4. First Day

FIRST DAY

[Xena]

Nakatayo ako sa harap ng pintuan ng dorm ko. Ayon sa nakaukit sa susi ko ay room 306 ako.

Umangat ang tingin ko. Nakasulat naman sa taas ng pinto na room 306 ito. Pero walang doorknob ang pinto o kahit anong pwedeng pasukan ng susi. I look like a stupid staring at the door waiting it to open for me.

Inis akong napaismid at dumiin ang pagkakasara ng kamao ko. Hindi ko napigilan ang pagkairita ko at nahagis ko sa pinto ang susi. Nabigla na lang ako nang may bibig na lumabas dito at kinain ang susi ko.

"W-What the-" hindi makapaniwalang sambit ko.

Nang nilunok na niya ito ay bigla ako nitong dinuruan.

"Pwe! Mukha kang tanga!"

Napaawang ang bibig ko sa pagkabigla. Kasabay ng pagproseso ng utak ko sa nangyari ay ang pag-init ng ulo ko sa ginawa nito. Without thinking twice, hahampasin ko na dapat ang pinto nang bigla itong bumukas dahilan ng pagsalampak ko sa sahig.

"Hahaha tanga!" muling pang-aasar ng pinto.

Nang balikan ko ng tingin ang pinto ay nawala na ang bibig nito. Muli itong bumalik sa pagiging isang ordinaryong pinto. Paanong?!-

"Miss, okay ka lang?" Rinig kong sambit ng isang lalaki.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ng pintuan. Agad kong nakilala ang pamilyar niyang mukha. The blonde guy from before!

Natauhan ako sa sinabi niya at mabilis akong tumayo. "A-Ah oo!" I immediately fixed myself.

Tinignan ng lalaki ang kabuoan ng silid. "Oh, dito rin ba ang room mo?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Oo?"

"Woah! Nice! Roommate tayo!"

Nabigla ako sa sinabi niya. "B-But you're a guy?" naguguluhang sambit ko rito.

Kumunot rin ang noo niya sa sinabi ko. "Eh? Bakit may problema ba?"

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Huh?! Pwede bang maging mag-roommate ang lalaki tsaka babae?!"

Katulad ko ay mas lalong naguluhan ang lalaki sa sinabi ko. We're both getting confused with one another. He probably thinks I'm weird.

Pero totoo naman ang sinasabi ko! Dati ay hindi pwede 'yon!

"Normal lang naman 'yon," sambit ng lalaking kaharap ko.

Muli ko sanang ibubuka ang bibig ko pero mabilis ko itong sinara. Hindi na 'ko nakipagtalo pa. Matagal na 'kong hindi nakalalabas kaya marami na rin ang nagbago....

Just go with the flow, Xena.

Kaswal na inilabas ng lalaki ang susi niya sa bulsa at kagaya kanina ay lumabas na naman 'yong bibig sa pintuan at kinain ito.

"Iyang bwisit na 'yan!-"

Natigilan ako nang kagaya ko ay dinuraan din ng pinto ang lalaki. "E-Eh?"

Nagtaka ang lalaki sa inasal ko. "Oh, is it your first time seeing a tsukomogami?"

I looked at him, dumbfounded.

A tsuko- what?

"It's an object that acquired a spirit. Ang pagkakaalam ko ay halos lahat ng gamit dito ay gano'n. Dinuraan ka rin niya hindi ba? It's their way of marking. It means that you're a resident of this room. Kaya bubukas ito agad kapag naramdaman ang presence mo," nakangiting pagpapaliwanag niya.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. I didn't know that. Wala akong nakikitang gano'n sa pinaggalingan ko.

"Anyways, Ang ganda ng laban kanina! Ang galing mo. What's your name again?" pag-iiba ng lalaking kasama ko.

Kapwa ko ay inaayos din nito ang mga gamit niya sa kwarto.

"Thanks. I'm Xena."

"I'm Leirus, you can call me Lei." Nilahad nito ang kamay niya sa akin na agad kong kinamayan.

"Next time babawi ako," dagdag niya. Kumindat ito sa akin bago bumalik ang atensyon niya sa pag-aayos ng mga gamit.

"Kumusta na nga pala 'yong kaibigan mo?" I started a conversation. Nakuha nito ang atensyon ni Lei.

"She's fine. Magaling ang mga healers dito sa Academy. Though, hindi biro ang natamo niya."

Nanatiling akong nakinig sa sinabi ni Lei. Hindi talaga biro ang matamaan ng kidlat. That Raze guy was really something.

"Pero kakayanin naman niyang pumasok bukas. Kaya magpahinga na rin tayo." Muli ako nitong binigyan ng matamis na ngiti nang matapos nito ang pag-aayos ng gamit niya.

Tanging pagngiti pabalik ang sinagot ko.

Maybe having a guy roommate was not bad after all.

≿—༻❈༺—≾

Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay, hindi ng alarm clock kung hindi ng bwisit na pinto.

"Mga panget gising na! Gising na!"

Napaismid na lamang ako at bumangon. Naniningkit pa ang mga mata ko at pumipikit-pikit. Samantalang hanga ako kay Lei dahil mahimbing pa rin ang tulog nito. Seryoso?

"Hindi ko kasalanan kung ma-late siya," bulong ko sa sarili.

Nag-ayos na lamang ako ng sarili ko at umalis ng kwarto. Base sa orasan sa kada dulo ng hallway ay 6 pa lamang ng umaga at 7 nagsisimula ang klase namin.

Sa tingin ko ay ginigising nila kami para sa almusal.

Napaismid na lang ako sa sarili ko nang matandaan kong hindi ko nga pala alam kung nasaan ang Dining hall dito. Wala man lang silang binigay na mapa sa laki ng lugar na ito.

Naghanap ako ng kung anong gamit sa bulsa ko.

I guess this will do. Inilabas ko ang ballpen sa bulsa ko.

"Deíxe mou ton trópo," bumulong ako sa hangin.

Lumutang mag-isa ang ballpen at nilahad sa akin ang daan papunta ng Dining Hall. I really felt like cheating, I mean, hindi basta-basta tinuturo ang spell na ito at wala ito kadalasan sa libro.

Sigurado akong 'yong iba sa mga estudyante na bago pa lamang dito ay pahirapan pang maghanap.

"X-Xena!"

Nahinto ako sa paglalakad nang may narinig akong tumawag sa akin. Nang lumingon ako sa direksyon nito ay nabigla ako nang makita si Tana sa dulo ng hallway.

Dito rin pala sa right wing ang dorm niya.

Agad siyang lumapit sa akin. "Hay! Akala ko hindi na kita makikita!" bungad niya sa akin.

Mahigpit akong niyakap ni Tana na parang ang tagal naming hindi nagkita.

"Calm down," pagpapakalma ko.

Sumabay siya sa akin papunta ng Dining hall para kumain. Nakakahanga ang mga bagay rito sa paaralan dahil kusa silang gumagalaw.

Kada daan namin sa mga bintana ay mag-isang bumubukas ang mga kurtina para masinagan kami ng araw. Some of the curtains greeted us 'good morning'. Kagaya nga ng sinabi sa akin ni Lei, may sariling buhay ang ibang mga kagamitan dito.

Pagdating namin sa Dining hall ay kakaunti pa lang ang mga estudyante. Ang iba rito ay hindi na apprentice o unang year pa lang ng pag-aaral dito tulad namin. Bagkus ay mga adept na sila o mga skilled witches na.

Mahahalata pa lang sa pananamit nila at ang bagay na nagsisimbolong mga adept na nga sila. A pointed hat.

Nagkwentuhan kami ni Tana habang kumakain.

"Hays Xena! Buti na lang talaga isang pénte ang nakalaban ko kahapon kaya hindi masyadong magaling," aniya.

"Nanalo ka?"

"Syempre hindi! Pero atlis hindi ako gaanong nasaktan! Ang galing mo kahapon Xena! Hindi mo man lang hinayaang makatira si Leirus," masiglang sagot ni Tana.

Kumunot ang noo ko nang nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Kilala mo 'yong Lemon na 'yon?"

Tinignan ako ni Tana na parang may mali sa sinabi ko. "He's Leirus Cail Gardner! He's the son of the Frencide's ruler!"

Kusang tumaas ang dalawang kilay ko sa pagkabigla.

Really? Frencide is the most wealthy and biggest among the four cities. Dito nakatira ang council na namumuno sa lahat. At dito rin nakatira ang mga kilalang witches, sa pagkakaalala ko.

Maalala ko rin, na-meet ko silang dalawa ni Zairah sa city na pinanggalingan ko. Ano kayang ginagawa nila roon?

"Speaking of, Xena, nakakatakot ang roommate ko," pag-iiba ni Tana.

Muling napunta ang atensyon ko sa kaniya. "Sino ba ang roommate mo?"

Pasimpleng tumingin sa paligid si Tana bago lumapit at bumulong sa akin.

"The guy named Raze."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top