1

N O T E
Before reading this:

Hi, I am currently editing this story so the plot may kinda different like before but I hope you like it. This story is created by me when I was grade 6 so now I am currently revising it. Please bare with me if matagal siya.

------------------------------------------------------------------------------------



Nandito ako sa office kasama ang iba pang mga transferee katulad ko na naghihintay sa principal para raw sa 'magical orientation'.

Medyo weird ang ambiance netong academy dahil pagkapasok ko pa lang sa campus ay nakita ko na agad ang maraming paru-paru pero ibang klase ito yung parang mga napapanood sa barbie.

Dagdag mo pa ang mga estudyante na bigla bigla na lang nakakapagform ng yelo, apoy, hangin o kaya ay parang si ang sa avatar na water bender.

Ano bang ginagawa ko rito?

Ang alam ko sa mga pelikula ko lang napapanood ang mga gantong scenes pero meron din pala sa real life.


Inosente kong tinitingnan ang mga estudyante na nag-aaway o nagpapayabangan sa mga rank nila.


Ano ba ito ml?

Tiningnan ko sila na may halong pagtataka pero nagulat ako nung pingbulungan nila ako na hindi ko naman binigyan pansin.



"Hello, Transferee?" Tanong sakin nung isang babae na hindi ko naman kilala pero may creature na nakalagay sa balikat niya. Parang si pikachu pero mas cute ito at maamo, maliit ito at sa tantsa ko ay halos 8cm ang kaniyang laki.

"Can I touch?" Tanong ko na agad nagpakunot sa noo niya. "Your pet." I added.

"Oh ito bang si Rafaela?" Tanong niya habang nakaturo ang kaniyang pointing finger sa creature na nasa balikat niya. Agad akong tumango. "Sure, you can." Ngumiti siya sakin kaya naman naexcite ako.



Hinawakan ko si Rafaela at para itong nakiliti, hinipan niya ako pero nagulat ako dahil sobrang lamig ng hininga niya.



"Weird ang lamig naman nung paghipan niya." I stated.

"Oh isa siyang mapet na may ability na cold air kaya kapag hinipan ka niya ay malamig. Tingin ko gusto ka niya o kaya naman ay nakutuban na magiging isa ka samin, kapag kasi hindi niya gusto ang isang tao agad itong nagyeyelo sa isang hipan niya lang." my mouth formed an 'o' shape dahil nakakaamaze pala itong si Rafaela.

"Mapet? Hah? Di ko gets."

"Mapet means magical pet makakakuha ka neto kapag nasa level 50 ka na ng iyong magic. Nakadepende sayo kung anong magic ang tataglayin ng iyong mapet, pinili ko ang cold air kasi I'm an ice princess para compatible kami sa isa't-isa." Mahabang paliwanag niya na tinanguan ko na lang.






Sinundan ko siyang maglakad para raw madala niya ako sa room namin. Sa bawat hakbang ko nararamdaman ko ang mga mata ng mga tao na nakatingin sakin, parang sinusuri nila ako na walang kaalam-alam sa academy nila.

Which is true naman.



Marami akong nakikitang iba't-ibang magic katulad nung nadaanan ko kanina. May nagcocontrol ng hangin tas yung isa biglang nakapagform ng tiger gamit ang apoy.

Scary but cool!



"Dito na room mo, don't worry walang magbubugang apoy rito kasi katulad mo sila na hindi pa nadidiscover ang magic. This is a beginners room kaya wag ka mag-alala." Tinap niya ang shoulder ko bago ako talikuran at naglakad palayo.

"Wait, ano kasi pangalan mo?" Pigil ko sakaniya.

"Amia Rafia Hernandez, how about you?"

"Arazana Helgoia, see you later pasyal moko mamaya ha?" Nakita kong medyo kumot ang noo niya pero agad din siyang tumango at naglakad paalis.



Pumasok ako sa room at gaya ko ang daming curious sakanila at naamaze, mix emotions kumbaga.



"Nakita niyo yon? May nakita akong dalawa ang magic sakanila mix air and water pota cool."

"Oh yon ba yung hotie guy na ash gray ang buhok?"

"Yeah, I heard siya raw ang pinakamataas ang rank."

"May jowa na kaya siya? Compatible kami eh."

"I don't think may jowa na siya."

Umupo ako sa likod na katabi ng bintana, nakakarefresh sa pwesto na yon dahil tanaw mo ang garden ng academy. Kitang-kita ang mga estudyante na nagpapractice ng kani-kanilang mga magic.




"Hey, newbie ka rin for sure." Napatingin ako sa babaeng umupo sa table na katabi ko.



Ang buhok niya ay above chest, sakto lang ang body figure, morena, blue eyes, clearskin at sakto lang ang tangkad.



"Yes, do you also find this academy weird?" Tanong ko na nagpatawa sakaniya, kumunot ang noo ko dahil namisinterpret niya ata na nagbibiro ako.

"Of course it's not normal, I grew up studying in San Beda at walang ganto minsan I'm curious if this is just a dream. I mean yes I like fairytales but I never imagined na this whole shit exist in real life." Natawa siya sa sinabi niya at napaface palm.

"Akala ko nga panaginip lang ito, ilang beses kong sinasampal ang muka ko pero no effect this is reality nga." Nagtawanan kami at agad natigil ang daldalan nang pumasok ang prof sa classroom namin.


"Hi so as you can see iisa lang ang common denominator sainyong lahat, at ito ay lahat kayo nasa beginner stage, meaning dinidiscover niyo pa lang kung ano ang ability niyo." Nagroam siya sa classroom na para bang inuusisa ang aming mga characteristic batay sa muka namin. "Hindi ito magiging madali, I'm giving warning to all of you this is not a joke, every training takes time and hardwork para maabot niyo ang rank niyo."

"I have a question sir." Nagtaas nang kamay ang kaklase namin na lalaki.

"Yes, what is it?"

"Paano yung mga needs namin? Sabi niyo stay in na kami rito eh paano mga basic needs? Wala kaming pera amp." Well, true naman tanong niya. Stay in kami rito sa magic hotel at kaniya-kaniyang kwarto. Ang lungkot panigurado at wala pa kaming pera.


"Pupunta kayo sa academy needs na katabi lang netong building kumuha kayo ng mga kailangan niyo at wala itong bayad kumpara sa mga supermarkets sa outside world. Any questions? Bukas ang simula ng training niyo." Wala na nagtanong kahit sino samin. "Ok I guess bukas na tayo magkikita for your first training, all of you need to take a rest or you can roam around the academy. Goodbye."

Nagkagulo ang lahat nang lumabas na ang prof namin.

"Ano kasi pangalan mo?" Tanong sakin nung babaeng kadaldalan ko kanina.

"Arazana Helgoia, ikaw?"

"Georgia Criamson, ano pwede itawag sayo? Masyadong mahaba ang name mo." Napakamot siya sa ulo nag aalinlangan kung ok lang ba ang sinabi niya or maooffend ako.

"Ara na lang, ano ba nickname mo?" Naglakad kami palabas sa classroom at dumiretso sa lounge kung nasan ang mga gamit namin.

"Gia na lang, ahh ang bigat bakit ba kasi ang dami kong dinala? Gosh." Nahirapan siya sa dala niyang dalawang malaking violet na maleta.

Isa lang ang maleta ko dahil alam kong magiging hassle sa pag-akyat. Hindi ko naman siya matutulungan dahil malaki rin ang maleta ko.


Dumiretso kami sa magic hotel at muntik na kaming mapatalon sa tuwa nang makitang may elevator, pinress namin ang 5th floor kung saan kami magruroom.




"Wow ang laki neto." Manghang sabi ni Gia, malaki talaga ito, parang castle ng isang prinsesa. Hinanap ko ang room 603 at 604 naman ang sakaniya.


"Punta ka rito kapag tapos ka na mag-ayos ha?" Tumango siya sa sinabi ko at agad ko namang inenter ang pin code ko.


Nagulat ako sa loob neto may malambot at malaking sofa sa sala at flat screen tv meron din glass table at split type aircon. Sa kitchen naman makikita mo ang complete set ng mga appliances gaya ng stove, refrigerator, sink at iba pa. Pati mga plates ay complete set.


Pumasok ako sa bedroom at bumungad sakin ang king size bed, study table, dalawang malaking closet at split type aircon. May mga nakasabit rin na painting sa dingding. White palette lang ang buong unit na ito that's why ang ganda nang atmosphere.


Inayos ko ang gamit ko sa closet, sakto naman ang pagdoorbell ni Gia kaya agad ko siyang pinapasok. Nagdecide kaming lumabas para puntahan ang academy needs.

"Shit nandito ulit ang mga black witches! Lahat ng beginners takbo papasok sa magic hotel bilisan niyo! Lahat magset na! Putangina niyo ano ginagawa niyo rito?" Nagpanic kami ni Gia nang makitang may kakaibang mga creatures ang nakapasok sa academy at sinisira nila ito! Omy fucking gahd!

Tumakbo kami papasok ni Gia sa unit ko.

Hindi namin alam ang nangyayari basta isa lang alam namin


We are in danger.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top