KABANATA 2

KABANATA 2


Bunganga ni nanay ang gumising sa akin kinabukasan. Hindi ko na talaga kailangan ng alarm clock dahil nand'yan lagi si nanay. Boses pa lang niya, basag na ang eardrum ko.

"Baka naman gusto mo nang bumangon d'yan Ernesto! Sabado ngayon at mamamalengke muna ako. Sa'yo ngayon ang lahat ng gawaing bahay."

"Ano ho?!" pupungas-pungas kong tanong. Pinandilatan naman niya ako ng mata.

"Oh? May angal ka? Babawasa ko ang allowance mo kapag hindi ka sumunod." Pagbabanta niya habang hinahawi ang kurtina sa kuwarto ko. Sumilay ang nakasisilaw na liwanag.

Dismayado akong napakamot sa ulo. Balak ko sanang bisitahin si Magda ngayon at kumustahin kung ayos lang siya. Kagabi kasi, alam kong hindi siya maayos.

"Nay, pagkatapos ko ng gawaing bahay, diretso ako kina Magda ha?"

"Ano na naming gagawin mo roon?" abala pa rin siya sa pagliligpit ng mga nakatulugan kong libro kagabi. Ay shet! Nakatulog nga pala ako habang nagbabasa . Nahiya naman ako kay nanay.

"Bibisita lang." tipid kong sagot.

"Pansin ko lang na madalas ang pagbisita mo sa kanya. Sagutin mo nga ako, anak. Nililigawan mo ba s'ya?" halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Hindi pa naman ako nakakapagsipilyo dahil kakagising ko pa lang.

"Si nanay talaga, kung ano-ano nang iniisip. Syempre, kababata ko ho 'yon. Natural lang na gumala ako sa kanila at dalawin sya." Nailing kong tugon sabay tawa. Binigyan niya ako ng hindi kumbinsidong tingin.

"Ewan ko sa'yo. Oh s'ya, aalis na'ko. 'Yong mga bilin ko, ha?"

Pagkaalis niya ay muna ako saglit at napaisip sa sinabi niya. Napapadalas raw ang pagdalaw ko. Wala nga naming sapat na rason ang palagian kong pagbisita sa kanya. Hindi ko rin alam. Bata may mali na sa nararamdaman ko. At alam kong higit pa'to sa pagkakaibigan.

Ibinaba ko ang pasan kong timba ng tubig nang matanaw ko si Magda na nakaupo sa isang malaking bato. Saktong nag-iigib ako ng tubig ay narito rin pala siya sa may tabing-ilog. Napangit na lang ako at kinawayan siya. Tanging isang tipid na ngiti lamang ang iginanti niya sa akin.

"Uy, problema mo?" bugad ko nang makalapit sa kanya.

"Iyon pa rin." Malungkot niyang sagot saka napatungo. Tinutukoy niya ang nangyari kagabi. Sabagay, ang hirap nga talagang tumira sa isang bahay na puro pag-aaway na lang lagi. Kung ako nga ang nasa katayuan niya, ituturing ko nang sumpa ang buhay ko kapag nagkataon. Buti na lang, bungangerang nanay lang ang meron ako at walang lasinggerong tatay.

"Huwag mo kasing problemahin. Lilipas rin 'yan. May kasabihan ngang don't problem the problem, let the problem problems you." Mahaba kong litanya kaya natatawa siyang napailing.

"Okay, sabi mo 'yan. Pero sa ngayon, poproblemahin ko muna ang mga labahin ko." Agad siyang tumayo at nilapitan ang isang plangganang tambak ng labahin. Napanganga naman ako.

"'Yong totoo? Kailan ka pa huling naglaba?" taas-kilay kong tanong kaya natawa siya.

"Last week pa ata." Pabiro niyang sagot kaya napangiwi na lamang ako.

"Tss. Dahil masipag ako at matulungin, tutulungan kitang maglaba. Nahiya naman kasi ako sa gabundok mong labahin." Ngumiwi ako nang taasan niya ako ng kilay.

"Che! Pero seryoso, huwag na Ernesto. Baka hanapin ka pa ng nanay mo." Umiling ako at nagthumbs-up.

"Hindi 'yan. Baka nga ako pa ang maghanap kay nanay." Sa sinabi ko ay lalo lang s'yang tumawa. Napangiti ako roon. Masaya akong napapatawa ang kababata ko. Gusto kong lagging nasisilayan na ngumiti si Magda. At 'yon ang hindi ko maintindihan kung bakit.

Habang nagkukusot kami ng damit, ay hindi ko maiwasang mapatingin sa maamo niyang mukha. Matangos na ilong, magandang korte ng mukha, mapupulang labi, mahahabang pilik-mata at mapupungay na mga mata. Hindi na kataka-taka, na laging siya ang napag-uusapan na pinakamaganda rito sa lugar naming. Pero bukod roon, mabait rin siya. Hay, ano bang pinagsasasabi ko? Ang advance kasi nitong utak ko. Hindi ko naman pinagnanasaan si Magda. Ang sa akin lang, gusto ko ata siya. Naipitik ko ng di oras sa nook o ang isang daliri ko. Shete, hindi tama 'to.

"Ernesto, pahiram nga ng sabon." Napatigil kami saglit at agad nagkatitigan. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di malamang dahilan at napatingin sa mga kamay namng magkahawak-kamay na. Agad kong nabitawan ang kamay niya at itinuon ang tingin sa bumubula nang planggana.

Napangisi ako ng nakaloloko sabay tapon sa kanya ng mga bula. Napatili siya sa sobrang inis sa akin. Humagalpak naman ako ng tawa.

"Grr. Ernesto!"

"HAHAHAHA! Ang cute mo pag naiinis!" lalo lang siyang namula. Alam kong 'di sya papatalo sa lagay na'to. Tumayo siya at ibinuhos sa akin ang laman ng bumubulang planggana. Napasigaw ako sa sobrang lamig.

"Quits na tayo, ano? Laban?" kahit nanginginig pa ay pinilit kong ngumisi.

"Kinakalaban mo'ko ha? Sige ba." Hamon ko sabay takbo.

Nagtawanan lang kami at nagtakbuhan, tulad ng ginagawa naming noong mga bata pa kami. Tila walang problemang dinadala, at walang inaalala. Pero sa kabila noon, may parte sa puso ko na kapag nakikita s'yang ngumiti, kapag nahahawakan ko ang kanyang kamay,ayoko mang aminin ay tila nahuhulog na nga ang loob ko kay Magda.

"Ang saya ng araw na'to. Pansamantala kong nakalimutan na may problema nga pala ako. Salamat, Ernesto." Saad n'ya at napatingala sa kalangitan na tadtad ng mga bituin.

Dahil sa pagliliwaliw namin, nakalimutan naming ang oras kaya ginabi tuloy kami. Pero ganoon ata siguro ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong gusto mo, tumitigil ang oras. At mamamalayan mo na lang, tapos na ang lahat.

"Pero hindi sa biro, salamat sa kakulitan mo. Nakakawala ng stress." Tumango na lang ako dahil sa sinabi ni Magda. Hindi niya alam ay mas natutuwa ang puso ko kapag nakikita ko s'yang masaya.

Malapit na kami sa tapat ng bahay nila nang mapadaan naman sa tapat namin ang grupo ng mga tambay. Lasing ang mga lalaki at tila wala sa katinuan.

"Hi, chicks." Bati nito kay Magda. Sa isang iglap ay bigla akong nakaramdam ng pagkainis. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. Hindi kasi maganda sa pandinig ang tawagin si Magda sa ganoong pangalan. Agad ko siyang hinila palayo sa grupong iyon kahit labis na ang pagtataka niya.

"May problema ba?" kunot-noo n'yang tanong nang tumigil kami.

"Huwag kang lalapit sa mga 'yon. Mga bastos at walang magawa sa buhay." Sa halip na maniwala ay tinawanan lang niya ako, bagay na ipinagtaka ko.

"Hayaan mo na, Ernesto. Sanay na ako sa mga 'yan." Sambit niya saka binuksan ang tarangkahan ng bahay nila. Dahil sa mga pinagsasasabi niya ay lalo lang akong naguluhan.

Unti-unti na siyang nagbabago. At palagay ko, unti-unti na ring nagbabago ang lahat ng mayroon kami.

"Sayaw Magda! Sayaw Magda!"

Nakarinig ako ng mga kantyawan at sigawan mula sa mga nagkukumpulang tambay rito sa amin. Galing akong eskwelahan at lagi kong nadaraanan ang mga ito pauwi na walang ibang ginawa kundi ang umupo atsaka tumungga ng alak tuwing gabi. Pero sa pagkakataong ito, mas dumami ata silang nagkukumpulan sa may kanto.

"Ang galing mo talagang sumayaw Magda!"

"T*ngina, pare ang ganda pa n'ya!"

Hindi pa man ako nakakalipas ay napatigil ako sa tapat ng umpukan nang marinig ko ang pangalan niya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil pangalan n'ya ang narinig ko.

"Excuse me! Makikiraan!" pinilit kong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga nanonood at napatulala sa nakita.

Sumasayaw si Magdalena sa harap ng nakapalibot na tambay at walang pakialam sa anumang malalaswang galaw na kanyang ipinapakita. Sa paanan niya ay ang bilaong halos mapuno na ng barya at perang papel. Tuwang-tuwa naman ang mga nanonood sa kanilang nakikita.

Hindi ko na natiis ang sarili ko at agad siyang hinatak palayo. Palayo sa mga taong busog na busog ang mga mata sa panonood sa kanya. Palayo sa kahihiyan na 'di man lang niya alam at nahahalata.

"Teka , teka!" awat niya sa akin at iwinakli ang braso niyang hawak ko nap ala ng mahigpit.

"Ano bang ginagawa mo?! Hindi ka man lang ba nahihiya? Tingin mo may patutunguhan iyang pagsasayaw mo sa gitna ng mga taong 'yon?!" bulyaw ko sa kanya sabay turo sa mga tambay hindi kalayuan sa amin. Napaiwas siya ng tingin at hindi sumagot.

"Magdalena hindi 'yan ang dapat. Kasi kahit kalian, hindi 'yan magiging tama." Matigas kong sabi sabay buntong-hininga.

Ang gusto ko lang naman ay mapabuti siya, pero s'ya 'tong gumagawa ng paraan para lalong madismaya sa kanya ang lahat.

Inayos niya ang suot niyang bestida at kinalang ang bilaong punong-puno ng barya.

"Akala ko naiintindihan mo na kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon, hindi pala." Walang emosyon n'yang sabi saka naglakad papalayo sa akin.

Nang araw ring iyon, hindi na niya ako kinausap pa. hindi na rin ako nag-abala pang bumisita sa kanila para kumustahin siya. Alam kong nagtatampo siya dahil sa mga nasabi ko noong isang araw, pero hindi ko rin maiwasang hindi mainis. Hindi ko alam kung anong naisipan niya at ganoon na siya kumilos, bagay na hindi naman niya noon ginagawa.

Pati si nanay nagtataka na, bakit 'di raw kami nag-uusap kahit nagkakasalubong na kami. At tulad ng dati, sinabi kong busy lang talaga ako sa pag-aaral habang si Magda ay abala naman sa pagtitinda niya.

Alam ko sa sarili, malaking kasungalingan iyon. Kahit papaano, namimiss ko na ring kausapin ang kababata ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top