Chapter 3: Enchanted Forest

Athena's POV

Nandito ako ngayon sa kusina nagluluto para sa Auntie ko. At buti na lang umalis si Isay anak ni Auntie. Ang pagkakarinig ko magbabakasyon si Isay kasama ang mga kaklase niya.

Di ako chismosa ah, narinig ko lang naman 'yon.

Salamat nabawasan ang mag-uutos sakin.

Nag-aaral ako dati sa school na pinag-aaralan ni Isay and pinahinto nalang ako ni Auntie bigla. I know some of my school mates or classmates might be confused, but sa private school kasi ako pinag-aral kaya natuto ako magsalita ng english. They were so cknfused but mas ahead yung kaya kong aralin and pag aralan kahit ka same year level ko sila. And lagi kong kalaban sa rankings mg top is si Isay.

Yeah, she was smart.

Before, I was a top student sa school and isa yun sa achievement na maipagmamalaki ko na nagawa ko sa buhay. Maybe that was just a little thing because it was just an achievement that will not last. Pinakamalaking achievement na 'di ko naabot ay ang makatungtong ng college at makapagtapos.

"Oh ano tutunganga ka nalang ba diyan? aba't andami mo pang gagawin. Bwisit na 'to, pwede bang tapusin mo na yan bago pa mag init ulo ko sayo?" sabat ni Auntie habang nakatulala ako somewhere. Kaya dali dali ako napakilos sa sigaw niya sa'kin.

Tsk! alam mo bang mas nakakainit ka po ng ulo.


Matapos ang mahabang linisan sa bahay, diretso nako sa work para makapagtrabaho, syempre ano pa nga ba ang aasahan di'ba.

Unang bumungad sa'kin mula sa labas ay ang mga nagdadagsaang customers sa restaurant.

Pumasok na ako sa employee entrance sa gilid, kasabay ng malakas na tunog ng kampana sa pintuan sa entrance ng customers. Ang amoy ng masasarap na pagkain at ang ingay ng mga usapan at tawanan ang bumati sa'kin. Punong-puno ang restaurant ng mga customer, bawat mesa ay abala sa pag-eenjoy ng kanilang mga pagkain.

In the midst of the busy ambiance, the waitstaff moved quickly, carrying plates of various dishes, from sizzling sisig to creamy carbonara..

I quickly moved behind the counter, tying my apron on as I greeted a few regular customers with a smile. Dito ako naka assign ngayon, and medyo kinakabahan ako but I need to chill kasi ilang beses ko na 'to naging trabaho and papalit-palit lang.

Nakita kong abala ang katrabaho kong si Jade sa pag-aasikaso sa isang malaking grupo sa isang corner booth. Habang nagsasalin ng tubig sa mga baso ng mga customer, sinigurado ni Jade na nasisiyahan ang lahat sa kanilang pagkain.

Nang bahagyang kumalma ang dagsa ng mga tao, lumapit si Jade sa akin, may kuryosidad sa kanyang mga mata.

"Hey, Jade! Kamusta? Tuloy-tuloy ang dami ng tao mula nung pumasok ako," sabi ko.

"Oo nga! May dumating na malaking grupo nung pagbukas pa lang natin, at hindi pa humuhupa hanggang ngayon. Pero okay lang, masaya akong makita ang daming tao na nage-enjoy sa pagkain natin," sagot niya habang lumilinga sa paligid, tila nag aabang ng mga customer na magpapa-assist.

"It's the kind of busy I don't mind. Have you seen the new menu items we launched today? Ang dami ng order," sabi ko habang nagliligpit onti.

"Oh, yes!" Jade exclaimed. "Especially the new pasta dish, it's a big hit! Siguro pwede tayong mag-setup ng special promo para mas lalo pa silang maengganyo," sagot ni Jade.

"I was thinking the same thing," I said. "Puwede kaya tayong mag-offer ng free dessert sa bawat order ng bagong dish? Tiyak na magugustuhan nila yun,"

"Great idea! and sabi naman ni boss sa morning briefing kanina, okay daw mag offer tayo ng ganon as long as mabebenta natin yung mga new items natin today, hindi siya magiging problema" Jade said while smiling. "I'll handle the front while you take care of that."

Habang nagpapatuloy ang usapan namin, isang batang trainee ang lumapit sa counter, dala ang kanyang maliit na notepad. Mukha siyang kinakabahan.

"Ah, Ate Athena, paano po ba ulit mag-input ng special requests sa system?" tanong niya.

"Madali lang yan," sabi ko, habang ipinapakita ang screen. "I-click mo lang itong 'special instructions' at itype mo dito ang request ng customer. Tapos, siguraduhin mong na-confirm mo sa kanila para walang sablay."

"Thank you, Ate Athena," she said, smiling with relief as she returned to her table.

Just then, a regular customer waved from his table, needing a refill for his drink. Jade immediately went over to assist him.

"Jade, could I get a refill of iced tea, please?" the customer asked.

"Of course, sir. Just a moment," Jade replied, quickly returning with the refill.

"Thanks, Jade," the customer said.

"No problem at all," he said, then came back to me habang nagrerefill sa likod ng iced tea.

Ang dami nating bagong mukha ngayon," napansin ni Jade. "Mukhang may mga turista rin."

"Oo nga, napansin ko rin. Siguro dahil sa bagong marketing campaign natin. Mabuti na rin para makilala pa tayo ng mas maraming tao," sabi ko.

Then he returned to the dining area, walking between tables to ensure all the customers were happy. I saw a family enjoying their meal and a group of teenagers celebrating a birthday.

What a nice life.


Matapos ang mahabang duty, nagliligpit na kami at nag ayos ng restaurant. At ako ang maiiwan, as usual. Pero etong si Jade, sabay na daw kami dahil wala pa ang kanyang sundo. I wonder if sino susundo sa kanya.

Maybe girlfriend niya? Pero, girlfriend ang susundo? seriously? may ganun ba at gabi na?'Delikado pa naman dahil nasa probinsya kami.

Dinaldal lang ako ni Jade buong oras na naglilinis ako at matapos ng lahat ng ginagawa ko, nakapagbihis na ako at ready na umuwi. Saktong may dumating na kotse sa labas ng restaurant kaya napatingin ako.

Pagkalabas namin, sinalubong agad ni Jade ang lumabas sa kotse. girlfriend nga.

She is tall and model-like, with captivating eyes and a radiant smile that lights up her face. Her graceful features, well-maintained hair, and striking physique are complemented by her genuine kindness and intelligence.

First impressions last, right?

Hinalikan agad siya nung girl and nahiya ako tumingin onti. Dahil nga magkasunuran lang kami ni Jade kaya napatingin ako sa ibang gawi.

"Oh, you're Athena, right?" ,sabi niya at napatingin sa'kin. Ngumiti naman ako sa kanya "Yup! That's me." sabi ko at tumingin sa kanya ng diretso. Ang ganda niya, grabe!

"Mauna na kami, Athena. Take care! or want mo hatid ka namin?" sabi naman ni Jade na nakahawak sa bewang ni Margaret. Yes, that's her name, na kwento siya sa akin ni Jade minsan. And I am happy to know na masaya siya with his partner. Jade was a good friend to me, nothing more than that.

I'm just glad na may kaibigan ako at mabait sa'kin.

"No please, I'm fine. Malapit lang ako dito. Kayo ang mag iingat sa byahe" sabe ko with full of sincerity and saka sila nagpaalam at umalis.

Naglalakad nako and malapit lang naman talaga kami dito. When I sense something or someone.

Pakiramdam ko may sumusunod sa akin at nagmamasid. Parang ang daming mata na hindi ko maintindihan. Bakit pakiramdam ko ang weird ng mga dinadaanan ko. Feeling ko hindi totoo. Naglakad nalang ako ng mas mabilis pero parang may humahabol sa'kin. Kinakabahan na ako, tumataas balahibo ko at parang 'di ako makahinga.

Hindi ko na natiis at tumakbo na ako ng mabilis, iba na talaga pakiramdam ko sa gawing 'yon. Parang may mga tao pero gabi nam at sobrang dilim na sa mga dinadaanan ko. Ayaw ko tumingin sa likod ko dahil feeling ko may makikita ako.

Thank God at nasa bahay na ako! Grabe 'yon, now lang ako natakot ng ganon.

Pagpasok ko, hindi ko alam pero parang nahihilo ako at dahil siguro sa gutom ito, inuwi ko kasi yung dinner na nakalaan sa mga employee sa work and inuwi ko yung sakin. Balak ko sana dito kumain sa bahay kasi gabi na at ayaw ko abuting ng sobrang gabi sa restaurant.

Pagkarating ko malapit sa hagdan, na out of balance ako at hindi ko sinasadya na matabig ang mamahaling vase ni Auntie sa gilid ng hagdan.

"Boogshh"(A/N:tunog ng nabasag na vase pagpasensyahan niyo yung tunog hehehe)

Sh*t

"Ano na namang-Bwisit ka talagang babaita ka! Perwisyo ka sa buhay ko lumayas kana dito! Yung mamahaling vase ko pa binasag mo! Lumayas kana! wag kang magpapakita sakin" lumabas siya mula sa kusina at sobrang galit na galit ang mata niya sa'kin, dun ako kinabahan dahil parang may something sa mata niya na nag iitim nalang bigla. Natakot ako ng hindi ko alam.

Nagmamadali akong pumunta sa bodega at kinuha ang mga gamit ko lahat ng nandon saka dali dali ako lumabas ng bahay, talagang pinapalayas na ako.

"Ano di kapa aalis! Perwisyo kang babae ka!" sabi ni Auntie nung pagbaba ko at pinapalalabas niya ako habang sinasabunutan na parang kinakaladkad.

Sa sobrang sakit di ko namalayan na sinampal ko si Auntie.

*Pak!*

Nagulat rin ako sa ginawa ko kaso mali na ang ginagawa nilang magina, kaya alam kong tama ang ginawa ko ngayon kailangan ko ng lumaban sakanila.

"Nakakaperwisyo nga ako dito Auntie ,pero mali na ata yung ginagawa mo sakin!Auntie ba talaga kita?! Sa tingin ko kung pamangkin mo talaga ako di mo ako gagawing alipin! kaawa-awa, talunan. Lagi niyo nga ako inaapi konting pagkakamali ko lang! Ano bang nagawa kong masama sainyo? Kung maka api kayo pag nagkamali ako parang di kayo nagkakamali ah. Hindi ka DIYOS! hindi kayo diyos para apihin ako pag nagkakamali dahil tao ako, tao ka rin sana isipin niyo yon!" nagulat siya sa mga sinabi ko halos mangiyak-ngiyak na ako sa mga sinasabe ko habang dinuduro siya, dahil gawain niya yan sakin.

"Hindi mo kasi alam, hindi mo ako Auntie! Inampon lang kita! 'di ka totoong anak ng tinuturing mong Mama at Papa. Saka yung kwento ko sayo na namatay yung mama mo sa panganganak di yon totoo. Ako ang nakakita sayo sa Gubat, saka yung box na binigay ko sayo ayan yung katabi mo nung nakita ka namin sa gubat! ano masaya kana?! Kaya lumayas kana, 'di na kita kailangan dito! Wala kang utang na loob!"

Pumatak na lang ang mga luha ko di ko akalain na kasinungalingan lang pala yon lahat pati sila mom at dad na kinuwento ni Auntie sakin. Tumakbo ako palabas at di ko na alam kung saang gubat ako dinala ng aking mga paa. Ang sakit sakit ng mga nalaman ko, lahat ng mga alam ko ay wala palang katotohanan.

Napagdesisyon kong umupo muna sa puno na na nasa tapat ko, pero laking gulat ko bakit kulay itim'to, hindi ba't dapat brown. Yung ibang puno naman kahit madilim ay kita kong brown, eto lang ang hindi. Weird.

Pero hindi ko na lang pinansin ng sobra dahil 'di ko matanggap na si auntie lang ang nakakuha sakin sa gubat ansakit yung akala kong totoo lahat ay kasinungalingan lang pala.Buti nalang nadala ko yung box tsaka yung ipon ko niyakap ko iyon tsaka unti-unti akong nakatulog sa gilid ng punong itim.


Ace's POV

Nandito kami ngayon naglalakad papunta sa portal na matagal ng hindi ginagamit papunta ang portal na iyon sa Enchanted Forest ng Mortal World. Pero sa mga tao ng mortal world ay isa lamang itong kagubatan, pero sa mga katulad naming hindi ordinaryo o isang immortal ang Enchanted Forest ay isang sikat na lugar para sa amin dahil nandito lahat ng mga healing leaf para sa mga wizards na pwedeng makapag pa buhay ng isang mortal. Pero nandito kami para sa isang misyon na ibinigay sa amin para hanapin ang nawawalang prinsesa ng celestial kingdom, dahil nagsalita na ang Book of Prophecy.

Maganda kaya yung prinsesa? Ehehe sorry playboy lang este pogi.

"Sigurado ka bang dito ang daan ng portal papuntang enchanted forest?" Tanong ni Veronica na nakasimangot habang naglalakad papunta sa lugar na kinalalagyan ng portal. Marunong naman kaming gumawa ng portal kaso si Headmistress kasi pinapahanap pa samin kaurat eno!

"Oonga unli ka?" sabi ko kay Veronica habang nakasunod sa apat na taong nasa unahan namin ang mga Elementalist at mga prinsesa at prinsipe ng Apat na Kingdom. Sa katunayan nga napasama lang kami dito dahil rare na ang aming magic, dapat yung mga elementalist lang ang bibigayan ng misyon e. Epal kasi itong si Veronica eno, hindi porket anak siya ng kanang kamay ng Hari at Reyna ng Enchant Kingdom eh mas mataas na siya sa tulad namin! Sabagay, di pa nakakapunta ng portal papuntang Enchanted Forest.

Btw, Im Ace pogi Looperd, my power is Thunder Lightning. I'm available today girls *insert wink*.

"Were here",huminto kami sa tapat ng kulay itim na puno.

"Huh? nasan yung portal? wala namang portal dito ah?" tanong na naman ni Veronica.

"Tsk! Ayan na sa tapat mo oh!" mataray na sagot ni kristine.

"Huh? etong itim na puno?" Aishh!may utak ba talaga to?

"Can you please shut up?! pwede bang sumunod ka na lang sa gagawin namin?! Sabit ka na nga lang dito ang dami mo pang reklamo. Your too irritating!" Sabi ni Ralph na sobrang inis.

Ha!Ha!Ha! Buti nga sakanya.

Kristine's POV

"Can you please shut up?! pwede bang sumunod ka na lang sa gagawin namin?! Your too irritating!" Sabi ni Ralph kay Veronica sa sobrang inis.

Tsk! serves you right bitch!

Kawawa naman nareaktalk siya ng ultimate crush niya. Btw! I'm Kristine Aira Airy ^_^ 17 years old! I'm the Sub-Elementalist of Air and I'm the Princess of Air Kingdom.

Were heading now to the Enchanted Forest in Mortal World. Sa Enchanted Forest, ng mundo ng mga tao may barrier na nakapalibot dito only a magians ang pwedeng makalagpas sa Barrier na ito pag tao ka at dumikit ka sa invisible Barrier pwede kang mamatay o kaya ma coma ayun ang sabi ng History teacher namin sa Magian Academy , nandito kami dahil Headmistress give us a mission to find the Legendary Princess of Celestial Kingdom.

We are here in the front of Legendary Tree but now the Legendary Tree became color black because the Legendary Princess is missing. Pumaligid kaming siyam sa itim na puno at may bingkas na spell si Ralph. In just a blink nandito na kami sa Mortal World Sa Magical World umaga pero dito gabi na?

Naglakad na ako ng bat may malambot akong natapakan? Baka tae to? iww! kaso pag tingin ko ang dilim kaya di ko makita kung ano ito kaya tinawag ko si Ace.

"Ace gumawa ka ng ilaw bilis!" Nagtaka pa ito pero sinunod rin ng nakita ko kung ano yung natapakan ko isang........

BABAE?!!

"Guys! look here" nagulat sila dahil may babae at nakalagpas siya sa barrier?

So ibig sabihin magian siya?

"Kailangan natin ito dalhin sa academy,isa siyang White Magian" Sigaw ni Aby kaya nalaman niya na White Magian dahil naramdaman niya yon. Kaya dali daling binuhat ni Xander yung girl at gumawa agad ng portal papuntang academy.


~~~~~~~~

Lovelots
mndrmbs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top