Chapter 48:The Legend Blade Sword

Athena's Pov

"Wake up Princess Athena"

"Gising na may pupuntahan tayo"

"Tulo laway to oh Princess gising na"

"Ay gusto niya iba yung manggigising wait lang ah?"

"Athena gising na nandito si Ralph!!!!"

Bigla akong napaupo at lumingon lingon para makita si Ralph.Pero wala si Ralph.

Tinignan ko ng masama si Olivia na nagpipigil ng tawa sa gilid ko.

-.-

Panira ng tulog hysss wala tayong magagawa kung mas childish pa sa akin yung may hawak ng cursed magic.Anong sininghot nito at tawa pa din ng tawa?

"ANAK KA TALAGA NG PATOLA!"

Biglang sumeryoso mukha niya at tumitig sakin pero alam kong tatawa to...

Onting-onti nalang....

"Hahahahaha-oh?Hahahaha!"

Tinignan ko siya ng masama kaya napaayos na siya.

"Okay na ko.Haha-ehem! We need to go to H.O. asap so magbihis kana may tulok ka pa nandun si Ralph bahala ka"

Dumiretso na ako sa cr at nag-ayos.

Half bath lang ginawa ko tapos nagsuot ako ng leggings tsaka long sleeve na tshirt kulay grey.At tinali ko yung buhok ko.

"Ano bang gagawin natin don?"tanong ko kay Olivia na nakainvisible kasi baka mamaya may nakamasid samin mahirap na.

" Secret"

May pa secret secret pa to.

Naalala ko kanina ang pananakit sakin ni Ralph.Sumisikip na naman dibdib ko nang maalala ko yon.Sana panaginip nalang yon.Ang sakit eh.

Yung mahal mo nakikipaglandian sa harap mo.Sabagay,wala lang ako sa kanya pinaglalaruan lang ako nun.Kasi pa fall yon!

"A penny of your thoughts?" Sabi ni Olivia .Ngumiti lang ako ng mapait sa kanya.

Napangisi ako ng maramdaman ang presensyang kinaiinisan ko.Pinauna ko na si Olivia sinabi ko nalang na may naiwan ako.

At dahil madilim ang kanyang kapangyarihan nagtatago siya sa kadiliman na kasing itim ng kanyang sikretong iniingatan na sa umpisa pa lang ay agad kong nalaman.

Naginvisible ako.Nakita ko siyang nagkakamot ng kanyang batok.

" Asan na yon?tsk!kala ko pa naman ay may makakalap na ako na balita"
Palinga-linga siya habang ako ay nakangisi sa kanyang likod.

"Looking for me?"

"Ayy ahhh anong g-ginagawa mo diyan babae ka?" Kita ko yung takot sa mata nito.

"Ano munang ginagawa mo dito ng dis oras ng gabi?Akala mo may makakalap ka ng balita?kanino? samin?" Napangisi ito.

"Magaling ka Athena ikaw nga talaga ang karapat dapat ngunit hindi ka pa sapat upang matalo mo ako dahil mas matalino ako sayo" nakangisi siya sakin.

Ayan yung nakakarindi yung pagmamayabang niya.

Masampolan nga to.

"Karapat dapat ako sa posisyon ko ngayon Mr.Dark kung gusto mong may makalap na balita tungkol sa pinaplano namin dapat may utak ka" diniinan ko yung utak para mainis siya,magsasalita sana siya pero inunahan ko na"Dapat higitan mo muna ako bago ka magpadalos dalos kita mo?naramdaman ko presensya mo sa tingin mo matatalo mo ako?Haha Dracky utak inuuna hindi kuryosidad.Wala kang makakalap na plano sa amin para sabihin sa Hari niyo."

"Matatalo kita Athena tandaan mo pag dumating na yung panahon na hinihintay ko ikaw ang magmumukang tanga dahil ako na ang kokontrol sayo tandaan mo"
Napaisip ako sa sinabi niya masyado itong malalim ano kaya ang ibig niyang sabihin?

Bigla akong kinabahan ngunit pinakita ko pa rin na di ako natakot.

"Tandaan mo rin naglalakbay palang kayo papunta dito alam ko na buong pagkatao mo at sikreto niyo kaya di niyo ko maloloko"Sabi ko at tumalikod na tsaka nagteleport sa H.O

~~~~~Headmistress Office~~~~~

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko silang lahat nandun na.

"Ang tagal mo naman Athena" iritableng sabi ni Olivia.Pero binigyan ko lang sila ng malamig na tingin.

Nandito sila lahat.Si Icy,Ethan,Melissa,Kristine,Stacey,Aldrin,Olivia,Headmistress,Azaleah and Ralph.

I wonder bakit wala si Veronica and Isay?Siguro hindi pinatawag kasi malaki ang galit nila sakin.

Well that's good.

"So why did you call us?"malamig na tanong ko kay Headmistress.

" The new students are from Dark Kingdom."

"Alam ko" sabi ko.

"They spying on us gusto nilang malaman ang plano natin tungkol sa pagkawala ni Ace.Pero an---"

"Stop Headmistress, you know if I didnt cut your words the traitor will know our plan so please watch your words Headmistress.Uhmm let's say na kailangan niyong maging mapagmasid para makita mo kung sino talaga ang traydor sa loob ng magian academy.Lalo na kung nandito sa loob ng kwarto yung isa sa mga traydor.Mag ingat kayo wag kayong basta basta magtiwala malay niyo kaibigan niyo na pala yon......." Tinignan ko yung mata niyang bughaw na naging kulay itim"So bukas nalang tayo magusap basta Headmistress ako lang ang sasabihan mo ng plano wala ng iba got it?"tumango si headmistress tsaka ako tumalikod.Pero huminto ako tatakutin ko lang tong traydor.

"Actually gusto ko ng gawin siyang abo kaso may misyon pa siyang ginagampanan pero dadating yung panahon na magkakaharap kami ngunit hindi na yon ang mukhang ihaharap niya "
Tsaka ako tumalikod at iniwan silang may katanungan pa sa isip.

Tandaan niyo papunta palang kayo nakabalik na ako.

Kristine's Pov

Kinabahan ako sa sinabi ni Athena kanina.Totoo lahat ang sinasabi niya pag seryoso.Nilibot ko mata ko at tinignan ko silang lahat.

Isa sa kanila ang traydor. Kailangan kong magingat.

Paano na bukas? Dadalo ang lahat sa kaarawan ni Melissa.Hindi ko alam kung magiging maayos ba ang kaarawan niya.

Pakiramdam ko may mangyayaring masama pero sana naman wala.

Patungo na ako ng pinto ng kwarto ko ng may nagtakip ng bibig ko papunta sa loob ng dorm ko.

Pagkalingon ko si Athena."Bestie bakit ka andito?"nagaalala kong tanong.

"Delikado sa labas at nandyan sila palapit dito dorm mo gumagawa na sila ng plano para bukas at kailangan kong malaman yon"
Natatakot ako para sa mga kaibigan ko.

"Bestie naman e! Delikado nga diba kakasabi mo lang, wag kang gagawa ng kilos bestie ng wala ako dapat kasama ako"sabi ko kaya nanlaki mata niya.

"Natatakot ka?wag kang matakot matatalo natin sila pero bukas mag uusap tayo kasama lahat ng dapat nating pagkatiwalaan."
Napahinto siya"Pero kailangan ko talagang malaman ang plinaplano nila magingat ka"

Bigla nalang siyang nawala kaya ginaya ko rin siya nag invisible air kami para di kami makita.Nagulat ako ng makita kung sino sino ang mga traydor.

Silang apat ang traydor?!
Pati siya?ang tinuring kong kapatid ?

Aldrin's Pov
Nakaramdam ako na dapat akong lumabas at umakyat muna ako sa puno sa Legendary Forest.

Maganda na dito napakaaliwalas at hindi na nakakatakot ang itsura wala na ring mga halimaw.

Padami na ng padami ang traydor at alam ko kung sino sila dahil ilang gabi na rin akong tumatambay dito sa Legendary Forest.

Ilang gabi ko na rin silang pinagmamatiyagan dito sa punong inuupuan ko. Nandito na naman sila.

"Lintik yung Athena na yon.Nahuli ako nung sinusundan ko siya.Para nga siyang tanga may kinakausap siya pero siya lang naman mag isa."sabi ni Dracky na humahagikgik pa.

"Tanga mo Dracky syempre kausap niya na naman ang goddess of power "sabat naman nung isang tinig na nasa likuran niya.

"Paano mo nalaman na nandoon ang Goddess of Power? "nagtatakang tanong ni Dracky.

"Tanga kaba? syempre nandoon rin ako kanina nung nagmeeting sila kasama si Olivia ang goddes of power at huling dumating si Athena kasi nga diba sabi mo kinausap ka niya"

"Pero may nalaman kaba? "
"wala! leche yung Athena na yon!napakalakas niya talaga! Alam na niya lahat ng traydor dito kaya bukas na bukas ng gabi guguluhin natin ang kaarawan ng prinsesa ng Wizard Kingdom para magbigay ng babala sa nalalpit na labanan. "

May nararamdaman akong ibang presensya ng tao.Nahuli ko sila Athena na palipad papunta sa punong inuupuan ko.

Siguro panahon na para gumawa ng plano para bukas.Para hindi magulo ang kaarawan ni Prinsesa Melissa at para rin sa kaligtasan ng lahat.

Athena's Pov

Kinabukasan........

Maaga akong gumising pati na rin si Kristine at Aldrin.Ginising namin ang mga taong sinabi ko kay Aldrin na mapagkakatiwalaan.

Nandito kami ngayon sa Secret Dungeon ni Headmistress sa office niya.Malawak ang loob nito parang training room rin.May mga sandata katulad ng pana,espada,at iba pa.May mga korona na nakadisplay ngunit may mga harang iyon ng glass.

Ngunit may isang bagay na umagaw ng pansin ko.Isa siyang espada na may kulay Lila sa gitna kung titignan mo para siyang gem.

"Ayan ang espada ng Lola mo noon Prinsesa Athena.Ayan ang huling ginamit niya nung nakipaglaban siya kay Mudara.Si Mudara ang pinakamalakas noon ngunit mas malakas pa din ang Lola mo kay Mudara.Si Mudara ang dating kalaban ng mga white magians noon , Malakas siya pero napatay siya ng Lola mo.Kaso namatay rin ang Lola mo dahil tumalsik lahat sa Lola mo ang natitirang kapangyarihan ni Mudara ng saksakin niya ito.Hindi na nagamot ang Lola mo noon kasi ang Mama ni Prinsesa Melissa na Stritch ng Lola mo noon ay nadamay rin sa pagtalsik ng kapangyarihan ni Mudara.Yan nalang ang natitirang ala-ala ng Lola mo.Kaya dito ko siya nilagay sa Secret Dungeon baka sakaling gamitin mo siya." Paliwanag ni Headmistress .",

Kay Lola pala ito.Nakasama rin pala ni Tita ang Lola ko siya rin pala ang Stritch ni Lola kaya siguro ang mga magiging anak ni bessy ay ang mga magiging Stritch ko kumabaga tradisyon na iyon dito.Kung naabutan ko lang sana si lola magpapaturo ako gumamit ng espada niya.

Tinignan ko ang pangalan ng espada sa harap nito.

'Legend Blade Sword'

Hinawakan ko ang espada at bigla nalang itong lumiwanag.

Anong nangyayari sa espada?

•••••••••••••••••••••••••••••••••
Eto na po mga readers YUNG next chapter I don't know yet kung kelan ko ipupublish

byeee gotta go -Athena😉

Sorry sa mga wrong typo, grammar,spelling hehehe

BTW 💖
HAPPY NEW YEAR TO ALL😘
IMISSYOUALL😘😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top