Chapter 49:Adelaida Celestine
Dedicated to fernandoalthea
Hi pe! this chapter is dedicated for you 😉
Enjoy reading.....
•••••••••••••••••••
Athena's Pov
Biglang lumiwanag ang espada ng hawakan ko ito.Lumiwanag ito ng lumiwanag ,di ko na makita yung iba kong kasama dahil wala na akong makita sa sobrang liwanag. Nabawasan ang liwanag at may nakita akong isang napakagandang babae siguro 40 pababa yung age niya.May kulay lila rin siyang mata at buhok.Sino siya?
"Athena, apo ko" bigla nalang niya ko niyakap ng napakahigpit.
Apo ko? Teka! Siya ba yung lola ko?
"Oo, ako nga ang lola mo Athena" sabi nito at hinarap ulit ako.
Hala?!siya ba talaga yung lola ko?! Sure siya? Ba't mukhang bata pa siya?
"Ahmm, sure po ba kayong ikaw ang lola ko?Baka kapatid kayo ng aking ina, dahil magkamukha po talaga kayo. At mukha pa kayong bata hehehe" bigla siyang natawa kaya napakamot ako sa ulo ko.
"Palabiro ka apo, ako nga talaga ang lola mo.Ako si Adelaida Celestine, ang anak ko ay si Alicia ang iyong ina"
Sa sobrang galak ko yinakap ko siya ng mahigpit.
"Lola ,napakasaya ko dahil nakilala, nakita at nahawakan kita.Hindi ko inaasahan na makikita kita ngayon lola.Masaya ako dahil akala ko wala na akong makikilalang lola, kahit alam kong deads kana hehe peace lola "
"Ikaw talaga Athena, pero nagpakita ako sa iyo dahil sa isang rason.Kailangan mong sanayin ang sarili mo sa paggamit ng espadang hinawakan mo.Ang Legend Blade Sword ay ginamit ko noon, at nagtagumpay ako pero namatay rin naman ako dahil roon. Sana di na maulit iyon sa iyo apo, naniniwala akong magaling ka sa lahat.Kaya sanayin mo ito dahil sa larangan ng espada dito magaling si Drack ,ang kapatid ng ama mo.Sana wag kang umasa lagi sa lakas ng kapangyarihan mo na kayang gayahin lahat ng kapangyarihan sa paligid mo dahil pwede ka ring manghina , hindi sa lahat ng oras malakas ka apo. Dahil baka di natin mamalayan na may mga magian na kayang pahintuin ang paggaya mo sa kanilang kapangyarihan.Kaya dapat matuto ka sa paggamit ng mga kagamitang panlaban" tama si lola, hindi dapat ako umasa lagi sa kapangyarihan ko ,dahil katulad rin ako nila nanghihina at hindi laging malakas.
"Opo lola, pasensya na po kung di ko natuunan ng pansin ang mga kagamitang panlaban.Kasi po nung mga oras na nag eensayo ako focus po ako sa paggamit ng mahika" sabi ko kay lola at napangiti siya.
"Ok lang apo,may oras ka pa naman.At isa pa , Athena alam mo bang di pa kita nababasbasan?"
"Huh?Para saan po yung basbas lola?"
"Parang binyag lang ito, apo.Once na mabinyagan ka na isa ka ng ganap na kristiyano." Hala paano nalaman ni lola yung mga kristiyano?
"Kaya once na mabasbasan na kita isa ka ng ganap na itinakdang tagapagligtas at itinakdang prinsesa na pinakamalakas.Ngunit apo, kahit ikaw ang pinakamalakas sa buong mundo ng mahika, may kahinaan ka rin.Ito ay ang mga taong malalapit sayo ,ang mga taong minamahal mo.Once ma masaktan sila ng dahil sayo, doon lalabas ang kahinaan mo dahil alam kong para sayo ,ayaw na ayaw mong nasasaktan ang mga taong malalapit sayo"
Tama si lola, kahinaan ko talaga ang mga taong napapamahal sakin.
"May kahinaan pa po ba ako lola?para aware rin po ako lola" hinintay ko siyang magsalita.
"Oo, may mga kapangyarihan kang dapat iwasan" huh?akala ko ba kaya kong gayahin lahat ng kapangyarihan ?ba't may dapat akong iwasan?
"Ang mga kapangyarihang may halong kadiliman at kasamaan ay di mo magagawang magaya dahil hindi ka isang itim na mago.Kailangan mong iwasan at kailangan mong matalo ang may ganoong kapangyarihan kung may makaharap ka man.Ang dark magic at manipulating, ayan ang kapangyarihan ang alam kong pagkamay-ari ni Drack.Ang dark magic ay parang katumbas lang rin ng cursed magic na nasa iyo apo, ang dark magic ay kayang kuhanin lahat lahat ng kapangyarihan mo habang nakukuha nito ang kapangyarihan mo unti-unti ka namang kinakain ng kadiliman.Ang manipulating, ay parang telekinesis lang at puppet controller, ngunit mas malakas ito sa inaakala mo.Sa pagkakaalam ko tatlo ang may-ari ng kapangyarihang ito.Isa si Drack sa may-ari.Kaya apo, mag iingat ka kailangan mong pag aralan mabuti ang kapangyarihang yan, dahil minsan kung maniniwala ka sa magagawa mo doon ka pa minsan nananalo dahil hindi palakasan ang paglalabanan, paniniwala muna ang inuuna bago ang lahat. Apo kailangan na kitang basbasan"
'Dahil minsan kung maniniwala ka sa magagawa mo doon ka pa minsan nananalo, dahil hindi palakasan ang paglalabanan ang ,paniniwala muna ang nauuna bago ang lahat'
Binigyan pa ko ng iisipin ni lola.
Hindi ko masasabing mahina pa rin si Drack.Hindi ko din masasabi na malakas siya dahil katumbas niya ang kapangyarihan ko.Kung kay Drack mamatay ka ng kinakain ng kadiliman yung sakin naman mamamatay ka ng wala ng makikita pa dahil abo kana.Pero ang tanong sino pa ang dalawang manipulator?
"Eh Lola, sino pa po yung dalawang may-ari ng manipulating?" Biglang lumungkot ang mukha ni lola dahil sa narinig.
"Si E-era at si trixie"
Ralph's Pov
Kasalukuyang mahimbing na natutulog si Athena, magkakalahating oras na rin siyang nakalutang na nakahiga.
~After 30 minutes~
"Headmistress, di pa ba gigising si Athena?"Natawa pa ng bahagya si Headmistress sa tanong ko habang pinalulutang niya ang dalawang patalim at binato niya papunta sa target niya.
" Don't worry Ralph, nakikipagbonding pa siya sa lola niya.Kung gutom na kayo you are free to go to cafeteria, magteleport na nga lang kayo dahil baka may nagmamatiyag sa atin dito at malaman pa itong Secret Dungeon"
Nakita kong nagteleport na sila Icy, Ethan at Melissa kasama si Aldrin.Habang nakatingin si Kristine kay Athena.
I wonder kung bakit wala si Stacey.
"Nilalagnat si Stacey, don't worry nasa healing room na siya"
Hyss..buti naman.
"Ikaw wala ka bang balak kumain?" tanong ko kay Kristine.
"Bili mo nalang ako Ralph pleaseee...dalawang chicken sandwich at dalawang bottle of wate----"
"Inuutusan mo n-----"
"Hep! para samin dalawa yon ni Athena yieeee"
At nakatingin ng may tukso.Nako 'tong babaeng to!!
"Hyss! Oona!nakakainis kang babae ka!"sigaw ko sa mukha niya , tinawanan naman ako nila Headmistress at Azaleah.
" Yehey!ikaw ah..basta pagdating kay Athena.yieeee!Alam ko yung mga galawang yan Ralph.Shhhh!don't deny huling huli kana hahaha"sabi nito ng balak ko sana siyang batuhin ng fireball.
"Tsk!" Nagteleport na ko sa mismong tapat ng cafeteria namin.
Bumili ako ng 3 chicken sandwich, 3 shawarma at tatlong tubig.Dahil mahilig siya sa shawarma bibilan ko siya basta sakin yung isa sa tatlo hahaha hayy nako Athena.....
Nag aalala ako baka gising na si Athena baka gutom na yon nagteleport ako, nadatnan kong kumakain sila Headmistress at Azaleah habang si Kristine ay pinapraktis ang paggamit sa shurikens.Si Athena ay nakalutang pa rin.
Hyss ang tagal naman magsosorry pa ko sa kanya e.
"Thanks Ralph, tabi mo nalang sa mesa yung kay Athen---Wow ang dami naman niyan papatabain mo ba siya?yieee" Ayan na naman siya.
"Tumigil kana Kristine sa akin to lahat"nakakainis talaga binibigyan lahat ng malisya.
Kumain nalang ako pero nagtabi ako ng 2 shawarma, isang chicken sandwich at isang bottle of water para kay Athena.
Pagkatapos kong kumain inutusan ako ni Headmistress na pabalikin na sa dungeon sila Aldrin.Dahil may mahalagang sasabihin si Headmistress.Ano kaya yon?
Pinuntahan ko na lahat ng pwedeng puntahan ni Aldrin pero di ko siya makita.
Bwiset! nasan na ba yon?napapagod na ko!!
Ahh!alam ko na sa C.R.
Habang naglalakad ako patungo sa C.R.Ilang hakbang nalang nakita ko si Aldrin na may kausap.Tatawagin ko na sana siya ng marinig ko yung boses na yon.
" Oh bakit parang gulat na gulat ka?"
Si Ace??
Aldrin's Pov
Lumabas muna ako sa Dungeon para kumain dahil di pa ko nag aalmusal.Kasabay ko sila Melissa, kaso sabi niya pupunta lang raw sila sa Celestial Kingdom at may aasikasihin sila. Pinapasabi nila na babalik rin sila agad kay Athena pag naggising 'to.
Kaya mag isa lang akong kakain.Sabi ko nga loner ako.Mailap ako sa tao ,ewan ko ba sa sarili ko.
Papunta na ko sa Cafeteria, medyo marami na ring estudyante na kumakain.
Natapos akong kumain at papunta na ako sa C.R.Nang may biglang tumawag sa akin.
"Aldrin"
Ang boses na 'yon.
Paglingon ko nakita ko si Ace.
"A-ace?!"
"Oh ba't parang gulat na gulat ka pre?" sambit nito at parang nagulat sa reaksyon ko.
"Huh?!ang tagal mong n-nawala!Saan ka b-ba galing ah?!" sabi ko at lumapit sa kanya ng onti.
"Let's say na nagliwaliw ako at bumuo ng magandang hinaharap" huh?anong pinagsasabi nito?di niya ba alam ang daming nag aalala sa kanya ah?
"Tol naman, natatakot na ako sa reaksyon mo kanina ka pa haha" natinag ako ng sabihin niya yon.
"Hindi mo kasi alam tol, nag aalala kami sayo lalong lalo na si Athena!Saan ka ba talaga galing?!" Nang banggitin ko ang pangalan ni Athena biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Nag-aalala si Athena sa akin?"
Teka nga!may gusto ba siya kay Athena?
"Oo!nag-aalala siya sayo.Gustong gusto ka nga niya hanapin eh kaso pinigilan namin siya dahil masyadong delikado sa labas ng academy kaya inutusan nalang ni Athena ang ilan sa mga kawal nila na hanapin ka." pagpapaliwang ko sa kanya.
"Nasaan ba si Athena, Aldrin?"
Hala...sasabihin ko ba?paano to.....
"Uy tol, asan si Athena?"Di ko alam ....ano sasabihin ko??di ko pa nga sigurado na siya si Ace baka isang dark magian lang to.....
" Ahmmm, eh kasi ano si Ath---"
"Aldrin!!"
Thank god may nagligtas sa akin.
Si Ralph....
"Uy Ralph, tara dito nandito na si Ace!" Sigaw ko sa kanya.Lumapit siya sa amin pero kay Ace lang siya nakatingin.
"Long time no see Ralph" sabi ni Ace ng may pag ngisi?
Humarap sa akin si Ralph at di pinansin si Ace.Ano meron sa dalawang 'to?
"Aldrin, hinahanap kana ni Headmistress pumunta ka na doon"sabi niya, oonga pala naalala ko sinabi ko kay Headmistress na may nakita ko kagabi.Hinarap ko si Ace at ngumiti.
" Sige Ace, mamaya nalang"
Pero bigla kong narinig si Ralph through telepathy.
'Sabihin mo kay Headmistress na nandito na si Ace at wag na wag mong papapuntahin si Ace sa Dungeon'
Tumango ako kay Ralph at umalis na.
May masama akong kutob sa dalawang 'yon.Sana mali ang naiisip ko sa kanila.
Parang ganto lang yon.
'Naglalabanan para sa isang bagay na mapapanaluhan'
O di kaya'y
'Two eagles chasing one bird'
Pero ang totoo......
'Si Ralph at Ace ay naglalabanan para sa puso ni Athena'
Unknown's Pov
Kasalukuyan akong nandito sa kulungan dito sa Dark Kingdom.Pinapakain pa rin naman ako nila Drack pero di ko magawang kainin ang mga pinapakain sa akin ng mga kampon ng kalaban.
Awang-awa na ako sa Ina't Ama ko na katabi ko lang rin dito sa kulungan.Hindi rin sila kumakain at nangangayayat na sila.
Patawad Athena kung malaman mo na kasabwat ako ng mga kalaban.Hindi ko ito magagawa kundi lang dahil sa mga minamahal kong magulang.
"Ina, Ama alam kong di tayo bibiguin ni Athena ang itinakdang tagapagligtas, patawad po kung wala akong magawa" napaiyak nalang ako ng yakapin nila ako sa kabila ng mga bakal na nakaharang sa amin.
"Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo anak, pero kahit na imposible o posible man na matulungan mo kaming makalaya rito, ginawa mo pa rin na paglingkuran ang napakasamang Drack na yon para lang makalaya kami anak, kahit na di iyon nangyari salamat pa rin dahil gagawin mo lahat para sa amin"sabi ni Ama.
" Napakabait mong tao anak, mahal na mahal ka namin"sabi naman ni ina.
"Wow, what a wonderful view! pwedeng pwede na kayong ipaint sa ganyang lagay sigurado akong bebenta kayo sa mortal world bwahahaha!namamaalam na ba kayo sa isa't isa?nako dapat lang malapit na maghintay lang kayo, papunta na rin si kamatayan sa inyo bwahahaha" sambit ni Drack sa amin.
"Para sabihin ko sayo Drack!Ililigtas kami ni Athena! Hinding-hindi niya kami bibiguin at matatalo ka niya!" sigaw ko dito pero humalakhak lang ito.
Humanda ka Drack alam kong matatalo ka ni Athena, maghanda kana Drack dahil kahit anong gawin mo kay Athena hinding hindi mo siya matatalo dahil siya ang itinakda!
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Omyyyygooodddd it'sss goooddd toooo beeee backkk!!!jusqo natapos rin ang school year, pero ako ngayon namimiss ko na si krass hahaha charot!
So ayun tuloy tuloy na po ang pag update ng Magian Academy.Wala na kong ginagawa so may time na ko kay watty.Dyan sa mga kaibigan ko diyan salamat talaga't nagulat ako pinagkakalat niyo itong story ko haahaha nagugulat nalang ako may magchachat sakin 'uy andeng may story ka daw sa wattpad?'
Pero anyway, ok lang naman thanks na rin...Sana masiyahan kayo sa ud ko nako 2000 word plus to mahaba haba rin.
Thanks sa mga reader dyan na sinusuportahan to last year hanggang ngayon!comment nga kayo kahit isa lang .....sige na thanks again and next ud bukas ng hating gabi okie??!!
~mandarambs♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top