KABANATA 1
KABANATA 1
"Ernesto, salo!" napailag ako ng 'di oras matapos akong batuhin ni Magda ng dalawang mangga na bitbit niya. Hindi ko ito nasalo. Sa halip ay tumilapon ito sa kung saan kaya tinawanan niya lang ako. 'Yung halos mamatay na sya kakatawa habang may pahawak-hawak pa sa tiyan.
"Hay, ano ka ba naman bro. Ang bakla mong sumalo." Pinahid niya ang luha sa mata niya saka tumabi sa akin.
"Buwisit, sino bang may sabi na batuhin mo ako ng mangga? At saan mo naman nakuha 'yon ha?" naiirita kong tanong habang hawak pa rin ang binabasa kong libro.
"Diyan lang sa bakuran ni aling Huling---"
"Nag-trespassing ka na naman?!" napalakas ang pagkakasabi ko kaya nanlalaki ang matang tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya. Kahit kalian talaga ang pasaway neto.
"Lol. Shut up ka na lang, pwede?" agad siyang tumayo at napangiwi.
"Eww, laway. Yakks." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Grabe sya ohh." Ganti ko pero tumawa lang siya.
"HAHAHA! Tara na nga!"
"Saan?"
"Sa ilog, saan pa ba?" yaya niya na alam ko namang doon kami pupunta. Lagi-lagi naman kami roon. Bukod sa paglalangoy, manghuhuli rin kami ng isda kahit mga mukhang tanga na pag-ahon.
"Ano na?! Tayo na dyan!" hinatak niya ako at pinilit patayuin.
"Oo na, eto na nga oh!"
"Good! Ako ang mauuna, bleh!" sigaw niya sa akin sabay takbo.
At s'yempre, ako naman itong pikunin, hindi rin papatalo.
"Ako ang mauuna!" sigaw ko at hinabol siya.
Siya si Magda. At siya ang kababata ko mula pa man. Dahil laking probinsya, siguro nagging kontento na nga talaga kami na ito na ang magiging buhay naming habang buhay. Mahirap pero masaya. Buong araw wala akong gagawin kundi tumakbo, maglaro, makipag-asaran at lumangoy sa ilog kasama si Magda. Sa murang edad naming ito, kontento na ako. Kontento na akong palagi kong kasama ang kababata ko. Ngunit hindi ko akalaing sa pagtungtong naming sa tamang edad, magbabago pa pala ang lahat.
"Magda!" tawag ko mula sa malayo sa babaeng may bitbit na bilao. Pinagkakaguluhan na naman ang puwesto niya at malamang, marami na naman ang benta ng isang ito.
"Salamat ho! Balik ho ulit kayo!" matapos magsialisan ng mga mamimili ay lumingon siya sa akin at ngumiti. May kasama pang kaway. Parang timang talaga ang puso ko kung tumibok tuwing nakikita ko siyang ngumiti. Hindi na bago sa akin ang pakiramdam na ito, maaga ko ngang nalaman na hindi nap ala kaibigan lang ang tingin ko sa kanya kundi higit pa.
"Ernesto! HAHAHA! Tiyak matutuwa si nanay. Ang dami kong benta ngayon. Tingnan mo, ohh. Suwerte ko talaga sa pwestong iyon." Kwento niya nang magsimula na kaming maglakad pauwi.
"Hindi dahil sa pwesto iyon. Sadyang swerte ka lang talaga. Minsan nga, napapaisip rin ako. Baka dahil diyan sa kagandahan mo kaya ang dami mong suki tapos ang bait mo pa." todo ngisi kong sambit.
Bigla siyang namula at tumitig sa'kin. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya dahil sinimulan na n'ya akong hampasin ng bitbit niyang bilao.
"Hindi iyon ang dahilan! Bolero ka naman, e!" todo hampas siya sa akin kaya iniharang ko na ang dala kong mga libro, pangsalag sa bawat palo niya.
"Biro lang, eto naman. Okay, hindi ka na maganda. Pogi naman ako, hindi ba?" biro ko sa kanya kaya sarkastiko siyang tumawa.
"HAHAHA! Kapal naman, lakas ng hangin."
"Salamat." Sagot ko.
"Uy, maiba ako. Hindi ka pumasok ngayong araw. Hinahanap ka sa school." Nagpatuloy kami sa paglalakad habang tinatanong ko s'ya. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.
"Kailangan ko kasing kumita. Babawi na lang ako sa susunod. Teka, may assignments ba tayo?" pag-iiba niya ng usapan.
"Tambak." Problemado kong sagot. Napakamot na lang s'ya sa ulo.
"Naku naman. Sige, dahil ini-open mo naman ang topic na 'yan, turuan mo ako. Daan ka muna sa bahay." Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako papasok sa bahay nila nang makarating kami.
"I-substitute mo kasi sa x!" turo ko sa notes ko. Mas lalo lang napakamoy sa ulo si Magda nang Makita ang mga variables sa notebooks.
"Anak ng, paano ko isa-substitute, eh wala pa naman akong naging ex!" pabalang niyang sagot.
"Seryoso ako Magda." Walang emosyon kong sabi sa kanay kaya umayos siya ng upo at huminga ng malalim.
"Sorry. Alam mo naming mahina talaga ang ulo ko pagdating sa pag-aaral." Nahihiya siyang napatungo at pinilit magsulat ng equation.
"Iyan na nga ang problema eh. Sayang, maganda ka pa naman. Luwag lang ang turnilyo kapag pag-aaral na ang usapan!" napatawa ako nang biglang sumingit ang nanay niya na kanina pa pala nakikinig sa amin. Lalo lang umismid si Magda at nagpatuloy sa pagsusulat.
Hindi ko namamalayang nakatitig nap ala ako sa kanya habang abala siya sa pag-aaral. At hindi ko rin namalayang nagsasalita na pala s'ya at nakatitig na sa akin.
"Anong tinitingin-tingin mo?" napangisi ako sa nagging tanong niya.
"Ang ganda mo nga." Saka ako humagalpak ng tawa.
Hay, Magda. Bakit ang ganda mo nga?
Araw-araw, ganoon ang senaryo. Tuwing aabsent siya, ako mismo an gang nagiging tutor niya sa pag-aaral para kahit papaano, makahabol naman siya sa klase. Pero isang araw, napansin kong tamlay na tamlay siya sa pagbabasa pa lang ng hawak niyang libro. Puyat na naman ito, sigurado. Napailing ako dahil alam ko na ang dahilan. Umaga't gabi ata siya sa kalsada at binebenta ang mga kakaning ginagawa niya.
Ibinaba ko rin ang binabasa kong libro saka tumingin sa kanya.
"May problema ka ba?" naitanong ko na lamang ngunit hindi siya umimik.
Isang katamihikan lamang ang naging sagot sa tanong ko.
"Magda, napapabayaan mo na nag pag-aaral mo dahil sa pagtatrabaho. Trabaho na dapat ang mga magulang mo ang gumagawa." Napatingin siya sa akin at alam kong pinipigilan lang niyang maiyak. Humahanga ako sa kanya dahil ang sipag at responsible niyang anak. Pero diba, wala pa naman siya sa wastong edad para pasanin lahat ng gastos ng pamilya niya? Ano bang ginagawa niya sa buhay? Dapat wala s'ya sa kalsada kundi nasa loob ng classroom.
"Iyon nga sana ang gusto kong sabihin sa'yo, Ernesto. Titigil na ako sa pag-aaral."
"Magda naman, eh! Teka---a-anong sabi mo?" nauutal kong sambit at pinauulit ang sinabi niya kung tama ba ang pagkakarinig ko. Tumungo siya at nilaro-laro ang hawak na ballpen saka binitawan.
"Pinahihinto na ako ni nanay sa pag-aaral. Kapos na kapos na kasi kami sa pera, Ernesto. Hindi na ako mag-aaral pa."
Natahimik ako at di malaman ang sasabihin. Kaya pala parang ayaw na niya mag-review. Anong silbi ng pagtuturo ko sa kanya? Pinangako pa naman naming sabay kaming magtatapos. Sabay kaming luluwas ng Maynila at hahanap ng magandang trabaho. Nalulungkot ako dahil alam kong hindi na mangyayari iyon.
"Magda, sabihin mong nagbibiro ka." Napailinh ako pero umiling rin siya. Magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng kalabog mula sa ibabang palapag ng bahay nila.
"Gabi ka na naman umuwi!" agad kaming napatayo sa narinig naming sigaw. Naunang bumaba si Magda at dali-daling pumagitna sa mga magulang niyang nag-aaway na naman.
Nasa likod lang nila ako na hindi alam ang gagawin. Nagkalat ang mga basag na bubog mula sa nabasag na flower vase. Hindi ko alam na ganito pala katindi mag-away ang magulang niya.
"Ano bang pakealam mo kung gabi na ako umuwi?! Malamang gabi na ako uuwi dahil nagtatrabaho ako para sa letseng pamilya na 'to! Pasalamat ka pa nga at umuuwi pa ako!" sigaw ng ama ni Magda.
"Aba, trabaho ba kamo?! Ni wala kang maiabot sa akin kahit singko tapos may gana ka pang umuwi nang lasing?!" nakapamewang na bulyaw ng nanay niya.
Halos mabingi ako at si Magda naman ay nanatiling tahimik. Gusto ko na ring mangialam pero alam kong wala ako sa posisyon para gawin ang bagay na iyon.
"Ano bang tawag mo sa sweldong iniaabot ko sa inyong mag-ina ha?! Ang sabihin mo, may lalaki ka at doon mo---"
"Huwag kang mambintang dahil iyang sweldo mo, kulang pa pambayad ng---"
"Tama na, pwede ba!"
Hindi na nakatiis na sumabat si Magda. Miski ako ay nagulat nang sumigaw siya sa harap ng magulang niya na ngayon ko lang nasaksihan.
Tumahimik lahat. Tinangal ng ama ni Magda ang upos ng sigarilyo mula sa kanyang bibig at pasuray-suray na umakyat ng hagdan.
"Pagsabihan mo iyang nanay mo Magda, hindi ko gusto ang tabas ng dila niyan."
Agad umalis sa harapan naming ang nana niya kaya naiwan kaming dalawa sa sala. Umiwas siya ng tingin at walang umimik sa'min ng isang saglit. Nakabawi ata siya mula sa nangyari sabay bukas ng pinto.
"Sorry, Ernesto. Sorry sa nakita mo. Pakiusap, umalis ka na muna." Pakiusap niya kaya tumango ako. Balak ko na rin naming umalis kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil gabi na rin. Paglabas ko pa lamang ay malakas niyang sinarado ang pinto. Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw ang kabuuan ng bahay nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top