Chapter 66 : Downfall

Dedicated to kcvam06 dahil nagwait siya ng update :))
Enjoy Reading Magians! Lovelots!

~~~

Melissa's POV

Nakarating kami sa loob ng Dark Cell ng  sobrang hinihingal dahil napalaban kami kanina sa labas nito. Madaming kawal din ang nakabantay dito pero wala kami ni-isang anino nila Kristine at Stacey ang nakita namin dito tanging ang isang matanda lang ang nakita namin pero parang pamilyar ang presensya niya, kaya binuksan namin ang selda niya at ipinadala namin siya sa Academy. Pagkatapos non nagpasya kami na bumalik at sundan sila Athena.

Baka hindi sila Kristine dito nilagay sa Dark Cell.

Nakalabas na kami sa Dark Cell at bumalik kami sa tapat ng hagdanan sa pagpasok nitong kaharian. Umakyat kami at pumunta sa kaliwang bahagi. Dahan-dahan naming pinasok ang isang pintuan doon na kulay itim.

At nadatnan namin don si Barbie na may kasamang dalawang lalaki na kambal at si....Veronica?!

"May multo ba? Gulat na gulat kayo ah?" Sabi nito at tumawa silang apat.

"Napakasama mo Veronica! Magtratraydor ka sa ka-uri mo para lang mawala yung kinaiinisan at kiniinggitan mong tao?" Nakita kong nag-iba tingin niya sa'kin at parang naninilinsik ang mga mata nito sa sinabi ko.

"Hindi ako insecure!--"

"Yes you are! Inggit ka, kinakain ka ng inggit mo kaya mo'to ginagawa kaya please pigilan mo at tulungan mo na kaming mahanap sila Kristine!"

"Dumb or Stupid? Which one are you? Sa tingin mo makikinig ako sa'yo? Oh sino ka ba? Mahina kalang tandaan mo 'di mo 'ko mapapasunod! Ligpitin na natin sila!" Biglang sumugod yung dalawang lalaki kila Ethan at Nixon.

Habang si Icy at Barbie ay nagsimula na ding maglaban. At ngayon tinapatan ako ni Veronica na ngayon galit na galit na nakatingin sa'kin.

Nawala bigla kami sa lugar kung saan kami dapat maglalaban.

Illusion.

Napatingin ako sa paligid ko at nasa tapat ako ng isang dagat  at nasa likod ko ay isang bahay na malaki. Nawala si Veronica.

Pinasok ko yung bahay pero laking takot ko ng makitang sobrang daming patay, dugo at ang baho.

May naaninag akong babaeng pababa at ito ay ang.... Mama ko.

May hawak siyang kutsilyo at puro dugo ang putian niyang damit. Lumingon naman ako sa likod ko sa pintuan kung nasaan ang Ama ko na puro dugo din at may hawak na espada?

Bakit? Sila ang pumatay sa lahat ng 'to?

"Anak, halika dito kwekwentuhan kita" sabi ni Ina pero ewan ko kung bakit kusa akong lumakad. Pagkalapit ko hinawakan niya ako sa kamay at inuntog sa katabi niyang pader.

Nahilo ako at kita ko na itinaas niya ang kamay niyang may kutsliyo at itutusok niya sa'kin.

"Ina!!! Wag po!"

'Illusion? Pag nasa loob ka na ng ilusyon lahat ng makikita at mararamdaman mo totoo mong makikita pero sa totoo lang parang nasa imahinasyon ka lang. Alam mong nasa isang ilusyon kalang pero gusto mong labanan, minsan talaga pag nasa ilusyon ka na madadala ka ng emosyon mo. Takot lang 'yan e harapin mo takot mo dahil pinaglalaruan ka lang ng ilusyon na 'yan at pag nagpaniwala ka naman, kakainin ka nito"

Biglang kong naalala yung sinabi sa'kin ni Ina. Tama, isang ilusyon lang 'to kailangan kong 'di labanan kasi 'di naman 'to totoo.

Hawak ko padin ang kamay ni Ina sa ilusyong ito pero hinayaan kong saksakin niya ako, nasaksak niya na ko sa mismong dibdib wala akong maramdaman na tila namanhid.

Pagkatapos non bigla akong nawala sa lugar na 'yon at nakita kong galit na si Veronica.

"Lumabas ka na kamahalan! Di sila titigil hangga't di nila alam kalagayan ng mga kaibigan nila!" Nagulat kami at lahat kami napahinto sa sinabi ni Veronica walang gumagalaw sa'min at bigla nalang bumukas ang isang pintuan na 'di namin napansin kanina pagpasok.

Nandoon si Drack at Ace na kasama ang  mahigit apat na kawal na nakapaligid sakanila at ang nasa gitna ay ang apat na mahahalagang tao para sa'min.

Si Kristine at Stacey kasama sina Reyna Bela at Haring Jed. Kitang kita na sobrang hinang hina sila at sobrang dumi nagmukha na silang alipin dahil sa suot nila. At napansin ng lahat na
namayat ang Reyna't Hari at si Stacey.

Pero? Paano sila napunta dito?

At sino yung kasama namin nung araw ng kaarawan ko?!

"Tuwang-tuwa ako sa mga reaksyon niyo, na halos lahat magkakamukha Hahaha! Pasensya na mga iho at iha mahilig talaga kasi ako sa mga surpresa. Nakakagulat ba? Hahaha!"  Sabi ni Drack na totoo ngang nakakapanindig balahibo ang boses dahil parang boses demonyo.

Nagulat nalang ako ng hawakan ako sa dalawang kamay ni Veronica. Hindi ako nakapalag dahil itinutok niya  sa leeg ko ang kutsilyo.

Nakita ko si Nixon na ngayon ay katulad lang din ng pwesto ko na may nakatutok sa kanya na kutsilyo. Habang si Icy naman ay hawak hawak ng mga kinontrol na kawal ni Barbie dahil sa pagkakaalala ko isa siyang Puppet Controller.

Nakatingin ako ngayon ng masama kay Ace. Ba't ba nakuha niyang magtaksil? Hindi ko na siya makilala dahil sa itim ng aura na nakapaligid sakanya tulad ng kay Drack. Parang nagpakontrol na talaga siya rito.

Third Person's POV

Walang pag-asang makawala at makagamit ng kapangyarihan sila Kristine at Stacey kasama na din ang mga magulang ni Stacey dahil nakakabit sakanila ang kadena na pag naisuot mo 'di mo gagana ang kapangyarihan mo at pag sinubukan mong gamitin mas lalo kang manghihina.

Galit na hawak hawak ni Von si Ethan na ngayon ay nakaluhod na sa sobrang pagod mula kanina. Habang sila Kristine at Stacey ay umiiyak kasama ang mga magulang ni Stacey sa kadahilanang walang na silang magawa at naipit na sila sa sitwasyong ito.

Tanging alam lang nilang paraan ay si Athena, Ralph at Aldrin na nasa labas pa.

"Oh eto pala mga kaibigan niyo oh? Pati ang Reyna't Hari ng Kaharian ng Tubig. Hindi niyo ba sila namiss? HAHAHA! sabagay may pumalit sa pwesto nila kaya araw-araw niyo silang kasama Hahaha!" Sabi nito at mas lalong nag-init ang tingin ng apat na sumugod sa kwartong iyon.

"Napakawalang hiya mo talaga Drack! Dinamay mo pa kaibigan namin at ang mga Reyna't Hari!" Sigaw ni Icy.

BLAG!*

Biglang bumukas ang pintuan ng silid na 'yon at niluwa non ay sila Dracky , Elisay at Natthew na kasama sila Athena, Ralph at Aldrin.

"Late na ba kami? Hahaha! Eto na sila Ama, napasuko din namin mukhang pagod na e" sabi ni Dracky na ngayon pinagtatawanan ang tatlong nasa likod nila.

Nakapaikot silang lahat at nakaharap ang lahat sa gawi ng nagngangalang Haring Drack.

"Ano ang kailangan mo Drack ba't pati sila dinamay mo" nakakatakot at malamig na boses ang pinakawalan ni Athena. Galit na galit na siya pero pinipigilan niya.

Kitang kita sa mukha ni Melissa na nag-aalala siya para sa kaibigan niya dahil kitang kita sa mga mata ni Athena na papalit-palit ito ng kulay mula sa lila at nagiging itim na may halong pula at bumabalik ulet sa dating kulay.

Halatang nagpipigil ng galit kailangang kontrolin ni Athena ang galit niya kung 'di baka lahat madamay sa galit na ilalabas niya.

"Simple lang ang kailangan ko pamangkin ko. Yun ay ang isuko mo ang sarili mo sa'kin at sisiguraduhin kong makakalaya ang apat na nakakadena sa likod ko. Kaya mo bang ibigay?" Mapanlinlang na sagot ng Hari sakanya. Kaya nag-isip si Athena at nakatingin ang lahat sakanya.

'Athena, wag niloloko kalang niya lilinlangin ka niya' sabi ni Ralph sa isip niya habang nakatingin sa kanya.

'Parang awa mo na Athena wag na wag mong isusuko ang sarili mo. Pinakamahalagang tao ka sa buong mundo ng mahika wag ka magdedesisyon ng padalos-dalos' sabi naman ni Aldrin sakanyang isip.

Hindi nila alam ang gagawin nila dahil mismong si Athena lang ang pwedeng magdesisyon. Pagdedesisyon ng tama ang kailangan nila.

"Pag sinuko ko ba ang sarili ko sa 'yo magiging ligtas na lahat ng taong mahalaga sa'kin na nasa loob ng kaharian na 'to? Masisigurado mo rin bang ligtas ang buong mundo ng mahika?" Nagulat ang lahat sa sinabi ni Athena na parang tatanggapin niya ang alok na 'yon para lang makawala ang apat na mahahalagang tao sakanya.

"Athena?!" Galit na patanong na sabi ng kaibigan niyang si Melissa ngunit nginitian lang siya nito ng malungkot.

"Hahaha! Sigurado ako d 'yan pamangkin. Apat na buhay 'tong hawak ko makakaya mo bang mawala 'tong apat sa maling pagdedesisyon mo?" Mapanlinalang na naman nitong sabi habang hawak nito ang espada at tinatapat nito sa Reyna't Hari ng katubigan, nagulat ang lahat ng lumapit na si Athena kay Drack habang si Drack ay nakangiti ng parang demonyo ngayon.

"Pakawalan mo na sila" saad ni Athena.

"Prinsesa Athena, hindi mo kailangan gawin ito, kami ang may kasalanan sa'yo. Patawad mahal na Prinsesapaghihingi ng tawad ng Reyna na ngayon nakayuko.

"Tungkol sa kasalanan nila. Pwede naman nilang ikwento kung gusto mo malaman lang" pahabol pang sabi ni Drack kay Athena pero tahimik lang itong nakatingin sa kanya.

"I-ilang buwan na din ang n-nakakalipas simula ng sakupin niya ang Kaharian ng K-katubigan. K-kinontrol niya ang lahat ng kawal namin ng 'di namin alam sa papaanong paraan. K-kinuha nila kaming dalawa ng H-hari ngunit sumama si Stacey sa'min dahil nagmakaawa siyang gagawin n-niya ang lahat para makalabas kami sa kaharian ni D-drack. G-ginawa ni S-stacey ang lahat pati ang mga plano ninyo nalaman nila dahil sinasabi ni Stacey n-ngunit sa bandang huli kinulong na din si Stacey sa Dark Cell kasama namin. B-buong akala namin ay papakawalan na kami pero nung isang a-araw lang ay kinuha ni Drack ang kalahati ng kapangyarihan namin d-dahil gusto niyang lumakas at maging p-pinakamalakas sa buong mundo ng m-mahika." Kwento ng Reyna ng Tubig na ngayon ay paiyak na.

"Hindi ako ang kasama ninyo ng ilang linggo Athena pero nung una aminado akong ako 'yon. Mas nauna pa'ko dito kaysa kay Ace at Veronica. Ginawa ko lang 'yon para mailigtas sila, ang mga magulang ko. Patawad Athena" Malungkot na sabi ni Stacey at npapikit naman si Athena dahil ramdam niya na 'yon ng mga oras na 'yon ngunit nagtiwala siya, pero nasira na naman.

Tumingin naman si Athena kay Ace na ngayon ay nakatingin din sakanya.

"Bakit? Anong dahilan?" tanong ni Athena at nilingon sa lapag ang tingin pero alam ng lahat na si Ace ang tinatanong niya.

"Mahal kita Athena kaya ko 'to ginagawa kung makasarili man ako sa tingin niyo ba't wala ba kong karapatan maging masaya? Kayo nalang ba lagi?!" galit na sabi Ace sa huli niyang salita kaya naiyukom ng mahigpit ni Athena ang kamay niya.

"Tama na 'yanGawin na ang kailangan nating gawin! Masyado kayong madrama! Wala tayo sa t.v!----"

"Wala kang puso" malamig na sabi ni Athena kay Drack na ngayon ay kulay itim na may halong pula na ang mata. "Pakawalan mo sila! Tayo ang magharap at paalisin mo na silang lahat dito! Ako lang naman kailangan mo diba?!" Biglang nagboses parang demonyo ang boses ni Athena. Wala na siya sa kontrol sa sobrang galit niya dito sa Tito niya.

Pinakawalan ng Hari ang mga nakakadena at pumunta silang apat sa pwesto nila Melissa.

"Mas maganda siguro kung maglalaban tayo ng patas, walang kapangyarihang gamit. Armas lang ang gagamitin at kung sino matalo, siya ang masusunod"
maawtoridad na sabi ni Drack kay Athena na ngayon ay namumuka padin ang kulay ng mata nito sa galit.

Bago gumawa ng panibagong kilos kay Athena tumingin ito kay Melissa ng malungkot at nagbigay ng parang huling pamaalam.

'B-bessy kung may mangyari man sa 'kin ngayon. Iligtas mo sila pagkatapos wag niyo na 'kong abalahing kunin pa. Kailangan niyo makaalis dito. Pumunta kayo ng Academy at iutos sa lahat na magtago. S-susugurin niya ang buong Akademiya pati ang mga Reyna't Hari iligtas mo dalhin mo sila kay Olivia. Pakisabi kay R-raph na mahal na mahal ko siya .Paalam"

Hindi mapigilang mapaluhod ni melissa sa sinabi ng kanyang kaibigan at humangos ang luha nito ng sobra. Napatingin ang lahat ng kaibigan niya sakanya at gusto man nila ito puntahan ngunit di sila makapalag sa mga nakabantay sa kanila na pwedeng magpahamak din kay Athena. Kaya pinili nalang nilang manahimik at lumuha ng patago.

Pumunta na silang dalawa sa gitna at inilabas ang kani-kanilang espada. Naghihintay nalang sila ng senyas ng isa't isa kung sino ang mauunang sumugod.

At nagulat ang lahat ng sumugod na si Athena. Halatang galit na galit ito at 'di nila maiwasan mangamba lalo na ang lalaking iniibig niya, na si Ralph.

Todo iwas sika sa isa't-isa sa espadang kinakalaban nila. At halatang masaya at may binabalak si Drack, mujhang sa tingin niya'y siya na ang mananalo.

Natakot ang lahat ng mahiwa ni Drack ang parte ng teka na suot niya, bute nalang at 'di ito dumaplis at nagkasugat.

Matagal din at parehas silang magaling sa pakikipagespadahan, walang sumusuko dahil sa pagod dahil ang tanging inaasam nila ay ang tagumpay.

"Alam mo pamangkin, mas mapapadali tayo kung sumuko ka na. Sinasabi ko sa 'yo 'di ka magsisisi. Hahaha!" Hindi kumibo si Athena at ngumisi lang sa sinabi ng kanyang Tito.

Hindi na makapaghintay si Drack at mas binilisan niya na ang pakikipalaban kay Athena. Bumilis ang lahat sobrang bilis, kitang-kita sa mga mata ng kasama ni Athena na natatakot silang masaksak ito.

Ngunit ang hindi inaasahan ng lahat......

"Ahh!"

" ATHENA! " Sigaw nilang lahat at ang pinakamaririnig na sigaw ay ang kay Ralph na ngayon ay lumuluha na. Habang ang may mga galit kay Athena ay mga nakangiti ng parang demonyo.

Sinaksak siya sa mismong puso ni Drack.

Tila huminto ang oras ng mabitawan na ni Athena ang espada nito at tumingin ito sa lahat ng kaibigan niyang umiiyak na ngayon.

"I-im s-sorry"



~~~~~~

A/N: sino gusto padedicate? Enjoy reading!

Lovelots!

-your cute author

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top