36. Festival

FESTIVAL

[Raze]

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Xena. Hindi pa lumilitaw ang araw ay nakahanda na ito.

"Anong meron?" marahang tanong ko.

Napabuntong-hininga ito sa tanong ko at sinenyasan akong sumunod sa kaniya sa labas. Hindi ko na nagawang mag-react man lang o magtanong pa dahil nauna na ito sa akin.

Bakit ba nagmamadali 'to?

Pareho kaming lumabas ng bahay ni Xena at nabigla ako sa bumungad sa akin. Kahit sobrang aga pa ay ang dami ng tao sa labas at nagsisiayusan sila ng mga tent at paninda nila.

"E-Eh? Anong meron?" biglaang sambit ko.

Hindi ako sinagot ni Xena at nabigla na lang ako nang magsuot ito ng isang cloak.

"Listen carefully, Raze," ma-awtaridad na sambit ng babaeng kaharap ko.

Seryoso itong tumingin sa akin. Huminga ito nang malalim bago magsalita.

"I found a way to get us out of here."

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.

"H-How?"

Tinignan muna ni Xena ang paligid at siniguradong walang malapit sa amin bago sumagot.

"I'll go meet my Teacher."

Natigilan ako sa sinabi nito. "H-Huh paano?" naguguluhang sambit ko.

Bakas sa mukha ni Xena na nahihirapan siyang ipaliwanag sa akin.

"I told you didn't I? We lived in a cave. A cave with a different timeline."

Tumama sa amin ang malakas na paghampas ng hangin. Doon ko naalala ang sinabi niya sa amin nang gabing malaman namin na siya si Astria.

"Pupunta ako do'n ngayon. B-But it's too risky," dagdag ni Xena.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit naman?"

Mas lalo pang lumapit sa akin si Xena na nagpainit ng pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin sa ginawa niya.

What... the heck?

"Iba ang takbo ng oras sa loob ng kweba na iyon," sagot sa akin ni Xena.

"Isang oras sa loob ng kwebang iyon ay katumbas sa walong araw rito sa labas."

Hindi kaagad na proseso ng utak ko ang sinabi niya. Nang maintindihan ko ito ay agad na napaawang ang bibig ko.

"E-Eh?!" Malakas na reaksyon ko.

Nagsitinganan sa amin ang mga mamamayan sa paligid dahil sa ginawa ko.

"A-Ah, ano ba 'yan wag mo naman kasi ako halikan bigla. Hehe," mabilis na sambit ko. Pilit pa 'kong tumawa at kinamot ang ulo ko.

Nagsingitian ang mga tao sa paligid namin at napailing.

"Iba talaga kapag bago pa lang mag-asawa." Rinig kong natatawang sambit ng isang matanda.

Kumunot ang noo ni Xena sa narinig at tumingin ito sa akin. "Huh?"

Mabilis akong natauhan sa sinabi niya at umiling. "Wala! Wala! Ituloy mo na 'yong sinasabi mo."

Kahit nagtataka ay tumango sa sinabi ko si Xena. Laking pasasalamat ko nang hindi na ito nagtanong pa.

"Anyways, susubukan kong kausapin ang Teacher ko ng hindi hihigit sa limang minuto para matulungan niya tayo," pagpapaliwanag sa akin ng babaeng kaharap ko.

"Katumabas n'on ay ang halos isang araw rito sa labas. Kaya maaga akong aalis."

Nasagot ng sinabi niya ang tanong sa isipan ko kung bakit maaga siyang nag-ayos.

Naglabas sa bulsa niya si Xena ng sampung pirasong silver coins.

"Use this to spend your day. Malaking halaga na ito sa panahon ngayon," sambit niya sa akin, inabot niya sa akin ang mga pera.

Kinuha ko ito sa kaniya at itinago ito sa bulsa ko.

"Listen, Raze. Wag na wag kang gagawa ng bagay na pwedeng makaapekto sa kasalukuyan. Don't get too much attention. Hangga't maari ay wag na wag mong ipapaalala sa kanila ang mukha mo," paalala sa akin ni Xena.

Tumango ako sa sinabi niya at inalala ang paalala niya.

"When you hear the first howl, meet me in the woods," pahabol niya.

Sinuot ni Xena ang hood niya at sinimulan na niya kong talikuran. Akmang paalis na siya nang matagpuan ko ang sarili kong hinawakan ang kamay niya.

Natigilan sa paghakbang si Xena at nabigla itong humarap sa akin.

"Y-Yes?"

Natauhan ako sa ginawa ko at mabilis kong binitawan ang kamay niya. Napatakip ako sa bibig ko nang maramdaman ko ang pag-init lalo ng pisngi ko. Mabilis akong umiwas ng tingin.

"A-Ah nothing. Mag-iingat ka," sambit ko.

I saw Xena blushed before looking away. "O-Okay. Ikaw rin," maikling sagot nito.

Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko at naiwan akong nakatayo sa gitna ng daanan.

Tinignan ko lang siya hanggang mawala siya sa paningin ko. Nararamdaman ko pa rin ang pag-init ng pisngi ko.

Shit...

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

≿—༻❈༺—≾

I spent my time roaming around the city of Gretta. Sobrang sigla ngayon ng bayan na ito at parami rin nang parami ang mga tao.

Habang naglilibot at tumitingin sa mga stalls ay nakakita ako ng isang lumang cloak at isang maskara. Sumagi sa isipan ko ang paalala ni Xena at hindi ako nagdalawang isip na bilhin 'yon.

Wala naman sigurong magtataka kahit nakamaskara ako.

Sinuot ko ang lumang cloak at ang bunny mask na binili ko bago muling magpatuloy sa paglalakad.

Habang tumitingin ako sa mga stalls ay nakaramdam ako ng pagkagutom. Napagpasyahan kong bumili sa isang stall ng makakain.

"Ah miss- ay binibini, maari ba akong makabili ng dalawa?" sambit ko sa tindera at itinuro ko sa kaniya ang tinda niya.

Kumurba ang labi nito sa sinabi ko. "Na'ko, masyado na 'kong matanda para tawaging binibini," natatawang sambit sa akin ng tindera.

Isang tawa ang sinagot ko rito bago iabot ang bayad ko. Nabigla ako nang ibigay niya sa akin ang binili ko at isang wand na kulay blue.

"E-Eh? Hindi ko po ito binili," nagtatakang sambit ko.

Natawa ang tindera sa sinabi ko. "Aba, isa ka bang dayuhan?" natatawang tanong nito. "Hindi mo ba alam kung para saan ang pyesta na 'to?"

Mabilis akong umiling. "A-Ah opo. Kararating lang po namin ng kasama ko rito kahapon."

"Kaya pala, isang kagawian na namin 'yan tuwing nangyayari ang pyesta na ito."

Itinuro niya sa akin ang wand na hawak-hawak ko.

"May limang kulay ang kahoy na hawak mo. Isang asul, dilaw, itim, lila, at pula," pagpapaliwanag sa akin ng tindera.

Napatingin ako sa wand na hawak ko. Pasimple akong natawa sa sinabi niya. This lady just called a wand a 'kahoy'.

"Kapag nakumpleto mo raw ang lahat ng kulay ay matutupad daw ang kahit anong kahilingan mo kapag nagbago ang kulay ng buwan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top