45. Stick to the plan

STICK TO THE PLAN

[Xena]

Pare-pareho kaming nakasilip sa labas. Palubog na ang araw, ito na ang oras na kikilos kami.

Kumunot ang noo ko nang makitang napupuno ng camera ang paligid ng kastilyo sa Frencide. Mukhang gusto talaga nilang ipakita sa buong mundo ang gagawin nila.

"Are you ready?" marahang tanong ko kay Haritha.

Sumakay ito sa lobo at tumango sa tanong ko. Lumapit ako sa kanila at pareho silang hinawakan ng lobo.

"5 minutes. Iyan lang ang oras na eepekto 'to, maliwanag?" pagpapaalala ko sa kanya.

"na eínai aórato," bigkas ko.

Unti-unting naglaho sa paningin namin si Haritha at ang lobo. Nakihalo sila sa paligid. They're invisible for 5 minutes.

"Well then, see you again Astria," rinig kong sambit ni Haritha.

Hindi ko na ito nakikita at nalaman ko na lang na lumabas na sila nang bumukas ang pinto. Narinig namin ang mabilis na pagtakbo ng lobo. Humampas ang hangin dahil sa bilis ng pagtakbo nila.

Dalawang minuto ang lumipas nang makaalis sina Haritha ay narinig namin ang alulong ng lobo. It echoed throughout the city—getting all of our attentions. Ito ang signal namin.

Kukunin nina Haritha ang lahat ng atensyon dito sa bayan. At kukunin namin ang chansa na iyon para pumunta sa kastilyo ng Frencide.

Narinig namin ang pagpa-panic ng mga tagasunod ng Disciples sa pag-alulong ng lobo. Mabilis silang nagsipuntahan sa pwesto kung saan ito umalulong.

Kinuha namin ni Raze ang pagkakataon na 'yon para lumabas.

"Okay, the place is clear," sambit ni Raze habang nililibot ng tingin ang paligid.

"Xena. Pupuntahan ko-"

Hindi naituloy ni Raze ang sasabihin niya nang makita niya 'kong lumuhod at hawakan ang lupa.

"W-What are you doing?"

Hinawakan ko ang lupa at marahang pumikit. Itong spell ang uubos ng kalahati ng lakas ko. Pero kailangan ko itong gawin. Kailangan kong siguraduhin na walang mapapahamak sa mga sibilyan dito sa bayan.

"i gi kai i gi epitrépste mou na daneistó ti dýnamí sas, dóste mou ti mageía gia na prostatéfso ólous tous ántres," bigkas ko.

Parang may bulong na sumasabay sa akin na magsalita. Dahan-dahang nagmulat ang mga mata ko.

Tila nagliwanag ng kulay berde ang lupa. Sunod-sunod din nagliwanag ang mga bahay na may mga sibilyan dito sa Frencide. Kabilang na rin sina Raze at ang mga taong importante sa akin.

As if the whole city is inside of a huge magic circle, full of different kinds of symbols.

"A-Ano 'yon? Anong spell 'yon?" marahang tanong sa akin ng lalaking kasama ko.

I felt slightly drained. Maingat akong tumayo para hindi ako mawalan ng balanse.

"It's not important. Just stick to the plan. Join Zairah ang the others. Protect the civilians." I brushed off his question.

Balak ko na sanang iwan si Raze nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"I'm asking you Xena, anong spell 'yon?!" Nagtama ang mga tingin namin, dahilan para makita ko ang nangungusap niyang mga mata.

Napaismid na lamang ako sa kaniya at napaiwas ng tingin.

"It's not a spell. It's a protection charm..." I tried to smile—thinking that it will take his worries away. "Walang ni isa sa inyo ang makatatanggap ng sakit mula sa atake ng kalaban. I will take your pain instead."

Isa ito sa mga spell na natutuhan ko sa Teacher ko. Hindi mo ito basta-basta magagawa kung mahina ang kalooban mo.

Ang mga pisikal na atakeng matatanggap ngayon nina Raze at ng iba ay deretsong mapupunta sa akin.

"A-Are you fucking nuts?! Paano mo makakalaban ang first Disciple ng ganiyan?!" giit ni Raze.

Umiling ako sa sinabi niya. "I told you. I won't die. Just stick to the plan."

Hindi ko na pinakinggan pa ang sagot ni Raze sa akin at pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Mabilis akong tumakbo papalayo sa kaniya.

Kasabay n'on ay ang pagbigkas ko ng spell. "se apokaló nkrífin!"

Lumabas ang griffin na sinummon ko at mabilis akong sumakay rito. For the last time, I glanced at the person I left behind. I felt a slight pain in my chest, seeing his eyes full of worry watching me leave.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi.

It's going to be alright... I'll fix everything.

Tumungo kami ng griffin papunta sa pinakamalaking kastilyo sa bayan. Lumipad ito papunta sa bungad ng kastilyo. Saktong pagbaba ko rito ay bumungad sa akin ang ilang mga tagasilbi ng Disciples.

Agad nila akong napansin at akmang aatakihin na nila ako nang maunahan sila ng kung sino.

"ánemos!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.

Napunta ang tingin ko sa direksyon kung saan ito nanggaling at gumaan ang pakiramdam ko nang makilala ko ang mga ito.

Zairah and Tana are running towards me.

Sinulabong ako ng mahigpit na yakap ni Tana.

"Xena!"

Sa kabila ng marahang pagsalubong sa akin ni Tana, ay bumungad sa akin sa kabilang banda ang nakasimangot na mukha ni Zairah.

"What the heck Xena?! Bigla-bigla ka na lang mawawala tapos may plano ka pang hindi ko alam! Akala ko tuloy kung ano na ang pumasok sa mga kokote nito!" inis na sambit niya.

Kahit mataas ang tono ng pananalita niya at magkasalubong ang kilay, kabaliktaran nito ang pinapakita ng mga mata niya. I know that she's just worried.

Tawa na lamang ang naisagot ko sa sinabi niya. Inilibot ko ang tingin ko nang mapansin kong kulang sila.

"Nasaan si Lei?" marahang tanong ko.

"He's still in the castle.... He's probably looking for his father. Wag kang mag-alala. Mabilis din siyang susunod sa amin para tumulong," sagot sa akin ni Tana.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Akala ko ay kung ano na ang nangyari kay Lei.

"Xena. Anong nangyari kanina? Bigla na lang nagliwanag ang katawan namin ni Tana," seryosong sambit sa akin ni Zairah.

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Nag-isip ako ng pwedeng dahilan.

"A-Ah. It's just an effect of a spell I did. Wag kayong mag-alala. Walang mangyayari sa inyo." I fake a reassuring smile.

Bakas sa mukha ni Zairah na hindi ito naniniwala sa sinabi ko, pero hindi na siya nagtanong pa.

"Xena.... Sa rooftop." Nag-aalala akong tinignan ni Tana. "Sa tuktok ng kastilyo gaganapin ang pag-aabang sa blue moon. Hindi pa kami sigurado kung nando'n ang Grimoire. Pero nalaman naming nando'n ang First Disciple na ang nagsisilbing leader ng Disciples."

Her eyes are getting teary again. "P-Please be careful, Xena."

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. "Of course, I will."

Bago ko sila daanan ay may pahabol na sinabi sa akin si Zairah.

"H-Hey, Xena. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito. Something doesn't feel right. Make sure to call us if you need help," seryosong sambit nito sa akin.

For the first time, I saw Zairah's feelings became visibile—worried for me. Walang bakas na nag-aalala siya sa akin dahil ako si Astria o may kailangan siya sa akin. She was worried for me as a friend.

I smiled, for the second time, I gave her a reassuring look—real this time.

"I will."

≿—༻❈༺—≾

Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad paakyat sa mahabang hagdanan sa kastilyo. Luckily, I didn't encountered any Disciples on my way here.

Hindi ko napansin ang haba nito dahil parang dalawang hakbang lang ang ginawa ko.

My mind is preoccupied. Kahit sinabi ko sa sarili kong handa na 'ko ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan.

Dito ko na makikita kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.

Bago ko buksan ang malaking pinto papunta sa rooftop ay naramdaman ko ang biglaang pagsakit ng kanang braso ko. Doon ko nakitang unti-unti itong dumudugo.

That means that one of my friends are already fighting. I sighed in relief. Thank God, at sa akin napupunta ang mga sakit nila. They don't need to hold back.

Hindi ko inalintana ang sakit ng braso ko at dahan-dahan kong binuksan ang malaking pintuan. Naningkit ang mga mata ko dahil sa liwanag ng buwan. Humampas din ang malakas na hangin dahilan ng pagharang ko ng braso ko sa mukha.

Sumalubong sa akin ang isang lalaking nakatalikod. Hawak-hawak nito ang isang pamilyar na libro.

My Grimoire.

Kitang-kita rito sa rooftop ang mga nangyayari sa ibaba. Sobrang liwanag dito dahil sa buwan, na magiging asul na maya-maya.

"So, you're the First Disciple huh?" walang kaemo-emosyon kong sambit sa lalaki.

Umalingawngaw ang tawa nito na kinanuot ng noo ko. Pamilyar ang boses niya.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makilala ko siya. Eyes full of disbelief—dumbfounded and astonished. Nanlulumo at napakurap-kurap ang mata ko nang tignan ko siya.

"A-Aeros?"

Nakakurba ang labi ng naging guro namin sa akin. Ang nagturo sa aming mag-summon. Ang naging Teacher ni Zairah. Isa sa mga witches na tinitingala ng lahat. Siya ang nasa likod ng lahat ng ito.

Si Aeros ang First Disciple.

"Hindi ako makapaniwala na nagawa mo pa ring makabalik kahit dinala na kita sa nakaraan," natatawang sambit ni Aeros.

"Pero ano nga ba ang aasahan ko. Ikaw si Astria."

Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Kahit nakararamdam ako ng panghihinga at kahit parang sinisikmura ako, pinilit kong pinakita ang mukha kong walang ekspresyon. Walang buhay ang mga mata ko nang tignan siya.

"Paano mo nalaman kung sino ako?" malamig na tanong ko.

Kumurba ang labi ni Aeros sa sinabi ko. "Hindi kita masisisi. Apat na buwan lang nang huli tayong nagkita.... Pero rito ay katumabas 'yon ng 48 na taon."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Unti-unting namilog ang mata ko at unti-unti akong natauhan.

Dahil sa mga salitang binitawan niya, biglang may sumagi sa isipan ko.

Someone... someone popped in my head.

Don't tell me... he's-

"My real name is Gyno D. Aerosa. Your former student, Miss Astria."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top