Athena's Pov
"Bessy gising na"
Nagising ako kay Bessy
"3:30 pm na Bessy"
Bumangon ako at naligo.
Wala lang trip ko lang maligo hahah para mabango
Pagkatapos ko bumaba na ako
Nakita ko sila Bessy nasa tapat ng pintuan at alam kong ako nalang hinihintay
"Oh tara na,sorry pinag-intay ko kayo hehe" sabi ko
"Ok lang beb!" Sabi ni Icy na nakangiti
Pagkarating namin sa tapat ng gate ng Legendary Forest may mga nag-aantay na estudyante
Takot sila maparusahan kaya't maaga sila haha
Sa totoo hindi naman sila mapaparusahan eh,biro ko lang yon masyado silang seryoso
Nakatayo lang kami doon sa tapat ng gate
Marami na ang estudyanteng nandito
Nasa kaliwa ko sila Headmistress at ang sub-elementalist sa kaliwa naman nila ay mga pinadala kong alagad galing sa kaharian namin at nasa kanan ko naman sila Bessy ganun din sa kanan nila may mga alagad
Taray noh?alagad hahah
"Siguro naman kumpleto na tayo lahat?buksan na ang gate "
Pagkasabi ko nun kinontrol ko sila Bessy kasama ang Headmistress at Sub-Elementalist
Lumipad kami.
Para makapasok ang lahat ng estudyante
Mas lalong gumanda ang Legendary Forest ngayon dahil pinaganda ko ito kahapon
"Maligayang Pagdating sa Legendary Forest" sabi ko at naglibot kami habang nasa ere
Humiwalay kami sa Headmistress at Sub-Elementalist
Maraming naglibot at naghiwa-hiwalay upang tignan ang magagandang bulaklak at tanawin rito
Natatanaw ko sa malayo ang isang kaharian
Sa tingin ko iyon na ang Wizard Kingdom
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng may maramdaman akong malaking presensiya
Eto yung naramdaman ko nung nagensayo kami rito
Hindi ko na namalayan na lahat ng estudyante ay nagtatakbuhan na papunta sa gate
Pagkatingin ko sa dulo
May isang malaking halimaw?!
Paano nakapasok ito rito?!Nilagyan ko na ito ng invisible barrier ito ah?
Lumipad ako patungo sa kung nasaan naroroon ang higanteng halimaw
Gumawa ako ng sibat gawa sa apoy at humanap ako ng tiyempo na isaksak sa higanteng halimaw
Nung hindi siya gumalaw sa likod niya ako pumunta at sinaksak ko siya
Nakita kong tumutulong na rin ang iba pati sila Bessy
Hindi pa rin sapat ang pagsaksak ko dito kaya lumayo muna ako
'Ikaw ang nagtataglay ng 'Cursed Magic' Athena
Kaya mong pumatay sa loob ng isang segundo at lahat ng power sa mundo ng mahika ay kaya mong gayahin'
Natandaan ko na naman si Olivia
Kaya kong pumatay sa loob ng isang segundo?
At lahat ng power ay nasa akin?
So ibig sabihin kaya kong pumatay mag isa ng gantong kalaking halimaw?
May biglang dumating na kawal san galing to?pinapatay nila ang halimaw mga naka kulay berde ang mga alagad?
Nakita ko Kristine?! 0_0
Malapit na siyang hawakan ng halimaw na iyon
Nagteleport ako sa tapat ng halimaw bago pa niya saktan si Kristine
Parang tila slow mo ang lahat
Tinitigan ko ang halimaw at bigla itong naging abo?
Bigla kong nahilo kaya nawala ako ng balanse upang lumipad
Onti nalang talaga babagsak na ako sa lupa
Hindi ko namalayan na nasugatan pala ako sa tiyan kaya pala ang sakit
Akala ko tatama na ako sa lupa kaso may sumalo sa akin si
Ralph
"R-ralph"
Napatayo ako sa gulat nasi Ralph iyon
Hindi ko alam pero napatayo ako bigla kahit may dinadaing akong sugat
May nakita akong babaeng at lalaking nakadamit ng kulay berde
Napaka-elegante nilang tignan
Lumapit ito sa akin at
Nag-bow?
"Magandang araw Mahal na Prinsesa-----"
Unti-unti akong nahilo at nagdilim ang aking paningin
Ralph's Pov
Nasalo ko si Athena ng bumagsak siya at nahimatay
Dinala na namin sa Healing Room si Athena kasama ang mga kaibigan niya
Yung Reyna at Hari ng Wizard Kingdom ang kumausap kanina kay Athena bago siya mawalan ng malay
Hihintayin daw nila ang paggising ni Athena
Ano kaya kailangan nila kay Athena?
Hayss
Sigurado akong nahimatay siya dahil ngayon lang niya siguro nagamit ang kapangyarihan niyang iyon at may sugat siya sa tiyab
Ang 'Cursed Magic
na dati meron nun ay ang lola ni Athena
Matagal ng walang nagmamay-ari sa kapangyarihan na iyon
Hanggang sa namana na ni Athena yung sa lola niya,ang huling nagmay-ari ng Cursed Magic
Kinuwento ito ng history teacher namin dati
Yung bagong kaibigan ni Athena pumunta sa dorm para kumuha ng damit ni Athena
Si Linda naman ay bumili ng pagkain
Si Kristine?nakonsensiya ayaw niya raw tignan ang kalagayan ni Athena dahil daw sa kanya nagkaganyan si Athena
Hayss.......
Nakatitig lang ako kay Athena.Mas nilapit ko ang upuan sa tabi ni Athena
Sabi nung nurse napagod lang raw siya at naubusan ng lakas dahil gumawa siya ng barrier sa Legendary Forest kahapon
Pinapagod talaga ni Athena ang sarili niya
Tinitigan ko si Athena
Ang ganda talaga niya para siyang isang dyosa mas maganda pa siya sa dyosa ng kagandahan si Aprodite
Sabagay siya ang Legendary Princess kaya maganda siya
Ang amo ng mukha niya pag tulog pero paggising siya napakalamig ng binibigay niya sa aming tingin
Kasalanan namin kung bakit siya ganyan
Naawa talaga ako dahil nilapnos ko ang balat niya pero ang ganti niya lang ay bugbog sa akin
Gumaling siya dahil kay Linda ang pinakamagaling na mangagamot ng Wizard Kingdom..
Teka baka siya rin ang anak ng Reyna at Hari ng Wizard Kingdom?!
Kristine's Pov
Nakokonsensiya ako
Bestie patawad dapat ako ang nasaktan at hindi ikaw
Dapat ako ang nanjan sa Healing Room at nakahandusay sa kama jan!
Niligtas mo ako Bestie para di ako masaktan
Bestie salamat sa lahat
Nandito ako sa kwarto ko at nakakulong ayokong makita ang bestie ko na nakahiga at may dinadamdam
Iyak lang ako ng iyak
Kinakatok na ako ni Stacey at Ellisay pero hindi ko sila pinagbubuksan
"Go away from my room!!It's my fault!!Blame me!"
"No,Hindi mo kasalanan iyon!niligtas ka niya Kristine siya ang may kasalanan kung bakit siya nandu--"
"I SAID GO AWAY!WAG MONG PAGSASALITAAN NG GANYAN SI BESTIE!GO AWAY ELLISAY HINDI KA NAKAKATULONG!"
Sigaw ko sa kanya
Habang umiiyak pa rin
Wala akong pake kung masaktan siya sa sinabi ko ngayon. Gusto kong mapag-isa ginugulo nila ako
Natigil din ang pagkatok sa pinto ko
Pero ang pagbagsak ang mga luha ko ay di pa rin tumitigil
Kasalanan ko to kaya dapat parusahan niya ako!
Unknown Pov
Kinakabahan akong pumunta sa kwarto ng mahal na hari pagkatapos ng nangyari
Pagkabukas ko ng pintuan
Bigla akong hinawakan ng mahal na hari sa baba ng pagkadiin-diin
"NAPAKAHANGAL MO!!!!AKALA KO BA MAGANDA ANG PLANO BAT NAPATAY NG PRINSESA YON HA?!AT AKALA MO HINDI KO ALAM ANG NANGYARI?!HANGAL NANDOON AKO!"
"Patawad po mahal na hari hindi ko po alam na mapapatay ng prinsesa yon"
"TALAGANG GUSTO MO NG MAMATAY ANG MGA MAGULANG MO HA!SUBUKAN MO KO!"
"PARA HINDI UMINIT ANG ULO KO TAWAGIN MO ANG KAIBIGAN MO AT PUMUNTA KAYO RITO MAY BAGO AKONG PLANO!"
"Opo mahal na hari masusunod p-po"
Nagmamadali akong umalis don dahil baka hindi na makapagtimpi ang hari na iyon na patayin ang ina at ama ko
Nang makarating ako sa Academy
Pinuntahan ko agad siya ng makapunta kami doon
Patawad sa lahat ng ginawa ko Athena talagang para lang sa magulang ko ito
•••••••••••••••••••••••••
A/N: eto na Ud guys
Hope you like it sino gusto magpadedicate?
Lovelots
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top