COMFORTING TEARS (2)

Maaga akong gumising at naghanda na para sa pag-alis. Inis akong sumakay sa kotse ko at mabilis na pinaandar iyon.

Alam nilang hindi nila basta-bastang makukumbinse si Yshey na umuwi kaya naman bakit ako na naman ang kailangan may gawin? Yshey is a stubborn woman since birth! Halos sabay kaming lumaki nito. Hindi pa buo ang banda nila ay magkakilala na kami ng babaeng iyon! At alam ko ring wala akong maitutulong sa bagay na ito! She can be heartless if she wanted to!

Napairap na lamang ako noong maalala ang naging pag-uusap ng kapatid ko kagabi. I really can't believed him!

"You left her too, remember?" Sambit ng kapatid ko sa kabilang linya na siyang nagpatigil sa akin. Inalis ko ang pagkakasuot ng sapatos ko at mabilis na nahiga sa kama ko.

"Seriously, Kuya Jimin? Kailangan bang ibalik talaga ang issue ko na iyan?" Wika ko sabay irap sa kawalan. "It's been a year, kuya."

"Yes, it's been a year, Dee, at ngayon, kailangan nang umuwi ni Yshey. We need you here. Kailangan ka niya."

"Nandiyan na si RM, nandiyan na kayong lahat. Bakit pati ako?"

"Cause you're the bestfriend."

I froze. Bestfriend? Mayroon ba ako noon?

"Kuya..."

"Please, Daniela Marie. Pumunta ka rito at pagkatapos nating maayos ang problema ni Yshey, mag-usap muli kayo ni V. And please lang, makinig ka sa kanya. Stop being stubborn, too. Huwag kang gumaya sa bestfriend mo."

Hindi ko alam kung paano ako nakumbinse ng kapatid ko. Yes, I was Yshey's bestfriend. Pero matagal ko nang tinapos ang pagkakaibigan naming dalawa!

Mahigpit akong napahawak sa manibela ng sasakyan ko at tinapakan ang gas pedal nito! Jez! This will be a long drive!

Ilang oras din ang naging biyahe ko bago marating ang probinsya nila Denice. Binalaan na niya ako tungkol sa oras nang biyahe at talagang nangalay ako sa pagmamaneho! Dapat pala talaga ay nagpasama ako kahit sa isang driver lang! Nakakapagod! Nakailang tigil rin ako para magpahinga kanina!

"Denice," bungad ko dito noong sagutin niya ang tawag ko. "Where are you?"

"School," sagot nito at may sinaway sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko.

"You're flirting again, aren't you?" akusa ko dito noong may narinig akong boses ng lalaki. Seriously? This girl! Lapitin talaga ng mga lalaki!

"I'm not!" Natatawang tugon ni Denice at mayamaya lang ay tumahimik ang background nito. "Where are you?" Balik na tanong niya sa akin.

"Nasa Magic Shop na," sambit ko at tiningnan ang ang malaking signage ng shop na pagmamay-ari ng pamilya ni Denice. "She's the Stock Clerk Supervisor, right? So, wala siya sa selling area."

"Yes," mabilis na sagot ni Denice at sinabihan akong pumasok na sa shop. "Go and talk to her. I know you missed her, too!"

"I'm not!" Tanggi ko at nagpaalam na dito. Humugot ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang maglakad papasok sa Magic Shop.

Nakangiting mga staff ang sumalubong sa akin. Gumanti ako nang bati sa kanila at mabilis na inilibot ang paningin sa kabuuan ng shop.

"May specific po ba kayong hinahanap na item, Ma'am?" Tanong sa akin ng staff na siyang mabilis kong ikinailing ko. Sinabihan ko itong maglilibot-libot lang muna ako na siyang ikinatango nito sa akin. "Tawagin mo lang po ako kapag may kailangan po kayo."

"Thank you," sambit ko at nagsimulang maglibot sa loob ng Magic Shop. Pasimple kong tiningnan ang mga abalang staff at dismayado noong hindi mamataan si Yshey.

What? Nagkukulong ba ito sa opisina niya?

Akmang tatawag na sana ako ng isang staff para magtanong kung nasaan si Yshey noong may pumasok sa loob ng Magic Shop. Napabaling ako sa may pintuan at napako na lamang sa kinatatayuan noong mamataan ang kapatid ko at ang mga kaibigan niya. Pasimple akong umatras at nagtago doon sa isang shelf na puno nang laruan at hinayaang manggulo ang mga bagong dating.

"Goodmorning!" rinig kong bati ni Jin na siyang ikinataas ng isang kilay ko. Wala talagang pinipiling lugar ang lalaking ito!

Nanatili akong nakatago sa may shelf hanggang sa may kumalabit sa akin na siyang ikinagulat ko.

"What are you doing here?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat at nailing na lamang noong mamataan si Suga roon. Seriously? Ni hindi ko man lang naramdaman ang presensya nito sa likuran ko! "You're here for Yshey."

"No," mabilis na sambit ko at inarap ito. "I'm here for my friend. She owns this place."

"But, Yshey's your friend, too," matamang sambit ni Suga na siyang ikinairap ko.

"Whatever you say," ani ko at humakbang na palayo dito. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Suga noong biglang nasalubong ko si V. Napako ako sa kinatatayuan ko at napakagat na lamang ng labi. Mayamaya lang ay umatras ako palayo dito noong mamataang humakbang ito ng isang beses papalapit sa akin.

"Dee..."

Muli akong umatras at mabilis na napalingon sa likuran ko noong bumangga ako kay Suga. Napapitlag ako noong hawakan nito ang magkabilang balikat ko at pinirmi sa kinatatayuan.

"Let me go," mahinang utos ko dito habang sinasamaan ito nang tingin. Mabilis naman itong ngumisi sa akin at noong akmang aalisin ko na ang pagkakahawak nito sa balikat ko at nagulat ako noong biglang may humigit sa akin.

Gulat kong binalingan si V at hindi na nakaalma pa noong mabilis niya akong hinila palabas ng Magic Shop.

"Let me go! Ano ba, V!" sigaw ko dito at pilit na binabawi ang kamay sa kanya.

I mentally cursed when V never let go of my hand. Mas lalo pa nga nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang nakaparadang kotse.

This is his car! Wait, don't tell me lahat sila ay may dalang sariling sasakyan papunta dito? Kuya Jimin brought his car, too! Seriously?

"Get in," aniya noong buksan nito ang pinto ng sasakyan niya. Binitawan na niya ang kamay ko at matamang tiningnan lang ako. Hindi ako kumibo dito at nanatili sa kinatatayuan ko. "Get in, Daniela Marie."

Mas lalo akong hindi gumalaw dahil sa narinig. Mas lalo akong nairita dahil sa pagbigkas nito sa buong pangalan ko.

"Get..."

"Hindi ako sasama sa'yo," putol ko sa dapat na sasabihin nito at umatras palayo sa kanya. Akmang tatalikod na ako dito noong biglang magsalitang muli ito.

"And what? Babalik ka sa Magic Shop? Magpapahawak ka ulit kay Suga?" Tanong nito na siyang ikinagulat ko.

What?

"Naririnig mo ba ang sarili mo, V?" Gusto kong matawa sa narinig mula sa kanya ngunit mas nangingibabaw ang irita ko dito. What now? Is he jealous? Why? Dahil hinawakan at pinigilan ako ng kaibigan niya kanina sa pag-atras dahil nakita ko ito? Unbelievable!

"Wala kang pakealam kung sino man ang hahawak sa akin, V. We're done, remember?"

"At sino namang nagsabing tapos na tayo?" Balik na tanong nito sa akin.

"Ako," mabilis at simpleng tugon ko dito.

Natahimik ito at matamang nakatingin lamang sa akin. Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lamang ako at marahang inilingan ito.

"I'm here because my brother told me that you guys need my help. Pero mukhang kaya niyo namang pauwiin si Yshey kahit wala ang presensya ko," I sighed and turned my gaze towards the shop. "Mukhang nagsayang lang ako ng oras at gas sa pagpunta dito.

"Dee..."

"Now, you're calling me Dee. What happened to Daniela Marie? I liked it better," sarkastik kong sambit at tuluyan nang tinalikuran na ito.

Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang rason kung bakit ako nandito sa lugar na ito. I shoudn't come here in the first place! Bakit ba kasi...

Natigil ako sa pag-iisip noong biglang makarinig ako nang sunod-sunod na busina mula sa isang sasakyan. Napako ako sa kinatatayuan ko at wala sa sariling napatingin sa daan kung saan ko narinig ang pagbusina.

My eyes widen when I saw the car's fast approaching and when I was about to move and save myself, someone grabbed me and save me from the accident.

"What the hell, Daniela Marie!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Vaughn at mabilis na iniharap sa kanya. "Are you okay? Bakit hindi ka kumilos noong makita mo ang sasakyan?"

"I..."

"V! Daniela! What happened?" Rinig kong tanong ng kapatid ko ngunit hindi ko ito binigyan pansin. Nakatingin lang ako sa galit at takot na si V na nasa harapan ko. I can even feel his hand trembling while holding my arm, the one he grabbed earlier.

"She's... damn it!" sigaw muli ni V at mabilis na niyakap ako. I froze again. "Gusto lang kitang makausap, Dee! Please, huwag mo akong takutin nang ganito!"

"Dee, anong nangyari?" Tanong muli ni Kuya Jimin at hinarap ang driver ng sasakyang muntik nang makabundol sa akin. Hindi ko na nasundan ang naging usapan ng kapatid ko at ng driver dahil nakatuon na kay V ang buong atensiyon ko.

Sa bawat segundong lumilipas, mas lalong humihigpit ang yakap nito sa akin. At kung tama ang hinala ko, umiiyak ito ngayon habang yaka-yakap ako.

"I'm fine, Vaughn," mahinang sambit ko dito at maingat na inilapat ang kamay sa likuran nito. "I'm fine."

Hindi sumagot si V sa akin at mas hinigpitan lang ang pagyakap sa akin. Mayamaya lang ay nagsidatingan na rin ang iba pang kaibigan nila Kuya Jimin at inasikaso ang gulong idinulot ko.

"Be careful, Dee," maingat na sambit ni Kuya Jimin at inabutan ako ng tubig. Kinuha ko ito mula sa kanya at marahang ininom ito. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Yes, kuya," sagot ko at ibinalik dito ang baso. "Where's V? Kalmado na ba ito?"

"Nasa kabilang silid lang ito. RM and Jin are with him. Don't worry, he'll be fine. Nagulat lang ito sa nangyari."

Napatango ako dito at marahang napabuntong-hininga.

"Hindi ko alam ang ginagawa ko kanina, kuya," mahinang sambit ko at napahiga na lamang sa kamang kinauupuan. Nasa isang hotel kami ngayon. Kumuha si Kuya Jimin ng silid para sa akin at sinabihang magpahinga na lang muna dito bago kami umuwi sa Maynila. "My mind was in chaos and I... I don't know what I was doing."

"I told you to talk to him, Dee. Bakit panay ang takbo mo sa taong tapat naman sa'yo?" Mahinang tanong ng kapatid ko na siyang ikinabaling ko sa kanya. "I already talked to him, Daniela Marie. Kaibigan ko si Vaughn at alam kong hindi ito papasok sa relasyong hindi ito sigurado. I never saw him this happy before, kahit sa mga past relationships niya. He was happy even though you told him to keep your relationship a secret. Na kahit sa amin ay inilihim niya ito."

Hindi ako nakaimik sa mga naririnig at tahimik lang na nakatitig sa kisame ng hotel room.

"He wanted to tell the world that you're his girlfriend but he respected your decision, Dee. He respected you but what did you do? You never trusted him and his feelings for you."

"Feelings?" Napangiwi ako at muling naupo. Bumaling ako sa kapatid ko at wala sa sariling itinuro ang sarili. "Sa akin? Kuya, nagkakamali ka yata."

"Stop it already, Daniela Marie! Hindi mahal ni Vaughn si Yshey! Yes, he cared for her pero kagaya lang ito sa kung anong nararamdaman namin sa kanya. We cared for her because she's our friend. She's our friend's fiancee! That's all!"

"You can't blame me, kuya! I can see it through his eyes! He never loved me!" sigaw ko dito at mabilis na inalis ang mga luha sa mga mata ko.

"Iyong lang ba ang alam mo sa akin, Dee?" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Vaughn. Napabaling ako sa pintuan ng silid at namataan ito roon. "Na hindi kita minahal? Na... hindi kita mahal?"

"V, go back to your room. Let my sister rest," it was Kuya Jimin and walk towards his friend. "Let's go."

"Kakausapin ko siyang muli, Jimin."

"No," sambit ng kapatid ko at marahang umiling sa kaibigan. "Alam mo kung anong nangyari sa huling pag-uusap niyo, V. Muntik na itong maaksidente, kaya naman ay ipagpaliban mo muna ito. Let her rest. Hayaan mo muna siya."

"But..."

"I'll talk to him, Kuya Jimin," seryosong sambit ko dito na siyang ikinatigil nilang dalawa. Humugot ako nang isang malalim na hininga at tinanguhan na lamang ang kapatid ko.

Napatingala na lamang si Kuya Jimin at mabilis na tinapik ang balikat ni V. Walang imik na umalis ang kapatid ko at hinayaan na lamang kami ni V na mag-usap nang masinsinan.

Oh, dear! Sana nga lang ay makapag-usap kami nang maayos, walang sigawan at lalo ng walang iyakan! Cause God knows I'm so tired of it! I'm so done crying because of him! I'm so done with the pain caused by him and this twisted fate of us!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top