Chapter 69 : Sanctuary of the Statues
Dedicated to @kim_nayeonitae
Aldrin's POV
"Malapit na tayo"
Patungo kami ngayon sa tuktok ng Ethereal Mountain at lahat kami ay paglipad ang gamit papunta roon.
Tumigil si Olivia sa isang gilid ng bundok at nakita namin siyang may ibinubulong, at nagulat kami ng may biglang lumitaw na hagdanan na pababa sa loob ng bundok.
Eto na siguro ang lugar.
Lahat kami ay pumasok at nang marating namin ay dulong baba ng hagdanan, kami'y namangha.
Totoo nga.
Nandito ang lahat ng Rebulto ng Diyos at Diyosa namin.
"Eto ang Ieró ton Agalmáton na nangangahulugang 'Sanctuary of the Statues" pagpapaliwanag sa 'min ni Olivia habang itinuturo ang nasa harap namin.
Manghang-mangha kaming lahat at panay ikot ang mata namin. Parang nasa paraiso ka dito, puno ng dahon na may iba't ibang kulay ng bulaklak na kumikinang at kasama nito ang mga iba't-ibang kulay din ng paru-paro na nagsisiliparan. Habang ang nasa gitna nitong mga ito ay ang nagtataasang rebulto ng aming mga ninuno na napapaligiran ng puro ginto.
(A/N: Check the Media above ↑ for references, imagine niyo nalang yung nasa paligid niya haha syempre gawa-gawa lang ng isip ko yun kaya walang pic, enjoy reading!)
"Ang ganda" rinig kong sabi ni Icy at Kristine. Papalapit na kami ng papalapit sa mga rebulto ng biglang lumiwanag ng sobra.
Nawala ng unti-unti ang liwanag at nagulat kami ng nasa isla na kami pero sa harap namin ay nandito pa din ang mga rebulto.
"Kailangan na nating magmadali, malapit na ang pagsugod hindi kayo pwedeng mawala ng matagal roon" sabi ni Olivia at ginawa na nga namin ang sinabi niya sa'min kanina ng walang sali-salita pa dahil makukulangan kami ng oras sa paghahanda kung hindi kami magmamadali.
Pumaikot kami sa harap ng lahat ng rebulto at nasa gitna namin si Olivia. Nagsalita siya ng hindi namin maintindihang mga griyegong salita at kasunod non ay ang pagdasal sa diyos at diyosa sa itaas na babanggitin namin ng sabay-sabay.
"Ang labanang ito ay hindi pa katapusan
Ito ay simula pa lamang ng labanan
Madugong labanan na kaya naming panaluhan
At mga problemang kaya naming lampasan
Kami'y humihingi ng lakas sainyo
Para manalo sa labang ito
At hindi para sa sarili namin
Kundi sa lahat ng may mabubuting hangarin
Malinis ang aming konsensya
Tatanggapin namin kung ano man ang iyong iaalay
Nais lamang namin maramdaman ang inyong presensya
Kahit pa na umabot sa pagkamatay
Tulong at lakas ang hinihingi namin
At hindi ito para sa sarili namin
Mula sainyo mga Diyos at Diyosang sinasamba namin
Maluwag at buo naming tatanggapin"
Pagtapos namin banggitin ang huling mga salita ay biglang lumiwanag ng lumiwanag tila may pumapasok na malakas na kapangyarihan sa mga kamay namin na sobrang bilis na pumapasok sa mga ugat namin tila'y nagpapaunahan.
Unti-unting nawala ang liwanag at nakita ko sila mas lalong kuminang at mas kumulay ang mata at buhok nila ngayon, ng mga kasama ko.
Ganun din ako.
Magsisimula na ang totoong laban, nawa'y sa ngayong pagkakataon magtagumpay naman ang may mga malilinis na hangarin.
Third Person's POV
Nang makabalik ang mga Prinsesa't Prinsipe sa Celestial Kingdom ganon din ang lahat ay sinalubong sila ng mga Reyna't Hari kasama na rin si Headmistress Kim at Azaleah.
"Ano?! Ikaw ang matagal ng tinatagong Prinsesa ng Enchant Kingdom?! How come you did not tell us that?! Ilang taon kaming magkakasama di man lang namin nalaman na may anak pala sila Tita Isabelle?!" Gulat na sabi ni Kristine kay Icy na ngayon ay napapakamot nalang sa ulo.
"Sorry guys kung hindi ko sinabi. Btw, si Kuya Nixon nakakatandang kapatid ko siya----"
"ANO?!" Lahat sumigaw maliban kay Ralph na nakatingin sa kawalan na mukhang iniisip pa din si Athena.
"Oo, siya at ang kuya niya ang Prinsesa at Prinsipe ng Enchant Kingdom. Ayaw pasabi ng aking unica hija na siya aybisang prinsesa at gusto niya lang ng normal na pagtrato sa kanya kaya ayan pinagbigyan namin siya at ang kuya niyang ganon din ang gusto" nakangiting sabi ni Reyna Isabelle sa lahat ng mga Prinsesa't Prinsipe na gulat na gulat ngayon pero mga nakangiti.
"Aww, so sweet of you Icy hehe and of course you Nixon" sabi ni Kristine na niyakap pa si Icy ngayon at nginitian ang kuya nito at nagngitian din silang lahat. Nagkwentuhan pa silang lahat pero umalis na din ang mga Reyna'at Hari kaya sila sila nalang ang magkakakausap ngayon.
"So, ano ang meron sa inyo Nixon? Hmm? kayo na ba?" Prangkang tanong ni Kristine kay Nixon na ngayon ay namumula na ang tenga.
"I knew it! Kayo na no?!" Pilit na tinatakpan ni Melissa ang bibig nito kaya nagtawanan silang lahat.
"Yes, kami na" matapang sagot ni Nixon kaya nag asaran sila ngunit ang isa sa kanila ay tahimik lang, malayo mula sa kanila sa isang gilid.
Napansin naman ni Stacey si Ralph na tahimik sa isang tabi at malayo ang tinatanaw sa bintana kaya nilapitan niya ito.
"Sobrang lalim naman niyan baka ahmm..malunod ka niyan" panimula nitong sabi at tinanaw din ang tinatanaw ni Ralph. Nagulat naman si Ralph na may lumapit sakanya kasi mula ng mangyari ang gabing 'yon wala na siyang kinakausap.
"Sana maging ayos na ang lahat" sabi ni Ralph at pinaglaruan sa kamay ang isang maliit na apoy.
"Magiging ayos din ang lahat Ralph, magtiwala tayo kay Athena lalo na sa sarili natin" sabi naman ni Stacey upang gumaan ang loob nito at tipid naman itong ngumiti.
Sumama na din si Ralph sa kanila na nakaupo ng paikot ngunit may lumapit sa kanilang matanda, yung matandang pinakawalan nila sa Dark Cell sa Dark Kingdom.
"Nay? Ano pong maitutulong namin?" Magalang na sabi ni Melissa rito at napansin ng lahat na ito'y may itim na buhok, mata at labi.
"Mahal na Prinsesa...at mga Prinsipe nais kong ibigay sa inyo 'to" sabi nito at may kinuha sa bulsang isang maliit na boteng kita ang loob na may lamang kulay itim na tubig.
"Ano ho 'yan nay? Para san?" Inabot ito sa kanya ng matanda at kinuha naman ito ni Melissa habang ang iba sa likod niya ay nagtataka din.
"A-ako si L-ladya, ang pinakamatandang------" nagulat si Melissa at napatayo bigla habang nakahawak sa dibdib na parang di makahinga.
"Anong nangyayari Kitty?! Bakit?" Takot na tanong ni Nixon sa kaniyang nobya habang hawak ito sa balikat at kamay.
"Hindi niyo ba siya kilala?! Siya yung pinakamatandang mangkukulam! Siya ang pinakamalakas sa lahat ng uri namin! Hindi ako makapaniwala ba't po kayo nasa Dark Kingdom noon?" Sabi ni Melissa at hinawakan na ang kamay ni Ladya, ng matanda.
Ngumiti ito sa kanya at hindi inaasahang may nakakaalala pa na siya'y nabubuhay pa sa ganitong taon. Dahil ilang daang taon na din simula ito'y mabuhay at ngayon masigla pa din at magaling pa din sa paggagamot at paggawa ng iba't ibang uri ng lason mapa malinis na paraan o maduming paraan.
"Oo, ako nga 'yon hija pero bago iyon nais ko kayong paalalahanan. Ito ang hawak mong gamot ayan ang gamot na makakapagpabalik kay Prinsesa A-athena, dahil a-ako ang gumawa ng lason kaya nagkaganon ang Prinsesa" malungkot nitong sabi sa kanila.
"Bakit po? Inutusan din ba kayo ni Drack?" Biglang sumabat si Ralph na tila'y gusto malaman ang mga sasabihin nitong si Ladya.
"Inutusan niya ako na gumawa kahit labag sa loob ko dahil kung hindi ako gagawa papatayin niya ang pamilya ko lalo na ang mga apo ko sa mundo ng mga mortal. Kaya ako'y humihingi ng tawad sa inyo matanda na 'ko hindi ko na kayang gamayin ang kapangyarihan ko at tiyak akong mas malakas sa 'kin si Drack kaya 'di na ko lumaban pa" lumungkot ang lahat sa sinabi ng matanda ngunit ngumiti din sila lalo na si Melissa.
"Ganon po talaga, minsan sa buhay natin may mga magagawa tayong kamalian ngunit makakapagpabuti para sa kapanakanan ng iba kaya naiintindihan ka po namin" sabi ni Ralph kaya nagulat muli ang lahat ng hawakan ni Ralph ang matanda sa balikat na parang inaalo ito.
"Maraming salamat hijo, sasabihin ko na ito sa inyo hindi na kinaya ng kapangyarihan ko gumawa ng lunas para kay Athena dahil sobrang dami kong ginawang lason. Pero yang binigay ko sainyong lunas may kabutihan na magagawa ngunit may masamang epekto. Kailangan nitong maibuhos kay Prinsesa Athena sa kanyang buhok na direkta sa kanyang ulo." Sabi nito pero naguluhan si Melissa.
"Ano pong ibig niyong sabihin sa 'may kabutihan na magagawa ngunit may masamang epekto'?" Natahimik bigla ang matanda at yumuko ng bahagya bago nagsalita.
"Sa buhay, may panahon na ika'y masasaktan ngunit 'yang sakit na iyong nararamdaman ay sa dulo may idudulot sa iyong kabutihan." Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa kanilang lahat.
"Kaya mga hijo, hija patuloy lang tayo sa buhay at tanggapin ang anumang mga nangyayari sa atin ngayon dahil ngayon lang 'yan. Hindi habangbuhay laging nasa atin ang kamalasan dahil lahat ng nangyayari sa atin mapabuti o mapasama man ay may mga dahilan"
Makalipas ang ilang oras abala na sila sa paghahanda ng mga kakailanganin nila para sa labanan mamayang saktong kabilugan ng buwan sa loob mismo ng Academy.
Pinatawag ni Headmistress Kim ang lahat upang paalalahanan ang lahat sa magaganap mamaya sa akademiya.
"Marami ang nangangailangan ng tulong natin, ang mga kamag-aral niyong kinontrol na ni Drack sa loob ng akademiya ay hindi niyo pwe-pwedeng kitilan ng buhay.........." Saglit siyang tumigil at parang may ibinulong sa kanya ang Reyna ng Celestial Kingdom.
"Wala silang alam sa mga ginagawa nila dahil nalagyan sila ng tinatawag nating Velperessroma at alam kong alam niyo kung ano ang isang 'yon. Ilang minuto nalang kailangan na nating pumunta sa Academy kaya paalalahanan ko kayo na hindi niyo sila pwede patayin. Sa mga healer na kasama natin magiistay kayo sa office ko lalabas lamang kayo pag bumalik na kami," pagtapos magsalita ni Headmistress pumunta naman sa kinatatayuan nito si Reyna Alicia.
"Nag-aalala ako dahil alam kong mga bata pa kayo para sa ganto ngunit hindi natin maliligtas ang buong mundo ng mahika kung di tayo magtutulungan, kaya sana wag na wag niyong hahayaang may mawala sa ating lahat." Naiiyak nitong sambit na tila ay ayaw niya talaga palabanin ang mga estudyante kasama sila ngunit marami ang kalaban kaya walang mangyayari kung sila lang, lalo na't mas lumakas kaysa sa kanila si Drack.
"Kailangan natin gawin 'to para sa kaligtasan nating lahat Mahal. Ang anak natin kailangan niyang makabalik na sa dati dahil alam kong alam niya ang mga dapat gawin upang matalo si Drack." Sabi ni Haring Ashtone kay Reyna Alicia na ngayon ay naluluha sa mga nangyayari.
"Ipinagmamalaki ko ang anak natin, kasi kahit 'di natin siya kasama lumaki sa loob ng labing pitong taon, lumaki siyang may paninindigan, may angking tapang, at higit sa lahat ay busilak ang puso"
Ralph's POV
"Tara na" sambit ni Melissa na halatang punong-puno ng kaba, dahil sa mga mangyayari mamaya sa akademiya.
Ako rin naman kinakabahan , iba ang kutob ko at 'di maganda.
Natatakot ako para kay Athena, alam kong kaya niya ang sarili niya at sa tinagal niyang naririto sa mundo ng mahika ,kita kong mas tumapang at tumatag siya ng 'di ko inaasahan at kinaya niyang harapin ang lahat ng sobrang bibigat na problema na nasa harap niya.
'Kung naririnig man mo ako ngayon Athena nais kong sabihin na proud na proud ako sayo malalampasan din natin 'to'
Tahimik kaming lahat at nakasunod sa amin pero medyo malayo ang mga kasama naming lalaban, naiwan ang mga Reyna't Hari sa Celestial Kingdom dahil kami na mismo ang nag-insist sa kanila na 'di sila pwedeng lumaban dahil kailangan nilang mailigtas, hindi pwedeng mawala sila sa mundo ng mahika.
Napatigil kami sa paglipad ng tumigil sa harap si Melissa at Kristine.
"Kung ano man ang mangyari ngayong hatinggabi, tandaan niyo na mahal na mahal ko kayo mga kapatid, di man sa dugo pero para sa puso ko kapatid ko kayo" sabi ni Kristine na nakayuko at parang kinakabahan nsa mga mangyayari mamaya kaya tinapik siya sa balikat ni Melissa na malungkot ng nakatingin sa aming lahat.
"Kaya natin 'to" Sabi naman ni Ethan at ngumiti ng parang napipikitan dahil din sa takot.
"Whatever happens, happens" malungkot na sabi naman ni Melissa at nakayuko na.
"Everything happens for a reason" saad ni Aldrin at ngumiti ng mapait sa amin at nakakalungkot isipin na , sa buhay natin may mga kailangan mangyari dahil may magandang dahilan ito sa huli.
"Kaya natin 'to kung magtitiwala tayo sa sa isat-isa okay? Walang mamatay ha!" Sabi naman ni Stacey kaya nagyakapan kaming lahat.
"Ano ba yan kuya, mamatay na tayo't lahat may binulsa kapa ding skyflakes d'yan sa pantalon mo" pabirong sabi ni Icy kay Nixon na may skyflakes nga sa bulsa niya para mabawasan ang kaba ng bawat isa, kaya natawa ang iba.
"Hoy grabe ka! Walang mamatay sa atin! Mark the words!" Parang takot na takot na sabi nito sa kapatid na nagpeace sign sa kanya.
"Engot ka kuya, MARK MY WORDS po 'yon!" Sabi naman ni Icy na umirap sa kuya niya na na halatang galit
"Di pwedeng biro? Hindi pwede?"
Ang saya nilang tignan, sana ngayon nandito ka padin Rafael.
Tumuloy na kami at nagulat kami sa nangyari.
Sira-sira na ang buong academy, ang academy na sobrang laki na ngayon ay nasusunog at tipak-tipak na bato ang nagkahiw-hiwalay rito.
Mukhang pinasabog nila 'to. Hayop ka talaga Drack! Mabubulok ka din sa mundo ni Hades!
Napatingin ako saglit sa boteng maliit na nasa bulsa ko.
Sana magawa ko 'to agad at ng tama. At sana magtagumpay kaming lahat sa labanang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top