3. Duel
DUEL
[Xena]
Lahat ng tingin ay nasa lalaking kaharap ni Nasus. The guy with a gray hair. He has a sharp look on his eyes that makes it look like he's always irritated or something.
"What's your name?" nakangiting tanong ni Nasus dito.
"Raze," walang ganang sagot ng lalaki.
"Ace?"
"No, Raze-"
"Very well! Mister Ace, you will be the opponent of Miss Zairah Trefilia!" masiglang sambit ng Principal.
Napaismid na lamang si Raze sa sinabi niya at walang buhay ang mga matang inalis ang tingin sa kaharap.
Pumunta ang dalawang napili sa loob ng bilog. Lahat ng estudyante ay nakatutok sa kanila ang mga mata at inaabangan ang magiging laban nilang dalawa. Hindi ko sila masisisi dahil kahit din naman ako. Mataas ang rank ni Zairah kaya gusto kong makita ang paraan niya ng pakikipaglaban.
"Wala sanang samaan ng loob," sambit ni Zairah.
Hindi pinansin ni Raze ang sinabi niya. Kung tutuusin ay parang wala itong pakielam na napili siya.
I mean, kung ibang estudyante 'yon ay malamang na kakabahan sila. Zairah is 'famous' after all.
"Okay! In 3! 2! 1! Start!"
Umalingawngaw ang pito ni Nasus na nakalagay sa leeg niya na parang kwintas. Naging tahimik ang paligid at lahat ng atensyon namin ay nasa dalawang nasa bilog.
"Fotiá! " Zairah attacked first.
Manghang-mangha ang mga estudyante nang lumabas ang mga apoy. Isang malaking bilog ng apoy ang lumabas sa bibig ni Zairah nang bumuga siya ng hangin na para bang bumubuga ng apoy.
Even though I'm outside the circle, I can feel the heat coming from the fire. Akala namin ay tapos na agad ang laban dahil hindi umatake pabalik si Raze rito pero hindi.
Raze dodged Zairah's attacked by jumping. By freaking jumping!
My eyes slightly widened in surprise. Sobrang taas ng talon niya!
"Fotiá." Parang bumulong sa hangin si Raze nang bigkasin ang spell niya.
Habang nasa ere ay binalik ni Raze ang atake ni Zairah. Lumabas ang apoy sa pagbuga niya ng hangin na hindi inaasahan ng kalaban niya.
"neró!" mabilis na bigkas ni Zairah.
Nagsilabasan ang asul na likido sa lupa. The water appeared and stopped the fire from going to Zairah. Napuno ng usok ang entablado dahil sa pagpatay ng tubig sa apoy.
Lahat ng estudyante ay namangha sa bilis ng pag-atake ni Raze at ang mabilisan ding pagtigil ni Zairah sa atake nito.
Sa kabilang banda, wala akong ekspresyon na nanonood sa kanila. Hindi ako masyadong naeengganyo sa laban nila. Those are just basic spells, Rank F kumbaga.
Malaki pa naman ang inaasahan ko sa tría na 'yon.
"Eh? Not bad. I'm impre-"
"Let's end this crap," malamig na pagsingit ni Raze.
Natigilan si Zairah sa sasabihin niya nang magsalita ang lalaking kaharap niya. Hindi namin inaasahan ang sumunod na nangyari.
"ilektrikí enérgeia." Nag-echo ang boses ni Raze.
Isang malakas na daundong ng kulog na lang ang narinig namin dahil sa bilis ng pangyayari. Ang lupang tinatapakan ni Zairah ay umuusok na ngayon at nagkulay uling. I can also see little cracks on it.
Before we know it, Zairah got struck by a lightning. Natahimik ang lahat nang agad itong nawalan ng malay.
Umangat ang dalawang kilay ko. I was stunned. Hindi ko rin inaasahan 'yon. Even Nasus paused for a moment.
That was a Rank C spell!
It can be found in books but only a few can use it. Kaya tumaas ang rank nito dahil sa difficulty...
"Z-Zairah!" nag-aalalang sambit ng isang lalaki.
Agad na lumapit kay Zairah ang isang lalaki. Mabilis ko itong nakilala. Iyong lalaking kasama niya kanina. The blonde hair guy.
"Magpapahinga na 'ko. Nasaan ang dorm?" walang ka emo-emosyong sambit ni Raze kay Nasus.
Napakurap-kurap muna si Nasus bago matauhan. "A-Ah here! Right wing of the castle!" hindi makapaniwalang sagot niya.
Kahit na nabigla, kaagad din itong natauhan at bumalik ang pagiging masigla niya. Nagawa pa niyang kumaway nang umalis si Raze.
"Now that's a nice fight! Who's next?!" pag-iiba ng Principal.
Napaawang ang mga bibig ng mga estudyante sa narinig. Hindi kami makapaniwala sa sinabi niya.
Seryoso ba siya? Itutuloy pa rin natin 'to?
"Shut up! Kailangan natin gamutin si Zairah-" giit ng lalaking kasama ni Zairah.
"Oh! Ikaw ang susunod, Mister Lemon!" biglaang sambit ni Nasus sa lalaki.
Kumunot ang noo ng lalaking kasama ni Zairah sa sinabi niya. "What?! No!-"
"Don't worry! Ang mga healers na ang bahala sa kaniya." dagdag ni Nasus.
Pumalakpak ito ng dalawang beses at sumulpot ang isang higante na kinuha si Zairah. "Gagamutin siya sa Castle!"
Napasinghap dito si blonde guy at natulala pero wala ring nagawa. Kita ko ang pagdiin ng pagkasasara ng kamao niya habang pinipigilan ang pagkainis.
"Now, hmm. Sino kaya ang makakaharap mo?" sambit ng Principal, na para bang hindi nakikita ang masamang tingin sa kaniya ng lalaki.
Muling nilibot ni Nasus ang tingin niya sa mga estudyante. Umikot ang tingin niya sa mga estudyante sa field nang matigilan siya. Natigilan ako nang nagtama ang mga tingin namin at kumurba ang labi niya.
"You! That lady with a beautiful hazel eyes!"
Napabuntong-hininga ako sa narinig. Great.
"You're going to be his opponent!" sambit ng Principal.
Lahat ng tingin nila ay napunta sa akin. No choice na 'ko.
Bago ako makalapit ay naramdaman ko ang paghawak ng katabi ko sa braso ko.
"X-Xena-"
Naluluhang nakatingin sa akin si Tana. She looks like a dog, begging her owner to not leave. Hindi naman siya 'yong napili ah?
"Okay lang Tana." Tipid akong ngumiti sa kaniya habang inaalis ang pagkakahawak niya sa 'kin bago ako tuluyang pumunta sa bilog.
"What's your name?" tanong sa akin ni Nasus.
"Xena."
Nabigla si blonde guy nang makita ako.
"I-Ikaw 'yong- tsk. Sorry miss, kailangan kong bilisan ang laban. Pupuntahan ko pa ang kaibigan ko," seryosong aniya sa akin.
Hindi niya magawang makatingin sa akin. Mukhang nakilala niya 'ko.
"Okay! Ready na ba?! 3! 2! 1! Start!"
Muling umalingawngaw ang tunog ng pito hudyat na magsisimula na ang laban.
"ánem-"
"varýtita," bigkas ko.
Hindi na natuloy ng lalaking kaharap ko ang spell na sasabihin niya nang unahan ko siya. Agad siyang napadapa sa lupa at hindi makagalaw. Mayroong pwersa na humihila rito pababa.
I can see the ground shaking, the small rocks getting crushed. The gravity is pulling them down.
"W-Woah! Bihira lang ako makakita ng mga witch na gumagamit ng spell ng gravity! Amazing!" sambit ni Nasus na manghang-mangha sa ginawa ko. Kahit ang mga estudyante rin ang nabigla.
"A-A Rank A spell?!"
Kahit nahihirapan gumalaw si blonde guy ay nagawa pa rin nitong magsalita. Pinipilit niya ang sarili niyang iangat ang tingin sa akin.
He's right. I used a Rank A spell. Pero hindi naman ito gano'n kahirap gamitin. The thing is, bibihira lamang itong makita sa mga libro. Kaya tumaas ang rank nito.
Ito lang ang naisip kong spell para matapos kaagad ang laban ng hindi ko siya nasasaktan masyado.
I mean, hindi ba sabi niya gusto niyang matapos kaagad?
"Oh?! Mister Lemon! Kaya mo pa ba?! Kapag hindi ka pa bumangon in 3! 2! 1!"
"Okay! Miss Xena is the winner!" malakas na sigaw ni Nasus.
"na stamatísei," muling sambit ko.
Nawala ang epekto ng spell sa sinabi ko at nagawa ng makabangon ni blonde guy.
"Here!"
Inabot sa akin ni Nasus ang susi ng dorm ko. "Right wing of the castle!" dagdag pa niya.
"And you Mister Lemon! Nasa clinic ang kaibigan mo. Ipabibigay ko na lang sa inyo ang mga susi ng dorm niyo!" sambit naman nito kay blonde guy.
Inabot ko ang susi ng dorm ko at magsimula na 'kong umalis habang pumili na ng bagong pares si Nasus.
"P-Paano?-" Pagtataka ng lalaking nakalaban ko.
Napatingin ako kay blonde guy na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
"I thought y-you're just an éxi- I mean, you can't open a portal!-" naguguluhang sambit niya.
Kumurba ang kabi ko sa sinabi niya. Kasabay ng paglingon ko sa kaniya ay ang paghampas ng hangin dahilan ng pagsabay ng buhok ko rito.
"Well, I'm also a witch. Just like you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top