Chapter 52: Pretender
Dedicated to you :)
andythots thanks for reading and supporting my story i hope i'll see you reading until the end! Lovelots💓💕
••••••••••••••••••••
Ralph's Pov
Shit!Stupid Ralph!
Ano bang nangyayari sa'yo Ralph?!
Ba't mo sinigaw 'yon?!
Paano na pag nakita ko ulit siya? Ano mukha ihaharap ko sa kanya?!!!
Bakit ba kasi sinabi ko 'yon e! nakakainis!
Nagteleport ako dito sa dorm ko matapos kong isigaw yon.
Ba't ba ako nagkakaganito pagdating sa kanya?!
Siguro nga dahil pinagselos ko siya-- I mean nagalit siya dahil nakikipagflirt pa ako don sa babaeng 'yon habang siya'y nagugutom na.
Nag-alala ako sa kanya, akala ko di na siya makakabalik. At ngayong gising na siya makikita na siya ni Ace.
Nagdilim agad yung paningin ko dahil naalala ko yung naging usapan namin kanina.
•••••Flashback•••••
"So, Ralph it's been a month's since I saw you. Walang nagbago sa'yo, eh sa nararamdaman mo meron ba?" Kumunot noo ko dahil don. Nararamdaman? Kanino? Kay Athena?
"It's seems that you're confused, bakit mahal mo na ba?" Nang aasar na naman 'tong panget na 'to.
"It's been a months since I saw you Ace, where have you been? In enemy's camp?" Sabi ko habang nakangisi. Pero ngumisi rin siya.
"Enemy's Camp? Saan 'yon Ralph? Sa Dark Kingdom? Bakit, pinaghihinalaan mo ba ako?!" Nagulat ako ng sinigaw niya yung huling sinabi niya, kaya napataas noo ko.
"Bakit, hindi ba?" Pandududa kong tanong sa kanya. Tsk! Halatang halata sa kanya. Iba na ang suot niya at ang halata kulay black pa 'to. San niya nakuha yan? Sa Dark Kingdom syempre..paano ko nalaman?
Nakapunta na ako sa Dark Kingdom e and it's a long story to tell.
"Hindi mo alam yung pinagdaanan ko sa kamay ng mga kalaban natin Ralph! Kinulong nila ako don! At kung di mo matatanong, nakatakas ako sa kanila nung isang buwan pa! Ngayon lang ako nakarating dahil di ko kabisado yung lugar ! Kaya kung paghihinalaan moko sana may matindi kang ibidensya! Tinuring kitang kapatid tapos ganyan tingin mo sa akin?! "
Wow! What a very good actor, may iyak effect pa. Lintek! 'tong lalaking 'to! Ibidensiya? Nasa harap ko na! Kasi yung mga suot ng dark magian nasuot niya rin ngayon. Ayan yung patunay na kasanib ka na sa kanila.
Ngumisi lang ako at pinalakpakan mismo yung mukha niya.
"Isa ka pa namang alas, sayang at nakuha nila yung alas ng white magian. Magsisisi ka rin ,Ace . Hindi mo gugustuhin malaman ni Athena na isa ka ng dark magian." Bigla siyang ngumisi sa akin. Umiiyak lang kanina tapos biglang ngumisi. Crazy!
"Alam mo bang mahal ko na si Athena? Nasaan ba ngayon si Athena ,Ralph? Alam kong miss na ko non. Dahil sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya. Ikaw ba? Wala ka bang gusto sa kanya?" Kita ko sa mata niya na may gusto talaga siya kay Athena.
May gusto ba ako kay Athena? Kaibigan ko siya oo, pero ba't iba yung pakiramdam ko pag kasama ko siya?
Paano kung may gusto ako sa kanya? Sasabihin ko ba? O magpaparaya nalang at itatago 'tong nararamdaman ko?
Ang gulo!
"Ace, wala tayong pinag-uusapan tungkol kay Athena. Ang pinaguusapan natin kung saan ka galing"sabi ko kaya tumawa siya pero peke.
" Para sabihin ko sayo Ralph, muntik na akong patayin ng mga dark magian tapos kakampi ako sa kanila? Pero Ralph kung wala kang gusto kay Athena, sasabihin ko na ......... Mahal ko na siya , kaya you should ask yourself, do you love her? Di mo nga ako masagot ,mamaya sumapaw ka pa sakin e"
Ginagalit talaga ako ng lalaking 'to. Binato ko siya ng fireball at niligtas siya ng kuryente niyang napakabilis. Nakita ko siya sa bandang kanan ko at nakangisi.
"Mukhang alam ko na yung sagot mo ,Ralph. May the best MAN win, pwera na nga lang kung hindi ka MAN---"
*BOGSHHH!!"
Mas malaki ang binato ko sa kanyang fire ball at katulad ng kanina nakaiwas na naman siya. Ginawa pa 'kong bakla ng gago!
"Ginagalit mo talaga ako Looperd!!" Sinigawan ko na't lahat pero di natinag at ngumisi pa rin ang gago.
"Biro lang alam ko namang matigas ka Ralph. Pero pinaalalahanan na kita ,liligawan ko si Athena. Sige punta na ako sa dorm ko"
Tinanaw ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
~~~~Flashback Ends~~~~
Liligawan na niya si Athena. Paano kung sagutin siya agad ni Athena? At isa pa........
Paano na 'ko?
Pumunta ako sa paborito kong lugar dito sa Academy, ang Legendary Forest.
Gusto ko dito para natatanaw ko ang matatayog na mga puno, makukulay na bulaklak at mga nagliliparang paru-paro. Pag nakakakita kasi ako neto parang narerelax ako at nakakapag isip ng mabuti.
May gusto na nga ba ako kay Athena? Humiga ako at pi akiramdaman ang sarili.
Tumingin ako sa langit pero siya pa rin ang nakikita ko. Pumikit ako pero yung maamong mukha niya pa rin nakikita ko.
Ba't ba kahit saan ako tumingin nakikita ko pa rin yung mukha niyang nakangiti? Pinapa fall talaga ako ng babaeng yon.
Kanina ba naman pinunasan yung pawis ko.
Aisshhh!!! Kainis!
"Pssstt!!" Napamulat ako ng may biglang pumaswit sa akin. Lumingon ako sa paligid at tumayo. Paglingon ko sa likod ko nakita ko si Elissay.
"Hi Ralph" sabi nito at ngumiti. Kadiri!!!!
"Nabalitaan ko nandyan na si Ace, sa tingin mo saan siya galing?" Tumingin lang ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko.
Isa rin 'tong parang dark magian e, mga mapagpanggap!
Pasalamat talaga sila at di ko pa sila sinusumbong may araw din sila.
Hanep din si Drack e, talagang nagpaggawa ng misyon sa mga peste niyang alaga dito sa academy e. Samantalang alam naman ng iba sa amin kung ano talaga pakay ng mga to! Ang bobo naman talaga! Hari pa man din.
"Ralph, ba't di mo nasagot yung tanong ni Ace sayo kanina? Bakit... Mahal mo na ba si Athena?"
"Alam mo...... hindi ka lang pakielamera, tsismosa ka rin" pagkasabi ko non nagteleport na ako sa dorm ko.
Badtrip! Iisipin ko pa nga kung ano talaga 'to g nararamdaman ko kay Athena e. Tapos may eepal bigla.
Tsk! Tsaka kanina pa yung usapan namin ni Ace ah... How wonder ngayon niya lang sinabi....
Tsk!Athena..Athena..Athena....
Anong ginawa mo para magustuhan kita..
Teka nga... gusto ko nga siya?!!
Hayyyy nakoooo.. Magpapatulong nga ko bwiset!!!!
"Ralph!" may tumatawag sa akin through telepathy...
Sino to?
"Engot! Di mo ba natatandaan boses ko? Nakakatampo ka ah!"
Athena?!
"Oo, tsk pumunta kana dito sa office may pag uusapan tayong lahat at tandaan mo di na kita bati! Bye!"
Halaaa.....sorry----
And the connection was lost... Bwiset talaga kaya dumiretso na ako sa Office ni H.M.
Melissa's Pov
Kinontak ako ni Bessy through telepathy and sabi niya tapos na, thank god nabasbasan na siya.
"Icy , Ethan gising na si Athena, we need to go back. At tsaka ramdam ko nandoon na rin si Ace , but sad to say Ace is not on our side anymore, kakampi na siya ni Drack"
"Tsk! Tsk! Tsk! Drack brainwashed Ace. Pero nevermind that tara na beb. What are we waiting for?" sabi ni beb Icy. Kaya nagteleport na kami sa Academy.
Dumiretso agad kami sa Headmistress Office, dahil nandoon si Bessy.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si H.M., Azaleah, Aldrin, Ralph at si Bessy na mas lalong humaba ang buhok at pilik-mata. At mas lalo siyang gumanda. Nak ng teteng natotomboy na koo hahah joke.....
"Hi bessy, advanced happy bday debut mo na bukas " sabi niya at yinakap ako pati sila Icy at Ethan.
Naalala ko bukas na pala ang kaarawan ko pero ramdam ko may hindi magandang mangyayari. Sana wala.......
"Hello Bessy , thanks. By the way ano nga pala ang pag uusapan natin? At bakit wala si Kristine at Stacey?" sabi ko......
"Nasa clinic si Stacey ,binabantayan siya ni Kristine" sabat naman ni Aldrin.
Ahhhh owkeyy!! Kala ko nasa dark-----
"So wag na natin sila tawagin at sabihin nalang natin sa kanila pag magaling na si Stacey. So Aldrin ano ang gusto mong sabihin sa amin?"sabi ni Headmistress.
Aldrin's Pov
" Kagabi po kasi H.M naisipan kong tumambay muna don sa Legendary Forest at nasa taas ako ng puno"
"So tambay pogi ka pala hahaha peace" sabi ni Icy kaya tumingin ako ng masama sa kanya at nag peace.
"Nakita ko yung mga bagong pasok sa academy na nandon at nag uusap kaya nag anyong paru-paro ako para marinig ko usapan nila. At sabi nung Dracky galit na galit raw siya kay Athena....Actually may isang traydor sa mga kaibigan natin dahil may isang lalaking nandoon rin nung gabing yon di siya pamilyar e at di siya pumapasok dito at sabi nga ni Athena cloning yung power s nong lalaking 'yon"
"Teka nandoon rin si Athena sa gubat non?" gulat na tanong ni Ralph kaya tumango ako.
"Oo, kasama niya si Kristine nung oras na 'yon at nakainvisible sila. Sabi nung lalaking nag clo-clone , ayos raw yung pagpapanggap niya pero di niya nasabi kung sino yung clino-clone niya. At sigurado akong isa siya dito sa nasa kwarto ngayon" biglang tumahimik ang lahat at tila pinakikiramdaman ang sa isa't isa.
"You all don't need to know, I know who is that pretender. At tsaka nga pala anong balita kay Ace?" biglang iniba ni Athena yung usapan. So alam niya pala. Ba't di niya sabihin? Siguro nga nandito sa kwarto 'yon.
*Tok! Tok! Tok!*
Biglang bumukas at bumungad sa amin si Ace.
"Acee?!!!" napatayo at napasigaw si Athena. Well, Ace is her friend anyway maliban nalang kung may gusto siya dito. Kawawang Ralph nakatingin lang kay Athena at Ace.
"Hi Athena ,namiss kita!!" salubong ni Ace at niyakap si Athena kaya napayakap rin si Athena pabalik.
"BAAAG!* Biglang lumabas si Ralph at nagdabog talaga ah. Tsk selos sya tol.
Kaya biglang napabitaw si Athena kay Ace.
"Anyare don?" sabi ni Athena at tumingin sa pinto pero kaagad na lumingon kay Ace.
"Ikaw Ace?!san ka ba galing ah?! Antagal mong nawalang mahangin ka!"sabi ni Athena at pinalo palo si Ace.
"Nakuha ako ng mga dark magians Athena. Kinulong nila k-ko don buti n-nalang at nakatakas ako dapat sa isang buwan pa ko nandito kaso naligaw ako kaya ngayon lang ako nakabalik" sabi nito at parang iiyak na. Tapos niyakap siya ni Athena .
"Ok lang yan atlis nakatakas ka don" may gusto ba siya dito? Pero yung way ng pagyakap niya at pagsasalita niya kay Ace parang kapatid lang ang turing niya.
"Salamat Athena" Ace
"Ehem" paubo kunware ni H.M. kaya napahiwalay sila sa isa't isa.
"Sige mauna na kayong lahat sa class, susunod ako" sabi ni Athena, sigurado akong may pag uusapan pa sila.
Kaya nauna na kami sa klase. I wonder kung nasaan si Ralph wala siya dito sa room e. Grabe tindi pala magselos non, talagang makakapatay ang dating e.
Athena's Pov
Nandito pa ako sa office ni H.M. dahil may sasabihin ako sa kanya.
"Headmistress gusto ko sanang pagkatapos na pagkatapos ng kaarawan ni Melissa, sana makapagtraining lahat ng estudyante ng mga gamit panlaban---no di natin gagamitin ang mga nasa secret dungeon. Kaya magpapadala ako dito mula sa kaharian namin ng mga kailangan at gusto kong matuto sila sa paggamit non dahil hindi sa lahat ng oras may kapangyarihan rin tayo.Including section-meduim and low kailangan matuto ng mga estudyanteng healing, mind reading, seer etc. sa isang buong dalawang linggo magtre-training sila including kami." Biglang napapalakpak si H.M sa sinabi ko.
"Athena your good in managing all the students here to make improve. Yes, gagawin natin yan tama ka di sa lahat ng oras may kapangyarihan tayong lahat and I'm really really sorry di ko yan naisip at lagi lang sila nagtre-training at powers lang ang gamit nila. Napakaganda ng suggestions mo Athena" sabi niya at ngumiti.
"Actually si Lola nagsabi sa akin niyan pero ang sabi niya kailangan ko daw pag aralan ang paggamit sa mga gamit panlaban, hindi naman masama kung idadamay ko na lahat ng magians dito diba?"
"Yes , Athena. But one thing si Ace may masama akong kutob sa kanya. Hindi mo ba nararamdaman 'yon?" sabi ni H.M.
May nararamdaman ako pero tingin ko di magagawa ni Ace. Hindi ko malaman yung ginawa niya nung mga nakaraang buwan. Hindi ko makita sa mata niya kung saan siya nanggaling. Pero siguro nagooverthink lang ako, kinuwento na ni Ace ang lahat palagay ko wala ng iba pang nangyari don sa kanya.
"No, you are just overthinking Headmistress." ngumiti nalang ako sa kanya at sumenyas na aalis na kaya tumango siya sa akin.
That Ralph! Ba't siya nagdabog? Nagseselos ba siya kasi niyakap ako ni Ace?
Leche talagang lalaking 'yon di ko siya maintindihan! Baka magassume ako bigla dito.
Aishhh! i'm just overthinking siguro baka nawiwiwi na yon at nagmadali.
Siguro nga.....
•••••••••••••••••••••••••••
A/N:
Sorry nalate mamaya ulit yung isang ud mga readers ah? 3:40 na 'ko natulog kanina e kaya inantok na ko sorry talagaaa.
PS: sorry ulit sa mga wrong typo, grammar, spellings....
~mandarambs
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top