43. The plan

THE PLAN

[Tana]

Buhat-buhat naming dalawa ni Lei ang ilang kahon na pinadala sa amin.

"Mamayang gabi, malalaman nang buong mundo kung gaano kagaling si Master. Siya ang magbabago ng mundo ng mahika," natutuwang sambit ng lalaking kasama namin.

Kabilang ito sa mga tagasunod at tagasilbi ng mga Disciples. Ang laman ng mga kahon na dala-dala namin ay walang iba kung hindi mga camera.

Gusto pa nilang gawing live ang kabalastugan na gagawin nila mamayang gabi.

Kahit na pilit, pasimple na lamang kaming ngumiti at tumawa ni Lei. Pareho kaming nagkatinginan dahil sa pandidiri.

Hindi ko kayang sikmurain na gawin 'to kahit pagpapanggap lang. Kung hindi lang sinabi sa amin ni Xena.

≿—༻≾ TWO(2) DAYS BEFORE ≿༺—≾

Wala akong tigil sa pag-iyak mula nang dinala kami rito sa kastilyo sa Frencide. Isang araw pa lamang ang lumipas pero pakiramdam ko ay habang buhay na akong nakakulong dito.

"Bwisit! Anong ginagawa ng ama ko sa ganitong panahon?!" iritadong sambit ni Lei. Napapadyak pa ito sa lupa.

Doon ko naalala na anak pala si Lei ng ruler dito sa Frencide. Pero mula nang dalhin nila kami rito ay wala pa akong nakikitang sibilyan o myembro man lang ng council.

Pareho kaming dinala ni Lei sa iisang silid dito sa pinakamalaking kastilyo sa bayan. But unlike us, sa ibang silid dinala si Zairah sa hindi namin malaman na dahilan.

"W-What do you think happened to Xena and Raze, Lei?" naiiyak na sambit ko.

"S-Sa tingin mo. P-Patay na sila?" muling dagdag ko.

Nagsimula ulit magsibagsakan ang mga luha ko. Pati ang uhog ko ay nagsisimula na ring tumulo.

Hindi kaagad nakasagot si Lei sa sinabi ko. "O-Of course not, stupid! Si Xena at Raze ang pinag-uusapan natin dito. Raze is one of the best witch in our generation. And Xena is Astria! Walang makakatalo sa kanila!" sagot niya sa akin.

Natahimik ako sa sinabi niya. Alam kong natatakot ako ngayon. Pero kailangan kong magtiwala sa kanila.

Xena will not lose to them! She's the greatest witch of all time!

"Pero nagtataka ako. Bakit pa gusto nila tayong i-recruit? Bakit hindi na lang nila tayo patayin?" biglaang sambit ni Lei.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit pa nila kami dinala rito. Bakit hindi na lang nila kami tinapos nang nakita nila kami?

Alam nilang wala kaming laban kung wala si Xena. Pero pinili nilang dalhin kami rito at ayain kaming sumama sa kanila.

Pero kahit pa paano ay isa 'yon sa mga pasasalamat ko. Atlis ay hindi nila kami tinapos kaagad. May chansa pa kaming hintayin sina Xena at Raze.

"We need to get out of here. Kailangan kong hanapin si Zairah," muling sambit ni Lei.

Pabalik-balik ito sa paglalakad sa silid at nag-iisip. Tulad niya ay sinibukan ko na rin mag-isip ng paraan para makaalis kami rito.

Habang nag-iisip ay nabigla ako nang biglang umilaw ang isang pader sa silid. Sinubukan naming dalawa ni Lei ang lahat na spell na alam namin para sirain ito pero walang nangyari.

Pero ngayon ay bigla na lamang itong lumiwanag.

Parehong napunta ang tingin at atensyon namin ni Lei sa pader. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang imahe rito ng isang pamilyar na babae.

Naramdaman kong tumulo na naman ang mga luha ko nang makilala ko kung sino ito.

"X-Xena!" pareho naming sambit ni Lei.

Hindi ko masabi kung gaano ako kasayang makita siya. Hindi lamang kaming dalawa ni Lei ang masaya at pati na rin si Xena. Para bang natanggalan ito ng tinik sa lalamunan nang makita kaming dalawa.

"T-Thank goodness you're safe," sambit ni Xena.

"Where is Zairah?" dagdag nito.

Hindi kaagad kami nakasagot ni Lei at kapwa kaming nagtinginan. Mukhang nabasa ni Xena ang reaksyon namin at nagbago rin ang ekspresyon niya.

Kinuwento naming dalawa ni Lei ang nangyari kay Xena mula nang nawala sila bigla.

Mula nang hanapin namin sila hanggang sa may mga witches na dumampot sa amin papunta rito.

"I see. I'm sorry for what happened," walang kaemo-emosyong sambit ng babaeng kausap namin.

Mabilis na umiling si Lei sa sinabi niya. "N-No! Of course it's not your fault! We will wait for you Xena. We will support you until the end."

Napangiti si Xena sa sinabi ng lalaking kasama ko. "Thank you. Thank you for believing in me."

"P-Pero nasaan ka Xena? Malapit na ang blue moon. Mahihirapan kayong pumunta sa Frencide dahil bantay-sarado rito," nag-aalalang sambit ko.

"Malayo pa kami ni Raze ngayon sa Frencide. Pero sisiguraduhin naming makakapunta kami riyan bago ang blue moon," sagot sa akin ni Xena.

"So before that, could you do me a favor?" dagdag niya.

Hinintay naming dalawa ni Lei ang sasabihin ni Xena. Alam kong pareho naming gustong makatulong sa kaniya.

"I want you to join them. Join the 12 Disciples."

Parehong namilog ang mga mata namin ni Lei at umawang ang bibig namin ni Lei sa narnig.

"H-Huh?! Pero bakit?!" hindi makapaniwalang sambit ni Lei.

"Matatagalan pa bago kami makapunta sa Frencide. Lalo na't bantay-sarado na ang bayan. Kaya kailangan ko kayong mag silbing mata at tenga ko riyan."

Seryoso ang ekspresyon ni Xena na nakikipag-usap sa amin.

"Know their plans. Kabisaduhin niyo rin ang mapa ng kastilyo at kung saan gaganapin ang pag-aabang nila sa blue moon. Sa oras na makapunta kami riyan ni Raze. Magbibigay kami ng signal. Find Zairah and protect the civilians. Sigurado akong gagamitin nila ang mga tao panlaban sa atin," seryosong aniya.

Kahit natatakot at kinakabahan, natagpuan ko na lamang ang sarili kong sumasang-ayon sa sinabi ni Xena. Hindi lamang ako kung hindi pati na rin si Lei.

As if that all of our worries disappears when it comes to Xena. Knowing that she'll be there for us, we'll put our faith and trust on her.

"We will do it," sambit ni Lei.

"You can count on us," dagdag ko.

Kumurba ang labi ni Xena sa isang ngiti dahil sa mga sinabi namin.

"Don't worry. They won't harm you. I mean, they can't," natatawang sambit niya.

Kumunot ang mga noo namin ni Lei. "Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.

"They can't harm you. Because you are my companions... my ally—my friends. They can't harm you, not the friends of the greatest witch of all time." Xena gave us a smile, a smile that took all of our worries away. "Those who know my real existence can't be harmed by my own spells."

Natigilan ako sa sinabi niya at naramdaman kong namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.

Those who know her real existence can't be harmed by her own spells.

Nang malaman namin ang totoong katauhan ni Xena, napalibutan na kami ng spell niya. Isang spell na hindi niya binanggit at hindi namin nakikita.

A spell made from bond... alliance... friendship.

Nakangiting nagpaalam sa amin si Xena.

"Well then, see you." Sambit nito sa amin bago tuluyang nawala ang imahe niya sa pader.

≿—༻≾ END OF FLASHBACK ≿༺—≾

Kung hindi lang dahil sa plano ni Xena ay hindi namin 'to gagawin. Pero dahil nandito na kami ay kailangan naming ayusin ang trabaho namin.

Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Tonight the moon will turn blue.

And tonight, we will destroy the Grimoire of Astria.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top