Chapter 67 : Cliff Edge
Melissa's POV
Dalawang araw na ang lumipas......
Masyadong mabilis ang mga pangyayari at sobrang daming nangyari.
Ang pagpaplano namin.
Ang pagsugod namin sa Dark Kingdom.
Ang pagtataksil nila Ace at Veronica.
Ang paglalaban ni Athena at Drack.
Ang pagkasaksak kay Athena.
At ang pinakamalala sa lahat nabuhay siya at masaya kami para don, pero para sa kaligtasan ng buong mundo ng mahika ay, hindi.
---F L A S H B A C K---
Natahimik ang lahat at hinihintay na lamang ang susunod na mangyayari. May umiiyak, nalungkot, masaya, at may magpapaalam.
Ngunit nagulat kaming lahat ng biglang lumiwanag.
Lumiwanag ang katawan ni Athena kaya lumayo si Drack. Ibang liwanag ang nakikita namin.
Parang Liwanag ng Kadiliman, dahil ang liwanag na nagmumula sa katawan ni Athena ay kulay itim na siyang ipinagtaka namin.
Lahat kami nakataingin lang sakanya walang nagsasalita at walang kumikilos.
Lumiwanag ng lumiwanag ng kulay itim at wala na kaming makita kundi kadiliman.
"AHHHHHHH!" nagulantang kami sa sobrang nakakatakot na sigaw ni Athena parang sobrang nasasaktan siya. Gusto man namin makita at tulungan siya ngunit sobrang dilim at 'di namin makita ang isa'-isa.
BOGSH!*
Tumalsik kaming lahat sa lakas ng pagsabog mula sa kinaroroonan ni Athena. Sobrang maalikabok di namin makita ang isa't-isa.
Nang mawala na yung alikabok nagulat ako sa nakita ko..
Si Athena na lumilipad at naging itim na ang buhok, mata, labi pati ang suot niya.
Tumatawa siya ng sobrang lakas at tila nagtagumpay. Wala ni-isang kulay puti sa mata nito at ang masama pa 'don 'di niya na kami kilala.
"Sino sila mahal na hari?" Tanong nito saka bumaba para yakapin si Drack?! Nakangiti na tumingin ang lahat ng alagad ni Drack sa kanya yung iba ay seryoso at yung iba ay gulat at galit pero bakit?
"Magandang gabi para sa lalaking pinakamamahal ko" sabi nito at lumapit kay Ace at hinalikan ito ng ilang segundo." Nagulat kaming lahat sa inasal ni Athena .
Hindi na siya ang babaeng nasa harap namin.
Nakita kong nagliliyab ang buong katawan ni Ralph sa sobrang galit pero pinigilan siya ni Aldrin.
"Akala ko ba susugod na tayo sa Magian Academy? Sumugod na ba kayo ng 'di ko alam?" Sabi nito at umiling si Drack.
Eto siguro yung plano niya....
"Sila ang mga kalaban natin" biglang nawala ang ngiti ni Athena sa kanya at gumawa ng malaking itim na bilog na mahika at itinapat sa'min.
Kaya walang sali-salita......
"
diafygí" (A/N: greek word that means Escape)
Sa isang iglap nandito na kami sa Academy.....
Pero pagdating namin sobrang gulo na ng lahat.
Madaming estrakturang sira.
Madaming dugo.
Madaming nakahandusay na kawal ng akademiya at kawal ni Drack at mas kinaluha ko madami ding estudyanteng nakahiga pero ng hawakan ko ang pulsuhan ng iba.
Buhay pa sila.
Pero paano?
Kaya pala ang onti ng kawal kila Drack dahil ng sumugod kami don ay saka pumunta ang mga 'yon dito sa akademiya.
Asan yung iba?!
--- F L A S H B A C K E N D S---
Nahanap kami ng isang estudyanteng may mahika ng Invisible at sinabi niyang ......
Sa Celestial Kingdom, nandoon ang lahat. Tila para akong automatic na nagteleport papunta roon kasama nila.
Mabuti at madami pang kawal ang nandidito na nakabantay. Nandito ang iba't -ibang kawal ng lahat ng Kaharian dahil sa mga suot nila at bawat sulok ay may mga bantay talaga.
Walang nagsasalita sa amin habang naglalakad, walang gusto bumasag ng katahimikan dahil sa nangyari kanina.
Ang planong naging bato.
Pagbukas ng malaking pinto ng kaharian, kanya-kanyang yakap ang mga Hari at Reyna sa mga anak nila, kasama na ako roon.
"Anak! Ayos ka lang ba ? Anong nangyari? Kamusta ang pagsugod wala bang naiwan roon?" Sunod sunod na tanong nila Ina at Ama pero nakayuko lang ako dahil sa lungkot.
Nakita kong nakatingin sa'kin si Reyna Alicia at Haring Ashtone na umiiyak.
Kasalanan ko 'to... Ako ang tagapagbantay ni Athena pero 'di ko siya nagawang iligtas kanina.
"S-si A-athena?" Tanong ni Reyna Alicia na umiiyak at pilit na sinabi yung tanong niya ng okay.
Napatingin ako sakanilang lahat. Lahat ng Hari't Reyna nandidito at si Headmistress at Azaleah.
"N-nabigo ko k-kayo, Mahal na R-eyna at H-hari" sabi ko at tuloy tuloy na tumulo ang luha naming laha't. Pati ang ibang Hari't Reyna at si Headmistress.
Ilang minuto ding naging ganoon at walang kumikilos at nagsasalita sa'min.
Ikwinento ko sakanila ang nangyari at akala nila sa una'y namatay si Athena pero pinaliwanag ko sakanila ng maayos at kita kong naging panatag na ang loob ng mga Reyna't Hari.
Ang kailangan namin ngayon ay magpalakas....
At humanap ng tutulong sa'min para makabalik sa dati si Athena.
Pero sino?
Ace POV
"Mahal na Hari ba't naiba ang plano?! Akala ko ba ay papatayin natin siya?!" Galit na sigaw ni Elisay sa Hari habang kami ay nagtipon-tipon dito sa kwarto na lagi naming pinupuntahan pag may kailangan pag-usapan.
Si Athena, nasa kwarto siya natutulog na dahil pinatulog ko na siya kanina.
"Oonga Ama! Ba't ganon?! Akala ko ba papatayin ko siya ng unti-unti?! " sigaw naman ni Dracky na puno ng kaartehan dahil siya lang ang lalaking alam kong umiirap pag galit.
Bakla.
"Ako kung tatanungin, it's fine with me kahit na nagbago ang plano ng wala akong alam. Kapangyarihan ang hiling ko dito tsk!" Maarteng sabi ni Barbie na nakapulupot ang isang kamay sa braso ni Dracky at ang isang kamay at tinitignan niya ang kuko niya parang nililinis.
Tsk, weird.
"Kahit ano basta plano ng Hari susunod kami" sabi ni Vin at Von at tahimik lang na nagkibit balikat si Natthew, wala talagang imik ang isang 'to.
Napatingin kaming lahat kay Drack na wala man lang reaksyon kaya naghisterikal na naman siya, diko alam kung bakla ba'to o ano.
"Oh?! Ako na naman? May magagawa ba'ko sa plano ng tatay ko? Susunod lang ako, dahil siya yan at alam niya ginagawa niya diba Pa?" Himala hindi kumontra.
"Ano, Mahal na Hari ?! Ba't nagbago ang plano?! Akala ko pa naman maganda ang plano at napagdesisyunan na kaya di kami nagtatanong! Di naman ako kumampi dito para lang sa wala gusto ko siyang mawala!---"
BOGSH!*
Ginamitan siyang isang mahika ni Haring Drack at siya'y parang nakontrol na nito, dahil tulala na siya ngayon at ang dating kulay pula na may halong kahel na mata ay naging itim na.
"May magsasalita pa ba? Hahatian ko kayo ng kapangayarihan kaya wag kayong mag-alala. Pero di siya maaaring mamatay dahil kailangan natin siya." Sabi ni Haring Drack na mukhang nag-iisip pa sa mga susunod na gagawin.
Ayon na siguro ang mahikang ibinigay sa kanya ni Ladya.
Mahika na si Ladya lang ang nakagagawa. Isang mahika na inilagay niya kanina sa espada niya kaya nagkaganon na si Athena.
Isang mahika na kayang gawing itim na mago ang isang puting mago. At balak ni Drack na isalin sa lahat ng tao sa buong mundo ng mahika ito.
Upang siya, kami ang ang maghari at ang maging pinakamalakas sa lahat.
Na parang pinagsisisihan ko ngayon....
"Bukas ng hatinggabi, gagawin na natin ang ritwal para maisalin ang kalahati ng kapangyarihan ni Athena sa'ting lahat"
Kinabukasan ng gabi,
"Pahinga kana mahal ko," sabi sa'kin ni Athena, ang bagong Athena dahil nagbago na siya at ang alam niya ay ako ang kasintahan niya.
Nandito kami sa kwarto ko matapos ang eksena kanina sa kabilang bahagi ng kaharian. Masayang-masaya ngayon si Haring Drack at mamaya ay papainumin namin ng panpatulog si Athena.
Para kunin ang kalahati ng kapangyarihan nito.
Nakahiga ako at humiga din siya sa tabi ko at.......niyakap ako, na bago sa pakiramdam ko dahil 'di siya ganto dati.
"Oo, pero ikaw mas kailangan mo ng pahinga kaya matulog kana ngayon" nasa lamesa ang alak na may halong panpatulog at kailangan ako ang magpainom sakanya.
"Gusto muna kita kausapin, namiss kita e" sabi nito, ang sarap sa tenga at pakiramdam pero parang may nagtatalo sa isip ko.
Nakokonsensya ba'ko?
"Ano ba ang iniisip mo? Ako ba? Ikaw ah!" Sabi nito at hinampas ako sa dibdib kaya tumawa nalang ako at umupo ng maayos sa kama, ganon din ang ginawa niya.
Nagsalin ako ng alak sa dalawang baso at ibinigay sakanya ang isang baso na may halong pampatulog.
"Cheers?" Sabi ko at ganon din siya at ininom na niya ito.
Ilang segundo palang,
Onti-onting bumagsak ang mga mata nito at nakatulog sa kama ko.
Ilang oras na din simula ng idala ko siya sa isang kwarto dito sa kaharian na puno ng mga iba't-ibang armas at mga gamit pang-doktor.
Inihiga ko si Athena sa isang higaan na metal at itinali ang kamay at paa nito.
Nakapaikot na kami sa katawan ni Athena na ngayon ay nakahiga. At lahat kami ay hawak-hawak kamay.
Kita kong napikitan nalang si Elisay dahil ayaw niyang makontrol siya ni Haring Drack katulad ni Veronica na ngayon ay 'di na mabibigyan ng onting kapangyarihan.
Karampot na kapangyarihan lang ang ibibigay ng Hari dahil makasarili siya. Gusto niya mas malakas siya kasama na 'ko don sa plano niya na lalakas ako at madadagdagan ang kapangyarihan ko basta manalig lang ako sa diyos niya, namin na ngayon na si Hades.
Mapanlinlang ka talaga Haring Drack.
"Maasahan ka talaga Ace, ngayon ang gagawin natin ay gawin ang ritwal na sinabi sa akin noon ng ating mahal na diyos na si Hades." Sabi niya at nagsimula na magsalita ng griyegong mga salita.
"I dýnamí sas tha metafrasteí
Se ména kai se aftón Gia
chári olóklirou tou laoú
I dýnamí sas den tha alláxei poté "
"To ónoma tou theoú eínai o Ádis
I latreía den tha alláxei poté
I ischýs tha metadotheí
Na odigísei kaneís na metanoísei"
"Aftó eínai to aíma mou
Lógos schimatismoú
O trópos eínai magikós se ólo ton kósmo
Tha se chtypísei"
"Mia stagóna eínai efprósdekti
Kaneís den boreí na xeperásei kanénan
Akómi kai i vasílissa-vasílissa
Í o vasiliás aftoú tou magikoú kósmou"
(Isasalin ang iyong kapangyarihan
Sa akin at sa kanila
Alang-alang sa buong sambayanan
Kapangyarihan mong di mag-iiba
Sa diyos na Hades ang ngalan
Hindi magbabago ang pagsasamba kailanman
Isasalin ang kapangyarihan
Upang sa pamumuno ay walang magsisihan
Itong aming dugo
Dahilan upang mabuo
Mahika ang daan sa buong mundo.
Ay ipapatak sa 'yo
Isang patak ay maalayan
Walang makakahigit kahit sinuman
Kahit na ang reyna-reynahan
O ang hari-harian nitong mundo ng mahika)
Lahat kami ay naghiwa sa pulsuhan namin at ipinatak sa hiwa at patuloy na umaagos na dugo sa pulsuhan ni Athena. Tila magsasanib ang lahat ng aming dugo sa kaniya.
At biglang nalang lumiwanag ang aming mga sarili, at lahat kami napatingin sa taas.
Nandon si Hades at ngayon ay nakangiti at saka ito nawala ng bigla.
Pagkawala niya kusa kaming lajat na bumagsak at nakatulog.
Kristine's POV
Nandito ulit kami sa nakatagong taguan at bute nalang at may malaking kwarto dito hindi lang kulungan.
Sobrang dami namin dito at buti nalang ay merong ganto kalaking secret hideout ang pamilya nila Athena.
Ibinalita nila ang nangyari sa pagsugod namin. Yung iba nalungkot, nagalit sa mga dark magian at yung iba naiiyak padin tulad ko.
Lahat kami ngayon ay nakaupo at nag-iisip ng maaring gawin na plano sa susunod. Dahil alam naming susugod sila ulet pero kasama na ang mga alagad ni Drack, pati si Drack mismo.
Si Ralph,
Ang pinakanaapektuhan sa lahat kasama na din ang mga magulang ni Athena.
Hindi siya kumikibo at lagi nalang siyang tulala at minsan tuwing gabi nakikita ko siya sa isang sulokna nakaupo at umiiyak.
Hindi na siya nagsalita simula ng mangyari ang gabing 'yon. Dahil bago kami nakapagteleport sa Academy ng araw na 'yon.
Kitang-kita ni Ralph na hinalikan ni Athena si Ace sa harap ng lahat. Hindi lang siya nasasaktan pati den ako. Dahil kung si Athena ay nagbago na at naging kasapi na ni Drack, paano pa kaya si Ace na hindi naman nakontrol ni Drack at nakakapag-isip pa ng tama pero mas ginustong sundin ang mali.
Hindi ko magawang lapitan si Ralph dahil alam kong kailangan niyang mag-isa. At alam ko ding kaya niyang harapin iyon dahil may pag-asa pa, dahil buhay pa si Athena.
Naniniwala akong nandoon pa si Athena at 'di siya patay.
Lumaban ka Athena, kailangan ka namin.
~~~~~
A/N: ang lungkot na :((
Sorry guys late ako nakapagupdate :< I'm really sorry :((
Btw, sino gusto magpadedicate? Anyone?
Thanks for all the old readers and also the new readers of Magian Academy 'di kayo nagsawang hintayin ang mga update ng Author niyo huhuhu.
Sa sobrang tagal na update ng otor niyong cute kasi galing lang siya sa pagka hartbreyk charot! Jojowa jowa wag kayo magjowa, bata pa kayo. Magwattpad muna nalang kayo at doon muna kayo kiligin hihi💕 lovelots!
~Your cute Author🐷
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top