Chapter 58: We Won
Dedicated to gimme_deym_all hi po! Thanks for reading Magian Academy :)
••••••••••••••••
Athena's Pov
Ginagalit talaga ako ng Drack na 'yon! Ginulo pa talaga ang party ni bessy.
Oo, aaminin ko may kasalanan ako sa lahat. Dahil alam kong mangyayari na 'to, pero di ko sinabi sa kanila. Kasi kahit iadjust namin 'tong celebration party ni bessy, alam na alam kong susugod sila. Hindi ko sinabi kasi gusto kong paligayahin si bessy sa mismong araw ng kaarawan niya kahit ilang minuto lang.
Masama na ba 'ko nun? na gusto ko lang na may sumaya sa kabila ng pagsugod na mangyayari?
Mali rin naman ako dahil maraming mapapahamak dito at nandito lahat ng students ng Magian Academy. Pati na rin ang mga Reyna't Hari ng lahat ng kingdoms.
Pero hindi ko inisip 'yon dahil di ako nakaramdam ng kaba at takot. Hindi ko rin naramdaman na may mapapahamak.
Paubos na ang mga halimaw na gawa ng mga amo nilang halimaw din.
Sino pa ba? Edi si Dracky! Isama niya pa yung Natthew na personal assistant niya. Tsk!
Oonga pala, wala ng silbi personal assistant niya kasi napabagsak ko na. HAHAHA!
Nakita kong nabago ang anyo ni Dracky. Lumaki siya na mas malaki sa mga halimaw na alagad niya, tapos naging itim ang balat at buong mata niya.
Inaamin ko natakot ako sa itsura niya at sa laki niya. Pero hindi ibig sabihin non na 'maliit lang ako matatalo ako neto'. Kahit na mas malaki yung katawan niya sa'kin, di ako magpapatalo noh. Hindi basehan ang kalakihan mo sa pakikipaglaban. Nasa skills at katapangan mo 'yan.
Sinalubong ko yung halimaw na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Tumakbo rin ako papunta sa halimaw na 'yon at nagslide sa ilalim niya. Kaya naghanda na 'ko ng humarap siya bigla sa'kin ng nakanganga. Binato ko ng Air Acid Bomb yung saktong sakto sa loob ng bunganga niya.
Say bye bye to your life.
Unit-unting nalalapnos ang balat nung halimaw na tila parang may sumabog na asido sa loob ng katawan nito. Hindi mapakali yung halimaw dahil sa sobrang hapdi na nadadama niya. Yuck! Di ko gusto yung nangyari sa kanya.
Lumiit kasi siya tapos buong katawan niya lapnos na nagdudugo tapos yung leeg ng halimaw kita loob non, pati yung sa dibdib.
Iwww..
Umalis na 'ko don at tumalon na 'ko sa likod ng halimaw na nakatalikod sa'kin. Tumakbo ko papunta sa ulo niya tsaka don pinatamaan ng Earth Rock na patusok tusok na pinalabas ko sa kamay ko, na siyang umagaw sa buhay niya. Biglang bumagsak ang katawan ng halimaw kaya kinontrol ko yung katawan ko sa pagbagsak ng halimaw at nagslide ako sa ulo niya pababa.
Pinaligiran naman ako nang apat na halimaw na iba't iba ang korte ng ulo at mukha. Lumipad ako at pilit nila akong inaabot sa ere. Kaya pinaulanan ko sila isa isa ng Water Poison sa ulo kaya bumagsak sila lahat. Nagulat ako at pumuti ang mga balat nila at ang ulo nila na nilagyan ko ng Water Poison. So ayun pala ang epekto ng Water Poison sa kanila.
Malapit na malapit na ako sa Dracky na 'yon ng biglang may tumabi sa'kin.
Ralph?
May sumunod sa kanya... Sila Bessy Melissa, Bestie Kristine , Beb Icy, Bes Stacey, Aldrin, Ethan at Nixon?!!
Tumingin ako sa likod ko at kita kong wala na ni isang nakatayong halimaw at mga kawal lahat ay bagsak na.
"Bessy di ka namin papabayaan kaya kami lalaban kasama ka" sabi ni bessy na may pakpak?!!
Hala?!
"Oy wag kang manlaki ng mata d'yan. Don't worry mamaya ichichika ko yan sa'yo haha" aba talagang alam na ang word na 'chika' hahaha.
"Athena" napatingin naman ako kay Ralph na sira sira ang tuxedo niya pero ang hot niya pa rin. I can't resist him! Huhu help!
"Bakit?" Tanong ko at hinintay ang sagot niya.
"Hinding-hindi ka mapapahamak hangga't kasama mo 'ko--- uhhh k-kami" Nagtawanan sila Bessy sa likod kaya ngumisi ako. Tsk! Tsk! Ralph Ralph Ralph.
"Salamat pero para sa'kin mali yung sinabi mo. Kasi.... ikaw ang hinding hindi mapapahamak as long as kasama mo ako"sabi ko kaya namula siya. Omyghod! Kinikilig ba siya?
Athena! Sabi na wag kang OT! Wag kang overthinker! Masasaktan ka lang sa ginagawa mo!
Inaasar naman nila si Ralph na biglang namula baka naman may lagnat siya?o dahil sa power niyang apoy?
Kaya tinignan niya ng masama sila Aldrin at Kristine na nanguna sa pang-aasar. Kaya natahimik silang . HAHAHA wala pala sila, takot kay Ralph e.
"Ano? Hindi niyo na ba 'ko kakalabanin? Naghihintay ako dito pero nakakainip na! Dapat pala habang nagkakasayahan kayo d'yan ay kinitilan ko na mga buhay niyo!" Nagulat kami sa malakas na boses ang umalingawngaw sa Legendary Forest. Si Dracky......nakaka.....nakaka.....nakakatawa yung boses at mukha niyang galit.
"HAHAHAHAHAH!!!" Tawa ko habang turo-turo siya. Kaya mas lalo siyang nagalit. Hahampasin na san kami ng malaki niyang braso ng umiwas kami lahat at nagkahiwa-hiwalay.
Nagsama si Stacey at Aldrin habang si Melissa at Nixon naman ang nagsama. Si Icy at Ethan ang nagsama habang ako at si Kristine ang nagsama. Si Ralph ang nauna at mag isang sumugod.
He released his Big Fire Phoenix then he swiftly ride there. Melissa fly with her fairy wings while Nixon mimick the Big Fire Phoenix of Ralph. Nice huh?
Nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Ralph kaya nag peace siya kay Ralph. Hahaha galit na naman 'to. Ewan ko ba feeling ko pinaglihi 'tong si Ralph sa sama ng loob Hahaha.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumipad na ako papunta sa direksyon ng Dracky 'halimaw' na 'yon. Pero napatigil ako ng may dalawang pang nais kalabanin kami.
Barbie and Elissay.
Tsk! Weaks?! Sure ba talagang lalaban sila? Baka naman di pa 'ko kumikilos e' tumakbo na 'yan sa amo nila. At baka di rin ako makapagtimpi at di ko sila matantya d'yan, baka mawalan sila agad ng buhay.
Susugod na sana ako sa dalawang 'yon na nakangisi sa'kin ng harangan ako ni Bessy Melissa.
"Bessy we can handle them. Doon kana kay Dracky alam kong mas mahirap siyang kalabanin. But please, don't kill him. I just remind you that he is your cousin. At alam kong kahit masama ang budhi non, di mo kakayaning pumatay ng kadugo mo. Okay?" tumango ako at ngumiti kay bessy. She knows me well. Well that's my bestfriend . Nagsama sama si Bessy Melissa, Beb Icy, at Bes Stacey papunta kila BarbieNGOT at ElissayNGOT. Oh diba? Pamilya NGOT HAHAHAHA. Laughtrip, parang coke lang 'yan e. FOREVER BAGAY TALAGA Hahaha.
So back to reality.......
Nagsama sama kami ni Bestie Kristine, Ralph, Ethan, Nixon at Aldrin.
Pinauulanan nila Ralph at Nixon ng Fire Blades, Fire Tanto's, Fire Balls etc. si Dracky pero hindi tumatabla sa kanya yung iba dahil nasasanggi niya 'to. While Bestie create highly destructive windstorm at Dracky's Area kaya parang may bagyo sa mismong kinatatayuan ni Dracky.
Lumipad ako papunta sa likod ni Aldrin na binabato si Dracky ng Sharp Rocks sa likod. Aldrin control the tree roots near Dracky and he coil the roots in Dracky's legs.
Kaya hindi na makalakad si Dracky. I create a Big Whirlwinds around Dracky that cause him to feel dizzy. Kinontrol naman ni Ethan yung kidlat at pinatama niya kay Dracky na nanghihina na ng sobra.
Pinatigil ko si Ralph at Nixon sa pagbabato kay Dracky ng Fire Blades and Fire Balls, dahil unti-unting lumiliit 'to dahil sa pagkahina.
Kaya I cast a spell for weakening his body for temporary.
"adynamos"
Lumiit na rin talaga siya at bumalik sa totoong niyang anyo. Nakahiga na siya ngayon sa pinagbagsakan ng katawan niya ng sugatan. Marami siyang lapnos sa mga balat niya at may mga sugat siyang malalalim. Biglang naglabas si Ralph ng Fire Balls ng makita niyang biglang gumalaw ng onti si Dracky , kaya tinanggalan ko 'yon ng oxygen.
"Why?!!" galit na tanong sa'kin ni Ralph kaya inirapan ko siya.
"Do you think I will let you kill him in your hands? Not too fast Mr. Flame. Tandaan mo pinsan ko pa rin 'tong halimaw na 'to." Nginisihan niya lang ako kaya tumingin ako kay Aldrin na natatawa na naman. Talagang gustong gusto nitong si Aldrin pag scene na namin ni Ralph eno?
"Aldrin bantayan mo 'tong halimaw na 'to di pa 'ko tapos sa dalawang bruha na 'yon" Tumango siya kaya pumunta na'ko sa pwesto ni beb Icy na nakikipaglaban kay Elissay. Nakita ko naman si Barbie na ginawan ng illusion si Stacey kung saan siya takot. Wtf?! Takot si Stacey sa gagamba at alupihan?
"Seeing her crying just because of that f*cking insects makes me happy and enjoying. Ahahaha. Ikaw anong masasabi mo at takot ang kaibigan mo sa mga maliliit na nilalang na 'yan?" Naiyukom ko ang kamay ko dahil takot nga talaga si Stacey sa illusyon na nakikita niya. I thought Barbie is just a puppet controller, di man lang nya sinabi na isa rin siyang illusionist o sa tagalog na salita ay isang ilusyonada hahaha.
Melissa's Pov
I tried to think many spells for that little freaky illusionist slash controller. Pero di ko alam ang gagamitin ko. Ano ba? Help me.
"Bessy, we should cast a spell together , illusioning tayo, kaya?" sabi ni Bessy na nakatingin pa din kay Stacey na umiiyak at kay Barbie na nakangisi ngayon.
First time kong gagamitin ang spell for illusioning kaya sana gumana.
"Akong mauuna bessy sumunod ka" pagkasabi ni bessy nagsalita na siya ng greek language.
"pseftopathís prépei na symveí. I psevdaísthisi psevdaisthíseon prépei na stamatísei. I ischýs psevdaísthisis pou chrisimopoieítai prépei na spásei kai na apodynamotheí."
"Illusionist Illusioning Oi psevdaisthíseis den prépei na chrisimopoioúntai méchri na afísoume" I continue what Athena is pointing. Bigla nalang nawala ang illusions na gawa ni Barbie kay Stacey. Napaluhod bigla si Barbie dahil sa pagkahina. At di na niya magamit ang kapangyarihan niya. Kaya nag apir kami ni bessy.
Ginawan namin siya ng illusions tungkol sa mga nagawa niyang masama dati na pilit niyang tinatakasan ngayon. Tsk! Isa siyang prostitute dati sa mortal world. Napatay niya ang nanay at tatay niyang dark magians na mga puppet controller and mid illusionist. Tapos ang kinatatakutan niyang maalala ay yung ni-rape siya nung isang tambay sa kanto sa murang edad pa lamang. Siguro mga 6 years old palang siya don.
"Hahaha! Seeing you weak BarbieNGOT makes me glad and glad and more on happiness. Isn't that amazing Barbie?" Sabi ni bessy ng may pagka sarcastic. Pinataas ni bessy yung isang hintuturo niya at lumitaw bigla ang Fire Chains sa ere at tinali yung kamay at paa ni Barbie.
"Nanghina lang ako pero gaganti ako sa'yo! Sa pagbabalik mo sa mga masaklap na nakaraan ko! ---ahhh" tumawa nalang ako sa itsura niya ngayon. Kanina ang ganda ganda ng ngisi niya sa'min ngayon nanghihina na. Deserve niya 'yan at deserve nilang lahat nila Dracky 'yan.
Nagulat ako ng sumigaw si Icy.
"Beb! Tumakas si Elissay! Paano na 'to?" nagmamadaling sabi ni Beb Icy. Parang may mali sa paglalakad ni Beb o mali lang ako ng nakikita ko?
"Ayaan mo yung bruhang 'yon. May araw din siya sa'kin. For sure magsusumbong na naman 'yon sa amo niyang mahina. Tara na at kailangan nating ikulong 'tong tatlong 'to. Wala bang nasugatan na malalim sa inyo? " nag-aalalang tanong ni bessy na nanghihina rin.
Pinagmasdan ko sila lahat at lahat naman ay may konting galos. Kaya nga lang siguro nahihiya sumagot dahil baka si Athena pa ang gumamot sa kanila.
"Ikaw, wala bang masakit sa'yo?" tanong pabalik sa kanya ni Ralph. Omyghodd namumula si Bessy yieeee, pero umiwas siya ng tingin at tinignan ang sarili.
"W-wala, tinatanong ko kayo sino nagkaroon ng malalim na sugat sa inyo?wag niyong ibalik ang tanong sa'kin okay lang ako" Nagulat ako ng bumagsak si Icy. Shit! Nagdudugo yung bandang hita niya!
Kaya pala parang may mali sa paglalakad niya kanina.
Tumakbo si Ethan papunta kay Icy at binuhat ito. Nilapitan namin siya nila bessy at nagteleport na kami sa loob ng kingdom namin.
Nakalutang lang si Barbie, Dracky at Natthew sa gilid namin na mahimbing na mahimbing ang tulog.
"Ba't di mo agad sinabi beb?!! Ang laki ng sugat mo! Wait I will heal you" nag-aalalang tanong ni Athena kay Icy . Shet! Sugurado ba siyang gagamutin niya si Icy ? e ubos na ang lakas niya baka siya ang manghina lalo at ang mahimatay.
"F*ck! What are you doing Athena?!! Maraming healer dito sa Wizard Kingdom sila na ang bahala kay Icy at sa'tin. Do you know what are you doing? Ikaw ang mas lalong manghihina niyan!" galit na sabi ni Ralph. Tama siya di dapat siya ang maggamot kay Icy dahil nasa safe na lugar na si Icy dahil pagkapasok palang namin sa gate ng kingdom namin ay may onting mga gamot na ang inabsorb ng lahat. Hindi lang nila nakita pero mahahalata nila 'yon dahil medyo gumaan ang pakiramdam nila.
"Prinsesa Melissa, kami na pong bahala sa inyo"
Pumunta lahat sa'min ang lahat ng mga healer ni Mama at Papa I think 15 sila.
Maraming pumunta kay Icy. At may mga pumunta naman sa'min at sabay-sabay kaming pinahiga at ginamot. Oo nga pala yung tatlong dark magian nakalutang pa rin sa taas namin nila bessy. Ayaw niya talagang pakawalan.
"Bessy, san mo balak ikulong 'yang tatlong 'yan?" tanong ko ng di tumitingin sa kanya dahil nga ginagamot kami.
"Sa undergound cell ng kingdom namin Bessy. Hinding hindi na sila makakatakas don dahil mahigpit ang sekyuridad at nakakalitong daan don" sabi niya. Sabagay maraming pasikot-sikot ang underground cell ng Celestial Kingdom. Nakapunta na'ko don at nakakalito nga talaga. Si tita Alicia at haring Ashtone lang ata at si Bessy ang may kabisado non e.
Nagcast ng spell yung mga naggagamot sa'min para mapalitan ang damit namin. At ayun iba na ang damit namin.
Nanalo kami sa di naming inaasahang pagsugod ng alagad ni Drack. Paano kaya kung si Drack ang mismong sumugod kasama ang mga halimaw nila Natthew at Dracky. Tapos baka kontrolin kami ni Barbie tapos si Elissay pa? Ano kayang mangyayari?
Hyst! Nvm that. Wala naman sigurong mangyayaring masama no?
Hindi ko namalayan unti-unti na ako dinapuan ng dilim.
Zzzzz.
Ralph's Pov
Nakita kong tulog na ang lahat dahil sa pagod sa pakikipaglaban kanina. Nakapatay na ang ilaw at tanging buwan lang ang makikitang liwanag sa labas ng mga naglalakihan at nagkakapalang mga bintana ng Kingdom. It's already 12:00 midnight at nakita ko si Athena na tumayo. Pumunta siya sa dulong bahagi ng kama kung nasaan si Icy. Nakita kong lumiwanag ang kamay niya at pinatong niya ito sa kamay ni Icy.
She heal Icy again, baka naman mabawasan yung lakas niya. Talagang babaeng 'to.
Bigla nalang siyang naglakad ulit papunta naman sa pintuan ng kwarto na'to.
Saan na naman ba pupunta yung babaeng yon?!
Lagi talaga akong pinapakaba nang babaeng 'yan! Nakita kong lalabas siya ng kwarto naming lahat kasama yung tatlong dark magian.
Ano bang gagawin niya?!
Sinundan ko siya at nagulat ako ng nasa gilid siya ng malaking pintong nilabasan ko. Nakangisi at naka crossed arms.
F*ck! Nahuli pa 'ko.
"Ba't mo'ko sinusundan Ralph?" sabi niya ng nakatingin ng diretso sa mata ko kaya napaiwas ako.
Ba't di ako makatitig sa mata niya?! Ganto ba talaga pag may iba 'kong nararamdaman sa isang tao?
"Uy tinatanong kita, earth to Ralph? Saang planeta ka pumunta? Sa pluto ba? Sa mars siguro?---"
"Nac cr lang ako noh! Ba't kita susundan? Tsk!" pag dedeny 'ko sa kanya. >_<
"Sige cr kana. Alis na 'ko pakisabi nalang kila Bessy na may pinuntahan lang ako saglit" sabi niya at tumalikod na kasama na naman ang tatlong nakalutang na dark magian.
Sasama ba 'ko? Pag hindi ako sumama baka mapahamak siya. Pag sumama naman ako baka asarin na naman niya 'ko? O nag-aasaran lang talaga kami parehas?
Sige na nga sasama na 'ko baka mapahamak siya ayokong mangyari 'yon.
"Wait! I will come w-with you" nakita kong ngumiti siya.
Ngumiti talaga siya sa'kin?!!
Ba't....
Ba't .........
Bakit natutunaw ako sa ngiti niya?!!
Nababakla na ba 'ko?
Oo gusto ko siya, i mean mahal ko na. Pero ayoko ng kikiligin pa'ko, kinikilig ba talaga ako?!! Shit!! Ang bading bading ko na!
"Tara na" sabi niya at inaabot ang kamay ko at inintertwined niya. At saka niya 'ko hinaltak palakad.
"Ralph may lagnat kaba? Kanina ka pa di umiimik" umiling ako at ngumiti nalang sa kanya.
Gusto kong ma enjoy yung moment na'to. Yung kaming dalawa lang at magkahawak ang kamay.
Kahit isipin ng ibang nababading ako kasi nakangiti ako ngayon sa kawalan. Wala e, ganto ako magmahal, gagawin lahat pati kabaduyan na di ko nakasanayan para lang mapasaya yung mahal ko.
Ang tanong mahal rin kaya 'ko ? Hysss dadating ang panahon na aamin ako sa'yo Athena. Yung walang hadlang at walang tutol.
I f*cking love you so much......Athena.
~~~~~~~~
A/N:
Ayannn na po magians! Eto na ang ud :)
Thanks sa mga supporters nitong story!
Hope you enjoy! (: :)
Mwua! Mwua! Lovelots!💞💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top