39. Back
BACK
[Zairah]
Nagising ako nang maramdaman kong tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko. Pilit kong binangon ang sarili ko at kinusot ang mga mata ko.
Napunta ang tingin ko sa dalawang katabi ko na tulog din. Kumunot ang noo ko nang makitang katabi ko si Tana sa kabila.
We fell asleep without knowing it. Inilibot ko ang tingin ko at hinanap ang dalawa pa naming kasama.
Where the fuck are they?
Pinuntahan ko ang pwesto kung saan namin iniwan si Raze kagabi at nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang wala akong naabutan na kung sino.
Mabilis na bumigat ang pakiramdam ko. Wala sina Raze at Xena.
Tumakbo ako pabalik sa pwesto nina Lei at Tana.
"Wake up!" malakas na sambit ko.
Pinagyuyugyog ko sila at tanging si Tana lamang ang nagising.
"Bwisit sabi kong gising!" muli kong sambit. Nakatanggap ng malakas na sampal mula sa akin si Lei na nagpagising sa kaniya.
"A-Ah!- what the heck? Bakit?!" iritadong tanong sa akin ng lalaking kaharap ko.
Seryoso ko silang tinignan dalawa ni Tana. "Raze and Xena are freaking missing."
Parehong natigilan ang dalawang kasama ko at nagbago ang ekspresyon.
Agad silang natauhan at tinilungan ako maghanap. Kung nasa paligid lang sila ay mabilis namin silang makikita dahil maliwanag na at kitang-kita ang paligid sa gubat.
Pero walang bakas na may tao rito maliban lang sa aming tatlo.
That fucking Raze. Anong ginawa niya kay Xena?!
Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko habang inililibot ang tingin ko.
Habang tinitignan ang paligid ay mabilis na may nakakuha ng atensyon ko. Napako ang tingin ko sa isang puno, pero hindi ko 'to ipinahalata.
"Se kaleí dasikí alepoú," biglaan kong sambit.
Parehong nabigla ang mga kasama ko sa ginawa ko. Lumabas ang bilog sa lupa at ang mga simbolo.
Humampas ang hangin, kasunod nito ay ang pagsulpot ng fox spirit na sinummon ko.
There it is.
200 meters away from us.
A group of witches.
Nagbago ang ekspresyon ko at napunta ang tingin ko sa direksyon kung saan sila nagtatago. Malas nila at isang forest fox ang spirit ko.
Naghintay ako ng ilang segundo at pinakiramdaman ko ang mga kilos nila. Naningkit ang mga mata ko.
They're not moving?
Anong ginagawa nila?
"U-Uy Zairah! Ano ba 'yang ginagawa mo? Hanapin na natin sina Xena," giit ni Lei.
Tinapunan ko ng tingin silang dalawa ni Tana na naguguluhan sa ginawa ko.
"Maghiwalay tayong tatlo. Mas mapapadali ang paghahanap natin," ma-awtoridad na sambit ko sa mga kasama ko.
"Pero-"
"Just do what I said," may diing bigkas ko.
Hindi natuloy ni Lei ang sasabihin niya. Kapwa silang naguluhan sa sinabi ko. Pero kahit na nagtataka ay pareho na lang silang sumang-ayon at tumango ni Tana.
Bago kami tuluyang maghiwalay ay pinigilan ko sila.
"Wait," pagtawag ko.
Napunta ang tingin at atensyon sa akin nina Tana at Lei na hinihintay ang sasabihin ko.
"But before that. Kailangan natin ng password," seryoso kong sambit.
Kumunot ang noo ni Lei sa sinabi ko. "Ha? Para saan naman ha?" Pagtataka niya.
Huminga ako nang malalim bago magsalita. "We just need to make sure. Ayokong maulit ang nangyari kagabi."
Hindi nagawang makasagot sa sinabi ko si Lei at nanatili itong nakinig.
"Here's the password. Kapag hindi niyo ito nasagot, hindi ako magdadalawang isip na atakihin kayo." Pagbabanta ko.
Parehong napalunok nang malalim si Tana at Lei at maigi itong nakinig sa akin.
"Leaves are keep falling. Trees are so sad for the lost but the hope is spring."
Sinigurado kong malinaw at naiintindihan ang sinabi ko. Parehong bumungad sa akin ang hindi maipintang mukha nina Lei at Tana.
"Eh? Ano 'yon?" tanong ng lalaking kaharap ko.
Napaismid ako sa sinabi niya. "Just fucking remember it. Kapag nakita ninyo ang kahit sino sa atin at hindi nabanggit 'yan, atakihin ninyo kaagad."
Kahit alam kong naguguluhan pa rin sila sa akin ay muli silang sumang-ayon at tumango na lamang sila. Pagtapos n'on ay nagkani-kaniya na kami ng daan.
Ilang minuto akong naglakad at pinakiramdaman ang paligid. Hindi ko na natatanaw ang dalawang kasama ko.
Alam kong katangahan itong ginagawa ko pero wala akong choice. Hindi gumagalaw ang mga witches na nakita ko. Kailangan kong masigurado na hindi kami ang pakay nila.
Habang naglalakad ay natigilan ako nang makarinig ng pagtapak sa isang kahoy. Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan nito.
"Fot-" Balak na bigkas ko.
Hindi ko ito naituloy nang makita ko ang taong sumunod sa akin.
"W-Woah! Chill Zairah! Ako lang 'to," natatawang sambit ni Lei habang nakataas pareho ang kamay niya.
Kumunot ang noo ko rito. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya.
"Hindi ko mahanap sina Xena at Raze. Kaya naisip kong sumama na lang ng paghahanap sa'yo," aniya.
Nagsimula siyang lumapit sa akin pero mabilis ko siyang pinahinto.
"One more step. And I'll fucking kill you," walang ka emo-emosyong sambit ko.
"W-Woah! Bakit ba ang sama mo sakin lagi Zairah?" natatawang aniya.
Tumaas ang kanang kilay ko. "Drop the password, jerk.".
Napabuntong-hininga si Lei bago tumawa. He gave me a look full of confidence.
"Tsk, Leaves are keep falling. Trees are so sad for the lost but the hope is spring," sagot sa akin ni Lei na kinatigil ko.
"Oh? Tama ako 'di ba?-"
"fléves," mabilis na bigkas ko.
Hindi na naituloy ng lalaking kaharap ko ang sasabihin niya nang palibutan siya ng malalaking ugat.
"W-What the heck, Zairah! Ano ba ito?! Tama naman ang sinabi ko hindi ba?!" naguguluhang sambit ng lalaking kaharap ko, habang pilit na nanlalaban sa mga ugat.
Walang kaemo-emosyon akong lumapit sa kaniya.
"Shut the fuck up bastard. First of all, Lei would never remember nor understand a word I've said," walang ganang sagot ko rito.
"And second, hinding-hindi siya magrereklamo sa trato ko sa kaniya."
Hinawakan ko ang mukha nito at binigkas ang spell. "Mataíosi."
Unti-unting nagbago ang mukha ng lalaking kaharap ko. Parang natunaw ang mukha niya na para bang isang maskara lang ang suot-suot niya. Ang kaninang mukha niyang hindi maipinta ay napalitan ng isang nakakairitang ngisi.
"Kagaya ng inaasahan sa isang tría. Hindi ka namin basta-basta mauuto."
Kusang bumigat ang pakiramdam ko, para akong dinaganan ng kung ano. Napaismid ako sa sinabi niya. Doon ko lang napansin na napalilibutan na 'ko ng ilang witches.
"Sino kayo," kalmado ngunit alertong sambit ko.
Natawa ang lalaking kaharap ko bago niya walang kahirap-hirap na tanggalin ang sarili niya sa malalaking ugat na ginawa ko.
"Just like you, we're just witches."
Lumapit ito sa akin habang humahakbang ako paatras. Hindi nawawala ang matalim na tingin ko rito.
"Anong kailangan ninyo sa amin?" taas noong tanong ko.
Natigilan ako sa paghakbang paatras nang maramdaman ko ang puno sa likod ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga pawis ko dahil sa kaba at mabigat ang paghinga ko.
"The first Disciple acknowledged your bravery and skills. Hindi niya inaasahan na aabot kayo rito," nakangising sagot ng lalaking kaharap ko.
I was taken aback—eyes widened. "What do you mean?! Sina Xena?! Kayo ba ang kumuha sa kanila?!"
Imbis na sagutin ang tanong ko ay tumawa lamang ang lalaking kaharap ko.
"Don't sweat the small stuff. Just be grateful. Bibigyan kayo ng chansa ng Master namin na makita ang pagbabago ng mundo."
He gave me a look, a look I've seen before. He has the same look with the Disciples we've encountered before.
As if their talking about the salvation of the world...
"Sa susunod na apat na araw, magbabago ang kulay ng buwan. You'll see the greatest spell that's been made."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top