Chapter 70 : The Real War

"Everything happens
for a reason"

-Kate Bowler

(

A/N: play the video while reading, lovelots!)

Ralph's POV

Nagkakagulo na ang lahat.

Nakikipaglaban na ang lahat.

Sobrang gulo, puro duguan na sana mula sa mga kalaban.

Ang daming nabuwis na buhay, na sana hindi nalang nadamay.

"Ralph sa taas mo!" Sigaw sa'kin ni Aldrin habang nakikipaglaban sa mga kawal.

Napatingin ako sa taas ko at nandon si Dracky na nakangisi sa'kin kaya pinagsasaksak ko yung mga kawal na nasa harap ko maliban sa mga kamag aral namin na nakontrol ni Drack.

Siya lang ba nandito? Asan sila Athena?

Lumipad ako papunta sa tapat ni Dracky at sinuntok siya.

*BAAGG!*

"Kailangan niyo ng mawala sa mundong ito!" Galit at hinihingal kong sigaw sa kanya na ngayon ay nakahawak na sa mukha niyang sinuntok ko, putok pa nga ang labi niya.

Mas lalo pakong nainis ng ngumisi ito sa 'kin na tila di ininda ang sakit ng pagkasuntok ko sakanya.

"Alam mo Ralph, wala na yung dating Athena para iligtas kayo. Nagbago ang propesiya dahil sa ginawa ng Ama ko, ang galing di'ba? Mga inutil kasi kayong mag-isi-----"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil pinaulanan ko siya ng Fireballs na may halong lason ngunit 'di siya nadaplisan kahit isa.

Nagbago ba talaga ang propesiya? O parte pa din to ng nakasaad sa propesiya? Sana hindi nagbago.

Nagpalit na siya ng anyo, isang napakalaking halimaw na may dalawang ulo, napalunok ako bigla sa kaba at nagsimula ng tumagaktak pawis ko.

Kaya ko 'to, para sa kaligtasan ng lahat kailangan naming lumaban.

Nakita ko pang nakatingin sa 'kin si Aldrin at Melissa at sinabe kong kaya ko to ng mag-isa. Napansin ko na kalaban na din nila ang ibang kalaban  na kadadating lang, ngunit wala akong makitang aninag ni Athena, Ace at Drack.

Tumingin ulet ako sa harap ko at nakita kong hahampasin nako ni Drack ng napakalaki niyang pamalo na na may mga matutulis na bagay sa paligid nito, kaya lumipad ako ng sobrang bilis at pumunta sa tapat ng ulo niya at doon nagpaulan ng Fire Shurikens.

"Ahhhhh!" Impit niyang sigaw at pumunta naman ako sa likod niya ngunit nagulat ako dahil bigla siyang nawala sa harap ko.

Teleportation?! Paano siya nagkaroon non?!

"Gulat na gulat ka ata" bulong nito sa likod ko ngunit paharap palang ako.......

*BAAAAGGGGGG*

"Ahh!" Hinagis niya ko pababa at nauntog ako sa sahig kaya medyo nahilo ako.

"Ralph!" Sigaw nila sa' kin pero nagtaas ako ng kamay para sabihing okay lang ako dahil alam kong may mga kalaban din sila ngayon na kumpara sa'kin dahil mas malaki ang kalaban ko.

Pinalabas ko sa kamay ko ang Fire Phoenix ko kasama ang iba pa nitong kasamahan na Phoenix na ngayon nakasunod sa likod namin ngunit nawala na naman si Dracky.

"BWAHAHAHAHA" rinig ko ang tawa niya ngunit wala siya rito kahit na magpaikot-ikot ako.

"Looking for me?" Nagteleport din ako sa taas ng ulo niya dahil nasa likod ko siya kanina at muntik na kong hampasin ng dala niyang pamalo na may tusok-tusok.

Muntikan na.

Pinaulanan ko siya sa ulo ng maraming Fire Knives at pababa sa kanyang likod at kita kong nasasaktan siya kaya paikot-ikot lang ako pero natamaan ako ng pamalo niya.

"Ahhh!" sigaw ko sa sobrang sakit nakatusok sa tiyan yung isang patusok sa pamalo saka ako nalaglag.

Nakita kong ngumisi siya at akmang papaluin pa'ko ng may humaltak na ugat ng puno sa pamalo niya kaya naihagis ito.

Si Aldrin, tinulungan akong tumayo.

"Shit! Ralph kaya mo pa ba?! May sugat yung bandang tiyan mo!" Sabi nito at lumipad kami dahil aapakan sana kami ni Dracky.

"Oo kaya ko" paninigurado ko sakanya dahil kaya ko pa naman dahil hindi naman masyadong malalim ang pagtusok sa'kin, masakit lang talaga.

"Sigurado ka? Ilag!" Tumango ako at lumipad sa kanang direksyon ni Dracky na pilit kaming inaabot.

Nakita kong tinali niya gamit ng ugat ng mga puno ang paa ni Dracky kaya di ito makatalon at makalakad para abutin kami.

Habang ako ay pinaligiran ko siya ng malalaking apoy pabilog sa kanya at pinag-uulanan siya ng Fire Sword para mas malaki dahil kanina parang walang talab sa kanya yung Fire Knives ko.

Nakita kong unti-unting lumiit itong halimaw na 'to at nagtinginan kami ni Aldrin na parang tinanong kung papatayin na ba namin.

Naalala ko pinsan niya si Athena.

Pero masama siya! Siguro paligiran ko muna ng apoy di ko kayang pumatay pero kung kakailanganin, gagawin ko.

Pinalibutan ko siya ng matataas na apoy at kita kong nakahiga na siya at pawis na pawis dahil sa init ng apoy.

"Ako na bahala" sabi ni Melissa at narinig kong may binubulong siya at tuluyang pumikit si Dracky.

Pagkaharap ko sa itaas ng nakapalaking gate na sira sira ng akademiya nakita ko sila na masamang nakatingin sa amin.

Lalo na siya, si Athena.

Kristine's POV

"Ohh! Ikaw pala makakaharap ko Hahaha! Loser!" sabi ni Barbie na ngayon ay tumatawang nakatingin sa'kin na para bang iniisip niyang mas malakas siya sa 'kin.

Baliw ba siya?! Tawa siya ng tawa! Nakakairita na kaya nagteleport ako pero laking gulat ko ng paikot-ikot siyang lumipad at humarap sa likod niya na nasa harap ko ngayon.

Paano siya nagkaroon ng kapangyarihan na lumipad?! Eto ba ang ginawa ni Ladya? Paano?!

"Shock? Hahaha! Alam mo pangarap ko talaga makalipad"

"Who cares?" Pabara kong tanong at inangat at katawan ko na kasing taas ng paglipad niya.

Nakita kong nagalit siya at nagtaas ng kilay at niyukom niya ang mga kamay niya na tila nagtitimpi.

Got cha!

"Ayokong aksayahin oras ko sayo madami pa kong gustong tulungan kaya wag ka na mag-inarte d'yan, Air Blades!"

Pinaulanan ko siya ng Air Blades na di niya nakikita dahil invisible 'yon at ngumisi ako ng di siya nakailag sa tatlong 'yon.

Hahaha! Bleeding!

"How dare you! Pati mukha ko! Magbabayad ka !" Sabi nito at nilagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid saka ito tinaas at kitang-kita ko sa mukha niya ang galit dahil sa hiwa niya sa mukha.

Tumayo ang dalawang kawal na nasa magkabilang gilid niya at kinontrol niya ito para kalabanin ako. Nakatayo na ang dalawang kawal na naka itim na suot at nagulat ako ng mas lumaki ito kaysa sa itsura nito kanina.

"Ang sarap sa pakiramdam ng mas lumakas yung kapangyarihan no? Hahaha! Luckily, nakakuha kami ng kapangyarihan from your friend Athena, thanks for her HAHAHA!" kinindatan niya pa ko saka tumawa ng parang demonyo pagkatapos ng sinabi niya.

Kumuha ng kapangyarihan?! Paano?!

"P-paano niyo n-nakuha ang k-kapangyarihan niya?!" Pautal-utal kong sabi sa kanya na siyang ikinangisi niya.

"Ang bait ng Diyos na sinasamba namin dear. Hades, btw thanks to you!"sabi niya pa at tumingin sa ibaba ng lupa habang itinuturo ng mga kamay niya ito, dahil sa underworld nakatira si Hades kaya hindi siya sa itaas tumingin.

Totoo ngang may koneksyon pa din si Drack kay Hades?! Napakasama talaga ni Drack, sumamba sa diyos na tinalikuran ang mga Diyos at Diyosa sa itaas!

"Patayin niyo na siya! Naghihintay ako" sabi niya at prenteng umupo ng nakalutang saka sinara ang braso niya na para bang inip na inip sa paghihintay na mapatay ako.

"Ahhh!" Narinig ko si Ralph na kinakalaban si Dracky, alam kong kaya niya 'yon talunin may tiwala ako sa kanya kaya napatingin ako at nakita kong nagtaas siya ng kamay para sabihin okay siya at ibinalik ko ang tingin ko sa kalaban ko.

Lumapit na sa'kin ang dalawang kawal na sobrang laki at sinubukang kunin ako kaya lumipad ako at kinuha ang pana at palaso saka sila pinaguulanan ng sunod-sunod nito na may kasamang lason ngunit tinanggal lang nila ito sa katawan nila.

Kaya ng tangkang aabutin nila ako pumailalim ako sa kanila saka pinana ang mga paa nila habang pinapana ko aito pumunta naman ako sa isa pang kawal at gumawa ako ng isang malaking whirlwind sa tabi nito ng mabilis kaya medyo nanghina ako at bumagsak.

"Tired already bitch?" pang-aasar ni Barbie na nakacrossed arms pa sa harap ko at sinipa ako sa mukha.

"Ahhh!" Nakita kong nagdugo ang bibig ko sa pagkakasipa niya kaya nag Air Invisible ako saka lumipad sa likod niya hinahanap niya ako pati ng dalawang kawal na kalaban ko na ngayon nakatayo pa din.

Hinipan ko silang tatlo ng sobrang lakas na halos mabingi sila at nakita kobg unti-unting dumidilim ang mga ulap dahil sa pagkontrol ko ng klima.

Nauubusan na'ko ng hininga, kaya ng hipanin ko sila nakita kong tumigas ang mga katawan nila at parang naging yelo dahil sa paghipan ko na tinatawag na Air Blow.

Pinana ko si Barbie sa mga binti niya para manghina at para din hindi na makalipad at makalakad.

"Ahhh!" impit na sigaw nito at parang napapaos dahil sa tigas ng katawan niya ngayon, pnasamantala lang yan kaya hinampas ko ang leeg niya at siya ay bumagsak at nakatulog kasama ang dalawang kawal na ngayon ay maliit na.

Done!

Napatingin ako sa paligid, grabe hindi ko aakalain na dadating sa gantong punto ang Academy.

Nakakalungkot.

Lumipad ako patungo sakanila at nakita ko kung sino ang tinitignan nila.

Si Ace, Athena at si Drack.

Aldrin's POV

Nakatingin kami ni Raph, Melissa at Kristine sa kanila at kitang-kita ko ang pangamba sa mukha ni Ace na parang ilang ang tingin at iba ang tingin sa amin.

Parang napipilitan?

Sana nga Ace, sana.

Ang iba pa naming kasama ay nakikipaglaban pa sa mga alagad ni Drack at patuloy na lumalaban sa mga natira dahil mas dumami pa ang mga ito.

"Harapin mo si Ace, Aldrin. Alam kong hindi kikilos si Drack hangga't hindi natatalo yung dalawang nasa tabi niya ngayon kaya ako kay Athena. Kristine, Melissa.....tulungan niyo ang iba na makapunta sa office ni Headmistress, yung mga sugatan" sabi sa amin ni Ralph pero mas naalala ko ang tiyan niyang puro dugo na ngayon dahil sa dami ng dugong lumabas dito kanina.

"Pero Ralph may tama ka! Hindi kita hahayaang makipaglaban ng may sugat hindi mo kakayanin si Athena ngayon, gagamutin kita" sabi ni Melissa at tama siya di namin pwede pabayaan na makipaglaban si Ralph ng ganyan na may malaking sugat.

"Wag na! Kaya ko 'to" sumimangot naman ako sa narinig ko, alam kong nagsasakripisyo ang lahat dito pero bago magsakripisyo sana ayos ang katawan namin at walang sugatan.

"Pre, kailangan mong magamot di ako lalo na sila papayag na makipaglaban ka ng ganyan" sabi ko sakanya at hinawakan pa ang balikat niya at parang tumingin sa amin na parang no choice na kaya inumpisahan na ni Melissa magsabi ng pang wizard na salita at nakita naming gumaling na ang sugat nito sa tiyan, peromuntik ng matumba si Melissa sa sobrang laki ng kapangyarihan ng panggamot niya buti nalang at sinalo siya ni Kristine.

"Magpagamot kayo saglit sa mga healer doon Kristine. Magteleport na kayo para hindi kayo makita sa mga dadaanan niyo baka sundan pa kayo." Sabi ni Ralph at nagteleport na nga sila kaya ngayon humarap na kami sa kanila at nakita naming oarang hinihintay nila talaga kami.

"Hinintay pala talaga nila tayo" Sabi ni Ralph ng may pagkasarcastic kaya napatawa ako sakanya at nag anyo ng Earth Eagle habang siya ay pinalabas ang kanyang Fire phoenix.

"Mag-iingat ka Ralph, magagawa natin to ng tama" sabi ko sa kanya at tumango naman ito kaya lumapit kami ng onti sa makakalaban namin.

Unknown POV

Natatakot ako sa mangyayari sa kanya. Hindi ko kayang mawala ka pero nangangamba akong magpakita.

Hindi pa ito yung panahon na 'yon pero mukhang gagawin ko dahil kailangan, at di ko din kayang makitang nagkakaganyan ang Prinsesa.

Napakasama mo talaga Drack, lahat ng kinontrol mo!

Natatakot ako sa lahat ng reaksyon nila kung magpapakita ako ngayong sitwasyon, pero.....puting mago pa din ako at ngayon alam kong kahit di man malaki ang maitutulong ko atlis tumulong ako sa kaligtasan ng mga ka-uri ko.

Hindi ko kayang hayaan nalang niyang patayin ka, kuya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top