38. Destined
DESTINED
[Xena]
Matapos kong magpaalam kay Raze ay mabilis akong pumunta sa gubat na nakapalibot sa bayan ng Gretta. Wala pa rin itong ipinagbago hanggang ngayon.
Habang naglalakad ay unti-unti akong naging pamilyar sa nilalakaran ko. Kusang umaalis sa dinaraanan ko ang mga puno upang magbigay daan.
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pag-agos ng tubig mula sa ilog.
Nang marating ko ang pinanggagalingan ng tunog ay bumungad sa akin ang ilog. I immediately got familiarized with the scenery.
Kahit dito ako lumaki sa Gretta ay lagi pa rin akong naninibago kapag nakikita ko ito. Bibihira lang naman kasi ako lumabas dati no'ng bata pa 'ko.
And when I go out to see the city, I always meet different kinds and sets of people. Dahil kadalasan, isang siglo na ang lumipas kapag nakalabas na 'ko.
"Astria..." Rinig kong tawag sa akin.
Napalingon ako sa likod ko kung saan ko narinig ang boses at lumambot ang puso ko nang makita ang tumawag sa akin. Hindi sila makikita sa unang tingin dahil nakikihalo sila sa paligid.
Dahan-dahang nagsilabasan sa gubat ang iba't ibang nilalang. Agad na gumaan ang pakiramdam ko nang makita sila.
Wolves, trolls, grocks, dwarves, and other kinds of creatures greeted me.
Mabilis na nagsilapitan sa akin ang mga trolls. Hindi sila nagpapakita sa mga tao dahil sa takot nila, but we witches are the only exception. Specially me, the kid who was born loved by magic.
"Astria, anong ginagawa mo rito? Hindi ka dapat nandito. Maaring magbago ang takbo ng mga pangyayari sa kalasukuyan," nag-aalalang sambit sa akin ng isang elf.
Napunta ang tingin ko sa kanila at pilit akong ngumiti. "Babalik din ako kaagad sa panahon ko."
Pinagmasdan ko sila mabuti at hindi ko mapigilan ang pagkirot ng puso ko. Ang alam ng lahat ay gusto ng ibang nilalang ng digmaan, pero kalayaan at katahimikan lang ang gusto nila.
Pero dahil sa akin.
Dahil sa Grimoire na ginawa ko.
Hindi na ganito ang buhay nila ngayon sa kasalakuyan.
"Gusto ko lang sabihin sa inyo," biglaang sambit ko.
Nasa akin ang lahat ng tingin at atensyon ng iba't ibang nilalang na nandito.
"No matter what happens.... Kahit gaano pa katagal. Darating ako—babalik ako."
Sa muling pagkakataon ay nginitian ko ang mga nilalang na nagtatago sa gubat. "Hanggang sa muli." Pamamaalam ko bago nagsimulang maglakad ulit.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang matagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng isang pamilyar na kweba. I suddenly felt nostalgic.
Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Sa umpisa ay mukha lang itong ordinaryong kweba, pero habang patuloy ka sa paglalakad ay unti-unting lumiliwanag ang paligid.
Hindi nagtagal ay nakikita ko na ang mga fairies na sumasalubong sa akin.
"Si Xena!" Rinig kong sambit ng isa.
"Si Astria! Galing sa hinaharap!" dagdag ng isa.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga reaksyon ng fairies sa pagdating ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at unti-uting bumungad sa akin ang maliwanag na kweba na napupuno ng libro.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. I'm happy to see my home again, but at the same time, I'm confused. Kumunot ang noo ko nang makitang walang mga witches sa loob.
"Hinayaan ko silang lumabas. Hindi ka nila pwedeng makita, o magbabago ang pagtakbo ng mga pangyayari sa hinaharap, hindi ba?" Sambit ng isang pamilyar na tao.
Mabilis akong napatingin sa matandang lalaking nagsalita. May hawak-hawak itong libro at nagbabasa. Punong-puno ng emosyon ko siyang tinignan.
I felt like crying. It's like I've never seen him in ages.
"T-Teacher." Halos maiyak na sambit ko.
Kumurba ang labi nito at tinapunan ako ng tingin bago bumalik ang atensyon niya sa libro.
"Kumusta na Xena? Natupad mo na ba ang pangarap mo?" marahang tanong sa akin ng lalaking kaharap ko.
Ang luhang pinipigilan kong tumulo ay sunod-sunod na nagsibagsakan. "A-Alam mo? Alam mong mangyayari ito?" nagtatakang sambit ko.
"Natural alam ko Xena. Kanino ka sa tingin mo natutong gumamit ng mahika?" natatawang sagot sa akin ng guro ko.
Kunot noo akong lumapit sa kaniya. "Kung gano'n bakit? Bakit mo 'ko hinayaang gawin ang Grimoire kung alam mong mangyayari 'to?" giit ko.
"I didn't became the great witch that I wanted! Sinira ko lang ang lahat!" naiiyak na dagdag ko.
Napabuntong-hininga sa akin ang guro ko bago nito isara ang librong hawak-hawak niya.
"May mga bagay na hindi natin pwedeng mabago Xena," pagpapaliwanag niya sa akin.
"There are things, destined to happen."
Lumapit siya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko habang patuloy ako sa pag-iyak.
"But I'm proud you..." Ramdam ko ang init ng palad niya nang marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. "You really was the child who was born loved by magic."
He gave me a proud look—like a father looking at his daughter.
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. "Pero ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi ko magawang makagamit ng mahika," nanghihinang sambit ko.
Tila nagkaroon ng sandaling katahimikan bago muling nagsalita ang lalaking kaharap ko. Marahan niyang tinapik ang pisngi ko.
"Dahil wala ka pang tiwala sa sarili mo ngayon."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "A-Ako? Pero hindi!-"
Mabilis akong pinahinto ng guro ko sa pagsasalita. "Ikaw. Sa panahon ngayon," pagsingit niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Doon lang sumagi sa isipan ko kung ano ang araw ngayon.
Ngayon ang araw na nakilala ko siya...
Saktong natauhan ako ay narinig ko ang pag-alulong ng lobo sa labas. Balisa akong napalingon sa pinanggalingan ko.
It's already been 5 minutes?!
"Hanggang sa muli, Xena." nakangiting sambit sa akin ng guro ko. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo at kinuha ulit ang librong binabasa niya.
"There is no such thing as coincidence. Everything in this world happens for a reason. And I'm pretty sure, you'll find what you're looking for," paalala niya sa akin.
Kumurba ang labi ko sa sinabi niya at tumango.
"Thank you for all these years. I won't forget you."
He smiled before reading his book once again. Bumalik siya sa ginagawa niya kanina bago ako dumating, na para bang hindi ako nanggaling dito.
Nagsimula na akong tumakbo papalabas pero hindi pa ako gaanong nakalalayo ay may narinig akong pahabol na sinabi ng guro ko.
"But it looks like you already found it."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko na ito nagawang tanungin pa.
Mabilis akong nakalabas sa kweba at sumalubong sa akin ang madilim na gubat. Agad akong pumunta sa pwesto ng gubat kung saan natatanaw ko ang mga liwanag mula sa pyesta sa bayan.
Dahan-dahang bumagal ang pagtakbo ko habang nakatingin sa magkakasunod na mga stalls.
As if the lights are luring me—tempting me to come.
This is the night that I met him...
Tuluyan akong natigilan sa paglalakad.
Alam kong bawal. Alam kong hindi pwede.
Pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang makita ngayon. Kahit sa panahon lang na ito. Gusto ko siyang makita ulit.
Akmang maglalakad na ako papunta sa pyesta sa bayan nang makarinig ako ng pagtawag sakin.
"Xena!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.
For a moment, I thought that it was the guy with a rabbit mask.
Pero mabilis akong natauhan nang mamukhaan ko ito.
"R-Raze..."
Tuluyang nakalapit sa akin si Raze at pinagmasdan ako. "So? Nakahanap ka ba ng paraan para makaalis tayo rito?" marahang tanong nito sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot at muli akong napatingin sa pyesta sa bayan.
Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. I know that I'll meet him again.
"Xena?" pagtawag sa akin ng lalaking kaharap ko.
Nakangiti akong humarap sa kaniya.
"Of course mister good for nothing! I have a spell that can take us out of here!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top