17. Childhood

Childhood

[Raze]

Unti-unting napaawang ang bibig ni Xena sa sinabi ko. What's with the reaction?

Hindi nito nagawang makapagsalita o maka-react man lang. I can see the guilt on her face. Naging awkward tuloy kami bigla.

"Tara na, baka nando'n na sina Tana," pagbasag ko sa katahimikan.

Pilit na ipinakita sa akin ni Xena ang ngiti niya. "A-Ah! Oo nga tara na!" pakitang siglang sambit nito.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa inakto niya at sinundan siya maglakad pabalik. Nasa bulsa ang dalawa kong kamay habang mababa ang tingin ko sa nilalakaran namin. Walang nagsasalita sa aming dalawa.

Nanatiling tihimik ang paglalakad naming dalawa ni Xena nang may nakakuha ng atensyon ko.

"Uy may bata! Malapit ng mahulog!" Rinig kong sambit ng isang sibilyan.

Pareho kaming nagkatinginan ni Xena at alam na namin ang gustong iparating ng isa't isa. Mabilis kaming tumakbo papunta sa pinanggalingan ng kaguluhan.

Sumulabong sa amin ang mga nagkukumpulang mga tao sa capital at pare-pareho silang nakatingin sa pinakamataas na puno na nandito.

Kapwa kaming natigilan ni Xena nang makita ang isang batang babaeng nakasabit sa itaas.

Hindi ko alam kung paano nakapunta riyan 'yong bata pero ang alam ko lang ay tanga siya. Aakyat siya taas tapos hindi siya marunong bumaba.

Nagsimula ng magsiakyatan ang mga lalaki rito para kunin ang batang babae. Napaismid na lamang ako dahil alam kong hindi sila aabot.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta sa baba ng mataas na puno. Nang napabitaw na sa pagkakasabit ang batang babae ay mabilis kong binanggit ang spell.

"ánemos," bigkas ko.

Humampas ang malakas na hangin sa kinaroroonan namin at dahan-dahang binuhat ang babae pababa. Bakas sa mukha ng batang babae ang pagkabigla na hindi inaasahan ang ginawa ko. Naibaba ito sa puno ng wala man lang galos.

Walang reaksyon ang mga taong nanonood sa amin. Doon ako natauhan sa ginawa ko.

Naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko at ang pagsikip ng dibdib ko. Lahat ng tingin ng mga mamamayan ng Sydros ay nasa akin.

Gumamit ako ng mahika. Sigurado akong nakikilala na nila ako ngayon.

Bago magawang makapagsalita ng batang babaeng tinulungan ko ay mabilis na nitong kinuha ng nanay niya. Ni hindi man lang ako pinasalamatan o tinapunan man lang ng tingin ng nanay niya.

Mabilis silang naglakad paalis sa harap ko. Kasunod n'on ay ang tahimik na pag-alis din ng mga tao sa paligid na para bang walang nangyari.

Napayuko na lamang ako at humigpit ang pagkakasara ng kamao. Walang salitang lumabas sa bibig ko o kahit pagpapakita man ng kahit anong emosyon ay hindi ko ginawa.

Dahan-dahan lumapit sa akin si Xena na naguguluhan at nabigla rin sa nangyari. Pero imbis na magtanong ay nanatili lang itong tahimik.

Muli kaming naglakad pabalik ni Xena na para bang walang nangyari. Alam kong gusto niyang magtanong ngayon pero pinili na lang niyang itikom ang bibig niya.

"Nabigla ka ba?" biglaang sambit ko. Pilit kong ipinakita ang isang ngisi sa babaeng kasama ko. I tried to start a conversation, to make things less awkward.

"I guess, nabigla lang sila nang makita ang isang lalaking dapat patay na. Mukhang kasalanan nga atang buhay pa 'ko," natatawang dagdag ko.

Alam kong biglaan lang itong mga lumalabas sa bibig ko. Pilit akong ngumisi kahit nakayuko. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'to nasasabi. Sigurado akong naguguluhan si Xena sa mga sinasabi ko. Paiba-iba ang mood ko.

Napunta ang tingin ko sa babaeng kasama ko at natigilan ako sa pagtawa nang makita ko itong seryosong nakatingin sa akin.

"Being alive is not a sin."

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na seseryosohin niya ang sinabi ko na mas lalo kong kinatawa. Unti-unting natigil ang pagtawa ko at napunta ang tingin ko sa langit.

"I told you that I was born and raised here, right?" kaswal na sambit ko sa babaeng kasama ko. "Nagtataka ka siguro kung bakit gano'n ang pakikitungo nila sa akin?" nakangiting dagdag ko.

Bago magawang makasagot ni Xena ay muli ko itong tinapunan ng tingin.

"My parents were considered as traitors in the council. They were both killed in this city."

I said it casually—with a fake smile on my face. Making Xena too stunned to speak. Bakas sa mukha niya na hindi niya alam ang magiging reaksyon niya.

Tinawa ko na lamang ang sakit na nararamdaman ko. Unti-unting bumalik sa akin ang mga alaalang ayoko ng maalala pa.

"My parents were used to be great witches. They were both members of the council."

Xena showed me mixed reactions—naguguluhan at pagkabigla. "S-So that means... y-you're a noble."

Ngiti ang pinakita ko rito at isang tango ang sinagot ko.

"Well, used to be. Lagi ko pang pinagmamalaki na isa akong noble at magiging malakas ako na witch. Pero nawala sa council ang parehong magulang ko."

"Everything was okay. Until that happened."

Nawala ang pagkurba ng labi ko at tila nandilim ang paningin ko. Ang tangi ko lang naalala ay ang nga nangyari noong nakaraang walong taon.

"Eight years ago, inilabas ang utos sa council na bibigyan ng permiso ang mga witches na gamitin ang mga spells na nasa Grimoire ni Astria," pangunguna ko.

Nagbago ang ekspresyon ng babaeng kasama ko sa narinig.

"Pero hindi pumayag ang mga magulang ko sa ideya na iyon. Ang paniniwala nila ay hindi tayo pwedeng gumamit ng spell na hindi naman sa atin o walang pahintulot ng may-ari."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko. Unti-unting sumara nang mahigpit ang kamao ko habang inaalala ang mga pangyayari noon.

"Of course, because of that, they removed both of my parents in the council."

"Wala namang problema sa amin 'yon no'ng una. Nanatiling payapa ang buhay namin. Not until when they came."

"Just a week after my parents were removed in the council, they came in this city—the 12 Disciples of Astria."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Xena sa sinabi ko. Hindi niya inaasahan na kasama sila sa kwento ko.

Pinasok ko sa bulsa ang mga kamay kong nagsimula ng manginig. "Pumunta sila rito para ibahagi ang mga kagustuhan ni Astria, at ligpitin ang mga hindi sasang-ayon," sambit ko.

"Hindi ko alam kung coincidence lang ba... pero ang unang bahay na pinuntahan nila ay walang iba kung hindi ang amin."

Muling napunta ang tingin ko sa langit. Naging manhid ang buo kong katawan.

"Hindi nagbago ang desisyon ng mga magulang ko at nanatili ang paniniwala nila. And because of that, they were both executed here in the capital to serve as a warning to those who doesn't want to support Astria," walang kaemo-emosyong sambit ko.

"Wala akong nagawa no'n. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Basta tumakbo lang ako nang tumakbo paalis sa bayan para hindi nila 'ko makita." Pilit akong tumawa. "That's why I really hate weaklings and witches that are just full of talks. Because they reminded me of me when I was young. Fuck being a noble. I couldn't even save my parents."

Inilabas ko sa bulsa ang mga kamay ko at nalipat ang tingin ko rito. Parang nawawasak ang puso ko sa sobrang sakit.

"I hate myself for being weak. I hate the council for turning a blind eye. I hate the Disciples for killing my parents. And I hate my parents for leaving me all alone." Walang buhay ang mga mata ko habang tulala.

"Pero ang pinaka-kinasusuklaman ko sa kanilang lahat ay... si Astria..."

"For making that stupid Grimoire. Why did she made that for? For the salvation of the world? Or destruction?" Sarkastiko akong tumawa.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kung inis, awa, o galit.

Sigurado akong naguguluhan na rin sa akin si Xena. Bigla na lamang ang nagkwento sa kaniya.

Hindi ko rin alam kung anong meron sa akin at bakit ko naisipang magkwento sa kaniya. Pero hindi ko maitatangging gumaan ang loob ko nang maglabas ako ng emosyon sa kaniya.

Tila ba parang iba kapag siya ang kausap ko.

Hinihintay ko ang magiging sagot o reaksyon sa akin ni Xena.

Kung tatawanan ba 'ko nito. Maawa. O makikiramay sa akin.

I mean, sa itsura niya ay para siyang isang witch na hindi alam kung paano magpakita ng emosyon-

Nawala ang pag-iisip ko nang makaramdam ako ng maiinit na katawan sa likod ko. Unti-unting yumakap sa akin si Xena. Ni hindi man lang ako makagalaw sa pwesto ko sa bigla.

"I've read it in books before. That hugs transfers energy and gives a person an emotion lift. I may not know how sad you are right now. But I hope this makes you feel better."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top