7. Black forest

Black forest

[Xena]

Masiglang naglalakad si Tana habang papunta kami sa capital ng Bernice. Dito namin mahahanap ang pinakahuling herb na kailangan namin.

Tirik na tirik ang araw pero hindi ito naging dahilan para mawala ang dami ng tao rito. It feels like this city is active 24/7.

"Yehey! Tanghali pa lang ay matatapos na kaagad natin ang listahan!" masayang sambit ng babaeng kasama ko.

Ngiti ang sinagot ko sa sinabi ni Tana. Nang makapunta kami sa capital ay agad naming hinanap ang mga tindahan ng mga herbs.

Ngunit iisa lamang ang mga naging sagot nila.

"Hindi panahon ng mga Mullein herbs ngayon. Mating season ng mga Grocks ngayon at hindi kami makapunta sa black forest para kumuha ng mga herbs," sagot sa amin ng huling tindahan ng herbs sa capital.

Wala kaming nagawa sa sinabi nito kung hindi mapabuntong-hininga na lamang. Kahit saan kami maghanap pa ay kung mating season nga talaga ngayon ng mga Grocks ay hindi talaga sila makakakuha ng Mullein herbs sa black forest.

Tanging sa black forest lamang nagagawang makakuha ng mga Mullein herbs ang mga tao. Ngunit dito nakatira ang mga Grocks. A kind of creature that is made of rocks. Kasing lakas sila ng sampung elepante at doble ang laki sa isang ordinaryong karwahe.

Pero hindi sila basta-basta nanakit ng mga tao. Tanging pagprotekta lamang sa tirahan nila ang ginagawa nila. Kaya kung mating season nila ngayon ay malamang ay napupuno ng mga Grocks ang kahit saang parte ng black forest at hindi sila pwedeng maistorbo.

"X-Xena, ano ng gagawin natin? Hindi natin magagawa ang experiment kung hindi kumpleto ang ingredients," nag-aalalang sambit ni Tana.

Mukha na itong paiyak habang hawak-hawak ang mga pinamili namin.

"Hindi ba obvious? Edi tayo mismo ang kukuha ng Mullein herb," kaswal na sagot ko.

Napaawang ang bibig ni Tana sa sinabi ko. "Hindi mo ba narinig sinabi nung tindera? Dudurugin lang tayo ng mga Grocks!"

"So? Do you want to fail this subject? Akala ko ba gusto mong maging isang magaling na witch?"

Hindi nagawang makaimik ni Tana sa sinabi ko.

"Don't worry. Hindi tayo sasaktan ng mga Grocks kung hindi natin sila maabala. Bibilisan lang natin ang pagkuha," seryosong sambit ko.

Walang nagawa si Tana kung hindi sumunod at magtiwala na lamang sa akin.

She have no choice if she really wants to pass this subject. Pinaiwan muna namin sa tindera ang mga pinamili namin at sinabing babalikan namin ang mga ito.

Agad kaming pumunta ni Tana sa gubat na nakapalibot sa kanang bahagi ng Bernice. Ang black forest. Hindi ito madilim kaya tinawag itong black forest. Bagkus ay mukha pa nga itong ordinaryong gubat lamang.

Nakuha nito ang pangalan niya dahil dito kadalasan nakukuha ang mga herbs na kailangan sa mga black potions. Dito rin kadalasan isinasagawa noon ang mga dark spells.

Napansin kong hindi lamang kami ni Tana ang pumunta rito. Bagkus ay sunod-sunod ding nagsipuntahan ang mga kaklase namin.

Mukhang kailangan pa naming mag-unahan.

"Let's go," mabilis na sambit ko kay Tana.

Agad akong tumakbo papasok sa black forest at kasunod ko si Tana. Kahit nagmamadali ay maingat ako sa pagtakbo. Lagi akong alerto sa paligid namin.

Kusang gumagalaw ang mga puno sa gubat. Dahilan na maraming tao ang naliligaw rito lalo na't kung unang beses pa lamang makakapasok. Walang maayos at deretsong pathway rito o daanan.

Pasimple akong pumitas ng dahon habang tumatakbo. "Deíxe mou ton trópo," bulong ko.

Sumabay sa paghampas ng hangin ang dahon ngunit kusa itong gumagalaw.

"It's over there," mahinang sambit ko kay Tana.

Sumunod sa akin si Tana habang nakasunod din ako sa dahon na nagpapakita sa akin ng daan kung nasaan ang herb na hinahanap namin.

Malapit na kami sa pwesto kung saan huminto sa paggalaw ang dahon hudyat na nando'n ang Mullein herb. Dederetso na sana ako at kukunin ang herb nang matigilan ako sa nakita kong katabi nito.

Mabilis ding huminto si Tana nang huminto ako. Bago pa ito gumawa ng kahit anong tunog ay mabilis ko siyang sinenyasan na tumahimik.

May isang Grock na natutulog katabi ng herb na kailangan namin. Hindi mo ito mapapansin sa unang tingin dahil mukha lang itong bato.

"S-Stay here," bulong ko kay Tana.

Dahan-dahan akong lumapit sa herb habang hindi nawawala ang tingin sa natutulog na Grock. Iniingatan kong hindi makatapak ng tuyong dahon.

Maingat akong naglakad at sinisigurado kong wala akong ginagawang ingay-

"If you won't take it then I will!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na babae.

Hindi kaagad ako naka-react nang tumakbo si Zairah papunta sa amin at inunahan ako sa paglapit sa Mullein herb. Unti-unting umawang ang bibig ko at para bang bumagal ang oras habang dumadaan siya sa harap ko.

"W-Wait!-"

Huli na nang pigilan ko si Zairah. Dahan-dahang bumangon ang natutulog na Grock. I can feel the ground shaking as it slowly gets up.

Unti-unting umangat ang mga tingin namin. Hindi nakagalaw sa pwesto niya si Zairah. Katulad niya ay naestatwa rin kami nina Lei na kasunod niya at si Tana sa kinatatayuan namin.

Dahan-dahang umangat ang kamay ng higanteng bato.

"F-Fuck," Natatanging nasabi ni Zairah, habang nakatulala sa Grock sa harapan namin. She was too stunned to move and to avoid the giant's huge arm.

"Zairah, tabi!" mabilis na sambit ni Lei, upang matauhan si Zairah at maiwasan ang atake ng Grock.

Mabilis kaming lumayo sa Grock at pumwesto sa pagdepensa.

"flév-"

"Stop!" pagpigil ko kay Zairah, nang balak nitong magbigkas ng spell.

"Wag niyong sasaktan ang Grock! Tayo ang hindi dapat na nandito!" giit ko.

Napaismid sa sinabi ko si Zairah at hininto ang paggamit ng spell. "Then what's your plan, genius?" sarkastikong sambit niya.

Napaismid ako habang seryosong nakatingin sa higanteng bato na nasa harapan namin. "Kukunin lang natin ang kailangan natin. Walang mananakit sa Grock," seryosong sambit ko.

Pare-pareho kaming naghanda at nagpaunahan sa pagkuha ng Mullein herb.

"I'll distract the Grock. Go get the herb," ma-awtoridad na sambit ko kay Tana.

Tumango ito sa sinabi ko at sumunod. Katulad ng strategy namin ay gano'n din ang ginawa nina Zairah at Lei. Si Lei ang nagsilbing decoy at si Zairah ang tumakbo papunta sa Mullein herb.

Sabay kaming lumapit ni Lei sa Grock at pareho ring tumakbo sina Tana at Zairah sa Mullein herb.

Nang napunta na ang atensyon sa amin ng Grock at malapit na sina Zairah at Tana sa herb ay tila gumalaw ang lupa.

"seismós." Rinig naming malamig na sambit ng isang lalaki.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Pare-pareho kaming sumalampak sa lupa nang lumindol. Habang hindi kami makatayo ay may narinig ulit kaming spell.

"fléves," dagdag ng lalaki.

Nanlumo ako nang pinalibutan ng malalaking ugat ang Grock at unti-unting dinurog ito. I can hear its loud screams that echoed throughout the forest. Making the birds close to us fly away in a hurry.

Kasabay nang paghinto ng lindol ay ang pagkadurog ng malaking bato na may buhay sa harapan namin.

Wala kaagad nakaimik sa amin at natauhan na lamang kami nang makita ang lalaking gumawa nito.

Kaswal itong nakatayo sa itaas ng puno.

"Raze..." inis na sambit ko.

Itinaas ni Raze ang Mullein herb na kailangan namin. Parehong nabigla sina Zairah at Tana nang makitang mabilis itong nakuha ni Raze.

"Wala kayong mapapala kung nagbabait-baitan pa kayo. Dapat alisin ninyo kaagad ang nakaharang sa harapan niyo bago kayo maunahan," walang kaemo-emosyong sambit ng lalaking kaharap namin.

Nanlisik ang mga mata ko sa sinabi niya at mariin akong napakagat sa ngipin. Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

"Freaking bastard. That rock that you've just crushed was alive! Anong karapatan mong gamitin ang mahikang ipinagkaloob sa'yo para kumitil ng buhay?!"

Walang gana itong tumingin sa akin bago ako sagutin. "I told you. Kung ayaw niyong maunahan, wag kayong magbait-baitan."

Hindi ko pa nagagawang makapagsalita ay may muli pa siyang sinabi.

"Thanks for finding the herb. See ya," pahabol ni Raze, bago mabilis na umalis sa harapan namin.

I gasped in disbelief as I watched him disappear. Tanging pag-ismid na lamang ang nagawa ko. Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

"Tsk! Bwisit! Nag-aksaya lang tayo ng oras. Wala na tayong makikitang Mullein herb dito!" inis na sambit ni Zairah.

"Come on, Lei," pag-aya nito kay Lei.

Iritadong naunang umalis si Zairah at sinundan ito ni Lei na nag-aalalang tumingin sa akin at yumuko bago umalis.

"S-Sorry, Xena. Naunahan ako," pagpapaumanhin ni Tana sa akin.

"Nah, babawi ako sa kupal na 'yon."

"A-Ano ng gagawin natin? Wala na tayong makukuhaan ng Mullein herb. Wala tayong magagawa bukas," nag-aalalang sambit ng kasama ko.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Tana at seryoso siyang tinignan.

"Nope. Hindi lang ang black forest ang maaring kuhaan ng Mullein herb."

Natigilan si Tana sa sinabi ko at mabilis akong naintindihan. Bakas sa mukha nito ang takot nang tignan ako.

"A-Are you telling me- No! Hindi allowed ang mga tao na pumunta sa gubat na 'yon!" giit ni Tana.

Umiling ako sa sinabi niya.

"Walang sinabing hindi allowed ang mga tao. Tanging wala lang tao ang pumunta do'n at nakalabas ng buhay," kaswal na sagot ko.

"We're going to the Northern forest of Bernice."

"The howling woods. Where the werewolves lives."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top