50. Believe

Believe

[Xena]

Unti-unti ng nagbabago ang kulay ng buwan. Naririnig ko ang mga pagsabog sa bayan at ang mga sigawan ng mga mamamayan, hudyat na nagsisimula na ring kumilos ang ibang mga Disciples.

Nasa harap ko na ngayon ang librong hinahanap ko. Hawak kamay ko na 'to pero hindi ko pa rin 'to mahawakan. Hindi ko magalaw ang katawan ko, nabigla pa rin sa pangyayari—hindi inaasahan ang taong nasa likod ng lahat ng ito.

"Gyno..." mahinang sambit ko.

Hindi ko inakalang aabot ang lahat dito. A scenario popped in my head.

Seeing a boy, slowly living his life to the fullest after all the thing he'd been through... only to go back to the life he used to live in.

Ang mga mata niyang unti-unting nagkaroon ng buhay no'ng panahaon na tinuturuan ko siya ng mahika... kusang nawalan ulit ng buhay ngayon.

Nandidilim ang paningin ko... sumisikip ang dibdib ko.

Bakit ba parang ako na naman ang nagkamali?

Estudyante ko ang may pakana ng lahat ng 'to. Ginamit niya ang librong ginawa ko para sirain ang mundong gusto kong protektahan.

"Malaki na ang nagbago, Astria," biglaang sambit ng lalaking kaharap ko.

"Dati, tiningala kita. Gusto ko maging witch na katulad mo. Pero hindi na ngayon."

"Nahigitan na kita Astria."

Itinaas niya ang librong ginawa ko. "Siguro ay mas nararapat na mapunta lang sa 'kin ito. Hindi mo alam kung paano gamitin nang tama ang mga spells na ginawa mo."

Napaismid at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko sa sinabi ni Gyno. Hindi ako 'yong tipo ng tao na nagtatanim ng galit. Nang malaman kong ninakaw ang Grimoire ko, hindi ako nagalit sa gumawa nito. Bagkus ay nagalit ako sa sarili ko dahil nagsisi akong ginawa ko pa 'yon.

Pero hindi ko hahayaan na gamitin niya ang mga spells ko para sa kagustuhan niya.

"It's nice meeting you again, Miss Astria. Pero kinalulungkot na hindi na natin pwedeng pahabain pa 'to," muling sambit ni Gyno.

Hinanda ko ang sarili ko sa sinabi niya. Nagbago ang ekspresyon ng lalaking kaharap ko.

Bago pa siya maunang magbanggit ng spell ay inunahan ko na siya.

"fotiá kómpra." My voice echoed.

Lumabas ang bilog at ang mga simbolo sa tinatapakan ko. Nagliwanag ng kulay pula ang mga simbolo. Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin dito sa tuktok ng kastilyo, nakaramdam kami ng init.

Kaunting gumalaw ang kastilyo dahil sa nilalang na lumalabas sa bilog. Bumungad sa amin ang higanteng ahas na gawa sa apoy.

Sumugod ito sa harap ni Gyno. He wasn't fazed at all, instead, he showed a smirk.

"skoulíki."

Itinaas niya ang kanan niyang kamay. Saktong pagsugod sa kaniya ng ahas ay tinapat niya ang palad niya rito. Lumabas ang asul na bilog na may mga simbolo sa palad niya.

Napaismid ako nang makita ang malaking ahas na gawa sa apoy ay naging bulate sa isang iglap. Hindi rin pinatagal ni Gyno ang susunod na atake niya at ginaya niya ang spell na ginawa ko.

"fotiá kómpra."

Muling uminit ang paligid. Katulad ng atake ko, lumabas ang higanteng ahas na gawa sa apoy. Sumugod ito deretso sa akin.

"metatrépetai se petaloúda," mabilis na bigkas ko.

Lumabas ang puting bilog sa harapan ko na humarang sa atake papalapit sa akin. Ang higanteng ahas ay naging isang daang paruparo nang makalapit sa akin. Sumabay sa paghampas ang mahaba kong buhok sa paglipad nila.

Kumurba sa isang ngisi ang labi ni Gyno sa ginawa ko. "Napaka-galing mo talaga, Miss Astria," nakangising aniya.

Kabaliktaran ng reaksyon niya ang meron ako, matalim ang tingin ko rito. Dati ay tinuturuan ko lang siya ng paggamit ng basic spell, ngayon ay wala na niyang kahirap-hirap na binabalik ang spell ko.

"Pero kagaya nang sinabi ko. Nahigitan na kita ngayon, Miss Astria," muling sambit ng lalaking kaharap ko.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko nang binuklat niya ang Grimoire ko.

"Ang spell na ginawa mo, mas pinalakas ko pa," dagdag niya.

"ekató rok chéria."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Hindi kaagad ako nakakilos sa pag-atake niya. Natauhan na lang ako nang lumabas ang itim na bilog sa tinatapakan ko at ang mga simbolo.

Namuo ang mga putik sa tinatapakan ko. Kasunod nito ay ang ilang dosenang kamay na gawa sa bato na nagsipuntahan sa akin.

"empó-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may isang kamay na dumeretso sa leeg ko. Napadura ako ng dugo nang madiin ako nitong sinakal.

"Sayang talaga Miss Astria. Sana ay nasa tabi kita ngayon at sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin," sambit ni Gyno.

"Ang pangarap natin na ikabubuti ng mundo ng mahika. Ang pagbura sa mga tao at ibang nilalang na walang kakayahan na gumamit ng mahika."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Paulit-ulit na umulit sa tenga ko ang bawat salitang kaniyang binitawan.

Hindi... iyon ang gusto ko. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap 'yon.

"Sinayang mo ang talentong binigay sa'yo. Hindi mo pinag-iisipan mabuti ang mga desisyon mo." Pagpapatuloy ng lalaking kaharap ko.

"You are Astria! The child who was born loved by magic!"

"Pero hindi mo ginamit sa tama ang kakayahan at kaalaman mo!"

Hindi ako makasagot. Hindi lang sa dahil may nakaharang sa leeg ko, kung hindi wala akong maisip na sagot sa kaniya.

Kung alam niya lang—kung nakita niya lang din ako noon... isa akong batang katulad niya.

Ilang beses kong pinagdudahan ang sarili ko. Kung tama bang ako ang batang minahal ng mahika.

Ilang beses kong sinisi ang sarili ko. Kung tama o mali ba ang mga desisyon na ginawa at pinili ko.

Gusto ko lang makatulong...

Para sa ikabubuti ng lahat...

Pero bakit laging hindi na lang tama ang ginagawa ko? Laging napasasama ang nga bagay na gusto kong maayos-

My mind became blank in instant. All I can see... is darkness.

There it is again... there's an obstacle in front me.

I'm in front of MYSELF again.

Mga matang walang buhay... mukhang walang ekspresyon.

I was an also a child...

A child who wanted to dream, to be like the others... to be ordinary.

But... I can't...

Because I'm different... it's not the Grimoire that may cause the destruction of the world... but my existence itself...

I can't do it-

"Kung gano'n, ako maniniwala ako sa'yo."

Kusang nagkaroon ng buhay ang mga mata ko nang bigla na lamang sumagi sa isip ko ang mga salitang iyon. Ang mga salitang binitawan sa akin ng taong unang naniwala sa akin.

That day... that time... that memory of mine...

I will never forget it.

"Ngayon, ako na ang kukumpleto ng pangarap mo. Itatama ko ang desisyon mo. Gagamitin ko sa tama ang Grimoire mo," muling sambit ni Gyno.

Muli ako nitong tinapunan ng tingin. Tinignan niya ko—puno ng awa.

"Tignan mo ang sarili mo ngayon. The greatest witch, Astria. The child who was born loved by magic,"

"Ni hindi mo man lang kayang bumigkas ng spell."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

Oo. Kaawa-awa siguro ang posisyon ko ngayon. Ako na gumawa ng iba't ibang spells ay hindi man lang kayang bumigkas ng isa ngayon.

But sad to say. You've said it your self Gyno...

I'm... the greatest witch.

Hindi ko kailangang bigkasin ang mga spell. Dahil nasa loob ko na mismo ang mahika.

kokkinopá triantáfylla.

Nagbago ang ekspresyon ng lalaking kaharap ko sa nangyari. Hindi maipinta ang mukha niya nang biglang nagliwanag ang tinatapakan ko.

Ang mga kamay na gawa sa bato na nakakapit sa 'kin ay unti-unting naging pulang mga rosas.

Habol-habol ko ang hininga ko nang mawala ang batong nakasakal sa akin. Muli kong matalim na tinignan si Gyno.

Yeah, he might be right about my decisions. Siguro nga ay may pagkakamali rin ako.

Pero hinding-hindi magiging mali ang kagustuhan kong protektahan ang mundong ito. Ang mundo ng mahika kabilang na ang mga tao at ibang nilalang. Iisa lang kaming lahat.

"May I just remind you," walang kaemo-emosyong sambit ko.

"I'm not just Astria," pagtatama ko sa kaniya. Mariin akong nagsalita.

"I'm Xena D. Astria."

"I'm a student."

"A mentor."

"A friend."

"A witch."

Hinabol ko ang mga tingin ni Gyno.

"I'm not just a child who was born loved by magic."

"I'm also a child who dreamt."

"Dreamt to be the greatest witch of all time."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top