37.5 Wish

WISH

[KID'S POV]

Mabilis akong naglakad at humalo sa maraming tao. Yari na naman ako kay Teacher. Sinabi ko na hindi ako aabot ng dalawang minuto sa labas.

Pero ngayon ay gabi na. Ibig sabihin ay sumobra na ako sa dalawang minuto.

Kailangan ko ng humiling sa buwan bago ako bumalik.

Habang nagmamadaling naglalakad ay sumagi sa isip ko ang kunehong lalaking kasama ko kanina. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.

Sisiguraduhin kong tutuparin ko ang pangako ko. Mag-aaral ako nang mabuti at gagawa ako ng magagaling na spells. Kikilalanin ako bilang pinakamagaling na witch sa mundo ng mahika.

Hawak-hawak ko ang mga wands na ibinigay niya sa akin habang tumatakbo papunta sa capital ng Gretta.

Dito makikita nang mabuti ang asul na buwan na nangyayari lang kada walong daang taon.

Nang makarating ako sa capital ay roon ko nasilayan ang magandang asul na buwan. Kumikislap ang mga mata ko habang nakatingin dito.

Habang hawak-hawak ang mga wand ay dahan-dahan akong pumikit.

"I wish. I wish to be the greatest-"

Natigilan ako sa paghiling nang maalala ko ang sinabi sa akin ng kunehong lalaking kasama ko kanina.

"Wag mong iasa sa paghiling lang ang pangarap mo. Kung gusto mo talaga itong matupad, kailangan mong paghirapan iyon."

Muli kong inimulat ang mga mata ko. Pinagmasdan ko mabuti ang mga wands na hawak ko.

Matapos ng ilang minutong pag-iisip ay unti-unting kumurba ang labi ko. Nakapagdesisyon na 'ko.

Hinawakan ko nang mabuti ang mga wands at tumingin ako sa asul na buwan.

"No matter where, no matter when."

"Even if takes a thousand years,"

"I want to see him again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top