9. The Princess of Bernice
THE PRINCESS OF BERNICE
[Zairah]
Iritado akong bumalik sa Academy kasama si Lei. Dala namin ang lahat ng ingredients pwera na lang sa Mullein herb.
That freaking Raze! Namumuro na sa akin ang kupal na 'yon! Masyado na ata niyang pinapairal ang kayabangan niya at hindi na niya kilala ang binabangga niya!
"Come on Zairah. Let's just ask for-"
Hindi na naituloy ni Lei ang sasabihin niya nang matalim ko siyang tinignan. "I won't ever ask for my parent's help," mariin na sagot ko.
Hindi ko na hinintay na sumagot si Lei at agad ko na itong iniwan mag-isa. Iritado akong pumunta ako sa dorm ko.
"Welcome back, Miss Zairah," bungad sa akin ni Richel nang makarating ako sa tapat ng dorm ko. Ang personal assistant ko.
She still has that resting bitch expression that makes me more irritated. "Nakuha niyo na po ba ang mga kailangan ninyo?" tanong nito sa akin.
Hindi ko siya sinagot at dumeretso na kaagad ako sa loob ng dorm at pinagsarahan siya ng pinto. Panigurado, kapag nalaman niyang hindi kami nakakuha ng Mullein herb ay sasabihin niya sa mga magulang ko. At dahil sa koneksyon at pera nila ay madali silang makakakuha n'on.
Ang pinakahuling bagay na gagawin ko sa buong buhay ko ay ang paghingi ng tulong sa mga magulang ko.
The same as Lei, our parents doesn't give a shit about us despite being a ruler and a part of the council.
Ang pinagkaiba nga lang ay literal na wala talagang paki kay Lei ang mga magulang niya. Samantalang sa akin ay walang paki ang mga magulang ko sa gusto ko at ang gusto lang dapat nila ang masusunod.
They want me to be a well known witch and rule Bernice one day.
But I don't give a shit about that. I don't freaking care about having power as a ruler.
I'm a witch! Pangarap kong malaman ang lahat ng misteryo sa mundo at mapuno ng kaalaman ang isipan ko.
Wala akong paki sa pagiging isang noble. Kinakahiya kong pinanganak ako sa isang mayaman na pamilya.
They always call me the Princess of Bernice but I'm not!
I'm Zairah, the witch!
Napaismid ako at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Bwisit! Kung nagawa ko lang mahanap ang taong 'yon ay hindi ko na kailangan pang um-attend sa walang kwentang school na 'to.
Gagawin ko ang lahat para sa pangarap ko. At para magawa ko 'yon ay kailangan ko ang taong 'yon. Gusto kong matuto mula sa kaniya.
"Miss Zairah." Rinig kong tawag ni Richel sa akin.
Iritado kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Richel na may hawak na isang kahon.
"Nandito na po ang mga Mullein herbs," kaswal na sambit ng PA ko.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "I don't freaking need it," giit ko.
Hindi ako pinakinggan ni Richel. Bagkus ay pumasok ito sa loob ng dorm ko at nilagay sa lamesa ang kahon na naglalaman ng Mullein herbs.
"I told you. I don't fucking-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makaramdam ako nang malutong na sampal galing sa kaniya.
Nahinto ako habang nararamdaman ang mainit-init at mahapding pisngi ko.
"Your language, miss. Hindi ganiyan magsalita ang isang noble," kaswal na sambit ni Richel.
"Your parents gave me permission to lecture you. Wag ka sanang magtanim ng sama ng loob," dagdag niya.
Dinaanan ako nito at kaswal na naglakad papunta sa pintuan.
"You'll need those to pass your subject. Alam mo namang kailangan mo ng matataas na grado para hindi ka magbigay ng kahihiyan sa mga magulang mo," pahabol ng PA ko, bago lumabas ng dorm ko.
Unti-unting nag-igting ang bagang ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa pisngi kong sinampal niya. Tanging pag-ismid na lamang ang naisagot ko.
That freaking bitch. Darating ang araw na babawi ako sa kaniya.
≿—༻❈༺—≾
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang pumasok sa una kong klase. I'm still not in a good mood.
Kahit ayaw ko man gamitin ang mga Mullein herbs na pinadala sa akin ni Richel ay dinala ko pa rin ito. Inisip ko na lang na para kay Lei ang mga ito.
Paglabas ko ng dorm ay nabigla ako nang makitang nasa labas si Lei na nakasandal sa pader.
The idiot is waiting for me outside, crossed arms.
"What are you doing in here?" marahang tanong ko. Hindi ako sanay na maaga nagigising ang lalaking ito.
Napunta ang tingin ni Lei sa akin at natigilan ako nang makitang iba ang ekspresyon niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Hindi pa bumabalik sa dorm si Xena mula kahapon."
Nabigla ako sa sinabi niya ngunit hindi ko ipinahalata. Umiwas ako ng tingin kay Lei at nagsimulang naglakad.
"So? Bakit mo sinasabi sa akin?" giit ko.
Nagsimula na rin akong sabayan ni Lei. "S-Sa tingin mo kaya pumunta sila roon?-"
Napaismid ako sa sinabi ng lalaking kasama ko. "Shut up, Lei. Hindi sila gano'n katanga para pumunta roon." Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Kahit sinabi ko 'yon ay hindi rin mawala sa isip ko ang chansang pumunta nga sila sa lugar na 'yon.
Howling woods. The forest where the werewolves lives.
Hindi naman siguro sila gano'n katanga para pumunta sa gubat na 'yon.
Once they enter that forest, there is no turning back.
Tsk. Bakit ko pa iniisip ang dalawang 'yon? To be honest, wala naman talaga akong paki sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala.
Bwisit itong si Lei. Dinadamay pa ako sa pamomroblema niya.
Maaga kaming nakarating ni Lei sa classroom dala-dala ang ingredients namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ang unang ginawa ko nang makapasok ako ay tignan kung nando'n na sina Xena.
Nabigo akong hanapin ito at ang babaeng kasama niya kahapon. Bagkus ay isang nakakasira ng araw ang bumungad sa akin.
That jerk Raze was already here. Tulad namin ay kumpleto rin niya ang mga ingredients niya.
Umupo kami ni Lei sa bakanteng upuan ngunit hindi nawawala ang masamang tingin ko kay Raze.
Alam kong alam niyang masama ang tingin ko sa kaniya pero walang bakas sa mukha niya na may paki siya na mas lalong kinairita ko.
20 minutes have passed and malapit ng magsimula ang klase. Tila nahawa ako sa lalaking katabi ko na hindi mapakali dahil hindi pa rin sumusulpot ang roommate niya.
Hindi ko matigil ang pagkagat ko sa ibabang labi at paulit-ulit na pagtapak ng sapatos ko sa sahig habang nakatingin sa pintuan at hinihintay ang susunod na papasok.
Shit.... Don't tell me that they really went-
Nawala ang pag-iisip ko nang pumasok sa silid ang dalawang inaabangan namin ni Lei. Mabilis na umangat ang leeg ko para tignan sila. Hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang loob ko nang makitang nakapasok sila. Lalo na ang lalaking katabi ko na tuwang-tuwa.
Kumurba ang labi ko sa isang ngisi habang nakatingin sa dalawang bagong dating.
"See? They're not stupid enough-"
Nawala ang ngisi ko sa labi nang makitang may dala-dalang mga Mullein herbs sina Xena. My eyes widened in disbelief. Hindi lamang ito dalawang piraso o isang kahon.
Isang sako ang dala-dala nila ng kasama niya. Unti-unting napaawang ang bibig ko.
"Sa mga walang Mullein herb, we can give you some," sambit ni Xena.
Nagsimula siyang lapitan ng mga kaklase naming kulang ang ingredients. Natameme ako sa pwesto ko habang pinapanood sila.
Hindi ako makapaniwala na nagawa nilang makakuha ng Mullein herb na ganiyan karami.
Does that mean that they really went in that forest?
Pero paano?
Kung hindi naman ay saan niya nakuha 'yan?
Hindi siya basta-basta makakuha niyan mula sa isang supplier kung hindi siya isang noble o malakas ang koneksyon sa council.
Punong-puno ng kuryosidad ang mga mata ko habang pinapanood siyang mamigay ng mga Mullein Herbs.
Just... who is she?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top