Chapter 71 : Upside Down

12 years ago..........

Malalim ang iniisip ni Reyna Alicia at Haring Ashtone dahil sa mga nangyayari sa mundo ng mahika. Napakalalim na parang patuloy na hinuhukay na hindi natatapos at maraming panibagong problema na umuusbong.

Iniisip nila ang Prinsesa.... ang anak nila na nasa mortal world. Hindi naging madali ang pagbabantay nila rito noon, sa kadahilanang maraming mga itim na mago ang nakamatyag din sa paglaki ni Athena sa mortal na mundo.

"Kailan kaya matatapos lahat ng gulo, Ashtone? Gusto kona makapiling ang anak natin, gusto ko siyang mayakap at sabihin na nandito ako, ako ang iyong ina ,at hindi kita iiwan. Naiiyak ako sa mga nararanasan niya na hindi niya dapat nararanasan" sabi nito habang humihikbi at nagpupunas ng mga luha.

Habang si Ashtone ay inaalo siya nito at niyakap sa likod na parang naluluha na din.

"Darating ang panahon na hinihintay natin, Alicia. Lahat ng hirap mapapalitan ng kapayapaan, pinapangako ko sa'yo 'yan. Malakas ang anak natin, hindi siya basta-basta sumusuko sa problema"

Bantayan...

Yun na lamang ang magagawa nila sa panahon na 'yon, dahil hindi nila pwedeng ibalik ang Prinsesa lalo na at laging may pagsugod na nagaganap sa Magian Academy at iba't-ibang mga Kingdom sa Magical World.

Kaguluhan ang mayroon sa loob ng mga taon na wala si Athena sa mundo na dapat niyang kinalakihan.

Sa kabilang banda.....

Nasa kaharian ng apoy ang dalawang magkapatid na naglalaro ng kanilang mga kapangyarihan. Tila'y mga beterano sa paggamit dahil bata pa lamang sila, ngunit makikitang marunong na gumamit ng kapangyarihan na taglay nila.

"Kuya, kaya mo ba 'to? eto naman? Wowwwwww" usad ng maliit na batang si Rafael. Manghang-mangha siya sa mga kayang gawin ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ralph.

"Tuturuan ka ni kuya na maging malakas, kaya magpalaki ka agad para makaya mo na ang mga kaya kong gawin" saad nito habang nakangiti kay Rafael at patuloy siyang nagpapakita ng iba't-ibang technique ng kapangyarihang apoy na talagang kinamamangha ni Rafael.

Mas matanda ng isang taon si Ralph kay Rafael at ni isa, wala silang bagay na pinag-awayan o kaya ay pinag-agawan nagkakasundo sila palagi.

Lagi silang nagkakasundo......

6 years ago............

"May gusto ako sa'yo, Trixie" pag-aamin ni Rafael sakanyang kaibigan. Hindi ito alam ni Ralph, na gusto din ng kapatid niya ang gusto niyang babae. Naunahan siya nito umamin at mas nagustuhan ni Trixie ang mangyayari dahil alam niya sa sarili niyang parehas niyang napaibig ang dalawang Prinsipe ng apoy.

Hindi maitatago ang angking ganda ni Trixie. Maputing balat, nagsisingkitang mga mata, balingkinitang katawan at mapupulang mga labi. Dahil kahit nga naging itim na mago si Era, may dugong bughaw pa din siya ng pagiging isang Celestine, ngunit mas nanaig ang dugo na nakuha niya kay Drack. Anak siya ni Drack at Era na namumuno sa Underworld hanggang ngayon, ngunit sa panahon na 'to paralyzed na si Era at nakontrol na siya ng tuluyan ng kapagyarihan ni Drack, tila'y isang patay na tao na sumusunod na lamang pag may iuutos.

May nakakabatang kapatid si Trixie at ayun ay si Dracky.

Si Trixie lamang ang nakakapag-aral sa Magian Academy dahil ito ang misyon niya, walang nakakaalam kung sino ang magulang at kung ano-ano ang connection niya sa mga prinsesa at prinsipe. Dahil ang misyon niya ay kunin ang loob ng mg prinsipe ng Fire Kingdom upang maghiganti.

Walang may alam na anak siya ni Drack.

"Mahal kita, Trixie" sabi ni Ralph ng malaman niyang umamin ang kanyang kapatid kay Trixie. Nagbabasakaling siya ang mapili at hindi ang kanyang kapatid na si Rafael.

Dahil nga si Ralph ang una nitong nakilala at mas nagkakaintindihan silang dalawa. Si Ralph ang pinili nito kaya naman ganon ang laking poot na nasa dibdib ang mayroon si Rafael dahil ang akala niya ay nagkakaintindihan at nagkakamabutihan na sila ni Trixie ngunit hindi.

Pinaglalaruan lang silang dalawa.

.

Ralph's POV

Nakakatakot na tingin ang ipinukaw sa amin ni Athena, lalo na sa 'kin.

Ang laki ng pinagbago niya at napakadilim ng aura ang pinapakita niya sa amin.

Hindi siya 'yan...

Naalarma kami ng mapansin namin dahan dahan silang lumalapit. Hindi din nakaligtas sa kanila ang takot sa mata ko kaya alam kong ngumisi si Drack dahil don.

"Masyado ka atang kabado Prinsipe ng Apoy? Wag ka matakot iho, 'di kami multo" Sabi nito at nakita ko na seryoso pa din si Athena at umirap habang si Ace ay walang ekspresyon kang makikita.

Hindi ako umimik bagkus tinignan ko lang siya ng masama.

Babagsak ka din Drack.

" Sabagay, takot ka ba kalabanin ang babaeng nasa tabi ko?" Sinabi niya ito ng may tono na pang aasar, kaya di ko napigilan sarili ko magsalita.

"Napakasama mo Drack! Gagawin mo lahat para lang sa ikalalakas mo kahit buhay pa ng pamangkin mo!" sigaw ko sa kanya dahil sa galit at naramdaman kong na hinawakan ako ni Aldrin sa likod para kumalma.

"Mukhang malaki ang galit mo sakin, pero wag ka mag alala makakalaban mo 'ko matapos na matalo mo ang babaeng iniibig mo" naglaho bigla si Drack at ang natira nalang si Athena at Ace na ngayon ay diretsong nakatingin sa akin.

Ngunit nakaramdam ako ng pagbabago ng ihip ng hangin, amoy at temperatura ng paligid . Namalayan ko nalang na wala na kami sa Academy at nasa isang madilim na lugar na puro bundok na kulay itim ang makikita at mula dito sa kinatatayuan ko

Nandito kami sa Underworld, sinasabi na nga ba.

"Nagulat ba kayo? Oo, dito tayo magtutuos Ralph" tumigil siya saglit. " Mahirap na, mamaya may mga tumulong sa inyo, mas maganda ang walang nanonood di'ba, Flame?" iba ang boses niya kaysa sa dating Athena na alam mong walang kasarcastic ang boses.

'Siya pa din 'yan, kailangan niya lang mapabalik sa dati'

Naalala ko ang bilin sa akin ni Ladya, kaya napakapit ako sa bulsa ko kung nasaan ang ilalagay ko sa kanyang ulo para mapabalik sa dati. Pero naisip ko mahihirapan ako ilagay kung ako lang mag-isa, masyadong malakas si Athena at alam kong mas lumakas siya ngayon.

Mukhang mahihirapan nga ako.....

"Ralph di magiging madali 'to mas malakas si Athena kahit pagtulungan natin siy--"pinutol ko na ang mga sasabihin ni aldrin dahil alam ko na ang nasa isip niya, kinakabahan siya para sa amin..

"Magtiwala tayo sa sarili natin sa gantong sitwasyon Aldrin. Wag kang mag-alala magagawa natin to ng tama" pagpapakalma ko sa kanya pero nagulat nalang ako nasa harap ko na si Athena at....

"Ahh!" tumalsik ako sa sobrang lakas ng impact sa akin ng pagbigwas ni Athena ng braso niya sa mismomg mukha ko na ngayon ay nakaramdam ng pananakit at tila'y hinampas ng isang malaking pamalo.

"Ang dami niyong dada kalalaki niyong tao" singhal ni Athena sa aming dalawa ni Aldrin at kitang kita ko na sobrang sama ng tingin niya sa'kin. Napakasamang tingin na para bang pinapatay na ako sa kanyang isipan.

Napatingin ako sa mukha ni Aldrin na may pag-aalala kaya sinabihan ko siya gamit ang isip ko na ayos lang ako kaya tumango siya at nakita kong hinarap niya si Ace. Kaya tumayo na din ako unti-unti dahil medyo hilo pa ako sa bigwas ni Athena sa akin.

"Athena, hindi ikaw 'to. Lumaban ka ibalik mo ang sarili mo kinokontrol ka lang nila!" panggigising ko sa kanya ngunit tinawanan niya lang ako at bigla na namang naging seryoso ang tingin niya.

"Sino ka ba para paniwalaan ko? si Haring Drack lang ang paniniwalaan ko at hindi ikaw! o kayo! saka kayo ang kalaban namin. Tanga ba ako para kumampi sa kalaban?" sabi niya habang unti-unting lumalapit sa akin kaya medyo napapaatras ako.

"Pero Athena, kahit ako man lang di mo maalala? Ako 'to si Ralph." pagkabanggit ko ng pinakawalan kong salita nagpakawala siya ng napakalaking apoy at binato papunta sa'kin. kaya kinontrol ko din 'yon at binalik papunta sa kanya.

Nakita kong gulat siya kaya kinontrol niya yon at ginawang hugis palaso saka binalik ulet sa'kin pero mas mabilis kumpara sa pagbato niya kanina kaya umilag ako at sumakay sa Fire Phoenix na kaagad kong pinalabas.

Mukhang di niya nga ako kilala, pati kapangyarihan ko di niya alam na ako ang may hawak ng apoy. Maraming pumasok sa aking isipan, lahat ng ala-ala ko noon, mula sa mata niyang nagaalab sa sobrang galit .

Muli niya akong hinagisan ng mga atake na katulad lang din ng bilis ng atake ng kapangyar ihan ko. Hindi ko na malaman kung saan ako papunta dahil ang ginagawa ko lang ay puro depensa sa mga atake niya.

"Hanggang ilag ka lang ba talaga? duwag na duwag ka ba sa isang babae?" sabay ngisi ni Athena ng sabihin niya 'yon. Ang totoo ay ayaw kong masaktan kaya todo ilag lang ako sa mga ibinabato niya sa'kin.

Natatakot akong masaktan siya sa mga kaya kong gawin. Confident akong lumakas ako at mas lalakas pa, pero hindi ko talaga kayang kalabanin si Athena. Takot na ako mawalan ng taong mahal ko.

Pero kailangan ko maging malakas. Sabi nga nila 'pag kaya mo ng labanan ang mga taong mahalaga sa'yo, doon mo malalaman na kayang kaya mo na makipaglaban at nagtitiwala ka sa kaya mong gawin'

Kaya kailangan ko makalapit sakanya para mailagay yung lunas sa ulo niya. Mahihirapan ako dahil sa pag-ilag palang ng sobrang bilis niyang mga atake, hirap na hirap na ako. Paano pa ako lalapit sakanya, 'diba?

"Alalahanin mo Athena, kaya mo yan labanan, kilala kita. Alam kong nanjan ka!" sigaw ko sa kanya at tinawanan niya lamang ako na parang nababaliw sa kakatawa. Biglang nagbago ang tawa niya at naging seryoso na lamang ang mukha niyang nakatingin sa'kin.

"Nauubos na pasensya ko sa'yo! Pasalamat ka at hindi ko magamit ang sinumpa kong kapangyarihan dahil nanghihina pako sa ginawa nilang ritual para sakin. Pero kung hindi, patay kana kanina pa." sabi niya ng seryoso at nakakakilabot na boses. Nakakatakot. Parang boses ng isang demonyo kaya't biglang nagsitayuan balahibo ko.

Anong ginawa mo sakanya Drack?! Maliban sa pagsalin ng lason na 'yon, ano pa?!

"Inalay ko siya kay Hades"

Bigla ako napatingin sa direksyon ni Drack na nakatitig lang sa mga naglalaban sa itaas.

Inalay kay Hades?!

Flashback

"Class, si Hades ang pinakakinatatakutan ng mga puting mago. Nakakatakot ang Diyos na si Hades, para siayng fallen angel. Once na may ialay na puting mago kay Hades, kung sino ang nag-alay ng puting mago kay Hades, magiging isa sila nito. In short, connected ang katawan ng nag-alay sa inalay niya. Kaya ang kapangyarihang katumbas ng inalay at katumbas din ng kapangyarihan ng nag-alay. Naiintindihan niyo ba? Kaya sa mundo natin, siya ang kinakakatakutan dahil kaya niyang gawing posible ang imposible sa masamang paraan."

End of Flashback

Hindi ko masyado pinansin ang lesson na napakinggan ko noon pero eto ang nalaman ko.

Hindi maaari!

Hindi pwedeng mangyari 'to!

Nakita ko nalang na nakatingin si Drack sa akin at humahalakhak siya ng malakas sa kadahilanang alam niyang alam ko. Alam ko ang mangyayari pag pinatay ko siya. Natulala nalang ako sa kawalan at nawala sa isip ko na nasa gitna akong laban.

Kahinaan talaga kita, Athena.

Parang tumigil ikot ng mundo at bawat segundo ko ng may bigla nalang akong naramdamang matulis na bagay sa tiyan ko.

"Athena-a" Napatingin ako kay Athena na nakangiti ng malademonyo at sa espadang nakasaksak sa tiyan ko.

"RALPHHHHHHHHHHH!!!!!" sigaw nilang lahat.

Hindi ko na alam ang nangyari pero nagulat nalang ako sa taong dumating na tila'y para akong minumulto. Taong hindi ko inaasahang makikita ko muli.

Wala na akong marinig kung hindi tibok ng puso ko sa kaba na baka mamatay ako. Pero ang tinig lang niya ang narinig ko........

"Kuya!"

Unknown POV

"Handa ka naba bumalik, mahal?" tanong ko sakanya habang pinaglalaruan ang kanyang mga kamay.

Malalim ang iniisip niya dahil nakatulala lamang siya sa kisame habang nakasandal. Hindi ko ito mabasa at tila parang blangko lamang. Marami kaming pinagdaanan sa mga taon na lumipas. Kung kaya't alam ko ang bigat ng mga problema na nalagpasan at lalagpasan palang namin.

"Hey, are you okay?" pag-aalala kong tanong sakanya at hinawakan ang mukha niya para iharap ito sa akin. Namumula ang mata niya at parang naluluha kaya mas nag-alala ako.

"Okay lang ako, mahal. Marami lang iniisip dahil pag bumalik tayo maraming pwede magbago" sabi nito saka hinawakan ang kamay ko.

"Hindi mo naman kasalanan kung ano naramdaman mo nung mga panahon na 'yon. Ang mahalaga magkasama tayo ngayon at natupad yung mga panagarap mo" sabi ko sakanya ng nakatitig sa mga pula niyang mata na minsan ay nagiging itim.

"Hindi natin kailangan iexplain sarili natin sakanila, mahal. Matagal na tayong nagtatago, palipat-lipat, at tumatakbo. Mas magiging ligtas tayo kung nandoon tayo salugar na 'yon. Saka isa pa, hindi natin kasalanan ang nangyari sa atin noon. Walang may alam ng lahat kung hindi ako, ikaw at ang Hari lamang." dagdag ko pa sa kanya.

Sa totoo lang, hindi namin kasalanan na sumunod lang kami sa Hari. Napasunod kami dahil kinuha niya ang kapangyarihan namin at kami ngayon ay mga mortal na tao na, kaya kami naninirahan ngayon sa Mortal World.

Pinatapon niya kami sa labas ng Magical World dahil nga hindi makakapasok ang mortal na tao na walang kapangyarihan sa mundo ng mga mahika. At once na maging mortal na tao at wala ng kapangyarihan ang katulad namin, mawawala ang mga ala-ala namin sa loob ng mundo na 'yon.

Nung una tanggap na namin na magiging mortal kami at kahit kailan hindi na kami makakapagcommunicate sa mga taong nasa loob ng mundo namin noon. Ngunit nung isang araw nagising nalang kami na bumalik na ang mga ala-ala namin at mga kapangyarihan namin pero hindi pa 100% na bumalik. Kaya naghahanap kami ng tyempo at tamang oras bumalik sa mundo ng mahika.

Kahit na minsan ay patago kong pinupuntahan ang lugar na tinutuluyan ko dati na ngayon ay kinamumuhian ko na. Kamusta na kaya ang siya?

Kailangan kong makabalik para sakanya.

-----------------------

You votes and comments will be appreciated! Thank you guys!

Super duper sorry guys for the late update! This chapter's for y'all!

Mamayang gabi ko iuupload yung next chapter. I'm really really sorry dalawa lang ang iuupload ko today sa super tagal niyo naghintay. Pero medyo mahirap din sa part ko kasi I experienced writer's block before so on and so forth. So, ginegenerate kopa mga ideas ko before ako magupload baka kasi may maoverlook ako na details or something sa story.

So, ayun lang! later wait for another update. Thank you so much!

Lovelots!
mndrmbs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top