang ulo nito. "I was busy trying to fix myself, for you, at hindi ko man lang namalayang nasasaktan na pala kita. I'm so sorry, Dee."
"V, t-tumayo ka na riyan," halos walang tinig na sambit ko dito. Damn! I think I need my brother's help now! Nasa kabilang silid lang naman siguro sila, hindi ba? God, Vaughn! Pinapahirapan mo na naman ako!
"Hindi ko mahal si Yshey. I cared for her because she's a friend. Ikaw ang mahal ko. Maniwala ka naman sa akin," aniya at bumaling sa akin mula sa pagkakayuko.
Tila nawala lahat ng lakas ko noong makita ang mga luha nito sa mga mata. Mabilis akong napaupo at hindi inalis ang paningin sa kanya.
"I'm sorry," ulit nito at hinawakan ang kanang pisngi ko. "Hindi ko sinasadyang saktan ka, Dee. Believe me, I tried everything to make it up with you. I did everything to stay here with you. I tried my best to convinced my parents to stay here while my whole family already left the country."
"What?" Halos walang tinig na tanong ko dito. Tila nabingi ako sa mga tinuran nito. His family left the country? Seriously?
"I'm so sorry," ulit nito at muling napayuko.
Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan at nakatingin lamang kay V na ngayon ay tila hinang-hina na sa sitwasyong mayroon kami.
"Do you still love me, Daniela Marie?" Tanong ni Vaughn at nag-angat muli nang tingin sa akin. Muli niyang hinawakan ang pisngi ko at marahang hinaplos ito. "Please, tell me that you still want me, Dee."
"Vaughn," sambit ko sa pangalan niya at marahang tinanguhan ito. "Just because I wanted to stop the pain, to stop the tears, doesn't mean I need to stop loving you. Mahal kita pero nasasaktan na ako sa pagmamahal ko sa'yo."
"Dee..."
"You never clarify to me about your feelings towards Yshey. You never mentioned about your family. You never told me before that you love me. Sa tingin mo, sino ang hindi mapapagod at susuko sa ganoong klaseng relasyon?"
"That was my fault, please, forgive me."
"Alam ko sa sarili ko na mapapatawad agad kita, V, pero sana'y respetuhin mo ang desisyon ko. I love you, okay, but I'm hurting. Walang ibang magsasalba sa akin sa sakit na ito kung hindi ako lamang." Matamang sambit ko dito at hinayaan ang mga luha umagos sa pisngi ko. "Hindi maganda ang naging simula nang relasyon natin kaya siguro naging ganito ang kinalabasan."
"I love you," biglang sambit nito na siyang ikinatigil ko. Tipid akong ngumiti dito at hinawakan na rin an pisngi nito.
"Thank you for saying those words, V, but I don't need it right now," mahinang sambit ko na siyang nagpakirot sa puso ko. Matagal ko nang gustong sabihin ito sa kanya, at maging sa sarili ko. I wanted to leave him and start loving myself again.
Ibinuhos ko lahat ng mayroon ako at ibinigay ko iyon sa kanya. Ngayon, I'm like an empty shell. Walang natira sa akin at noong nasaktan ako dahil sa kanya, nangapa ako at hindi na alam kung saan magsisimula.
"I love you," ulit nito na siyang nagpangiti muli sa akin. Kung noon pa niya ito sinabi sa akin nang paulit-ulit, malamang ay hindi ko kakayaning iwan ito. I'll stick with him no matter what pero, iba ang sitwasyon namin ngayon. Nakapagdesisyon na rin ako at alam ko sa sarili ko na buo na ang pasya ko at walang makakapigil sa akin.
"Let me go, V," mahinang sambit ko na siyang mabilis na ikinailing nito. "Please," my voice cracked as my tears kept on falling from my eyes.
"No, Dee, we can still fix this," aniya na siyang lalong nagpaiyak sa akin.
"We're both broken and wounded, V. Mas makakabuting maghilom muna ang mga sugat natin. We've been in pain for so long. Pahinga muna tayo."
"Dee, we can fix this together. I'll be a good boyfriend. Hindi ako gagawa nang ikagagalit mo. Just please, stay. Huwag mo akong iwan."
"I'm saving the both of us here, V. Huwag mo namang mas lunurin ang sarili mo. We both need to survive. At para mangyari iyon, kailangan nating bitawan ang isa't-isa. Dahil kung hindi natin gagawin iyon, pareho tayong malulunod. Pareho nating hihilain pababa ang mga sarili natin." Mahinang sambit ko at tipid na nginitian ito. "We'll be fine, Vaughn. And once we're both okay, both healed from our own pain, we can start a new one, a new beginning. This time, aayusin natin ito. We'll talk about our feelings, our fears and even the small things around us. Magsisimula tayong muli, V. Pero sa ngayon, kailangan nating bitawan ang isa't-isa. We both need this."
"I can't do this, Dee," aniya at hindi na rin napigilan ang mga luha nito.
Marahan kong inalis ang luha sa pisngi niya at tipid na tinanguhan ito.
"We can do this, V."
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob na mayroon ako ngayon. Noong makita kong umiyak na si V sa harapan ko, alam ko sa sarili kong bibigay na ako. Ngunit noong maalala ko lahat ng luhang iniyak ko. Lahat ng luhang sinayang ko dahil lang kulang na komunikasyon naming dalawa, naisip kong tama lang itong pasya ko.
For us to be happy in the near future, we need to mature first in our own way.
Tears. Sometimes, I hate it when I shed tears, but now, when I cried all my pain, worries and heartaches, I found it comforting. And all of the sudden, it gives me comfort and a guarantee too. That after all this tears I shed today, a bright and secure future will follow.
* E N D *
Next: Jungkook's story (Last story for this fanfic)
Thank you so much, lovies! Borahae!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top