Chapter 55: Melissa's Birthday Part 1
Dedicated to all of the readers na sumusuporta at naghihintay ng update. Hindi pa tapos yung araw its just 12:14 am kaya eto na yung pinakhihintay niyo. I don't know yet kung kelan yung next update. Basta ipopost ko yon sa page ng Magian Academy. Search niyo " Magian Academy" okay? Para updated na rin kayo always. Love lots!
• • • • • •
Athena's Pov
Pinagmasdan ko yung babaeng katapat ko ngayon. Ang ganda niya grabe, pwede ko na siyang ihambing kay Aprodite.
Light pink yung eye shadow niya na merong onting eyeliner sa taas ng pilik-mata. Medyo mapula ang nasa magkabilang pisngi niya, parang isang rosas. Nakataas ang mahaba niyang pilik-mata at kulay pink na pink ang kanyang labi na tila nang-aakit.
Nakatali yung hati ng buhok niya sa taas at malalaki ang kulot ng buhok sa pinakadulong hibla. Habang suot-suot niya ang kulay puting pearl na hikaw na pinarisan ng kulay puting kwintas na kumikinang-kinang.
Tinignan ko yung purple short dress na bagay na bagay sa suot niyang kulay purple na tileto na di masyadong mataas.
(A/N:Eto yung suot niya)
Ang ganda niya kyaaah!!
"Anak, tama na tingin sa salamin, kailangan na nating umalis" sabi ni mommy sa likod ko. Kaya tumayo na 'ko sa tapat ng tukador.
"Okay po mommy hihihi" sabi ko tsaka siya hinarap. Ang ganda ni mommy grabe, parang nakikita ko yung mukha ko sa kanya.
"Ang ganda ganda mo ngayon anak. And you call me mommy? Gusto ko yan hihi. I prefer you to call me that and your daddy"
Nginitian ako ni mommy kaya yinakap ko siya. Ang ganda niya ngayon.
She's absolutely amazing with her white fetchy dress.
"Tara na anak, naghihintay na yung daddy mo sa baba" ngumiti ako at tsaka binuksan na ang pinto at bumaba na.
~after a few minutes~
Pinauna ko na sila Mommy at Daddy sa Legendary Forest. Actually sa Legendary Forest ginanap yung birthday ni Melissa. Maayos na daw lahat bisita nalang wala sabi ni bessy through telepathy.
Kinuha ko na yung b'day gift ko kay bessy medyo mabigat siya but with the help of my power nawala ang bigat dahil sa kaliwang kamay ay hawak ko pa yung gitarang dala ko.
Nang maalala ko yung nangyari kanina.
~~Flashback~~
(A/N: eto yung umalis si Athena kasama sila Kristine sa Mall sa chapter 54)
Hindi na ako sumama kina Kristine sa pamimili sa Dept. Store. Dumiretso muna ako sa book store, dahil mahilig sa pagbabasa si bessy. Binilan ko siya ng 30 pieces of wattpad books about fantasy, favorite niya kasi yung fantasy genre, like me. I'm sure sobrang saya ni Bessy pag nabigay ko 'to.
Bumili na rin ako ng malaking box, tape at scissor.
Dumiretso ako sa isang shop ng puno ng iba't ibang instruments dito sa Mall.
Tinignan ko yung name ng instrument shop na 'to.
"JONGuitar🎸"
I wonder bakit guitar ang nasa pangalan ng shop na 'to. Siguro yung may-ari favorite instrument ay gitara o di kaya'y gitara yung una niyang natutunan?
Weird.
Parang ako wala 'kong pinagmanahan ng paggigitara pero natuto ako when I was just 10 yrs old.
Nasa grade 4 palang ako noon when I learn guitar. Basta ang natatandaan ko noon, pumunta ako sa Music Room sa Rizal Academy then there is a teacher whose name is Xavier. He teach me until mas magaling na 'ko at nasasabayan ko na si tutor Xavier. And that's the time na in accept ako as one of the guitarist in the band of our school. Pero wala 'kong gitara noon, dahil wala akong sapat na perang pambili. Kaya pinahihiram ako ni tutor Xavier lagi-lagi for free.
So back to this shop.
Pumasok ako sa loob at tumambad sa akin ang naggagandahang drums sets, electric guitars, colorful straps for guitars, organs, acoustic guitars, bass guitars etc.
Wow o_o kyahhhh ang gaganda ng gitara!!!
Umikot ikot agad ako at naghanap ng acoustic-electric guitar. And then I saw a color pink acoustic-electric guitar. Hindi na 'ko nagdalawang isip pa at binili ko na agad 'yon. Bumili rin ako ng color pink na pick , straps and yung damit ng gitara, saka ako umalis.
(A/N: eto yung binili niyang guitar)
Ayokong makita nila bestie yung dala 'ko syempre ,I always want surprise. Nateleport ako sa dorm ko at nilagay lahat ng dala ko tsaka ngteleport ulit sa Mall.
Dumiretso na 'ko sa kakainan namin nila Bestie. Nakita ko sila don at may mga order na. Aba! nagutom ang mga bata hahaha. Pero mas gutom ako huhuhu.
"Bestie!" Kaway sa'kin ni Bestie kaya agaw atensyon tuloy.
"Oh, nakaorder na pala kayo." Sabi ko dahil kumakain na sila.
"Sorry bestie ah? Gutom na gutom na kami e. Gusto mo order ki--" pinigilan ko na si Bestie nakakahiya siya pa oorder kumakain na kaya siya.
"No bestie, ok lang ako na. Sige kumain na kayo oorder na 'k---" and someone cut my words -.-.
"Ako nalang oorder wala pa naman akong inoorder" without my words nakaalis na siya sa harap ko.
Hysss Ralph...
Kani-kanina lang di mo'ko pinapansin tapos ngayon?! Nagmamagandang loob?
Ang gulo-gulo mo rin Ralph! Pati yung sasabihin mo sana ginugulo rin ako.
Umupo nalang ako at naghintay.
"Bestie, alam mo ba si Ralph tanong ng tanong kung nasan ka? Tapos nung nalaman na babalik ka rin naman di pa siya umorder para hintayin ka yieee bestie yan ah?" Sinamaan ko ng tingin si Bestie kaya nagpeace sign siya.
Dumating na si Ralph at ang dami niyang inorder.
"Ba't andami?" Inis na tanong ko nung naupo na siya.
"Gutom kana e" sabi niya at nagsimula ng ayusin yung pagkain.
"Hindi ako marami kumain R-ralph, gagawin mo ba 'kong pain?!" Kaya humarap siya pero nakangiti naman siya ngayon. Aishhh!
"Gutom din ako" nakangiti niyang ,
"Ini-inis mo ba 'ko Flame?!"
"Pfttt" Aldrin
Hindi ko pinansin yung mga hagikgik nila bestie at Aldrin sa harap namin.
"Kumain kana lang kaya? Oh" inabot niya sa'kin yung inaayos niyang pagkain kanina.
"Diba sa'yo 'to? Ba't mo binibigay?" Mataray kong tanong.
"Mas uunahin kitang pakainin kesa sa'kin" Feeling ko namula yung mukha 'ko sa sinabi nitong apoy na 'to. Leche talaga!
"Yieee Bestie ahh-- sabi ko nga Stacey magaganda yung gowns dun hehehe" Si bestie nang-asar pa.
Kumain nalang ako ng tahimik, habang si Stacey, Kristine at Aldrin ay nagdadaldalan.
Si Ralph naman kumakain lang rin ng tahimik. Talaga 'tong lalaking 'to! Andami-dami ng binili paano kung di ko maubos? Eh di sayang?
Hindi ko nalang siya inintindi at kumain nalang ulit.
"Akala ko ba di kumakain ng marami? Mauubos din naman pala. Pfft!" Hinarap ko si Ralph at tinitigan siya ng masama. Nagpaparinig pa talaga siya ah?
Pagkaharap ko sa pagkain namin--wtf?!!
Naubos ko lahat pati yung kanya. Feeling ko nag-iinit yung tenga ko ngayon dahil sa pagkapahiya. Narinig kong humagikgik si Ralph kaya tinignan ko ulit siya ng masama.
"Tumingin sa'king mata♪♪" Stacey
"Magtapat ng nadarama♪♪" Aldrin
Pinagtutulungan pa talaga ko ng mga 'to ah! >_<
"Ehem! Beb--pengeng tubig ang tamis grabe ang sweet!" Pag-iinarte naman ni Kristine!
Tinignan ko naman yung kinakain niya. Tsk! Wala namang siyang inorder na matamis pwera nalang kung may baon siyang asukal tsaka niya dito pinapapak. Pshh!
Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa pang iinis nila at nagcrossed arms.
"Bestie , tara na may pupuntahan pa tayo. Ahhh guys alis muna kami see you later sa party!"
Eh?
Wala naman kaming lakad ah?
Hindi pa 'ko nakakapagsalita hinaltak na ako ni Bestie.
"Bestie, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko tsaka niya 'ko hinarap.
"Help me Bestie huhuhu. I need to buy a dog in mortal world. Igi-gift ko sana kay Melissa pleasee" nagpout pa ang prinsesa. Eto ako tuloy naawa.
Napakamot nalang ako sa ulo tsaka siya sinamahan bumili ng isang cute na cute na golden retriever na aso.
(A/N: omyghoddd so cute eto po yung binili nila. Kamukha siya ng aso namin si Hershey! ♥_♥)
At ayun umuwi na kami for preparation para kay Melissa.
~~Flashback Ends~~
Kaya ako may dalang gitara ngayon dahil tutugtugan ko si Bessy. Sounds sweet, right? Wala e! I love the one who loves me and helps me when I fell down before.
Nagteleport na ako sa likod ng stage. Napakaganda ng harap ng stage kaya agaw atensyon nung kakarating ko lang. Paano ba naman yung stage at yung Background ay puro glitters na kulay green and blue kaya maliwang at may mga nagliliparang kulisap pero ang ganda niyang design.
Bali yung kalsada mula sa gate ng Legendary Forest hanggang sa malayong gate ng Wizard Kingdom sa pinakagitna nakatayo ang lahat.
Yung stage ay medyo pacurve pero katamtaman lang ang laki. Nakapaligid sa pacurve na stage ang mga tables with chairs na binalutan ng kulay orange na telang kumikinang pati mga upuan. Bali paikot ang pwesto ng lahat kaya may mga parang christmas lights na nakapaikot sa buong gaganapan. Ang ganda naging parang rainbow tuloy yung loob. Kitang kita sa taas ang madilim na kalangitan na may mga bituin na kumikinang-kinang, kasama ang liwanag ng buwan, dahil walang nakatakip sa taas ng gaganapan ng party. May mga kulisap na paikot ikot sa buong lugar na nagbibigay liwanag rin. May mga maliliit na tao ang mga may pakpak na magaganda.
Omyghod!
Fairies?!! O_O
Kyahh!!! Ang ganda nila!!!! Ang kulay nila!
Tapos nakita ko yung isang fairy na may hawak hawak na pitchel na glass na naglalaman ng juices. Omyghod siguro mga waiter and waitress ang ganap nila dito.
Eh? Asan si Tinkerbell?
Marami na ring tao na nagsisipasukan sa entrance na punong puno ng mga kawal na naka dark green lahat. For safety huh? Melissa impress me so much.
Maraming tables rin ang nakikita ko na round. Siguro mga 40 tables with
8 chairs.
Dumiretso na 'ko sa harap na table dahil nakita 'ko don sila Mommy at Daddy. Pinalutang ko yung box na naglalaman ng wattpad books. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan pakinggan lahat ng nagbubulungan.
"Ang ganda ni Princess Athena grabe!"
"She look so perfect"
"Gorgeous!"
"Kyahh! I'm gonna die! I'm gonna die! Ralph is here. Ang pogi niya ngayon grabe!!"
Naningkit yung mata ko sa narinig ko. Tsk! Ayan na yung apoy wag ka ng kakabahan Athena!
Nakita ko sa entrance si Reyna Raquel at Haring Rafael ng Fire Kingdom. Sumunod na pumasok si Ralph na nakared tuxedo.
(A/N: ayan yung suot ni Ralph wag niyong intindihin yung lalaking poging may suot hihihi)
Sheett! Ba't ang pogi niya?!!
Nakarating na 'ko't lahat sa table namin sa kanya pa rin ako nakatingin.
"Ehem" bigla akong natinag sa umubo. Si Mommy, at si Daddy naman na nakangiti sa'kin.
"Anak may gusto ka ba kay Ralph?" Daddy asked out of nowhere kaya napakagat ako sa labi ko dahil di 'ko alam yung isasagot.
"Hindi mo na kailangan sagutin anak. Alam na namin yung tingin na 'yan hihihi" sabi naman ni Mommy na kinikilig pa.
"Mommy naman e! Daddy gugustuhin ko ba yung lalaking nang-aasar lagi? Tsk!" Sabi ko kaya natawa sila.
Sige pagtulungan niyoko huhuhu.
Bigla kong nakita si Ralph na diretsong- diretsong nakatingin sa mata 'ko.
Ba't naiilang ako?!!! Tumayo sila Haring Rafael at Reyna Raquel at naglakad papunta sa direksyon namin.
Ngayon ko lang mami-meet yung mama at papa ni Ralph. Dapat maganda 'ko. Pasimple kong inayos yung buhok ko gamit ang telekinesis para di nila mahalata.
Ba't ba iniisip ko yung itsura ko sa harap nila?! Nakakainis nagfifeeling na naman ako.
Ayan yung masama pag nainlove ka. Unang una yung pagiging assuming. Tsk!
Tumingin ako muli sa kanila na papunta dito.
Kinakabahan ako. Nakatingin siyang diretso sa mata 'ko. Umiwas ako ng tingin at inilagay na yung box sa ilalim ng lamesa namin.
"Magandang gabi Reyna Alicia ,Haring Ashtone at ikaw magandang binibini, Prinsesa Athena" si Haring Rafael yung nagsalita kaya si Daddy rin yung sunod na nagsalita.
"Magandang gabi kumpare! Masyado kang formal haha! Tara at samahan niyo kami sa mesa. Sigurado akong matutuwa ang anak namin" nakangiting nanunukso si Daddy kaya umiwas ako ng tingin para di nila mahalata na naiilang ako.
"Uhmm kumare,kumpare. Meet our daugter, Athena Kaira Celestine" sabi ni Mommy bigla kaya napatayo ako tsaka nagbow sa kanila. Sila naman ay nagbow rin at ngumiti sa'kin.
Tapos biglang yumakap si Reyna Raquel sa'kin.
Eh?
"Pasensya na iha, you look like the mother of my grandaughters and grandsons. Bagay na bagay kayo ni Ralph my dear hihi" bigla akong naubo sa sinabi niya.
"Pfftt" May nagpipigil ng tawa dito kaya napalingon ako kay Ralph na nang-aasar.
Arghh!!
Jusko mukha daw akong mama ng mga apo niya. Huhuhu ilang beses na bang namula yung mukha 'ko sa araw na 'to.
Nakita 'ko si Ralph na nakangiti ng nang aasar habang nakatingin sa'kin. Hay nako kang lalaki ka!
"Ay hehehe, kinagagalak ko po kayong makilala." Iniba ko nalang yung topic kaya umupo na sila at nagkwentuhan.
Nagtawanan si Haring Rafael pati si Daddy dahil napakaformal daw ni Haring Rafael which is kumpare niya daw. At bigla namang nagchikahan si Reyna Raquel at si Mommy dahil magkumare rin sila. Kaya ako dito tahimik.
Anong gagawin ko? Di ako makatingin sa kanya. Nasa side ko siya but sa stage ako nakatingin. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa'kin.
Naiilang ako!!!
Hindi na 'ko nakatiis at nagpaalam ako kay Mommy na pupuntahan lang saglit through telepathy para di marinig nitong lalaking 'to. Tumango naman si Mommy at ngumiti. At nagpaalam na rin ako kila Reyna Raquel at Haring Rafael.
"Uhmmm, Hi po Reyna Raquel. Alis lang po ako saglit puntahan ko po sila Kristine"
"Oh! sure anak, you should call me mommy nalang ah? Pati si Rafael daddy nalang okay?" wth?! Anak ? Mommy? Daddy?
Kailan ko pa sila naging magulang?
"Uhmm M-mommy hehe pakisabi nalang po kay Haring Rafael i mean Daddy"
Tumango siya at umalis na 'ko habang naglalakad ako may nakasalubong akong isang lalaki na nakangiti sa'kin.
"Hi Athena" sabi niya.
Nakablack tuxedo siya and masasabi ko lang pogi siya. Oo! Pogi!
Tsk! Mas pogi pa siya kaysa sa iba d'yan. And kaklase ko siya. What's his power? Uhmm Augmentation? And he is the Vice President in Student Council.
"Hello" sabi ko ng awkward syempre di ko naman ka-close 'to.
"I'm Nixon, nice to meet you" sabi niya habang nakalahad yung kamay niya kaya inabot ko yung kamay niya kasi mapapahiya siya kung di ko yun kinuha. Ang dami pa namang nakatingin sa'min.
"Hello Nixon, nice to meet you too" sabi ko habang nakangiti sa kanya na medyo awkward kasi di ko naman talaga siya kaclose.
"Would you mind if I go with you? Btw san ka pupunta?" Sabi niya, kaya napaharap ako sa kanya.
"Samahan mo'ko pleaseee may titignan lang ako" sabi ko sana gumana sana.
"Okay san ba?" sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.
"Basta" nagpalinga-linga ako dahil di ko pa din makita sila Kristine or si Icy man lang. Asan ba yon? sa kanila sana ko magpapasama kaso wala sila e. Magpapasama ako dito kay Nixon 'daw' na tignan kung ano 'yung nakita 'ko.
May nakita kasi akong dalawang aninag ng tao dun sa may bandang mapunong bahagi ng Legendary Forest. Sigurado kong magkakampi na sila.
Tsk! Mga traydor nga naman. Basta mapatay lang ako magtataksil sa totoong kalahi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top