12. Company

COMPANY

[Xena]

Huling naproseso ng utak ko ang nangyari, huli rin ang naging reaksyon ko. Nagtama ang tingin namin ni Raze—walang buhay ang kaniyang mga mata. Hindi ko inaasahan na nandito siya.

"K-Kailan ka pa nandiyan?" marahang tanong ko. I tried to calm myself but my voice failed me.

Nag-inat sa harapan ko si Raze at kaswal na inilagay ang mga kamay niya sa bulsa.

"Ako ang unang nagtanong hindi ba?" nakangising sambit ng lalaking kaharap ko. As if he had the upperhand against me after learning something.

Nagtitigan muna kami ng ilang segundo bago tuluyang nagbago ang ekspresyon ko. Acting innocent right now will do nothing. Nawalan ng buhay ang mga mata ko at matalim ko siyang tinignan.

"So what if I am?" Taas noong sagot ko.

Nawala ang ngisi ni Raze sa labi at nagbago rin ang ekspresyon niya. "Why would you want that book?" iritadong tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "At bakit ko sasabihin sa'yo?"

Napaismid siya sa sagot ko at bakas sa mukha niya ang pagkainis. Bago siya muling magsalita ay inunahan ko siya.

"Ikaw ang tatanungin ko, bakit mo gustong makuha ang Grimoire ni Astria?" balik na tanong ko.

He was slightly taken aback by what I said. Raze paused for a moment before answering. Kahit mukhang wala itong balak na sagutin ako sa una ay seryoso ako nitong tinignan at nagsalita.

"I'll find the Grimoire of Astria,"

"And using my own hands... I will fucking destroy it."

Parang bumagal ang takbo ng oras. Kasabay nito ay ang paglakas ng hampas ng hangin. Sumabay ang naglalakihang mga kurtina ng mga naglalakihang bintana.

Hindi ko kaagad nagawang makasagot sa sinabi niya. Pinroseso muna ng utak ko ang narinig ko.

"Y-You'll what?" pag-uulit ko.

Muling napaismid si Raze bago sumagot.

"Are you deaf Miss goody two-shoes? I said, I will fucking destroy it!"

Kahit na nabigla at hindi ko 'yon inaasahan, mabilis kong iniling ang ulo ko. Hindi ako pwedeng basta-bastang maniniwala sa sinasabi niya.

"And why would I believe you? Ikaw na mismo ang nagsabi. Gusto mong lumakas," mariin na sambit ko.

Mas lalong bumakas ang pagkairita ni Raze sa sinabi ko. "Bakit ko ba kailangang patunayan sa'yo?" bulong niya sa sarili.

Tinapat niya ang kamay niya sa lapag. Dahilan ng pag-atras ko.

"kríne me sto dikastírio," seryosong bigkas niya.

Lumabas ang malaking bilog sa lapag at ang mga simbolo. Lumiwanag ng kulay lila ang tinapakan niya. Kasabay nito ay ang paglabas ng mga kadena at pinalibutan nito si Raze. Inikutan ng mga kadena ang magkabila niyang mga kamay at mga paa.

Kusang namilog ang mga mata ko. "W-Where did you learn that spell?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Kaunting nakaawang ang bibig, nakatutok ang tingin ko sa gumagalaw na mga kadena pero nananatili sa iisang posisyon.

It was an Rank SS spell. Tanging mga council members at mga piling witches lamang ang nakakaalam ng spell na 'to.

It is used to judge criminals. Ang kahit sinong gamitan ng spell na ito ay dapat purong katotoohanan lamang ang sasabihin.

Once they lie, they will die.

Kumurba ang labi ni Raze sa naging reaksyon ko. "Now, you'll believe me, right?" nakangising sambit niya.

Dumeretso ng tayo si Raze at seryosong tumingin sa mga mata ko. Parang wala ang mga umiikot na kadena sa bawat parte ng katawan niya—desidido niya akong tinignan.

"I told you, I want to find the Grimoire of Astria and destroy it."

"W-Why?"

Nagbago ang eskpresyon ni Raze. For a moment I saw his expression became sad. Pero mabilis din niya itong iniba.

"I despise Astria," walang kaemo-emosyon at derestong aniya.

Natigilan ako sa sagot niya at hindi ko nagawang makasagot kaagad. Tila natauhan ako at bumaba ang tingin.

"I see," maikling sagot ko. We really are alike.

Tuluyan ng nawala ang mga kadena na nakapalibot kay Raze senyales na nawala na ang bisa ng spell niya.

"That's the reason why I want to become stronger," muling sambit ng lalaking kaharap ko. He's full of emotions while looking at his hands, as if he's eager to have more power.

Tumagal ng ilang segundo ang katahimikan bago ko magawang makapagsalita.

"We have the same goal then."

Nabigla sa sinabi ko si Raze at mabilis na napunta sa akin ang tingin at atensyon niya.

"That's the only thing I could tell you though," muling sambit ko.

Napunta ang tingin ko kay Raze na mukhang bumalik na ang ekspesyon sa dati. Unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi.

"So, I guess we're still good huh?" nakangising sambit niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya at hindi ko siya pinansin. Nagsimula na ulit akong maglakad sa pasilyo at dinaanan siya. Agad din niya akong sinundan.

"So where are you going, huh?" pag-iiba niya.

"I told you didn't I? We have the same goal. I'll find the Grimoire of Astria and destroy it."

Kaswal na lumapit sa akin si Raze at iniligay ang mga kamay niya sa batok niya.

"Oh, then I'm coming with you," nakangiting aniya.

He casually said it that it caught me off guard. Hindi ko kaagad napagtanto ang sinabi niya. Nang matauhan ako sa sinabi niya ay agad akong tumigil sa paglalakad.

"Excuse me?"

Huminto rin sa paglalakad si Raze at humarap sa akin. "What?" pagmamaang-maangan niya.

Napaismid ako at deretso siyang tinignan. "Hindi ako nakikipagbiruan. Seryoso itong pinapasok ko. Malaking bagay sa akin ang pagsira sa Grimoire na 'yon. Hindi katulad mo na gusto lang 'yon gawin dahil galit ka sa may gawa," seryoso kong sambit.

Tuloy-tuloy ang mga sinabi ko sa puntong hindi na 'ko nag-isip at sinabi ko lang mga pumapasok sa isip ko.

Nagbago ang ekspresyon ni Raze sa sinabi ko. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang tensyon sa pagitan namin.

"Hindi rin ako nakikipagbiruan, Xena. Hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit ko gustong sirain ang Grimoire ni Astria," walang kaemo-emosyong aniya.

Mabilis akong natauhan sa sinabi ko at umiwas ng tingin. Pasimple akong napahawak nang mariin sa pambaba ko at tinago ang mariin kong pagkakagat sa ibabang labi.

Masyado akong nagpadala sa emosyon ko...

"I'm sorry. That was an insensitive thing to say," pagpapumanhin ko.

Napaiwas din siya ng tingin. "It's okay. Maybe I was also being rude."

"It's just that... I think you should think more about it." Lumunok ako nang malalim, may mga alaalang pumasok sa isip ko. "Hindi 'to basta-basta. Ayokong pagsisihan mo rin sa huli ang desisyon mo o mapahamak ka."

The Grimoire of Astria is not an ordinary book after all. Sa likod ng kapangyarihan na meron ito ay ang delubyo... damay na rin dito ang mga magtatangkang kumuha nito.

"You don't have to worry about me," seryosong bigkas ni Raze. "Hindi ako mahina, at oo, pinag-isipan ko 'tong mabuti."

I heaved a sigh before looking back at him. "Kung gano'n, hindi na kita pipigilan. You can be my company."

"Though, ayoko ng pabigat."

Kita ko ang patagong pagkurba ng labi ni Raze sa narinig. "Sinabi ko na sa'yo hindi ba? Ayoko sa mahihina," nakangising aniya.

Pailing-iling kong dinaan siya. I heard him chuckled with my reaction before following me. Pareho kaming lumabas ni Raze sa Academy. Dumaan kami sa likod ng kastilyo kung nasaan ang matataas na mga bakod.

Naunang tumalon sa itaas si Raze. Nang ako na ang susunod ay natigilan ako nang makarinig ng pagtawag sa akin.

"X-Xena!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Tana. Tumatakbo siya papalapit sa akin at hindi nagtagal ay nakarating siya sa harapan ko habang habol-habol ang hininga.

"A-Aalis ka?" halos paiyak na sambit niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya bago sumagot. "Kailangan. Alam mo naman kung bakit hindi ba?"

Tuluyan ng nagsituluan ang mga luha ni Tana. Kasama pa ang mga uhog niya.

"D-Don't leave me here! Take me with you!" giit nito.

Napasinghap ako bago siya tapunan ng tingin. "Akala ko ba gusto mo maging isang magaling na witch? Hindi mo-"

"But I can't do that without you!" pagsingit niya.

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumingit siya. Natigilan ako sa sinabi niya.

"You're the first person who believed in me Xena! Without you, wala ako rito ngayon!"

I was stunned. Hindi ko magawang makasagot sa mga sinabi ni Tana. I can see her eyes sparkle under the moonlight, full of emotions and determination.

"Isama mo 'ko sa inyo. Kung totoo nga ang sinasabi mo tungkol sa council, gusto kong makita mismo iyon ng mga mata ko," muling sambit niya.

Humikbi siya habang magkatama ang mga mata namin, bago siya magpatuloy sa pag-iyak at pagpunas ng mga luha niya.

"What a crybaby," mahinang bigkas ko. If it comes to achieving one's dream, how can I turn my head away?

Napabuntong-hininga na lamang ako bago senyasan si Tana.

"Hurry up. We're going to Frencide," nakangising sambit ko.

Her eyes widened when she heard me. Unti-unting lumiwanag ang ekspresyon ni Tana at niyakap ako nang mahigpit.

≿—༻❈༺—≾

Nagawa naming makalagpas sa border nina Raze at Tana. Hindi naming magagamit ang portal sa capital ng Bernice dahil sa kaguluhan.

Kailangan naming dumaan sa border at gubat. Sa susunod na bayan pa kami makagagamit ng portal.

"Ano ang pinakamalapit na bayan sa Bernice?" marahang tanong ko kay Raze, habang naglalakad kami sa gubat.

Tunog ng mga tuyong dahon at mga maliliit na sticks ang ingay rito, kabilang na rin ang iilang mga kwago at mga insekto.

Ilang segundo nag-isip ang kasama ko bago sumagot.

"The town of Isadel."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top