Chapter 72: Sacrifice

Third Person POV

Buhay silang dalawa.

Si Rafael at kasama niya si Trixie, ang kapatid at unang iniibig ni Ralph.

Ang daming katanungan ang bumalot sa paligid. Katanungan na ang tagal ng gustong kumawala.

Matapos tanggalin ni Athena ang espada na nakasaksak sa katawan ni Ralph, nagteleport na ito papunta sa Hari na si Drack. Ngumisi silang dalawa sa taas at si Rafael ay patakbong pumunta sa kapatid niya para alalayan. Iyak ito ng iyak, dahil kahit maraming taon na ang lumipas, kuya niya pa din ito.

Kasabay ng pagbabalik nila sa academy ang pagpatak ng luha ni Trixie, dahil ang taong 'yon ang minsang nagpasaya sa buhay niya.

"K-kailangan na nating makabalik sa academy, nandoon ang mga healers!" Nangangarag na ang boses ni Aldrin at tumakbo papunta sakanila. Kahit na sa loob-loob niya ay maraming tanong, mas uunahin niya pa ang kaibigan niyang naghihingalo.

Sa isang iglap nasa academy na sila at nandon pa din sila Drack, Athena at Ace na nanunuod sa nag-aagaw buhay na si Ralph. Sa isip-isip nila, isa na namang history ito sa mundo at buong buhay nila sa mahika. 

Tapos na ang labanan sa Academy at mukhang napatulog na nila lahat ng estudyanteng nacontrol ng lason ni Drack kasama na dito ang mga napatay nilang itim na mago. 

"MELISSAAAAA! TULONGGG!! SI R-RALPH!!" halos mangarag na ang boses ni Aldrin na nagpahinto kay Melissa sa paggagamot sa ilang mga estudyanteng sumama sa kanila lumaban. Agad-agad siyang lumuhod upang hawakan ang tiyan ni Ralph na puno ng dugo.

*Ralphhhhhhhh! H-hindi! Hindi maaariiii!" Hindi pa nila napansin si Rafael sa kadahilanang si Ralph ang mas inaalala nila. Iyak ng iyak si Kristina kasama ang ibang kasama nila. Patulo na nagdadasal si Melissa para pagalingin ang sugat ngunit nanghihina na rin siya.

"Melissa, hindi kakayanin ng katawan mo, ang dami mo ng nagamot" sabi ni Nixon na nakaalalay sakaniya. 

Tumingin si Melissa sa lahat at nagpipigil ng luha, tumango-tango ito na nagpapahiwatig na magiging okay si Ralph.

"Dalhin niyo siya sa Clinic, k-kailangan niya masalinan ng dugo dahil marami ng dugo ang nawala sakanya. Bantayan niyo ang mga estudyante , susunod ako dito m-mamaya" sabi nito at walang sinabe na iba at naglakad na. 

Maraming nagulat sa dalawang tao na nakasunod sa kanila pero ipinagbahala nalang muna nila dahil hindi pa tapos ang laban. Nandito pa silang tatlo, napabagsak na nila ang iba pero etong tatlo ang hindi nila matalo-talo. Tila'y nag eenjoy ang mga 'to sa nasaksihan nilang nangyari kay Ralph.

"How hard it is to see someone na naghihingalo sa buhay niya, lalo na kung mahal niyo sa buhay?" humalakhak ng malakas si Drack sa sinabe niya habang nakatingin sakanila ng ngumingisi pa. Parang demonyo na halakhak, at ang hindi nila inaasahan ay si Athena na kulay itim at pula ang mata.

"Si Athena lang pala makakapagpabagsak kay Ralph, Haring Drack. Parang hindi nako kailangan." isa din si Ace na nagsalita at tumawa sa sinambit niya. Lahat sila 

"Solid yung pagkakabaon ko sa tiyan, Mahal na Hari. Saktong-sakto malapit sa sikmura, I hope gumaling siya" sarcastic na sabi ni Athena habang kunware ay awang-awa sa mga taong natira sa tapat ng gate ng Academy.

"Athena, please bumalik kana! Labanan mo yung lason. Alam kong makakalabas ka jan." pagmamakaawa ni Kristine na umiiyak na din kanina pa dahil sa mga nangyari. Sobrang dami ng namatay, nasaktan at nadamay. Estudyante lang sila para maranasan ang digmaan na hindi dapat nila naranasan. 

Dumating ang mga Hari at Reyna ng iba't ibang Kingdom, kasama na din si Headmistress habang si Azaleah naman ay sumama kay Melissa para dalhin si Ralph sa clinic. 

"Oh, ano to family reunion? Hi bro! Tagal nating 'di nagkita a." bumaling naman si Drack kay Haring Ashtone na ngayon ay masama ang tingin na ipinukaw sakanya. 

"Drack, nakikiusap ako sayo, itigil mo na 'to. Marami ka nang nasaktan at napatay. Tama na!" sigaw ni Ashtone sakanya at bigla nagteleport ito sa harap ni Drack sabay sinaksak ito sa tagiliran. 

"Ashtoneee! mag-iingat ka!" may pangamba na sigaw ng kanyang asawa. Kabado ang lahat dahil alam nilang mas malakas na ngayon si Drack at mas doble na ngayon ang kapangyarihang mayroon siya.

Nagulat ang lahat ng makita na pati si Athena ay may saksak sa tagiliran, kahit na si Drack lang ang nasaksak nito. Lahat naguluhan at nasalo ni Ace si Athena na nasasaktan sa dugo na lumalabas sa kanyang tagiliran.

Ang daming bagong problema na nasalo ng mga taong magkakasama sa ibaba, ngumit ito pa pala ang malaking problemang darating sakanila.

"I-inalay.. n-niya na si A-athena.......kay H-hades....." napadasal na pautal-utal na nagsasalita ang Headmistress ng Academy. Tila'y lahat napaluha sa narinig. Lahat hindi makahinga sa natuklasan nila.

Bakit?

Bakit ganto ang kinahinatnan? Paano na ililigtas si Athena kung ang pagpatay kay Drack ay kamatayan niya din pala? Paano?

Mga katanungan na binagabag sila sa mga sandaling iyon.

May pag-asa paba? Meron pa ba?

"ATHENAAAAA! ANAK KO! ASHTONE WAG MO SASAKTAN SI DRACK! KONEKTADO ANG KATAWAN NILA!!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Reyna Alicia at nagpipigil na pumunta sa ere ngunit sa isang iglap, lumapit si Alicia kay Ashtone at nilagyan ito ng barrier dahil papatamaan sana ni Drack si Ashtone ng isang usok na bumubulusok mula sa mga itim na ulap. 

Ito ang isa sa kapangyarihan ni Drack, ang usok na nakakapagpatunaw ng balat ng tao. Mas lumakas nga ito, at hindi nila inaasahang tatawa ito matapos na masaksak ni Ashtone.

"Sa susunod naman sa puso ko, Ashtone. Napakatanga mo talaga dati pa. Tatanga-tanga, 'di ko alam bakit ikaw ang naging hari ng Celestial Kingdom. Alam mo 'yon? hindi mo deserve. Eh mas malakas pa nga sayo si Alicia kung tutuusin" sambit nito sabay tawa ulit sa kanya. Tawa ng demonyo ang nakikita ng lahat dahil sa bawat pagtawa niya ay parang may aninong malaki sa likod niya. Aninong alam mong hindi lamang isang ordinaryo na tao. Anino ng panginoon na nakakakilabot tignan dahil ang panginoon na 'yon ay si Hades.

"Oo, tama ang nasa isip niyo! Ang katawan namin ni Athena ngayon ay iisa. Kaya pag pinatay niyo 'ko, patay din 'tong si Athena. Kaya ano pa hinihintay niyo? Patayin niyo na ako, kung kakayanin niyo." sigaw nito na parang pinapamukha sa lahat na wala na silang magagawa. Walang solusyon ang pumapasok sa isip nilang lahat. Umaasa nalang na sana ay tulungan sila ng nasa itaas kahit na ipinagbabawal ito batas ng mundo ng mahika.

Walang makapagsalita sa dami nilang lahat na nakatingin. Tila nawalan sila ng pag-asa na maligtas pa ang lahat. Paninindigan at paniniwala ay nawala sa isang iglap.

Iyak.

Galit.

Poot .

Lungkot.

Magkakahalong emosyon ang naipakita nila sa tatlong magkakasama, kaya mas nagtawanan sila ng mas malakas sa mga nasaksihan nilang reaksyon.

Ngunit bigla na lamang lumiwanag ang katawan ni Athena, pati ang mga mata nito at tila parang paralisa sa ere habang nakalutang.

"A-athena?" utal na sabi ni Ace habang nakatingin ng diretso sa katawan ni Athena na kinakain ng liwanag.

Athena's POV

Kitang-kita ko ang lahat. Lahat ng hirap, sakit, lungkot at galit ay ramdam na ramdam ko. Pati ako halo-halo na din ang emosyon.

Para akong mababaliw sa katotohanang hindi ko na talaga makontrol ang katawan ko. Para akong tinotorture sa bawat nakikita ko at ginagawa ko sa paligid ko ng wala akong kalaban-laban.

Nakita ko kung paano sinaksak ng katawan ko si Ralph. Kitang-kita ng dalawang mata ko at wala akong magawa!

Kailangan mong mabuhay Ralph, nakikiusap ako mga Diyos at Diyosa, tulungan niyo kami.

Iyak lang ako ng iyak, hindi ko na din alam ang gagawin ko pa. Ramdam ko angnbawat sakit na nararamdaman ng katawan ko pero 'kahit pilitin ko 'di ko 'to maigalaw.

'Hintayin niyo ako. Gagawa ako ng paraan'

Kahit sa isip hindi kona magawang makipag usap pa sa kanila. Wala na ba akong kapangyarihan? Naisalin na ba sakanilang lahat?

Hinang-hina ako, bakit ganito?

Napakadilim sa loob kung nasaan man ako ngayon. Hindi ko alam dahil dilim lang ang nakikita ko at ang nasa harap ko ay isang malaking hologram ng mga nangyayari sa labas.

Biglang nawala ito kung kaya't ngayon mas kita kona, na wala akong ni isang makikita sa dilim. Sa walang katapusag dilim ng paligid ko, para akong bulag.

Ngunit nakarinig ako ng mga hakbang na tila'y napakalaking tao. Nagbago ang itsura ng lugar at nandito na ako ngayon sa ilalim ng madilim at malamig na mundo ng ilalim ng lupa, katahimikan ang bumalot sa paligid ko.

Kitang-kita ko na may mga kaluluwa ng mga namatay ay dahan-dahang gumagapang papunta sa direksyon ko. Sa gitna ng mga anino, isang nakakakilabot na presensya ang bigla kong nadama. Ang mga kaluluwa'y natigil sa kanilang paglakad, nanginginig sa takot habang naririnig nila ang mabibigat na yabag ng darating.

Sa harap ng lahat, si Hades, ang makapangyarihang Diyos ng ilalim ng lupa, ay lumabas mula sa kadiliman.

Ang kanyang mga mata'y kumikislap ng tulad ng apoy sa dilim, at ang kanyang mukha'y puno ng kabagsikan at kapangyarihan.

Nakakapangilabot.

Suot niya ang isang balabal na itim na tila naglaho sa kadiliman ng paligid, nagpapahiwatig ng kanyang kaharian na walang hanggan.

Nakita ko sa kanyang tabi, ang tatlong ulo na may nagngangalit na mga mata ang lumitaw na sa kwento ko lamang dati naririnig, ngunit ngayon nandito na sa harao ko.

Ang Cerberus.

Ito ang kanyang bantay na aso, at bigla nalang 'tong umuungal ng malakas, ang tunog nito'y parang lindol na nagpapakalog sa buong lugar. Ang bawat ulo ay may matalim na pangil, na parang handang lapain ang sinumang magtatangkang tumakas. Ang mga mata ng mga kaluluwa'y puno ng takot habang pinagmamasdan ang halimaw na aso.

Sa bawat hakbang ni Hades, ang lupa ay tila nagkakalat ng yelo. Ang bawat hakbang ay mabigat at puno ng kapangyarihan, isang patunay ng kanyang kontrol sa kaharian ng mga patay.

Nakita kong sumunod ang Cerberus kay Hades, ang mga buntot nitong tulad ng mga sibat na nagbabantang sumalakay sa kahit sino. Ang kanilang paglakad ay parang isang seremonya ng kamatayan, isang paglalakbay na walang sinuman ang makakatakas.

Hindi ko inakala na, makakaharap ko ang Diyos ng lugar ng kamatayan. Hindi ako handa sa ganitong sitwasyon. Bakit siya nagpakita? At anonang kailangan niya?

Tumaas ang mga balahibo ko sa ihip ng hangin na nadama ko. Nandito na siya, sa harap ko mismo at nakatingin siya sa'kin na
parang sinusuri ang pagkatao ko.

Wala akong masabi kung hindi....

"H-hades"

Sa isang iglap, nakaramdam ako na parang humihiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko. Kitang kita ko kung paano ito humihiwalay at pilit na nagwawala habang nasa proseso.

"A-AHHHHHHHHHHH!"

Sobrang sakit. Katapusan ko na ata, hindi ako makapagsalita dahil pati ata ang boses ko mawawala.

"Sa akin ka ngayon..." nakakatakot na boses na sinambit ni Hades sa akin na naging echo sa buong paligid.


Third Person's POV

Si Hades ay inunat ng kanyang kamay patungo kay Athena, ang kanyang mga daliri'y nagliliyab ng itim na enerhiya, tanda ng kanyang kapangyarihan sa mga kaluluwa.

Habang ang kanyang mga daliri ay papalapit sa dibdib ni Athena, naramdaman niya ang malamig na hangin na tila bumabalot sa kanya. Biglang sumigaw si Athena, ngunit hindi sa takot kundi sa galit at paglaban. Ang enerhiyang itim ay tumagos sa kanyang katawan, sinusubukang hilahin ang kanyang kaluluwa palabas.

Ngunit ang kaluluwa ni Athena ay hindi madaling sumuko. Ang kanyang kaluluwa'y nagningning ng maliwanag na liwanag, lumalaban sa bawat paghatak ni Hades. Ang liwanag na ito ay tila isang apoy na hindi matitinag, na nagpapakita ng kanyang matibay na kalooban at diwa.

Ang mukha ni Hades ay napuno ng galit habang nararamdaman niyang hindi niya basta-basta makukuha ang kaluluwa ni Athena.

Sa bawat paghatak niya, ang kaluluwa ni Athena ay lalong lumalaban, naglalabas ng mas maliwanag na liwanag na tumatama sa itim na enerhiya ni Hades.

S

a kanyang pagkadismaya, ginamit ni Hades ang iba pang kapangyarihan niya. Iniangat niya ang kanyang kamay at mula sa lupa ay lumitaw ang mga matalim na anino, na parang mga palaso na tumutusok kay Athena.

Ngunit sa bawat tama, ang liwanag ni Athena ay nagbabaga, nagiging mas maliwanag at mas matatag.

Totoo nga.....

Ang kaluluwa niya ay isang instrumentong papatay sa kung sinong maitim ang hangarin na humawak nito. Nang maramdaman ni Hades ang kapangyarihan ng kaluluwa ni Athena, napuno siya ng galit at takot, ngunit hindi niya magawang umatras. Ang kaluluwa ni Athena ay nagliliyab ng liwanag na tila nagbubunyag ng kanyang dalisay na hangarin at walang kapantay na tapang.

Palaging nananalo ang may mabuting hangarin, yan ang natatandaan na sinabi ni Olivia at Lola ni Athena sa kanya.

Ang kanyang itim na enerhiya ay unti-unting nawawalan ng bisa, naglalaho sa harap ng walang-hanggang lakas ni Athena. Sa huli, isang malakas na pagsabog ng liwanag ang nagmula sa kaluluwa ni Athena, tinatamaan si Hades ng matinding enerhiya na nagpatalsik sa kanya.

"Imposible!" sigaw ni Hades habang nararamdaman niyang nawawala ang kanyang kontrol. "Paano mo nagawa ito?"

Si Athena ay tumayo, ang kanyang katawan ay puno ng liwanag na tila bumabalot sa kanya ng isang banal na kalasag. "Ang kaluluwa ko," sagot ni Athena ng matatag at puno ng determinasyon, "ay hindi basta-basta magpapasakop sa kasamaan. Ang sino mang may maitim na hangarin na humawak nito ay masusunog sa liwanag ng katotohanan at katarungan."

Tila hindi si Athena ang nagsabi ng mga sinambit niya. Parang boses ng isang Diyos na may ipinaglalaban, nakita pa saglit ni Hades na may mga matataas na anino sa likod ni Athena.

Ang mga kapatid, mga Diyos at Disyosa ito ng Griyego.

Mga taong tinalikuran niya ang tumulong kay Athena.

Sa huli, kinain ng kumukulo at mabahong lupa si Hades at nakulong ng walang laban.

Biglang naglaho ang liwanag sa katawan ni Athena, nagbalik ang loob niya sa reyalidad.

Nasa harap niya si Ace at Drack habang sila ay lumulutang. Sa ibaba naman ng gate ng Academy ay ang mga taong mahal niya. Halatang nagulat siya dahil nakabalik siya sa katawan niya.

"A-athena?" pag-aalalang tanong ni Drack.

Sa isang hakbang, kinuha ni Athena ang kanyang espada at itinurok ito sa dibdib ni Drack.

Ang espada na may matalim na talim, ay pumasok sa laman ni Drack, dumaan sa mga buto at diretsong umabot sa kanyang puso.

Ang sakit ng saksak ay tila isang pag-aalab ng paglaban sa loob ng dibdib ni Drack, isang pagsabog ng mga taon ng kasakiman at kapangyarihan.

Sa sandaling iyon, ang lahat ng naroroon ay nagulat at natulala. Ang mga saksi ay nakatigil sa paggalaw, ang kanilang mga bibig ay hindi makapagsalita, ang kanilang mga mata ay hindi makapagtago ng pagkagulat at sakit. Ang mga tagamasid ay nagluha, ang mga mata nila ay punung-puno ng kalungkutan habang sila ay tumingin sa pag-aakto ni Athena.

Ang pagkasaksak kay Drack sa puso nito ay nagbigay daan sa pagkakaroon ng kakaibang aura sa hangin. Ang mga pag-iling ng hangin at mga tunog ng kagubatan ay tila nagiging tahimik na mga saksing hindi makapagbigay ng boses sa nangyari.

Kasabay ng kamatayan ni Drack, si Athena ay unti-unting bumagsak mula sa ere, sa kadahilanang may saksak 'din siya sa puso, hindi natanggal ang sumpa ng pagkakakonekta ng kanilang katawan ni Drack.

Ang kanyang katawan ay tila nagpapakita ng sakripisyo na nagmumula sa kanyang bukal na puso.

"ATHENAAAAAAAA!!"



Gaya nga ng ibang istorya, hindi lahat ng tagumpay ay makakamtan nang walang sakripisyo; minsan, ang buhay ang kapalit ng kapayapaan.

-----------------------

I hope you like this! Thank you for reading.
Your votes and comments will be appreciated and entertained!

Thank you magians!🫶

Lovelots!
mndrmbs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top