11. New Lead
NEW LEAD
[Xena]
Ang ilaw na lang ng bituin at ng buwan ang nagsisilbing liwanag na nanggagaling sa labas ng balcony. Malalim na ang gabi pero dilat pa rin ang mga mata ko. Hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Raze kanina sa klase namin.
"Me? Nah. I'm here to find the Grimoire of Astria."
Napalunok ako nang malalim. Iyon ba ang ibig sabihin niya na gusto niyang lumakas? Gamit ang Grimoire?
Mabilis kong iniling ang ulo ko para alisin ang mga nasa isip ko. Bumangon ako sa higaan at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Mukhang hindi ko naabala si Lei dahil nakabalot pa rin ito sa kumot.
Hindi ako pwedeng manatili lang dito at maging estudyante kung alam kong hindi lang ako ang naghahanap ng Grimoire. Kailangan ko ng kumilos.
Suot-suot ang isang cloak, maingat akong lumabas ng dorm at sumalubong sa akin ang madilim na pasilyo. Tanging ang ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko.
Hinila ko ang isang hibla ng buhok ko.
"Deíxe mou ton trópo," mahinang bigkas ko.
Lumutang mag-isa ang hibla ng buhok at nagsimulang gumalaw. Kung gusto kong mahanap ang Grimoire, ang dapat kong unang puntahan ay ang Principal's office.
Sinundan ko ang hibla ng buhok ko papunta sa Principal's office. Sinisigurado kong maingat ako at hindi gumagawa ng kahit anong tunog. Luckily, my brown hair shines because of the moonlight. Hindi ako gano'n nahirapang tignan 'to.
Malapit na 'ko sa isang malaking pinto nang huminto sa paggalaw ang hibla ng buhok ko.
Nagbago ang ekspresyon ko nang mapunta ako sa harapan ng pinto. Sana ay nandito ang hinahanap ko...
Balak ko na sanang buksan ang pinto gamit ang spell nang makaramdam ako ng ibang presensya. Mabilis na napunta ang tingin ko sa isang maliit na tao na nakatayo sa gilid ko.
He moves sneakily—I didn't noticed him at all.
"Do you need anything from me?" marahang tanong nito.
Napaismid ako sa sinabi niya at agad na lumayo sa pintuan. The Principal is here.
Tinignan ni Nasus ang pinto na kaharap ko kanina at napailing. "Hindi ko inaasahan na nandito ka sa paaralan ko," pag-iiba ng lalaking kaharap ko.
Matalim ko siyang tinignan. "Alam mo kung bakit nandito ako," walang kaemo-emosyong sagot ko.
Isang mapait na ngiti ang ipinakita sa akin ni Nasus. "Of course, I do. Looking for the Grimoire of Astria, right?"
Hindi ako umimik sa sinabi niya at nanatiling nakatingin lamang sa kaniya.
Tila nawala ang mapait na ngiti na ipinakita ng lalaking kaharap ko at nagbago ang eskpresyon niya.
"Kung nandito ang Grimoire ay ako mismo ang susunog ng bawat pahina n'on." Nakangiti ngunit punong-puno ng emosyon niyang sagot.
Napaismid ako sa narinig at hindi ko nagawang makaimik. Mariin ang pagkakasara ng kamao ko.
Bwisit. Wala rito ang hinahanap ko.
"Pero kung gusto mong magkaroon ng malaking chansa na mahanap ang Grimoire ay dapat pumunta ka sa Frencide," pag-iiba ng Principal.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.
"Frencide is the main city of this nation. At nando'n din ang council. Iyon ang pinakaposibleng pinaglalagyan ng hinahanap mo," dagdag niya.
"Bakit mo ito sinasabi sa akin?"
Kumurba ang labi ni Nasus sa sinabi ko, marahan niyang pinagdikit ang mga kamay niya. "Of course, I also want to freaking destroy that damn book." The tone of his voice is the opposite of the expression he's showing. "Pero alam kong wala akong kakayahan."
"Isa rin ako sa mga biktima ng diskriminasyon. Ang pagiging dwarf ko ay ang naghila sa akin pababa."
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa sinabi niya. Masyado na talagang malala ang trato ng mga tao sa ibang nilalang.
"But don't get me wrong," pag-iiba ng lalaking kaharap ko. "I don't hate the Grimoire of Astria... b-but the freaking council itself."
He tried to speak normally, but Nasus' voice cracked. Nakaangat ang noo niya sa akin pero mababa ang kaniyang tingin.
In his stead, I maintained my composure—determined. "I promise you. I'll find the Grimoire of Astria and make things right," determinadong sambit ko.
He tried to smile, despite of his eyes that are about to cry. Balak na sana nitong magsalita nang pareho kaming nabigla nang makarinig ng malakas na pagsabog.
Isang nakasisilaw na liwanag ang bumulag sa amin sa loob ng ilang segundo. Agad kaming napatingin sa malalaking bintana ng Academy kung saan tanaw namin ang baba ng burol.
Kasabay ng pamimilog ng mga mata ko ay ang pag-awang ng bibig ko nang makita kung saan nanggaling ang malakas na pagsabog. Nagmula ito sa capital ng Bernice sa ibaba ng burol.
Nagsimulang umapoy ang bayan.
Narinig ko ang pag-ismid ni Nasus habang nakatingin sa ibaba ng burol.
"Ang lakas ng loob nilang pumunta rito sa Bernice."
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Nila?"
Napunta ang tingin sa akin ni Nasus. Walang ekspresyon siyang sumagot, "Yes, the 12 Disciples."
Naguguluhang kumunot ang noo ko. "H-Huh? 12 Disciples?"
Muling pinagmasdan ni Nasus ang kaguluhan sa bayan. Bakas sa mukha niya ang inis at ang kaba.
"A group of witches. They call themselves, the 12 Disciples of Astria."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nanlamig ang buo kong katawan sa kabila ng makapal na cloak na suot ko.
The 12 Disciples of... Astria?
"Mga wala silang takot at sumusugod sila sa mga bayan upang ipakalat sa mga tao ang kagustuhan ni Astria."
Hindi ko magawang maka-react sa naririnig ko. Bumibigat ang pakiramdam ko at sumisikip ang dibdib ko.
"M-Mga kagustuhan ni Astria?" hindi makapaniwalang sambit ko.
Isang tango ang ipinakita sa akin ni Nasus. "They said that Astria, the greatest witch of all time, wants the witches to rule the world."
"Nag-aaya sila ng mga witches na suportahan sila. Gusto nilang gawing alipin ang ibang creatures."
Hindi ko magawang makasagot at humihigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Napakurap-kurap akong napalunok nang malalim. I bit my lower lip out of frustration for all I can do was to listen.
"It's all said that..." muling sambit ni Nasus.
"They all use Cipher spells."
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa narinig. As if for a moment, my world became black and white and lost its colors.
"C-Cipher spells?!" Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa naging reaksyon ko. "But those spells can be only found in the Grimoire of Astria!"
Mabilis akong pinakalma ni Nasus, marahan niya 'kong hinawakan. "I know.... Kaya nga malalaman mo ang totoo kapag pumunta ka sa Frencide," kalmadong sagot niya.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko na dahan-dahang lumuwag. He looked at me, as if he wanted to tell me something but he has no courage to do it.
Imbis na magsalita, tinalikuran ako nito at nagsimulang maglakad papalayo. He only gave me a little information, but too much for me to handle.
"It's time for me to go now."
"Hindi ko sila hahayaan na sirain ang magandang bayan kung saan nakatayo ang paaralan ko," sambit ni Nasus habang naglalakad. "Do what you need to do. I won't stop you from leaving Mageía High."
Nagsimula na itong maglakad papalayo habang nasa likod ang magkabilang kamay na parang pinapakalma ang sarili. Pero bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko ay may pahabol pa siyang sinabi.
"I'll entrust everything to you."
Hindi ko na nagawang makasagot nang tuluyan na itong nawala sa paningin ko.
Kahit gusto ko mang makaharap ang mga tinatawag ni Nasus na Disciples ni Astria ay hindi ko 'yon pwedeng gawin ngayon.
Sigurado akong magkukrus din ang mga landas namin kung totoo ngang may koneksyon sila Grimoire. Sa ngayon ay kailangan ko ng umalis dito at pumunta sa Frencide. Doon ko mahahanap ang mga sagot sa mga tanong ko.
Mabilis akong naglakad sa dulo ng pasilyo, sa kabaliktarang daan na ginamit ni Nasus. Nang kumaliwa ako ay natigilan ako nang makita ang lalaking kaswal na nakasandal sa pader.
Parang bumagal ang oras nang dahan-dahang nagkasalubong ang mga mata namin. Umalis ito sa pagkakasandal at humarap sa akin. Deretso siyang tumingin sa akin at kumurba ang labi niya.
"What did I just heard, Xena?" nakangising sambit ni Raze.
"You're also after the Grimoire of Astria?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top