14.5 Zero

ZERO

[Aferis]

Tirik ang araw, patuloy sa pagkilos at paggawa ang mga tao sa bayan. Para bang walang nangyayaring kaganapan dito.

Natulala ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko magawang makagalaw sa pwesto ko at sunod-sunod ang pagpatak ng mga pawis ko.

Nakakunot ang mga noo ng mga taong nakapaligid sa amin ng babaeng kaharap ko. Bakas sa mukha nila na naguguluhan sila sa nangyari.

Walang lumabas na kahit anong mahika matapos banggitin ng babaeng kaharap ko ang spell.

Ngunit sapat na 'yon para malaman kung gaano kalayo ang pagitan namin sa lakas. Isa akong witch na binabayaran lamang ng mga nobles para manilbihan sa kanila. Ngunit sa talambuhay ko ay si Aeros pa lang ang alam kong nasa rank na gano'n.

Midén.

Walang kahit sino man ang pwedeng bigkasin ang salitang 'yon. Pwera ka na lang kung isa ka sa kanila.

Isa 'yon sa dahilan kung bakit hindi pinapaalam sa mga mababang rank ng witches ang salitang 'yon. Ang tanging alam lang nilang pinakamataas ay ang mga énas o one.

Hindi ako makapaniwala na makakaengkwentro ako ng isa ngayon. At isang hindi hamak na bata?!

"I-Impossible," natatawang giit ko sa babaeng kaharap ko.

Walang bakas ng pagbibiro sa mukha niya at mas lalo pa itong lumapit sa akin.

"Then why won't you pronounce it instead?" seryosong tanong niya.

Hindi ako nakakibo at hindi ko magawang makapagsalita.

"Hoy Aferis! Ano ba ang sinabi niya? Tapusin mo na 'yan!" Rinig kong sambit ni Richel, ang babaeng nagbigay sa akin ng trabaho.

Natauhan ako sa sinabi niya. Napunta ng tingin ko sa mga taong nakapaligid sa amin. Pare-parehong bumalik sa mga ekspresyon na meron sila no'ng limang sedundo pa lang ang lumipas.

Sa oras na marinig ng ordinaryong witch ang salitang 'yon, matapos lamang ng limang segundo ay hindi na nila ito magagawang matandaan pa.

Hindi na nila ngayon naalala na binanggit ng babaeng kaharap ko ang salitang 'yon.

"Ano na Aferis?! Binabayaran ka namin!" muling sambit ni Richel.

Hindi ko magawang makaimik sa mga sinasabi nito. Doon ko napansin na nanginginig pala ang kamay ko. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko.

Nanginginig ako sa hindi hamak na mas bata sa akin.

"Umalis na kayo. Hindi niyo nakita si Zairah at Lei sa bayan na ito," walang kaemo-emosyong sambit ng babaeng kaharap ko.

Kumunot ang noo ni Richel sa sinabi niya at akmang lalapit sa babaeng kaharap ko nang pigilan ko siya. Nagtaka ito sa inasal ko pero bago pa niyang magawang makapagsalita ay inunahan ko na siya.

"Umalis na tayo. Hayaan niyo muna 'yong mga bata," seryosong sambit ko.

"Nasisiraan ka na ba! Malaki ang bayad-"

"Hindi mo na 'ko kailangang bayaran. Sa inyo na ang pera niyo. Mas mahalaga para sa akin ang buhay ko," pagsingit ko kay Richel.

Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya nang sumingit ako. Hindi siya nakasagot at napaismid na lamang.

Iritado itong tumalikod at sinenyasan ang mga kasama niyang nakaunipormeng lalaki na bitawan ang babaeng pinunta namin dito.

"You might me lucky this time, Miss. But we'll come for you next time," may pagbabantang bigkas ni Richel, bago tuluyang umalis kasama ang mga utusan niya.

Bago ako sumunod sa kanila ay muli kong tinapunan ng tingin ang babaeng kaharap ko. Nakatalikod ako nang sumulyap ako sa kaniya.

Mariin ko siyang pinagmasdan habang may seryoso akong ekspresyon sa mukha.

"Who are you?" may tonong tanong ko.

Nilingon niya 'ko at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nang tamaan ng sikat ng araw ang kakaibang kulay ng mga mata niya.

Mga matang nangungusap... mga matang parang nakakakita na ng mga bagay na hindi ko pa nakikita o makikita man lang.

"Just an ordinary witch," kaswal niyang sagot.

Napaismid ako sa sinabi niya at tuluyang tumalikod. Nagsimula na rin akong umalis.

As if.

Those eyes are not for ordinary witches... she has the same eyes like Aeros.

The eyes of those who have the ability to create... and destroy.

The eyes of a powerful witch.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top