Epilogue

[Raze]

"And that's the tale of the legendary witch," pagtatapos ko sa kwento.

Isinara ko ang librong hawak-hawak ko at muling tinapunan ng tingin ang mga batang nakikinig sa akin. Halo-halo ang mga reaksyon nila sa dulo ng kwento ko.

"W-Woah! So, Teacher Raze, ano pong nangyari kay Astria?" marahang tanong ng isa kong estudyante.

Napangiti ako sa tanong niya. "Some says na kasama na niya ngayon ang Grimoire niya, binabantayan niya ang mundo ng mahika. Ang sabi naman ng iba ay bumalik si Astria sa kwebang kinalakihan niya at hindi na ito lumabas pa," sagot ko rito.

Hangang-hanga sila sa sinabi ko. Muling may nagtaas ng kamay sa mga estudyante ko.

"Sir! Sir!" pangungulit ni Zairous sa akin.

Natatawa akong tinawag siya, "Yes, Zairous, any questions?"

"So, Sir, ano po ba si Astria? Isa po ba siyang mabait o masamang witch?" inosenteng tanong niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya at natigilan ako. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na 'ko ng isa ko pang estudyante.

"Tsk, natural lang na isa siyang masamang witch. Maraming nadamay sa mga masasamang spells na ginawa niya," sagot ni Raina.

Sumimangot si Zairous sa sinabi niya. "Anong masama?! Eh siya nga ang nagligtas sa atin! Dahil din sa kaniya ay marami na tayong spells na nagagamit ngayon!"

Natatawa ko silang sinuway at pinahinto sila sa pagtatalo. "Oh, tama na 'yan," sambit ko.

Huminga ako nang malalim bago tignan ang kabuoan ng klase.

"Nasa sa inyo na kung anong tingin niyo kay Astria. If you think that she's a good witch, then that's good. If you think she's not, it's not bad either."

"Pero isa lang ang hindi nating matatanggi lahat." Mapait akong ngumiti.

"Xena D. Astria was the greatest witch of all time."

≿—༻❈༺—≾

Natapos ang klase at nagsimula ng nagsilabasan ang mga estudyante ko. Naiwan akong mag-isa at inayos ang mga gamit ko. Habang nag-aayos ay napako ang tingin ko sa librong hawak-hawak ko kanina.

'The tale of the legendary witch.'

Mapait akong napangiti nang hinawakan ko 'to.

It's already been five years. Limang taon mula nang mangyari ang blue moon. Ang gabing nawala si Xena kasama si Aeros at ang Grimoire.

Kahit limang taon na ang lumipas ay sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari.

Ni hindi ko man lang nasabi kay Xena ang gusto kong sabihin...

"Yoh. Are you free?" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses sa tapat ng pinto.

Napalingon ako sa pinanggalingan nito at bumungad sa akin si Zairah. She has a lively expression—always has cheerful smile everytime she sees me. Pasimple kong tinago ang libro at ngumiti na humarap sa kaniya.

"Mind if I waste your time?" tanong niya.

I chuckled in response. "Even if I don't want to, I still can't refuse you."

Natatawang sumagot si Zairah, "Good, at least you know."

Sinenyasan niya 'kong sumunod sa kaniya. Wala rin akong nagawa kung hindi sumunod.

Pumunta kami ni Zairah sa parke sa loob ng school at umupo sa isang bench.

"Kumusta ang pagtuturo, Raze?" marahang tanong sa akin ng babaeng kasama ko.

Kumurba ang labi ko sa tanong niya. "It's fun. Masayang magturo sa mga bata."

Nanatili kaming nakatingin sa mga batang naglalaro sa parke.

"Oh, by the way. Congrats nga pala Zairah. Nag-proposed na pala sa'yo si Lei," pagbati ko kay Zairah.

Natatawa itong tumingin sa daliri niyang may singsing. "Ah, salamat."

"Pero matatagalan pa ang kasal. Masyado pang busy iyon sa council at ako naman sa school," muling sambit niya.

Napangiti ako sa sinabi ng kasama ko. Naging parte na ng council si Leirous matapos ng tatlong taon.

Kasama niya rito si Tana na kagaya ng pangarap niya, isa na rin siya sa mga witches na tinitingala ngayon.

Habang si Zairah naman ay nagpatayo ng sarili niyang paaralan sa Gretta, kung saan ako nagtatrabaho ngayon.

"Hey Raze, don't push yourself too hard okay?" paalala sa akin ni Zairah. She said it casually, to make sure that I won't take it in a wrong way... she's being considerate as always... since that night.

Nakangiti akong tumango sa sinabi niya. "Of course, I won't."

Hindi nawawala ang tingin ko sa mga batang naglalaro. Unti-unting bumaba ang tingin ko.

Of course... I... won't...

Matapos ng ilang oras na pagkekwentuhan namin ni Zairah ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Muli akong bumalik sa opisina ko.

Kaswal lang akong naglalakad nang salubungin ako ng isa sa mga estudyante ko.

"Oh Raina, anong maitutulong ko sa'yo?" marahang tanong ko rito.

Sumabay itong naglakad sa akin pabalik sa opisina ko.

"Sir, gusto ko lang pong tanungin. Para sa inyo, anong klaseng witch si Astria?" tanong sa akin ng batang babaeng kasama ko.

Natigilan ako sa sinabi niya. Bago ako makasagot ay binuksan ko muna ang pinto papasok sa opisina ko. Pumasok ako sa loob at sumunod din sa akin ang estudyante ko.

"F-For me? I guess. She's a good... and a bad witch," sagot ko sa estudyante ko.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "E-Eh? Bakit naman po dalawa?" tanong ni Raina.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"She's a good witch, because of the things she'd done for our world," pagpapaliwanag ko.

"And she's bad..." I intentionally paused. "Because she can't keep promises..."

Nagbago ang ekspresyon ko. Bago ko maramdaman ang pagtulo ng luha ko ay maibilis ko ng iniling ang ulo ko.

"A-Ah, may tanong ka pa ba Raina? Busy kasi si Teacher eh," pag-iiba ko.

Imbis na sumagot, tila napunta ang tingin ng estudyante ko sa likod ko. Hindi ito makapaniwalang itinuro ang mga simbolo na nakalagay sa mga papel sa lamesa ko.

Namimilog ang mga mata niya dahil sa pagkabigla.

"T-Teacher.... Those are Cipher spells, hindi ba?" marahang tanong ni Raina sa akin.

Kapwa niya ay napalingon din ako sa likuran ko. Wala akong kaemo-emosyong tumango sa sinabi niya.

"P-Pero paano po? Hindi po ba wala na ang mga spells na 'yan?" She really looks confused.

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya.

Sa loob ng limang taon. Dito ko iginugol ang oras ko.

Hindi ako nawalan ng pag-asa.

"I'm going to bring back Xena D. Astria."


-END-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top