40. Return

Return

[Xena]

Naramdaman kong parang nasusunog ang laman ko. Nang muli kong minulat ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang sinag ng araw at ang mga puno.

Bumalik na kami sa kasalukuyan. Ang gubat kung saan kami nanggaling ni Raze.

"F-Fuck, ang sakit ng ulo ko," giit ni Raze habang hawak-hawak ang ulo niya.

Hindi ko siya pinansin at mabilis akong napatingin sa paligid. We left Zairah, Lei, and Tana here. Paniguradong pinag-alala namin sila.

Inilibot ko ang tingin ko pero walang bakas na nandito ang mga kasama namin.

"W-Where are they?" Pagtataka ko.

Wala sila rito sa gubat. Alam kong dito lang kami huling nanggaling ni Raze.

"Nawala tayo ng halos dalawang araw, Xena. Hindi kaya nauna na sila?" sagot sa akin ng lalaking kasama ko.

Natauhan ako sa sinabi niya. Mabilis kong binilang ang mga araw na meron na lang kami bago ang blue moon.

Ang huling pagkakaalam ko ay anim na araw na lang ang meron kami nang nasa huling bayan kami. Inabot kami ng gabi sa gubat.

Bumalik kami ni Raze sa nakaraan...

Tatlong araw.

Tatlong araw na lang ang natitira.

"W-We won't make it," walang kaemo-emosyong sambit ko.

Nanlulumo akong napatulala. Kulang na ang oras namin papunta sa bayan ng Frencide. Hindi pa sigurado kung nando'n nga ang Grimoire o kung nasaan nga talaga ito.

Wala na.

I... failed.

Nanghina ang tuhod ko at natagpuan ko na lang na nanginginig ang mga kamay ko.

What should I do? It's all my fault. It's all because-

"Hey, Xena!" biglaang tawag sa akin ni Raze.

Nabigla ako nang hawakan nito ang magkabilang balikat ko at maigi akong tinignan.

"I freaking thought that you're the greatest witch of all time?! Hindi talaga tayo aabot kung tutunganga ka lang. Tara na!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero bigla na lamang gumaan ang pakiramdam ko. With just his words.

It's enough to lighten me up.

"S-Sorry. Nilamon lang ako ng mga iniisip ko. Tara na."

Malalim akong napabuntong-hininga.

Raze is right. It's too early to give up.

Sana nga ay tama ang sinabi ni Raze na nauna ng pumunta sina Zairah sa Frencide. Pero bakit parang hindi ako mapakali?

"Hindi kayo aabot sa frencide kung dito kayo dadaan," biglaang sambit ng isang babae.

Akmang maglalakad na kami ni Raze nang pareho kaming natigilan sa paghakbang. Pareho kaming napalingon sa nagsalita.

Kapwa kaming nahinto ng kasama ko nang makita ang nagsalita. Bumungad sa amin ang isang babaeng nakasakay sa isang lobo. Wala siyang ekspresyon na nakatingin sa amin habang sumasabay ang buhok niya sa paghampas ng hangin.

Kumunot ang noo ko rito. How come, she's riding a wolf? Wolves hates humans!

Nawala ang pagtataka ko nang mapunta ang tingin ko sa babae. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na mukha niya. She has a long green hair, and eyes the same as the forest.

I've seen her before.

"If you want to go to Frencide in just a day, come with me," sambit sa amin ng babae.

Nauna ito sa amin habang nakasakay sa lobo. Hindi kaagad ako nagalaw sa pwesto ko dahil sa malalim kong iniisip.

Natauhan na lang ako nang magsalita ang lalaking kasama ko.

"H-Hey. Should we go with her? She's freaking sus," tanong sa akin ni Raze.

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Iniisip ko pa rin kung saan ko nakita ang babae. Hindi ko namalayan na sumunod na pala ako sa kaniya.

"Wala tayong choice. Kung may alam siyang paraan na makapunta kaagad sa Frencide ay kailangan natin ang tulong niya," desididong sagot ko.

Kahit naguguluhan at may bumabagabag sa isip ko, sumunod pa rin kaming dalawa ng kasama ko sa babaeng bigla na lamang sumulpot sa kung saan. Ni hindi man lang kami nagsalita o nagtanong man lang habang nakabuntot sa kaniya. Sa hindi ko malamang dahilan, may nagtutulak sa akin na sumunod.

Natagpuan na lamang namin ni Raze ang mga sarili namin sa tapat ng isang cabin. Nakikihalo ito sa kulay ng gubat at hindi kaagad mapapansin.

"Eh? Paano kami makakapunta kaagad sa Frencide rito? Hindi kami pwedeng mag-aksaya ng oras," kunot noong sambit ni Raze.

Bumaba ang babaeng sinundan namin sa lobo at pumunta ito sa pintuan ng cabin.

"Pumasok kayo sa loob. Pinapangako ko, dadalhin ko kayo sa Frencide."

Sinenyasan niya kaming sumunod sa kaniya at nauna siyang pumasok sa loob. Bago ko pa magawang makasunod ay mabilis akong pinigilan ni Raze.

"Come on, Xena. Hindi ba kahina-hinala 'yan. Eh hindi naman natin 'yan kilala! Baka Disciple 'yan!"

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya at deretso siyang tinignan. "Don't worry. You have me."

Nauna akong pumasok sa loob ng cabin at naiwang nakaawang ang bibig ni Raze sa sinabi ko. Hindi rin nagtagal ay napismid siya bago sumunod din sa akin.

Bumungad sa amin ang simpleng salas nang makapasok kami sa silid. Naghahanda ng tsaa ang babaeng sinundan namin at umupo ito sa isa sa mga upuan.

"Feel at home," sambit sa amin ng babae.

Tahimik kaming napaupo ni Raze sa upuan habang hindi nawawala ang tingin ko sa babae.

Nagtama ang mga mata namin at doon ko naalala kung saan ko siya nakita. Those emerald eyes.

"I-Ikaw. Nakita ka na namin noon ni Tana sa Mageía High! You're a witch!" biglaang sambit ko.

Napangiti ang babae sa sinabi ko. "Nice to meet you. I'm Haritha, an adept witch in Mageía High," pagpapakilala niya sa amin.

Nabigla si Raze sa sinabi niya. "Y-You're an adept witch?! That means, mas matagal ka ng witch sa amin?" hindi makapaniwalang sambit niya.

Tumango si Haritha sa sinabi niya. Habang hindi makapaniwala ang kasama ko ay nabigla ako nang pumasok sa loob ng cabin ang lobong kasama ni Haritha kanina. Sumunod ang tingin ko rito.

Hindi pa ako nakakakita ng isang lobong malapit sa isang tao mula nang makalabas ulit ako. Ang alam ko lang ay kaming mga unang witches lang ang malalapit sa iba't ibang nilalang.

"Bakit ka nandito Haritha?" marahang tanong ko.

"Dito ako nakatira. Pumupunta lang ako sa Bernice para kumuha ng mga kagamitang kailangan ko."

Lumapit sa kaniya ang lobo at kaswal niya itong hinawakan.

"Then why are you helping us? Hindi mo naman alam ang dahilan kung bakit kami pupunta sa Frencide," muling tanong ko.

Kumurba ang labi ni Haritha sa sinabi ko at kaswal akong tinapunan ng tingin. May kung anong nakaagaw ng pansin ko dahil sa mga mata niyang para akong hinihila.

"You're going there to destroy the Grimoire of Astria, right?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top