18. Departure

DEPARTURE

[Xena]

Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob ni Raze. I'm not good in situations like this. Ang alam ko lang ay kailangan niya ng pampagaan ng loob ngayon. At ang tanging naisip ko lang na paraan ay ang yakapin siya.

Nabasa ko noon sa libro na gumagaan ang loob ng mga tao kapag yinayakap sila. I guess I helped him even if a little bit, right?

Nang tanggalin ko ang pagkakayakap ko kay Raze ay nanatili itong naestatwa sa pwesto niya. Tila hindi nito inaasahan ang ginawa ko.

"Okay ka lang?" marahang tanong ko.

Mabilis na natauhan si Raze sa sinabi ko at napunta sa akin ang tingin niya. "A-Ah yeah. Thanks," maiksing sagot niya.

Nang magtama ang tingin namin ay agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Nagtaka ako sa inakto nito pero hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Shall we start going?" pag-iiba ko.

Tumango sa sinabi ko si Raze at nagsimula na kaming maglakad pabalik. Pumunta kami sa usapan naming kitaan nina Lei.

Nang makarating kami roon ay sumalubong sa amin ang mga itsura ni Lei at Tana na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko.

Walang lakas na napunta sa akin ang mga tingin ng dalawang kasama namin. Mabilis na lumapit sa akin si Tana at yumakap sa braso ko nang makilala ako.

Nagsimula na rin itong umiyak na mas lalong kinanuot ng noo ko.

"Fuck. Xena, sorry. Wala kaming nahanap na trabaho," Lei said, full of emotions. Kulang na lang ay suntukin niya ang hangin.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Napunta ang tingin ko kay Tana na walang tigil sa pag-iyak na parang bata.

"Wala kaming mahanap na trabaho kaya we did magic tricks instead! Pero pinagtawanan lang kami ng mga bata!" naiiyak na sambit niya.

Napaismid sa sinabi nito si Raze at napahawak naman ako sa noo ko.

"Okay lang 'yan. Bumawi na lang kayo bukas. Meron naman kaming nakuhang trabaho ni Raze," pagpapagaan ko ng loob nila.

Mabilis na lumiwanag ang ekspresyon ng dalawang kasama namin na mas lalong kinaismid ni Raze. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kanila at inilabas ang pirasong papel na binigay sa akin kanina ni Zairah. Sabi niya ay gamitin namin 'to para mahanap siya.

"Deíxe mou ton trópo," sambit ko.

Nagsimulang lumutang mag-isa ang papel at gumalaw. Sinenyasan ko ang mga kasama ko na sumunod sa akin habang sinusundan ko ang papel.

Dinala kami ng mga paa namin sa tapat ng isang inn. Dito na huminto ang papel na sinusundan namin.

Doon namin napansin ang babaeng walang ganang nakasandal sa harap ng inn.

"Ano? Nakakuha kayo ng trabaho?" Bungad sa amin ni Zairah.

Mabilis na umiwas ng tingin si Lei at Tana sa tanong nito. Napabuntong-hininga si Zairah sa inakto nila at mabilis na naintindihan ang gusto nilang iparating.

"As expected," walang ganang sambit nito.

"Don't worry. Nakakuha kami ni Raze," pagsingit ko.

Tinapunan ako ng tingin ni Zairah at sinenyas sa akin ang inn. "We can stay here for a while. Bayad na ang pag-stay natin diyan. Ipunin niyo na lang pera ninyo."

Hindi na namin nagawa pang makapagsalita nang nauna ng maglakad si Zairah papasok sa loob ng inn.

I can't help but to get curious and amaze at the same time. Zairah managed to find us an inn ang payed for it.

Dito kami tumuloy ng ilang araw. Nanatili kaming nagtrabaho ni Raze sa kainan na napuntahan namin. Dahil walang mahanap na trabaho sina Lei ay sa amin na rin sila sumama. Mabuti na lang at pumayag ang may-ari na magkaroon pa ng sobrang tulong.

Hindi namin alam kung ano ang ginagawa ni Zairah dahil hindi ito sumasama sa amin. Nagkikita lang kami tuwing gabi sa inn.

≿—༻❈༺—≾

"Handa na ba kayo?" Sambit sa amin ni Zairah.

Pare-parehong tumango ang mga kasama ko sa tanong niya. Ngayon ang panglimang araw namin dito sa Sydros at ngayong araw gagana ang portal dito.

Ngayon kami aalis para pumunta sa susunod na bayan. Papunta na kami sa capital kung nasaan ang portal.

"Saan tayo susunod na pupunta?" masiglang tanong ni Tana. Nakuha ng tanong nito ang atensyon ko.

Pareho naming hinintay ang sagot ni Zairah. Tila hindi maipinta ang mukha nito nang matauhan sa tanong ni Tana.

"Bwisit, nawala sa isip ko na ang Kanyes pala ang susunod na bayan na pupuntahan natin," naiinis na sagot niya.

Kumunot ang noo namin ni Tana sa sinabi niya. Habang mukhang alam na nina Lei at Raze na parehong walang reaksyon ang bayan na tinutukoy niya.

"Anong meron do'n?" marahang tanong ko.

Ang walang kaemo-emosyong si Raze ang sumagot sa tanong ko. "It's a big city. Almost big as Bernice. But there are no laws there. In short, it's a lawless city."

"Oh? Anong meron? Ibig sabihin lang n'on ay walang magsusumbong kung may makakilala sa inyo," sagot ko kina Lei at Zairah.

Naismid si Lei sa sinabi ko. "That's the point. That city is lawless!! Maraming may galit sa mga nobles! Walang problema kung papatayin nila kami!" problemadong giit ni Lei.

Natauhan ako sa sinabi nito at hindi nakasagot. Mukhang kahit pa paano ay namomroblema rin pala ang mga nobles.

"Bahala na. Pag-iisipan na lang natin 'yon ng paraan kapag malapit na tayo," pag-iiba ni Zairah.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa capital. Bumungad sa amin ang fountain sa gitna nito kung nasaan ang portal.

Nagsimulang pumila si Zairah sa harap nito. Marami ring mga witches ang na-stuck dito sa Sydros at gustong gumamit ng portal.

Habang naghihintay kami nina Raze ay naagaw ang pansin namin ng isang batang tumatakbo papalapit sa amin. Nabigla ako nang makilala ang batang babae.

May dala-dala itong basket na naglalaman ng mga prutas at tumigil sa harap ni Raze. Hindi rin inaasahan ng lalaking kasama ko ang pagsulpot niya.

"Sorry po kuya, hindi ko nagawang magpasalamat!" nakangiting sambit ng batang babae kay Raze.

Siya 'yong batang babae na tinulungan no'ng nakaraan ni Raze!

Pare-parehong nabigla ang mga kasama namin ni Raze na hindi inaasahan ang sinabi ng bata.

Tinignan ng bata ang magkabilang gilid niya bago lumapit pa lalo sa lalaking kaharap.

"Sabi ni mama sekreto lang daw po ito, kaya wag ka maingay ha?" muling sambit ng bata.

Hindi pa nagagawang makasagot ni Raze ay lumapit na sa kaniya ang bata na tinakpan ng dalawang kamay ang bibig niya. Kahit sinubukan niyang ibulong lang kay Raze ay narinig naming lahat ang sinabi niya.

"Sabi ni mama ay hindi ka kayang harapin ng kahit sinong nakatira rito sa bayan. Dahil wala raw silang nagawa para sa'yo noon."

Naestatwa sa kinatatayuan niya si Raze at unti-unting nagbago ang ekspresyon.

"Sinabi nila nga na heroes daw po kuya ang mga magulang niyo!" masiglang dagdag niya. "Pero wala silang lakas na loob na humingi man lang tawad sa'yo o kausapin ka."

"No'ng una ay hindi ako naniniwala na totoong may mga heroes. Pero no'ng niligtas mo 'ko kuya ay naniniwala na 'ko! Sigurado akong mga heroes din ang mga magulang mo!"

Inabot niya ang basket na puno ng prutas kay Raze. Hindi pa rin magawang makapagsalita ng lalaking kasama ko na hindi makapaniwala sa naririnig.

"Maraming salamat sa pagligtas sa akin kuya! Mag-iingat kayo sa paglalakbay niyo!" pahabol na sambit ng bata, habang kumakaway at tumatakbo papalayo.

Hindi makapaniwala si Raze sa nangyari at sa narinig. He remained dumbfounded. Hindi galit sa kaniya ang mga mamamayan ng bayan o maski sa mga magulang niya.

Doon ako natauhan. Hindi kami nakakuha kaagad ng trabaho ni Raze dahil pareho kaming witch. Kung hindi dahil nakilala ng may-ari ng kainan si Raze, kaya mabilis kami nitong binigyan ng trabaho. Samantalang sina Lei at Tana ay nahirapang maghanap.

I can't help but to smile.

Raze may thought that being alive was a sin. But to the people living here in this city, they're grateful that he's still alive.

And so am I.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top