CHAPTER 6

Chapter 6: Threat begins



"WHO the fuck saw him last night?!" his raging voice echoed the whole mansion that sends shiver down my whole being.

Halos matibag ako sa kinatatayuan sa hindi mapangalangang kabang bumalot sa buo kong sistema nang marinig ang dumagagundong na tinig ni Agon. Kahit na hindi ko kaharap ito ay alam kong nakatatakot ang mukha niya ngayon.

Bahagya kong binuksan ang pinto at sinilip kung saan ba talaga magmumula iyon kahit alam ko naman ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko.

Sumalubong sa aking ang likod nito na nasa dulong bahagi ng pasilyo, kung saan matatagpuan ang malaking hagdan pababa.

"A-ako po, s-sir. . ." pakinig kong sagot ng kung sino. Pamilyar ang boses pero hindi ko masyadong kilala dahil namamaoas ito.

I saw how Agon's back moved nang kinasa nito ang baril. He was wearing a business suit again. Doon nanlaki ang mata ko dahil alam ko na kung ano ang mga susunod nitong gagawin.

"You saw Levin last night but you didn't bother to take him to his room?!" galit na sigaw ni Agon sa kausap na ngayon ay humihikbi na.

Levin.

That was the time I noticed that I'm 2 meters away from him. I didn't even noticed that I'm no longer in my room.

Nagsalubong ang mata namin ni Nick na kasalukuyang nakasandal sa pader. He winked at me but I just rolled my eyes to say that I don't like the way he acts whenever we met.

He's like a vampire, namumutla ang kutis sa kaputian. Kapag malayo ka sa kaniya ay kitang-kita pa rin siya dahil sa kaputian nito.

Napansin ko ring nakatingin sa akin si Ardeen, na ganoon din ang expression na pinapakita sa akin kagaya ng ginawa ni Nick. Ginawa ko ulit ang pag-irap sa kaniya at lumetrang o ang bibig nito as if bagong-bago sa kaniya ang ginagawa ko.

Napalipat ang tingin ko kay Raji, malayo ang tingin nito pero halatang nakikiramdam sa kung anong nangyayari sa paligid nito. He was a mysterious type of guy among these three, ka-vibe silang dalawa ni Agon pero mas nakalalamang lang itong si Raji.

Ito yata ang unang pagkakataong nakita ko ulit ang mga kaibigan ni Agon. I admit, mas gumuwapo sila but I don't have an ounce of interest on each of them.

Napansin ko ang paghikbi ng isang babae kaya napatingin ako sa sahig. Mabilis akong tumakbo papunta kay Karen na nakaluhod at umiiyak. Siya pala ang naririnig kong nagmamakaawa kay Agon.

"Karen!" Inalalayan ko itong tumayo pero umiling lang ito sa akin.

"Ma'am, h-huwag na po. Okay lang po ako rito," aniya at yumuko.

Okay ba itong kalagayan niya? Agon was on the verge of killing her. Anong okay sa sitwasiyong iyon?

I glanced at the gun Agon's holding and Lucia came into my mind for an instant.

"No! You are not okay! Huwag kang lumuhod sa lalaking 'yan!" galit na sigaw ko at pinilit na patayuin ito pero nagmatigas pa rin si Karen. Mas lalo siyang naiyak sa ginawa ko.

"Ma'am Jeyk, h-huwag na po kayong m-makialam," bulong nito na may bahid na takot ang pananalita. Nanginginig niya akong tinaboy pero hindi ko pinakawalan ang kamay nito. "Ma'am. . ." Ilang ulit itong umiling  pero hindi ako umalis. "U-umalis na po k-kayo, ma'am."

"I said get up, Karen!" I commanded. Matiim ko itong tinitigan, hindi nagpatinag sa pagtataboy nito sa akin.

"Ma'am, h-hindi po p'wede." Takot itong tumingin kay Agon kaya sinamaan ko ng tingin ang lalaki. Nilabanan ko ang nakapapaso nitong mga tingin at hindi ininda ang mga tauhang nakaantabay sa kung ano mang gagawin ko sa amo nila.

"Don't make me repeat myself again, Karen," I firmly said without breaking my stare on that man.

"P-pero. . ." Unti-unti itong umalis sa pagkakaluhod pero nasa kalagitnaan na siya ng pagtayo nang magsalita si Agon.

"Who said that you can stand, Karen?" seryosong sambit ni Agon sa katulong na nagpaigtad sa kaniya. "Are you defying my orders right now?" diing dagdag pa nito ngunit hindi man lang naisiping bigyan ng tingin ang nasabing katulong dahil nakatitig lang ito sa akin.

His blazing stare was peircing my soul but I stood my grounds not to be a laughing stock in front of him. Hindi ako magpapatinag! Mas lalo kong nilaban ang paninitig nito. Napakuyom na rin ang kamao ko.

Nanginginig na hinaklit ni Karen ang braso niya sa akin at lumuhod ulit na naging dahilan para uminit ng husto ang ulo ko.

"Your maids are not robots that you need to give orders and send them 6 feet under the ground whenever you like! Sino ka ba para gawin 'yan sa kanila? Ano ka, isang diyos?! Wala kang awa!"

"M-ma'am J-Jeyk, t-tama n-na p-po. . ."

Hindi ko pinansin ang nanlalamig na kamay ni Karen na kasalukuyan akong pinipigilan na pagsalitaan nang masama ang amo nito.

"Who am I? I introduced myself a month ago, playing dumb this time, lady?" mapanuyang anito. "This is my property. I can do whatever I wanted, can't I?"

"Pero hindi ibig sabihin na basta-basta mo na lang ikakasa iyang baril mo! You didn't even listen to Karen's explaination, you didn't let her! Kagaya ng ginawa mo kay Lucia! Napakahayop ng pag-uugali mo!"

He smirked at me, lumapit ito ng kaunti pero hindi iyon naging dahilan para mapaatras ako. "I'm more than that, lady. More than that," he evily whispered.

Napalunok ako pero hindi ko pinakitang natatakot ako sa kaniya. Ang tensyong namumuo sa pagitan naming dalawa ni Agon ay bigla na lang naputol nang magsalita ang isang bata sa likod niya.

"Kuya?" his voice echoed. Napalingon kaming lahat sa bata.

It was Levin. It seems like he just woke up dahil magulo ang buhok nito at nagkukusot pa ng mata. His eyes widened when he confirmed the man he called.

I watched how Agon hide his gun along with his men. It was like they are used to this situation kaya mabilis silang umaksiyon.

Ang mabigat na paligid kanina ay bigla na lang gumaan at halos mapanganga ako sa nasaksihang pagbabago. Lahat ng mga tauhan ay nakangiti kay Levin, pero ang mga kaibigan ni Agon ay ganoon pa rin naman kagaya ng normal nilang mga ekspresyon sa mukha. Si Raji lang talaga ang seryoso at parang walang pakialam sa paligid.

On the other hand, Nick and Ardeen distracted Levin so that his attention would not be on Agon and on his men.

"Oh boy, our Levin!" Nick extended his hand and walked towards Levin to received a hug for the kid but Levin ignored him.

I heard Ardeen chuckled. "Man, you have been ignored again. You really pissed him off. Hala ka!"

"Stiched your mouth, Griffits!" simangot na singhal ni Nick sa kaniya. Nilapitan ni Nick ang bata, ingat na ingat. "Levin, are you mad at Kuya Nick?" Tumango ito at gusto nang umalis ni Levin kay Nick. Napalunok si Nick at sinamaan ng tingin ang tumawang si Ardeen. Nick hold Levin's both arms. "I promised to give you my car, 'yong gusto mong Lambo, don't be angry with me, please?" pakiusap nito.

Levin's aura began to lighten up of what's Nick offered. "Talaga po?" Tumango si Nick. "Yey! Kuya, you heard, Kuya Nick? He will give me his Lambo!" masayang pagyayabang nito kay Agon.

Napabaling ulit ang tingin ko kay Agon. He was smiling to Levin as well as his men, malayong-malyo sa halimaw na hindi man lang kilabutin tuwing may gagawin. The sight was downward sickening and I coudn't stand it.

"Speak what's on your mind to Levin and I will show you why filthy rats doesn't talk," he threatened.

I want to roll my eyes pero hindi ko magawa, the kid was watching.

Nang marating ni Levin si Agon napabaling ito sa akin. "Kuya, was she my new yaya? I've slept on her room kasi kagabe because I got scared with thunder and lightning. I was not able to see you kagabe, e." Levin pouted.

Tinapunan ako ng tingin ni Agon, saying that I should act normal infront of his brother. Napilitan akong gawin ang gusto nito. I smiled at ginulo ang buhok ng bata.

"I'm not your new yaya," sambit ko at napalitan ng lungkot ang mukha ng bata. Napalunok ako dahil sumama ang mukha ni Agon. "But I can take care of you, little boy." I smiled trying to ignore Agon's  deathly stare.

Nagliwanag ulit ang mukha ni Levin. "Really po?" Napatango ako. Sobrang saya ni Levin at hindi ko alam kung bakit natutuwa rin ako kapag nakikita itong energetic at sobrang saya niya.

He reminds me of kuya. Pareho silang madaldal at makulit.

Levin started to sticked with me. Parang blessing in disguise rin ito dahil after a month ay nakalabas ako sa mansyon. Iyon nga lang ay naging tagaalaga ako ng isang bata. But it's okay, as long as I can go around this house.

Levin was playing with his ball when he stop and run towards me. "Ate, I'm starving!" reklamong aniya at napahawak sa tiyan.

I chuckled and pinched his chubby cheeks. "Okay, let's eat na. What do you want to eat?"

"Hmm. . . " Nag-isip ito pero mukhang walang naiisip na putahe dahil sa nakakunot nitong noo. Napabaling siya sa tauhan ni Agon kaya agad na ngumiti ang lalaki. "Kuya, what's your ulam kahapon?" tanong nito.

"Kahapon? Ah! Tinolang manok, Sir Levin," agarang sagot ng lalaki at ngumiti kay Levin. Doon na ako hinarap ni Levin habang malapad na nakangiti.

"Ate, I want a tinolang manok for lunch!" he requested.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Mabuti na lang at mahilig akong magluto nang kami na lang ni dad. I used to cook him healthy foods dahil ayaw kong palaging sa fast food restaurant lang ito kumakain o pa-order-order lang ng pagkain. Iba pa rin talaga kapag lutong bahay. Masisigurado mo pang malinis at fresh ang mga ingredients na hinahanda mo. But, I'm not saying na dirty at hindi fresh ang mga hinahanda sa mga fast food chain, ha.

Nagsimula kaming maglakad ni Levin papasok sa mansiyon at pansin ko ang pagbalik ng mga tauhan ni Agon sa kani-kanilang puwesto, nagmamatyag.

I was wondering, napapansin din kaya ito ng bata? Kung sa bagay, mas mabuting walang alam si Levin sa ganito dahil napakamura pa lang ng edad niya para sa marahas na mundo. Mas mabuting wala siyang alam.

But realization hit me, walang kalaro si Levin dito na mga kaedaran niya. Lahat ay mga tauhan lang ni Agon ang mga kakulitan niya.

I felt pity on him. On his age, he need to do recreational activities together with his peers. Iba pa rin talaga kapag may mga bata kang kalaro. Iba ang impact  no'n sa personality development ng bata. Agon was deprieving Levin's things that a normal kid should experience.

I've cooked for Levin and he was so happy. He  complemented me how good my cooking was. He even boasted it on Agon and his men.

Sabay-sabay kaming kumain sa hapag due to Levin's request for everyone. Bawat subo ng mga tauhan ni Agon ay parang de-susi.

Parang sina Nick at Ardeen lang ang walang pakialam sa mabigat na ereng bumabalot sa hapagkainan, patuloy lang sila sa kakukulit kay Levin at magbabato ng mga jokes.

Wala si Raji, hindi ko makita, kaya walang sumasaway sa dalawa.

Hindi ko rin alam kung saan pumupunta ang kinakain ko dahil hindi ko maramdaman na pumapasok iyon sa tiyan ko dahil hindi ako kumportable sa matalim na tinging binabato ni Agon sa akin.

I remained calmed and unbothered the whole time we were eating our lunch. Hindi nila alam, tumitiklop na ang kalooban ko. All of this guts that I have was a thick sheet of mask I always wear.

But time goes by, nasasanay ako sa presensiya ng mga taong ito. It's been a month already, hindi na ako gaanong natataranta kapag nakakakita ng mga baril unlike the first time I did. Ang hindi ko lang masikmura ay ang pagkitil nila ng buhay na may buhay.

Everyone was done eating at hinugasan na iyon ni Karen. Tuwing nagtatama ang mata naming dalawa ay parang nagpapasalamat ito sa ginawa kong kabutihan para sa kaniya. Ngiti na lang at tango ang sinukli ko sa kaniya.

Hindi ako nakatagal sa dining area dahil hinila ako ni Levin papunta sa kuwarto niya. Palaging may ispisikong tauhang nakabuntot kay Levin saan man siya magpunta. Sa inaasta ng bata ay parang sanay na sanay na ito sa ganito set-up.

Nang makapasok kami sa kuwarto niya ay bumungad ang matingkad na kulay ng asul at puti. May mga laruan nagkalat pero niligpit niya agad ito at nilagay sa lagayan.

I smiled sa nasaksihan. He was a responsible kid. Sa mga maliit niyang kamay ay inayos nito ang comforter at nilingon ako.

"Ate Jeyk! Upo ka rito." He tapped his bed, signaling me to sit there. Natawa pa ako dahil parang matanda ang batang ito.

Wala sabi-sabing tinupad ko ang gusto nito. "Your room was big," I complemented.

Ngumiti ito. "Kuya Agon designed this for me! That painting? He painted it and give it to me!" He pointed a big painting hanging on the wall. It was Levin who was playing with a pomeranian dog.

I was shocked. He have talent on his sleeves, hmm? Hindi halata. Magaling lang naman siya sa isang bagay, ang pagkitil ng mga taong wala siyang pakialam.

"It was beautiful, right?" Maingat akong napatango at pilit na ngumiti trying not to hurt this kid. Gusto ko ang painting pero hindi ko gusto ang nagpinta.

Me and Levin talked about some stuff hanggang sa may maalala akong itanong sa kaniya.

"How old are you, Levin?"

"I'm 9 po, ate."

"Eh, 'yong Kuya Agon mo?" pasimple kong tanong.

"Kuya? Hmmm. . ." Nag-isip ito at parang may nalaala. "He was 29 years old! Why? Are you interested with my Kuya Agon, Ate Jeyk? He's still available po," tuloy-tuloy na anito na ikinatayo niya mula sa kama na tuwang-tuwa.

My eyes widened, hindi inaasahan ang mga katagang lumabas sa bibig ng batang ito. For pete's sake, he was just a 9-year-old boy at naririnig ko ito mula sa kaniya? 'Yong ibang bata nga na kaedaran niya ay hindi alam ang mga ganiyang bagay dahil laro at pagkain lang ang nasa isip.

Kung sa bagay, Levin was surrounded of Agon's men especially his friends. Knowing Nick and Ardeen, they would teach silly things on Levin. I doubt it if they weren't teaching Levin something.

"No way. Hindi ako magkakagusto sa taong iyon! At hindi mangyayaring magiging interisado ako sa kaniya!" Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko sa harap ng bata. Nakayuko ito at walang-buhay na naupo. I bit my lower lip. Gusto kong kaltukan ang sarili sa pagiging insensitive. "L-Levin. . . I-I. . ." Walang lumabas na tamang kataga sa bibig ko.

Great, Jeykcil! Just great!

Silence engulfed the whole room. I wanted to apologized but my tounge won't move. Inuusig ako ng konsensya bigla.

Bakit ba walang preno ang bibig kong to?!

"My mom and dad died just to save me," biglang anito at napasinghot. "They protected me dahil may mga taong gusto kumuha sa akin." Napahikbi na ito. "When they died, I was left with Kuya Agon. He took care of me. He gave all I want. He make money for us. All of it was just for me, that was he always tell me. But I know, he was unhappy. Kuya Nick said that Kuya Agon have no time for love when I asked him. Kasi, Kuya Nick have a girlfriends, e. I always saw them happy together and I want Kuya Agon to be happy like them."

Napalunok ako. Nasapian ba ang batang ito o ano? It was so weird that he talk about this. Siya yata ang unang batang narinig kong magsalita na parang matanda.

Hindi ako makapaniwala sa takbo ng isip nito. It's unbelievable, right? Out of ten kids, one was like this. Kahit saan naman talagang lugar rito sa Pilipinas ay laro lang at mga imaginary friends ang bukambibig ng kaedadran ni Levin. Alam naman nating iba mag-alaga ang mga pinoy kumpara sa ibang bansa.

I stared at Levin. Napapasinghot pa rin ito at ang nakayuko lamang. Nahabag ako sa pinagdaanan ng bata. Sa murang edad nito ay nakasaksi ng kasakiman ng mundo. Hinila ko si Levin to gave him a hug.

"Don't cry na, little boy." I tapped his shoulders at hinagod kalaunan ang likod.  Ilang minuto kaming ganoon sa parehong posisyon nang tumahan ito. Even I felt awkward making jokes ay ginawa ko para lang mapatawa ito and I've succeed.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkakukulitan habang naghahabulan sa kuwarto niya nang huminto ito at humarap sa akin.

"Ate Jeyk, I will tell you a secret!" he energetically said.

"Hmm, may nalalaman ka nang pasekre-sekteto, ha? What was it? Am I beautiful?" biro ko sa kaniya na ikanahagikhik nito.

"You are beautiful po, Ate Jeyk. But this is my secret, don't tell them about this po, ha? This is now our secret."

Napatawa ako at ginulo ang buhok nito. "Oo naman! I will keep it, crossed my heart."

Nilagay nito ang kamay sa gilid ng labi, a gesture of saying a secret. I found it cute but later on, hindi ko inaasahan ang susunod na sasabihin nito.

"My brother is a mafia boss."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top