26. Combination

COMBINATION

[Raze]

Wala kaming tigil sa pagtakbo ng babaeng kasama ko. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito.

Natatandaan ko lang ay sumunod lang ako sa pagtakbo sa taong humila sa akin. Hindi ko naman alam na si Tana pala 'yon.

"B-Bakit ikaw kasama ko? Nasaan si Xena?" naiiyak na sambit ni Tana.

Napaismid ako sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha niyang magreklamo eh siya nga 'yong humila sa 'kin sa sobrang taranta niya.

Speaking of Xena, saan naman napunta ang babaeng 'yon at sino ang kasama niya?

"M-Mamatay na 'ko. Ayoko pang mamatay!" muling sambit ng babaeng kasama ko.

Napangiwi ako, hindi maipinta ang mukha.

I don't give a damn in female privilege, and I believe in gender equality. At dahil doon ay hindi ako nagdalawang isip na sampalin ang babaeng kasama ko.

"Fucking stop crying! Kung hindi, ako papatay sa'yo!" inis na sambit ko.

Mas lalong naluha si Tana sa ginawa ko pero mabilis niyang tinakpan ang bibig niya para hindi siya makagawa ng ingay. I freaking hate cry babies!

Napalingon ako habang tumatakbo, hinahabol pa rin kami nung kutong lupang Disciple. I'll never forget that freaking ugly face of his.

Gusto kong bumawi para sa ginawa niya sa mga magulang ko. Pero alam kong hindi ko iyon magagawa sa kakayahan na meron ako ngayon.

Walang kahirap-hirap niyang iniwasan ang spell na ginawa ko kanina. For pete's sake, that was a Rank A spell!

That only means that he's still out of my league. I need to get stronger more.

Tinapunan ko ng tingin ang babaeng kasama kong tumatakbo. Kahit nakakainis mang isipin, alam kong alam naming pareho na wala kaming mapapala sa pagtakbo lang. Lalo na itong babaeng ito na tanging pag-iyak lang ang alam.

Tsk. What the hell should I do?

Hindi gagana ang basta-bastang spell sa Disciple na 'to. At isa pa, mas mataas ng isang numero ang pwesto niya sa lalaking nakaharap namin sa Kanyes. If we want to fight, we should at least use a Rank S or Rank SS spell.

Ang problema lang ay wala na 'kong Rank SS spell na alam na pwedeng makatalo sa kupal na 'to. Kung Rank S spell lang naman ay tanging pang depensa lamang ang alam ko at walang pang atake.

Ang Rank S spell lang na pwede kong ipanlaban sa kanya ay isang Electric spell. Pero hindi ko alam kung tatalab pa 'to sa kaniya dahil 'yong spell na ginamit ko kanina ay hindi man lang gumana.

I've been working on my own spell. Pero hindi pa iyon handa at kumpleto. Kapag ginamit ko 'yon ngayon ay kaming dalawa lang ni Tana ang malilintikan.

"Bwisit!" iritadong sambit ko, nang wala na 'kong maisip pang paraan.

Tumingin ako kay Tana. "Hey freak! Anong spell ang kaya mong gawin?" tanong ko.

Confused and tensed, she looked at me with a worried look on her eyes. Tumagal ng ilang segundo ang pag-iisip nito bago siya sumagot. "A-Ah. Water spells."

Napaisip ako sa sinabi niya. "Good. What Rank is the best spell you got?" muli kong tanong.

Hindi kaagad nakasagot sa tanong ko si Tana na para bang nahihiya pa itong sabihin. Napaiwas ito ng tingin sa akin habang magkasalubong ang kilay.

"Hurry the fuck up!"

Nataranta ang babaeng kaharap ko sa ginawa ko at mabilis itong sumagot.

"R-Rank B!"

Napaismid ako sa sobrang bagal niyang sumagot. Napunta ang tingin ko sa daan at nagpatuloy kami sa pagtakbo.

Okay. So Rank B-

Natigilan ako nang natauhan ako sa sinabi niya. Mabilis kong tinignan uli si Tana at iritado ko itong sinigawan.

"Are fucking kidding me?! Rank B?! Ano ka? Bata?!"

Napatakip si Tana ng tenga niya habang tumatakbo kami dahil sa sigaw ko. Nagbago ang ekspresyon nito at muli na naman itong umiyak.

Tanging pag-ismid na lang ulit ang nagawa ko at napahawak ako sa mukha ko. This girl is freaking useless! Bakit pa ba kasi 'to sinama ni Xena?

"Tsk. No choice, mauna ka ng tumakbo. Haharangan ko siya. Hanapin mo kaagad si Xena," seryosong sambit ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot si Tana at huminto na 'ko sa pagtakbo. Tumalikod ako at hinarap ang lalaking humahabol sa amin na huminto rin sa pagtakbo.

"Oh? Napagod na ba kayo sa pakikipaglaro?" natatawang sambit ng Disciple sa amin.

I hissed—irritated. Balak ko na sana siyang sagutin nang makuha ng atensyon ko ang babaeng kasama ko. Tulad ko ay huminto rin siya sa pagtakbo pero wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.

"Hey dumbass! Sabi ko mauna ka na hindi ba?!" iritadong sambit ko kay Tana.

Hindi ito nakinig sa akin at nanatili lang itong nakatayo na mas lalo kong kinainis.

"Freak!-"

"I won't leave you alone!" pagmamatigas niya.

"You've done so much for me. Wala akong mukhang maihaharap kay Xena kapag iniwan kita!" gagdag pa nito.

Tanging pag-ismid ang naisagot ko sa kaniya. Magkakasingaw ata ako sa dila dahil sa inis sa babaeng ito. As if there's a difference with you being here.

Bwisit, ang tigas ng ulo.

Umalingawngaw ang tawa ng Disciple sa sinabi ng babaeng kasama ko.

"Oh? May idadagdag pa ba kayo? Kahit ilan pa kayo. Kayang-kaya ko kayong durugin nang sabay-sabay," pagmamayabang nito.

Gusto ko siyang duraan sa mukha at pagsipa-sipain ang ulo niya. Kung may sapat lang akong kakayahan ay kanina ko pa ginawa 'yon.

"Raze," tawag sa akin ni Tana.

Hindi ko ito pinansin at nanatiling nasa Disciple ang tingin at atensyon ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan para matalo siya.

"Raze sabi!" muling tawag sa akin ni Tana.

Hindi ko pa rin pinansin ang pagtawag niya sa akin. Panigurado akong walang-

"Freaking jerk! That's why Xena doesn't like you!"

Iritado akong humarap sa kaniya at pinandilatan siya ng mata. "What?!" giit ko.

She pouted—stopping herself from crying. Huminga nang malalim si Tana bago ako sagutin.

"My mom taught me a Rank SS spell. But I never tried it before," seryosong sagot nito.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.

"You're really a dumbass. Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Nag-aalalang tumingin sa akin si Tana. "But I never used it before, what if I messed up?"

"Stupid. That's part of being a witch. But you better don't mess it up. Wala rito si Xena para linisin ang kalat mo," pagbabanta ko rito.

Alam kong imbis na gumaan ang loob ni Tana sa sinabi ko ay mas lalo pa itong kinabahan. Well, I don't do cheer ups.

"Oh ano? Tapos na ba kayo riyan?" biglaang sambit ng Disciple.

Napunta ang tingin ko rito at pasimple akong lumapit kay Tana.

"Do the spell, I'll support you," Bulong ko sa kaniya, habang hindi nawawala ang tingin ko sa Disciple.

Naramdaman ko ang pagtango ni Tana sa gilid ko. Muli sanang magsasalita ang Disciple nang naunang magbigkas ng spell si Tana.

"drákos tou neroú," mahinang sambit ng babaeng kasama ko.

Pareho kaming natigilan ng Disciple sa ginawa niya. Unti-unting lumabas ang mga simbolo at ang ang spell na ginawa ni Tana.

Hindi umuulan, pero tila naging basa ang lupa. Kasunod nito ay ang pamumuo ng mga tubig na naging isang dragon, dragon na walang pakpak.

Natulala at namilog ang mga mata ko—nakaangat ang tingin sa malaking dragon na gawa sa tubig. Ang malaking bunganga nito ang kumain sa Disciple na kaharap namin, dahilan ng pagkulong niya malaking bola ng tubig.

Ni hindi magawang makagalaw ng Disciple sa loob o makabigkas lang man ng spell. It restraints any kind of movement, and make your body numb.

So this is a Rank SS spell.

Kahit nabigla pa rin sa nangyari, kinuha ko na ang chansang iyon para gumawa rin ng isang Rank S spell.

"boulóni," sambit ko.

Ang bolang gawa sa tubig na ginawa ni Tana ay pinalibutan din ng mga kuryente. Dahilan ng pagnigas ng Disciple sa loob.

I can smell the burning flesh coming from the Disciple's direction. Umusok din ang paligid dahil sa pagkonekta ng tubig at kuryente.

"D-Did it work?" nag-aalalang sambit ng babaeng kasama ko.

Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. Hindi nawawala ang tingin ko sa harapan, kung saan nagsama ang dalawa naming atake.

It's the best spell combination spell that I saw and made so far.

"I take back what I said."

"You're a freaking strong witch."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top