Chapter 45:Girlfriend?!

Athena's Pov

Hawak pa rin ni Ralph yung kamay ko. Sigurado akong namumula ako dahil sa bulong ng mga tao na naririnig ko.

"Ang sweet naman ng dalawang cosplayer na iyon."

"Oonga,tignan mo ang protective nung lalaki, dahil hawak niya kamay nung girlfriend niya."

"Sinabi mo pa!Parang ayaw na niyang pakawalan yung babae, tsaka ang ganda ng buhok nila"

Napag-kamalan na naman  kaming cosplayer.Napabuntong hininga nalang ako.

Marami pa akong bulungan na narinig sa mga dina-daanan namin.Tumingin ako kay Ralph na nakangiti ng nakakaloko ngayon.

"Hoy!Ralph bitawan mo nga kamay ko.At saan tayo paroroon?" Hindi siya umimik pero ngumiti lang siya.

Yung totoong ngiti na nakita ko noon.

(A/N:See Chapter 10)

Nakarating kami sa isang park?Teka?pamilyar itong park na ito ah?Saan ko ba ito nakita?

Isip.isip.isip

Aha!

Eto yung park na pinupunta ko lagi malapit sa bahay nila Isay.

Wala pa ring nagbago sa park na ito.Marami pa rin mga batang namamasyal kasama ang kanilang pamilya.Marami pa rin ang mga iba't-ibang food stall ng mga merienda na gusto kong tikman sana dati, pero wala akong sapat na pera para bumili.

"Tara kain tayo doon Athena,libre ko" biglang sambit ni Ralph at tinuro ang isang food stall saka ako hinila

Wala na ba talaga siyang balak gawin kung hindi hilahin ako lagi?Hindi pa nga ako sumasagot e.

Napa-simangot nalang ako sa ina-asal niya.Huminto kami sa isang food stall ng ihaw-ihaw.

"Teka Ralph,may pera ako wag mo na ako i-treat.Gusto mo ako nalang ang magtreat sayo?" Sabi ko habang naglalabas ng pera.Pero kinuha niya yung wallet ko at sinuksok niya ulit sa bulsa ng pantalon ko.

Kaya napatingin ako sa kanya.

"Treat ko nga diba?" Sabi niya at pi-nat yung ulo ko.Para naman akong naging aso.

"Oona,tsaka kumakain ka ba nito?ng mga isaw?bituka?tenga at paa ng manok?" Tanong ko dahil nga baka hindi siya kumakain nito.Ngumiti lang siya.

Ano ba meron sa kanya at ngiti siya ng ngiti?Kanina pa siya ganya e.Naba-baliw na ata itong so Ralph e.Baka naman sinaniban?

Oonga!napapanood ko ito sa mga palabas na nakakatakot.Pag weird daw ang isang tao at ngumingiti,baka daw nasasaniban ng ibang espirito!

Hala!sinasaniban nga siya dahil tumatawa siya ngayon.Wahhhh!nakakatakot na siya.

Nakita ko naman nakangiti ang nagtitinda ng ihaw-ihaw na nakatingin sa akin ngayon.

"HAHAHAHA!"

Sigurado akong nasasaniban na ito buti nalang may alam akong sinasabi ng mga albularyo para paalisin ang isang espirito sa katawan ng isang tao.

"HAHAHAHA!"

"Ralph!nasasaniban ka gumising ka!" sigaw ko sa kanya na nakakuha ng atensyon ng mga tao dito sa park.Pero tumatawa pa rin siya.

"Lumayas ka sa katawan ng taong ito!lumayas ka!Hindi ka pwede sa katawan ng napaka-gwapong lalaki na ito!" Sigaw ko habang nakatapat ang mga palad ko sa ulo niya.Nakapikit ako para maging success naman ito ,mamaya hindi gumana.

Nakarinig ako ng malakas na
tawa.Pagkadilat ko nakita ko si Ralph tinatawanan ako pati na rin ang mga taong nanonood sa amin.

Hala?nakakahiya pumunta ako sa likod ni Ralph  na tumatawa pa rin at kinapitan ko laylayan ng kanyang damit tsaka nagtago.

Marami namang natuwa sa inasal ko.Bwiset !nakakahiya

"Sorry po sa istorbo,ganto lang po talaga girlfriend ko.Makulit talaga siya at palabiro " sigaw in Ralph sa mga nanonood sa amin habang tumatawa kaya nagbalikan na sila sa ginagawa nila.

Aba't!Anong girlfriend?!

"Hoy Ralph,pinagtri-tripan mo na naman ako at pinahiya mo pa ako.At tsaka anong girlfriend huh?gusto mo nito ah?!" Bulalas ko sa kanya na nagpipigil ng tawa.Pinakita ko yung kamao ko na akmang sasapakin siya.Pero hinawakan niya ito.

"Easy ka lang babe,pasensyahan mo na yung boyfriend mo kasi.......hindi nakasarado yung isip mo kaya natatawa ako tsaka hindi mo naman sinabi agad na gwapo ako na supresa naman ako. " sabi niya at binulong ang huling sinabi.Anak ng!lagi nalang ako tulala kaya hindi ko nasasarado isip ko e!Arghh!!

Kanina pa pala niya nababasa iniisip ko?huhu bwiset ka Ralph!Pati ang mga inisip kong sinasaniban siya?nakakahiya ka Athena!!!"

Sinarado ko na isip ko para hindi na niya mabasa.Nako mahirap na baka pagtawanan na naman niya ako.

"Babe ka diyan!Tara na gutom na ako babe--este Ralph" natawa naman siya sa sinabi ko.

Ellisay's Pov

Ang tagal naman ni Ralph KO.
Totoo yan sa akin lang si Ralph!Bwiset kasing Athena na iyon!

Bwiset!!

Hindi niya pwedeng makuha sa akin si Ralph dahil akin lang si Ralph!Napaka-landi at nagpasama talaga kay Ralph tsk!

Sa sobrang irita ko napasigaw ako....

"Bwisit!ang tagal naman nila !!" Sumagot so Icy sa sigaw ko.
"Magde-date pa sila kaya kawawa ka naman,napag-iiwanan " sabi niya at tumawa.

Bwiset!kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng yan.Pati kapangyarihan ko ginaya.Sabagay kahit naman na paglabanin kami ako pa rin ang mas malakas.Bwahah!

Inirapan ko nalang siya at pumunta sa kwarto ko.Teka bisitahin ko nga muna ang aming mahal na hari.Matagal-tagal na rin ang huli kong punta roon.

Ralph's POV
Ang cute in Athena grabe.Napaka-kulit niya talaga.
Pinagkamalan pa niya akong sinasaniban.

Kumakain kami ngayon ng ihaw-ihaw .Kumakain ako nito dahil nga minsan ng pumunta kami dito sa Mortal World bumili ako ng ihaw-ihaw at nasarapan ako.Dito sa mismong pinagbibilhan namin ngayon ng ihaw-ihaw ako bumili dati.Kaya kilala na ako nung tindero dito.
Na kilala rin ni Athena.

"Iho,ang sweet niyong magkasintahan.Talagang mahal na mahal niyo ang isa't-isa"sabi ni Manong Ricko ang tindero ng ihaw-ihaw.Tumingin sa akin si Athena.Kaya inakbayan ko siya.At tumingin kay Manong Ricko.

" Syempre po Manong Ricko.Mahal ko po talaga siya pero mas mahal niya ako diba babe?"sabi ko at binaling ang mukha kay Athena at ngumisi.

Kitang-kita kong inis na inis  siya sa sinabi ko Hahaha.

Natutuwa akong naiiinis siya sa akin.Ang cute niyang mainis.

"Opo mahal na mahal ko po talaga itong 'letcheng' boyfriend ko hehehe.Tsaka po napakabait nito grabe 'pwe!devil nga ito e'" Natawa ako sa mga bulong na sinabi niya tapos kinurot niya ako sa tagiliran, kaya tinukso ako ni Manong Ricko sa kanya.

Bakit ba ang saya ko kapag kasama ko siya?Hindi naman ako ganto dati.Hindi ako ngumingiti at lalong hindi ako tumatawa.Pero bakit pag kasama ko si Athena nawawala ang pagkamalamig ko?

Nawawala na ba ang dating na Ralph na napakalamig at walang emosyon na ipinakikita sa ibang tao?

•••••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N:Sorry super late ng UD ko .Sorry sa paghihintay readers.:( SANA MAINTINDIHAN NIYO HUHUHU

BTW emegesh kinikilig ako habang nagsusulat ako hihihi.Iniisip ko yung mukha ni Ralph na si Baekhyun omogod!hihi

Sino fan ng exo?taas kamay👐

Hindi muna daw magpaparamdam ngayon so Unknown POV napagod siya kaya bukas nalang daw HAHAHA

Lovelots 😚😚

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top